KABANATA 18

2780 Words
His Angel Its been a month since the school year started. I still couldn't believe that I'm a college student. Hello, sleepless nights and endlessly drinking coffee. Nakapag adjust naman na ako sa bagong environment. I like this better than in senior high school. Mas naha-handle ko 'yung time ko sa studies and dates namin ni Lexus.  He toured me inside and outside the whole campus. I also met his college friends. Though, may awkwardness akong naramdaman especially sa ibang girls. I have a gut feeling na hindi nila ako gusto for Lexus. Well, their opinion doesn't matter since wala naman silang ambag sa relationship namin.  Naging busy rin si Matrix, Harem at kuya Xenon dahil sumali sila sa varsity team ng Ateneo. Luckily, nakuha silang tatlo. No doubt about that. Magaling naman silang tatlo since basketball is their passion. Nawala na rin ang tampo nila sa akin kaya madalas na ulit kaming naguusap. As usual, we're still making fun of the family's sore loser na si Matrix.  "Lutang ka? Tumutulo na 'yung ice cream sa kamay mo oh!" Si jules, my very first friend here in UST. Tamad kong tinignan ang ice cream sa kamay ko.  "Oh s**t!" Bulalas ko at itinapon ang ice cream sa malapit na trash can.  "Ugh! Let me help you," kinuha niya ang kamay ko para punasan ng wet wipes. I have five friends here in UST. Nagkataon lang na si Jules ang palagi kong kasama dahil magkaklase kami sa last subject. He's actually gay.  Hindi nga lang siya 'yung nagsusuot pambabae. Kung titignan mo lang ang kilos niya, you wouldn't notice that he's gay. Pero kapag nagsalita na, alam mo na agad na lalake rin ang hanap niya. Pati ako hindi rin makapaniwala. Siya ang pinaka gwapong baklang nakilala ko, half German kasi kaya lutang ang kaibahan ng itsura sa lahat. Maganda ang katawan at napakalinis tignan. Ilang beses na kami napagkamalang mag boyfriend at tinatawanan lang naming dalawa.  For I know, napakalagkit din niyang tumingin sa boyfriend ko kaya madalas ko siyang nasisiko. I can't blame him though.  "You're giving me a cold shoulder huh? Mag kaibigan tayo, Tori. Wag mong ibuntong sa'kin galit mo kay Lexus," Mabilis kong binawi ang kamay ko at kinurot ang psingi niya.  "Baliw! Hindi kami magkagalit 'no!" Paliwanag ko. "Oh.. Ano? Tampo?" Panunuya niya. Bumuntong hininga lang ako at inirapan siya. He murmured something pero hinayaan ko na lang. Kanina pa kami nakatayo rito sa main bulding kakahintay sa driver ko. Consistent talaga si manong sa pagiging late. Simula noon, hanggang ngayon, late pa rin. Hindi ko na lang sinasabi kay dad at sigurado akong sesesantihin niya 'yon. "Gusto mo pumunta tayong chapel? Ipagdasal natin 'yang boyfriend mo na sunduin ka," Biro nito.  "Whatever, Jules. Sige na uuwi na ako anjan na 'yung driver." Utas ko at naglakad na papalayo sakanya. "Liar! Hindi nga tumunog phone mo eh." Sigaw nito. Itinaas ko lang ang isang kamay at winagayway sa ere.  He's right. Ayaw ko lang na magtalo kami dahil kay Lexus. Lexus become busier since he's a graduating student at tumutulong din siya sa dad niya sa pagpapatakbo ng company nila. Naiintindihan ko naman at hindi naman ako nagtatampo at all. I just miss him so much. Magkasama naman kami kahapon but it's not enough. I don't want to be a clingy girlfriend. I also don't want to demand. You don't need to beg or  please your man to give you the love that you truly deserve.  Kinuha ko 'yung phone sa bag para tawagan yung driver. Palagi na lang siyang 30 minutes late! Minsan umaabot pang isang oras, mahigit. I need to confront him para naman matauhan. Imbis na nagpapahinga na ako sa bahay, andito pa rin ako sa school pakalat-kalat.  I took a deep breathe and sighed. Bago ko pa ma contact 'yung driver ay tumunog na ito. It's an overseas phone call from tita Alice. "Sweetie, anak? Where are you? busy ka ba?"  "Nasa school pa po ako pero pauwi na rin. Bakit po?" "You see, where here in London for a business trip. Uhmm, can you come to Chance's condo? Mataas kasi ang lagnat niya and walang mag aalaga. Wala naman akong maasahan sa dalawa kaya ikaw na lang tinawag ko." "Ganon po ba tita? S-sige po.." "Thank you so much, sweetie! Don't worry marami akong pasalubong na Louis Vuitton bags just for you. I'll end this call na ha. Your tito Amiel is calling me."  I subconsciously bit my nails. Napasubo ata ako sa gusto ni tita. Wala naman sa akin na alagaan si Maximus pero... natatakot akong makasama siya at kaming dalawa lang. He's sick, right? What can a sick person can do? I shook my head. Okay naman na si Maximus and I should too. Kailangan niya ako ngayon. Binilisan ko ang lakad ko at pumara ng taxi.  "Sa Skyhill po kuya," Tumango ang taxi driver at mabilis na pinatakbo ang kotse. Ilang minuto lang ang tinagal dahil hindi pa naman rush hour. Right! Wala pang rush hour pero wala pa ring paramdam 'yung driver ko na malamang ay wala pa sa school ko hanggang ngayon.  I informed dad na pumunta ako sa condo ni Maximus. Hindi naman siguro ako magtatagal dito. Pagkabayad ko sa driver ay mabilis akong bumaba. Tiningala ko pa ang buong building sa harap ko.  Bumili muna akong frozen foods, yogurts and medicines sa alfa mart sa labas lang ng condo. Dirediretso ako papunta sa room ni Maximus, tanda ko pa naman iyon. Sa pinakataas. 20th floor. It's my first time to actually come here and I'm nervous as hell. Nervous for nothing! f**k! Kumatok muna ako bago pumasok. My eyes widened when I saw Maximus's condo. It looks like a freaking mess! Paano niya natitiis tumira rito?! Isa-isa kong pinulot 'yung mga nakakalat na damit sa sahig at ipinatong sa couch. Inilapag ko muna doon ang backpack na suot ko. Nakahinga akong maluwag nang makapasok ako sa kitchen. Ito lang 'yung malinis at walang kalat. Napangiwi na lang ako nang makita ang ref na walang kahit anong laman. As in wala! Tinignan ko rin ang freezer pero wala ring kahit ano. Isa-isa kong binuksan ang drawer sa itaas ng sink. Puro cup noodles ang nandito! Balak ba niyang magpakalunod sa cup noodles? Iba't ibang flavors lang ng cup noodles ang nandito. Ayun lang ba ang alam niyang lutuin? I'm sure palaging take out or delivery foods ang kinakain niya. Nakaramdam ako ng inis. Wala naman siyang makukuhang sustansya sa mga 'yon! Sakit ang makukuha niya kapag palaging ganon ang kinakain niya. Mabilis na nidial ko ang restaurant na malapit sa condo at umorder ng soup at kahit anong dish na may gulay sa menu nila. Ipinasok ko sa ref 'yung bitbit kong pagkain at nagtungo na sa kung nasaan si Maximus.  Sinamaan ko lang ng tingin lahat ng kalat sa condo niya. Mamaya ko na lang aayusin lahat ng 'to. Kalat na damit, magazines, at mga display na hindi naka organize. Ano bang nagyayari sakanya at naging disaster ang bahay na 'to?! Kinalabog ko ang nagiisang pintong nakasara. Kanina ko pa sinisigaw ang pangalan niya, wala pa rin talagang sumasagot. Pinikit ko ang mata ko at minasahe muna ang batok ko para kumalma. Kalma, Tori! May sakit ang tao kaya wag mong awayin! Kinatok ko nang mahina at tinawag ang pangalan niya ng mas mahinahon pero wala pa rin.  Bago pa ako sumabog ay pinilit kong buksan ang pinto. Napahinto ako sa paghinga nang makita si Maximus na walang malay sa sahig at walang saplot pang itaas. Lumapit ako sakanya at buong pwersang iniangat papuntang kama. Gumapang ang kaba ko mula sa puso hanggang sa buo kong katawan. "Gising, please! Gising!" Nagpapanic na talaga ako at lumuluha sa kaba. Tinatapik ko ang mukha niya para magising.  Para akong nabunutan ng tinik nang idilat niya ang mata. Lumakas ang pagiyak ko at mahigpit siyang niyakap sa may leeg habang niyuyugyog. "You scared me, Max! Akala ko may nangyari nang masama sa'yo!"  "You're k-killing me, Tori.. L-let go.." I let go when I realized that he's choking. Umayos akong upo sa tabi niya at yumuko.  Minamasahe niya 'yung leeg niya, umuubo. Napalunok ako sa sobrang guilty. "Why are you here, Tori?" Buong buo ang boses niya at pawang galit. Mabilis na inangat ko ang tingin at gulat siyang tinignan. What?!  "I'm here to take care of you!" Pagalit kong sinabi. I crossed my arms and rolled my eyes on him.  He laughed in a sarcastic way. Lalong sumama ang tingin ko sakanya at ganon na rin ang loob. I'm here with a clean purpose and this is what I'll get? Wow! Just wow, Maximus! "I don't need your help. Get out of here, Tori. Kung si mama ang nagpapaunta sa'yo rito, sasabihin ko na lang na inalagaan mo ako para hindi ka na niya kulitin." Aniya at tinignan lang ako. Walang kabuhay buhay ang tingin at salita niya. He's acting strange.  Nagtiim ang bagang ko, trying hold back my anger. Hindi ko man siya hawakan, I can feel his body heat sa kinauupuan ko. May lagnat talaga siya.  He slide his body down para makahigang maayos. Inilagay niya ang isang kamay sa likod ng ulo at sinandalan.  "What? Bingi ka?" Seryosong aniya. I was about to cry at this very moment but.. I won't! His words are like sharp knife. I know what's this all about. Pinapalayas niya ako sa paraang ginawa kong pagpapalas sakanya noon.  "You're sick, Maximus. You need someone to take care of you," Matigas na sabi ko. "Maximus? Now you're calling me Maximus instead of kuya. Yes, I guess I do need someone to take care of me but clearly, that's not you. I don't need you anymore, Tori. What's this for!? You tell me and don't you dare lie to my face!" Habang tumatagal ay tumataas ang timbre ng boses niyang nanunuya.  "Pwede ka naman humindi kay mom pero andito ka. To take care of me? Bullshit! Kay Lexus ka dapat diba? Then why the f**k are you here? Is it because you got bored of that stupid boyfriend of yours? You shattered me into million pieces and I'm trying to be whole again!" Sambit niya, habang umiiling at dismayado sa akin. Lumandas ang mainit na luha sa mata ko. Pinawi ko iyon pero patuloy lang ang pag agos ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. His words are killing me. I did the same thing to him. Who am I to complain? I'm guilty as hell. I broke him. I hurt him.  My reasons are firm and I stand for it. I took a deep breath before speaking what's on my mind.  "A-are you trying to.. manipulate my feelings? Damn! I didn't know you were this good." My voice cracked. Binalik ko ang mga titig niya sa akin. Nakita ko kung paano nagbago ang expression sa mukha niya.  I remember this look on his face. The look of a broken man.  Padabog akong bumaba sa kama niya. I can't bear with him anymore. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya but he's being irrational because he's hurt. At ako ang nakasakit sakanya. But does he really need to say those things? I was just trying to help.  Fuck this! I'm also hurting. It's not like his drunk. Hindi dahil sa may sakit siya kaya siya umaarte ng ganito. He hates me. I am very sure of that. Bago ko pa makuha 'yung bag na nakalapag sa couch ay marahas akong ihinarap ni Maximus sakanya. Nakaramdam ako nang kaonting sakit sa pagbaon ng daliri niya sa balikat ko. Hinawi ko ang balikat ko at napaatras. Humahangos at matalim ang tingin ko sakanya. Sa liwanag ng condo, kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya at mga takas na luha. He's damn guilty that he tried to manipulate my feelings and to turn it against me. No.. no.. I'm not weak. "I-I'm not. Bakit ko naman gagawin 'yon? Gusto ko lang sabihin sa'yo 'yon para.." Natigilan siya sa pagsasalita. Sa pinakita niyang expression, nadagdagan ang pag aalab ng galit sa puso ko.  "Para mawala ako." Pag deklara ko na agad niyang inilingan.  "Eto na nga oh! Aalis na ako. Im giving you a huge favor kaya bumalik ka na lang sa kwarto mo." "No.. Don't leave me. I-I need you.." He almost choked on his own words. For swallowing his pride, I guess? I gritted my teeth. Nakatingin lang ako sakanya.  "A change of heart because your stunt didn't work? You're better than this." I said in a sarcastic tone. He cut the distance between us and hugged me so tight. His warmth instantly makes me lose my mind. Nilalagnat talaga siya. Isinantabi ko muna ang galit na naramdaman. Bahagya kong tinulak palayo ang sarili sakanya. Parehas kaming hindi nagsalita. Hindi siya kumikibo at hindi rin makatingin sa mata ko. I clasped my hand on his wrist. Nauna akong maglakad pabalik sa kwarto niya.  "Mahiga ka na. Kukuha lang akong bimpo," Banayad na utos ko. Sinunod naman agad niya 'yung sinabi ko.  Kumuha akong malinis na puting t-shirt at hinagis sakanya. Tumungo ako sa banyo at kumuhang bimpo sa drawer sa ilalim ng sink at binasa 'yon ng cold water. Inalala ko lang kung paano ako alagaan ni mommy kapag may sakit ako at ganon din ang ginawa ko kay Maximus.  Ipihid ko ang bimpo sa braso at katawan niya. Isinuot niya 'yung shirt at bumalik sa pagkakahiga. Nang maisip ko 'yung inorder kong pagkain ay saktong may kumatok sa pintuan. That must be the delivery guy.  Kinuha ko 'yung wallet sa bag saka binuksan ang pinto. Inilapag ko lahat ng pagkaing inorder ko sa kitchen. Mali ata ang desisyon kong umorder ng mga ganitong pagkain. I didn't expect na ganito karami ang may gulay sa menus nila. Kumuha ako ng iilang pagkain na dadalhin ko sa kwarto. Inilagay ko iyon sa tray at inayos lahat ng iba pang kailangan. Inilapag ko na rin doon ang fever pad, gamot at yogurt na dinala ko. Dahan dahan pa akong naglakad dahil masyadong mabigat ang bitbit ko. Ipinatong ko 'yung tray sa side table at umupo sa tabi ni Maximus. Nanginginig ang buo niyang katawan. Pinaupo ko siya ng maayos na agad din naman sinunod. Sobrang helpless niya tignan. Hindi na ako nakakapagtaka kung bakit nakahandusay siya kanina sa sahig at walang malay.  "Kumain ka para bumalik 'yang lakas mo at makainom kang gamot," Wika ko at itinutok sa bibig niya 'yung kutsarang may lamang gulay. Umiling lang siya at inilayo ang kutsara pabalik sa akin.  Nung una ay ayaw niya pero dahil sa pamumwersa ko ay wala rin siyang nagawa. Wala siyang gana kaya naka limang subo lang siya ng pagkain. 'Yung yogurt lang ang nakain niya na hindi ko na kinailangang gumamit ng dahas. Pagkatapos kumain at pinainom ko na siyang gamot. Idinikit ko na rin 'yung fever pad sa noo niya.  Until now, tahimik lang siya at hinahayaan ang kilos at galaw ko. Not even a glance! I'm fine with that. Tumingin ako sa relos ko, it's 8 PM. Pawala na ang traffic kaya mabilis akong makakuwi nito.  "Siguro naman okay ka na ano? Uuwi na ako—" "Stay here." He cut me off. "W-what for? It seems that you're okay na. Mamaya mababa na lagnat mo" "I'm not okay. Hindi pa ako magaling. Dito ka na muna magpalipas ng gabi,"  I want to complain and walk away, but I can't. Something's pulling me closer to him. A family knot? Hindi ko maipaliwanag.  "May mga damit at pants pa ako jan. You can wear them para komportable ka," Suggestion niya na agad kong tinunguan.  Nilapitan ko ang drawer kanina at kumuhang pamalit. Tamad akong kumilos at pumuntang banyo para magpalit. Maayos kong tiniklop 'yung uniform ko at isinuksok sa loob ng backpack. Nahimasmasan na siguro si Maximus kaya hindi na ako pinapansin. Mas mabuti pa nga kung ganon. Nanatili lang ako sa living room at tinatanaw ang liwanag ng mga city lights. Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Maximus sa pangalan ko kaya agad ko siyang dinaluhan.  "May kailangan ka?" Agap ko. Kumunot ang noo ko sa pag iling niya. So anong meron? Sinenyasan niya akong lumapit sakanya. Nakakunot pa rin ang noo ko at naguguluhan sa kung anong gusto niya. Walang ka emo-emosyon ang mga tingin niyang ibinabato sa akin.  I tried not to think of anything else. Tunog lang ng kama ang nangibabaw sa buong silid. Tahimik lang kaming parehas. Hinihintay ko kung ano ang kailangan niya.  He looked away. Napairap na lang ako sa kawalan. "Do you really love.. Lexus?" Pambasag niya sa katahimikan. Ramdam ko ang pagkailang niya sa pagbanggit ng pangalan ni Lexus.  Naningkit ang mata kong tinignan siya. Hinintay kong mapatingin siya sa banda ko bago siya sagutin. "Oo naman." Sagot ko, "Ano bang meron sakanya na wala ako?" His voice echoed in the whole room. Mariin kong ipinikit ang mata ko. Maayos niya akong tinanong kaya maayos ko rin siyang sasagutin. Okay naman na siya diba? He's calm and compose kaya... would I hurt him if I answer his question with all honesty? I'd be damned if I hurt him once again.  I really am not qualified to be called his 'angel.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD