KABANATA 17

3058 Words
Ring "Ayos lang talaga kay tito?!" Si Matrix, gulat sa ibinalita ko patungkol sa amin ni Lexus. As I expected, siya ang pinaka mabilis mag react pero mabagal ang pag proseso ng utak. Nakasakay kaming siyam sa van patungong Shangri-La plaza mall. Ako mismo ang nagaya sa kanila na samahan akong mamili ng mga gamit sa school at kung ano ano pa. I needed a chaperone and they are perfect for that role. Si kuya Maxell ang nagmamaneho at naka pwesto rin ako sa harap. My exact plan was to tell it to them when we arrive to the mall. Nagbago lang ang isip ko nung ibinulong sa akin ni kuya Haru kanina bago kami umalis na alam na raw niya. He cleared Lexus name, na kay dad niya ito nalaman. "Don't mention the obvious. Family friend ang mga Bustamante kaya walang problema si tito." Pormal na sambit ni kuya Zion. Sinilip ko sila sa rearview. Nawindang ata si Matrix dahil siya ang pinaka apektado sa lahat. My eyes widened when Maximus catches my glimpse. Nakasuot siya ng airpods. I'm sure he heard our conversation. Walang buhay at tamad ang bawat kilos niya. Maybe... he realized that his love for me was... temporary. Na wala naman pala talagang siyang nararamdaman sa akin. Mabuti kung ganon, hindi na ako mahihirapan pa kakaisip sa ginawa kong p*******t sakanya. Dinungaw ko na lang ang mga building na nadadaanan namin para libangin ang sarili. "Ako meron! We all know na playboy 'yung gago na 'yon!" Si Harem. Nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo sa sinabi niya. "Shut it, Rem. Boyfriend ni Tori 'yon, respeto naman." Kalmadong saway ni kuya Maxell, he smiled and squeezed my hands to calm me down. "Don't listen to these, jerks." Bulong niya. "You went to his house, diba? May ginawa ba siyang masama sa'yo? Baka may ginawa kayong ikasasama ng loob ko?" Tanong ni kuya Shaun, sumandal siya sa likod ng upuan ko at dinudungaw ang reaction ko. Ipinilig ko ang mukha ko dahil sa pag pula noon. I'm not innocent. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Napatahimik ang lahat at hinintay ang isasagot ko. Para akong malalagutan ng hininga sa pagsikip ng dibdib ko at sa tinging ipinupukol nila. Hindi ko man kita, paniguradong delikado ang mga iyon. "Hindi ganong babae ni Tori, Shaun." Madiing sabi ni Maximus. Bumalik sa pagkakaupo si kuya Shaun at ganon din ako. For the last time, I checked Maximus face na nakatingin pa rin sa akin. "O ba't defensive ka? Selos ka lang eh." Malakas na tumawa si kuya Haru. Umikot ang leeg ko sa sinabi niya. Siraulo ba talaga siya?! Napahilamos ako ng palad sa frustration. Aatakihin ako sa kanya eh! "f**k you," Tamad na sagot ni Maximus na lalong ikinatawa ni kuya Haru. Gusto niya ba talagang inisin si Maximus? Tinikom ko na lang ang bibig ko. Patingin tingin naman si kuya Maxell sa rearview na nagaabang ata kung magaaway ang dalawa. "Selos? Si Maximus? Are you high kuya? Selos saan?" Inosenteng tanong ni Harem sa kuya niya. Walang sumagot sa tanong niya. Nakita kong kinalabit pa ni Harem si kuya Xenon sa tabi niya para alamin ang sagot sa tanong pero nag kibitbalikat lang ito na lalong ikinainis. "Maswerte lang 'yang gago na 'yan at sinagot mo agad bago ko pa binasag ang mukha!"  "Harem! Nakakainis ka na ha! Lexus is my boyfriend now and if you can't accept that, wag ka na lang mag salita ng mga bagay na hindi naman dapat." Sinabihan ko na talaga siya dahil sumobra na mga sinasabi niya. If he can't respect my boyfriend then ako ang makakalaban niya. May iilang tingin si kuya Maxell sa akin at pinisil ulit ang kamay ko.  "I'm okay," Bulong ko sa hangin na naintindihan naman ni kuya Maxell. Marahas ang bawat paghinga ni Harem. Inalis ko na lang sa isip ko ang sinabi niya. Kalma, Tori. Cousin day today kaya maging mabait ka. Kahit na hindi sila mabait? Basta calm yourself down, Riri! Paulit ulit kong pinatakbo sa isipan ko ang mga salitang 'yon. There are far more important things than this petty argument. I informed Lexus about my plan. Gusto niya sana na kasama siya kapag sinabi ko sa mga pinsan ko. Wala naman akong nakikitang masama sa suggestion niya kaso kilala ko ang pinsan ko. Lalo na si Harem at Matrix. Sila ang pinaka bayolente dahil sila naman talaga ang pinaka nakasama ko.  Andito ako sa alley ng notebooks sa NBS.  'True love waits.' 'Too much love can kill you" Naaliw naman ako sa mga notebooks na puro quotes ang nakalagay. Sineryoso ko talaga ang pamimili sa mga 'yon. I let out a long and heavy sigh. "Masaya ka dapat diba? Kayo na nung Bustamante. E ba't naka busangot ka?" It's Maximus. Magkatalikuran kami at may kung anong hinahanap din. "I am happy. Hindi ako nakabusangot 'no. It's my resting b***h face, kuya Maximus." Sagot ko nang hindi siya nililingon. He walked out on me after that. Nainis? Siguro nga. I called him kuya again. Tama! Dapat ay sanayin ko ulit ang sarili ko para mawala na ang ilang ko sakanya. My body stiffened when he's around. Para bang may gagawin siya sa akin.  "Kanina ka pa jan, Ri. Doon naman tayo!" Si kuya Zion, hatak niya 'yung de-gulong na basket. Sinilip ko kung ano na ang laman. Kumunot ang noo ko sa maraming coloring book na nakalagay roon.  Aanhin ko naman ang coloring books na frozen?  I looked at him, confused and irritated. Ginulo lang niya ang buhok ko at hinatak sa kung saan ang iba kong pinsan. Kapag talaga kami magkakasama lumalabas ang tunay nilang ugali. Childish. Nag espadahan ng cartolina si kuya Shaun at Haru. Umirap na lang ako sa hangin at tinapos ang pamimili ng mga gamit. Si kuya Zion ang nagbayad ng mga pinamili namin. Ako lang talaga dapat pero may mga kinuha rin sila. Sinamantala din talaga nila ang kabaitan ngayon ni kuya Zion.  "Sure ka talaga sa coloring book? Para kanino naman 'yan?" Tanong ko. "For.. you. Ano bang gagawin ko jan," Aniya habang inabot ang card sa cashier na titig na titig sakanya.  "What?! Kuya college na ako hindi kinder. Saan ko namang gagamitin 'yan?" "Bahala ka. Gawin mong paper planes." He said in a serious tone. Natameme lang ako. Siya ang pinaka mantanda sa aming lahat kaso mas malala pala saltik nito sa utak kumpara kay Matrix. Sumunod ang bawat yapak ko sa kanilang lahat. Dumaan muna kaming department store para mamili ng sapatos at damit ko. Si kuya Maxell ang katulong ko sa pag pili ng black shoes. Ang ending ay wala rin akong nagustuhan sa lahat ng naroon. Bumili na lang ako ng sneakers, slip ons, loafers at heels. Mga walong pair ng shoes ang nabili ko at limang bag na iba iba ang design. Si kuya Zion pa rin ang nag bayad. Ako lang naman ang palagi niyang nililibre. Sinanay niya ako sa lahat ng bagay. Palagi niyang pinapaalala na kung ano ang gusto ko, dapat ay makuha ko. Para sakanya kasi, lahat ng bagay ay may presyo. I don't agree with him. Hindi ko na lang sinasabi kung minsan dahil nakikipag talo talaga siya. He knows but he refuses to acknowledge that idea. Nag tungo na kami sa itaas ng department store kung saan 'yung damit. I suggested na sa guess, mango or cotton on na lang kaso kakaonti lang naman daw ang choices. Mas prefer ko nga roon dahil kakaonti. Ang ayaw ko lang sa department store ay sa sobrang dami ng choices, nakakatamad nang mamili. I'm a shoe person. Kahit na ba paulit ulit ang damit ko ay ayos lang. Inaabot pa akong isang oras sa pagpili ng sapatos na kung tutuusin ay halos parehas ang itsura. Ganon ako ka-vain sa sapatos. Kanina ko pa napapansin ang mga panakaw na tingin ng mga kababaihan dito sa mall. Normal naman na 'to sa akin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Bulag na lang ata ang hindi makakapansin sa kagwapuhan nila. Sanay na rin naman ang mga 'to sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanila. It was never a good thing pero mga babae mismo ang nagtatapon ng sarili nila sa kanila. I witnessed everything. Ako na lang ang nahihiya para sa mga kawawang mga babae na 'yon. Basta kuha na lang ako ng mga damit. Kapag cute, inilalagay ko agad sa cart. "Seven." Buong buo ang boses niya sa pagtawag niya ng pangalan ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon. May bitbit siyang autumn color na ruffle mini dress. "Try this." Aniya at inabot ang dress. Tinignan ko lang iyon. He clenched his fist and grabbed my wrist. Naiwan ko 'yung cart sa kaninang kinatatayuan ko. Hatak ang kamay ko na binawi ko rin sakanya. "Ano ba kasi kuya? Naiwan ko tuloy 'yung cart!" Angil ko. Nakatingin lang 'yung sales lady sa aming dalawa dito sa fitting room. Kay Maximus lang pala. "Maximus. Just try this dress for me.." Nag iwas siya ng tingin nang iabot ang dress. He said his name to remind me na ayun ang itawag ko sakanya. Ibinuka ko 'yung dress para tignang maigi. It's a cute summer dress. Napasingamot akong tumingin sakanya. "Para kang si kuya Zion. Kung ano ano mga nakikita." Utas ko Inirapan ko muna siya bago pumasok sa vacant cubicle. Malawak ang ngisi ko nang makita ang damit na suot ko. Mas lalong lumutang ang kutis ko dahil sa kulay. Above the knee strap ruffled dress na may de-taling ribbon sa chest at waist. "Are you done? Can you come out para makita ko?" Si Maximus habang kumakatok sa pintuan. "O-okay! Saglit lang," Paglabas ko ay nakasandal si Maximus sa may salamin sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakangiti lang siya at pinagmammasdan ako. I sighed. "I'll buy this. Maganda diba?" He left instead of answering my question. Bahagya akong nairita. Pasunod na sana ako sakanya pero nakabalik din agad siya at kasama na yung sales lady kanina. Itinuro ni Maximus 'yung suot ko at tinignan naman iyon ng babae at tumango sakanya bago umalis. "Pinakuha ko lang ng ibang design ng damit na 'yan." Paliwanag niya. Nagkibit balikat lang ako. Pag pasok ko sa cubicle ay pinigilan niya ang pintuan na sumara gamit ang kamay. "D-dito muna ako habang hinihintay. Bitaw na," Inalis ko ang kamay niyang nakakapit sa pintuan at mabilisang nag bihis. Hindi ko na hinintay pa 'yung damit na pinakuha niya. Nakaramdam ako ng kaonting pagkailang lalo nang magtama ang mata namin. Lumabas na akong bitbit 'yung damit. Nilagpasan ko siya at mas binilisan pa ang lakad. "Ma'am eto na po 'yung damit." Nilagpasan ko lang din 'yung babae. Nakasunod si Maximus sa akin. Bago pa niya ako subukang hawakan para iharap sakanya ay inunahan ko na siya. "Nag bago na ang isip ko. Ayaw ko na pala nitong dress. Ikaw na lang magbalik sa babae." Inabot ko ang dress sakanya at bumalik na sa kung saan ko iniwan 'yung cart. Si kuya Xenon lang ang nakita kong nakatayo roon at mukhang mainit ang ulo. "Saan ka galing?! Alam mo ba na may kumuha ng shopping bags mo tapos sinabi niyang kanya raw?! Be mindful naman, Tori." Singhal nito nang makita akong papalapit. "Sorry nakalimutan ko kasi. Nag sukat lang naman ako," "What a lame excuse. Halika na nga!" "Saan?" "Restaurant. May inaayos lang si kuya Zion sa security office ng mall." Sumunod na lang ako sakanya. Hindi na ako umimik dahil mainit ang ulo niya. Sino ba naman kasing matinong tao ang magiiwan sa cart niya na puno ng pinamili para mag sukat? Huminga akong malalim. Kung hindi lang naman ako pinilit hatakin ni Maximus para isukat 'yung damit edi sana hindi na nangyari 'yon. Asan nga ba si Maximus? Wala akong nakitang kahit anino man lang niya. Umiiwas ba siya o ano? May oras na mamamansin tapos mamaya dedma na. I hate that! Napapaisip ako lalo. Pagdating namin sa restaurant na sinabi ni kuya Xenon ay mas nauna pa si Maximus. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako para mapagalitan ako. Maybe this was staged. Gusto niya lang talaga 'yon! Is he starting to bully me again? Hindi mabali ang tingin ko sakanya. Naiirita ako sa ginawa niya. Iniirapan ko siya tuwing mapapatingin siya sa gawi ko. Sinasagot ko ang bawat tanong ng pinsan ko habang patuloy sa pagtitig kay Maximus. I found myself smiling when I realized that Maximus came back to his old self. Para rin naman sa ikakabuti niya ang lahat ng ginawa ko. And now, we can continue being cousins forever without any feelings of awkwardness. May biglaan emergency meeting si kuya Zion sa office kaya maaga nila akong hinatid. Balak pa sana namin manuod ng movie at arcade. Gustuhin ko mang maging malungkot ay inintindi ko na lang. Tumatanda na kami at nag iiba na ang priorities, lalo na sila kuya Zion, Shaun, Maxell at Maximus na sobrang busy sa company nila. I'm stuck with these three as always. Si kuya Haru lang talaga ang pinaka carefree sa aming lahat. Nauna nang pumasok si yaya na bitbit ang lahat ng pinamili ko. Nakabusangot pa rin ako dahil hindi natuloy ang plano. Pagod pero masaya naman dahil naliwanagan ako tungkol sa aming dalawa ni Maximus. He's okay kaya okay na rin ako. Papasok pa lang sana ako nang mapansin ang rose petals sa lupa. What's all these? Nag silbing carpet ang mga ito at sa paligid ay may candles. Sinundan ng paa ko ang direksyon para malaman kung hanggang saan ang dulo. I have a good feeling about this kaya I'm taking my sweet precious time walking. Naglaro ang ilang scenario sa isip ko. I crossed my fingers nang matanaw ko na ang dulo. Nakatayo ako sa b****a ng garden at nakatitig sa maginoong si Lexus na nakatayo sa di kalayuan. Malawak ang ngiti ko. Bitbit ni Lexus ang boquet ng white rose habang papalapit sa akin. "For you, my love," He said in a sweet tone. Tinampal ko ang balikat niya at patalong yumakap sakanya. "I miss you," Bulong ko. I closed my eyes and thanked God. This is better than what I imagined kanina. This is better than any fictional story. I'd always chose this real life story especially now that Lexus is here. "I miss you, too," Sambit niya at dinampian ako ng halik sa ulo. Hindi pa rin ako kumalas sa yakap. I see him everyday. I talked to him everyday. Pero hindi ako nagsasawa. My heart aches when he's about to leave. Sabi ni Cia ay ganon naman daw palagi sa una, masaya kasi bago pa pero magulo na kapag nagkasakitan na. Nakaramdam ako ng kaonting takot na baka mangyari 'yon. Siguro nga ganon sa iba but I won't allow that to happen to us. Our love story may not be as wild and brave like the others. Ours is pure and simple. Pero hindi naman nababase sa kung saan at paano kayo nagsimula para masabing matatag ang relasyon niyo. If you trust the person that you love, hindi ito basta basta matitibag ng kung sino man. "Hanggang anong oras niyo balak mag yakapan?" Si dad. Pumormal akong tayo at humarap. Nakasandal at nakangiti lang siya sa may sliding door. "Hi dad!" Bati ko, nakaramdam akong pagkahiya. "Sige na. Baka nakakaabala pa ako sa date niyo" Umiling sabay pasok sa loob. Napangiti lang ako. "Kanina ka pa?" Baling ko kay Lexus. He wringkled his nose "Nung umalis ka kasama ng pinsan mo." Sagot niya. So... 5 hours?! Iginaya niya ako papunta sa table. Mula pool at dito sa garden ay napaliligiran ng fairy lights at lantern. May mga nakalutang na heart shaped balloons sa buong lugar. Pakiramdam ko tuloy valentines. Tuluyan na atang mamarka ang laugh lines sa gilid ng labi ko dahil sa ngiting naka permanente tuwing kasama ko si Lexus. Ipinatong ni Lexus 'yung flower sa katabing upuan niya. He pulled my chair and helped me. "Thanks, love." Sambit ko pagkahalik niya sa pisngi ko. Umayos siya ng upo at tumingin sa akin. Sa mata ko. "Thanks for making me feel special everyday, Lexus. Palagi ka na lang may surprise para sa akin kahit na wala namang reason para gawin 'to" My eyes feels heavy. Parang maiiyak ako sa saya. He took a deep breath and hold my hands tenderly. I'm staring deep into his expressive hazel brown eyes. "I love making you feel special because that's what you are. I never imagined myself doing all these things but look at me now. Baliw sa'yo. Isa pa, maraming reason para gawin 'to. Bukod sa mahal kita is... mahal na mahal talaga kita." "Corny!" I giggled. "I love you too."  Bahagyang gumalaw ang isang kamay niya at may kinuha sa bulsa. Kumunot ang noo ko sa pag ngiti niya.  Hindi ko pa rin makita kung ano ang kinuha niya dahil tumayo siya at lumapit sa akin. Nakasunod lang ang mata ko sa galaw niya. I'm getting more curious sa kung ano man 'yon. My brows almost touched each other when Lexus knelt to the ground. I bit my lower lip. Humarap ako sakanya at hinaplos ang gilid ng mukha niya. "What is it, l-love?" May nginig sa boses ko.  I cleared my throat. Dahan dahan niyang iniangat ang kamay niya kung nasaan 'yung bagay na kinuha niya sa bulsa.  It's a black velvet box. Kumunot ang noo ko. "Love?" Takang sabi ko. Binuksan niya iyon at tumambad ang silver ring na may maliit na bato sa gitna. It's opal. It's so simple yet so beautiful. "It's a promise ring, my love." Aniya habang tinatanggal ang ring sa box. "I promise that I will always be there for you, to love and protect you. At kahit na anong mangyari, hinding hindi kita iiwan. This ring will be the symbol of my love for you. I love you more than anything in this world. My heart will always and forever be yours, my Tori Seven. I truly believed that I only exist because of you. You're my purpose in life." Nakikinig lang ako sa bawat salita niya habang isinusuot 'yung singsing sa daliri ko.  Humihikbi ako at pinupunasan ang mga takas na luha. Hindi ko akalain na pwedeng sabay mong maramdaman ang sakit at saya sa pagmamahal.  Masaya dahil mahal ka ng mahal mo. Masakit dahil sa apaw apaw na pagmamahal. Parang musika sa tenga ko ang lahat ng mga sinabi niya.  I also feel the same. Hindi ako makapagsalita dahil sa panunuyo ng lalamunan ko dahil sa pag iyak.  Pagkasuot niya ng singsing sa akin ay itinayo niya ako kasabay niya. Nakahawak ang isa niyang kamay sa pisngi ko at marahang hinahaplos. Ang isang kamay naman ay nakahawak sa kamay ko at ipinatong sa dibdib niya.  "Can you feel my heart beat, love? Ikaw lang ang dahilan nito." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilapit sa labi niya. "Someday, hindi na 'to promise ring. It'll be our wedding ring." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD