Boyfriend
Buhay ang dugo ko sa bawat apak ko papasok ng bahay nila Lexus. Hindi naman sa iniisipan ko siya ng masama, kaba ang nararamdaman ko hindi takot. Puno ng edges ang bawat sulok ng bahay lalo na sa labas. Itsura pa lang alam mo na lalaki ang nakatira.
"Ikaw lang talaga? Where's tita Abbie and your.. dad?" I looked at him, bothered.
"Sa bahay nila. I live on my own and this is my house, Ri." Kinunutan ko siya ng noo. Iginiya niya ako sa living room at pinaupo sa black couch.
Saglit siyang umalis at pumunta sa second floor. Mga tatlong minuto lang ang itinagal niya at bumalik din sa tabi ko. Tahimik lang akong nakikiramdam sakanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw at hinangaan ang kagwapuhan niya.
I can watch him all day and will never get bored. What a sight to see. Napangiti ako. Imagine eating breakfast with him, oing to church with him, shopping and buying groceries with him, talking every night and waking up next to him.
"Why are you smiling like that? May kung ano bang pumasok sa isip mo?" Aniya at tumabi sa gilid ko.
"W-wala." Giit ko.
Ihinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Nag tagal din ang eksena namin na ganon at masaya ako. Hawak niya ang kamay kong itinayo ako.
"Let's go sa kitchen. Magluluto ako. Any request?" Tanong niya.
"Anything. Basta luto mo."
"As you wish, love." Aniya at nagtungo na kami sa kitchen.
Literal na kumikinang ang marmol sa kusina nila sa sobrang kalinis. Pansin ko rin iyon sa buong bahay. Walang sulok sa bahay niya ang makikitaan mo ng bahid ng alikabok. Pulido at makinang ang lahat. Umupo ako sa island counter at pinanuod ang paghihiwa niya ng ingredients sa kung ano mang lulutuin niya.
"Bakit ikaw lang magisa? Paano kung may sakit ka? Sa laki ng bahay mo... 'di ka nalulungkot? Wala bang multo rito?" Huminto siya sa paghihiwa ng onions at binalingan ako.
"I live with my mom and a few maids. Kaso nung nawala si mom, mas pinili ko na lang manirahan mag isa. I only sleep when I have a fever. Good thing you're finally here, I have you to take care of me. Most importantly, I don't believe in ghost." Kumindat siya at itinuloy ang paghihiwa.
Tumulong ako sa paghuhugas ng mga beefs and I cut it into small cubes.
"Am I doing it right, Lexus?" Tanong ko. Nakatayo siya sa gilid ko at binabantayan ang paghihiwa ko.
"Yes.. Almost, love. You did a great job for a newbie" I bit my lower lip when he called me 'love'. I need to compose myself baka himatayin ako sa kilig bigla.
"Hmm, what are we cooking ba?" My brows almost touched when he sautéed the garlic and chili pepper together. Nakapamaywang lang ako sa kanya.
"It's my own version of beef salpicao." Sumulyap saglit at binalik ang tingin sa pan. Inabot ko 'yung butter at beef sakanya. "Thanks, love." Umiwas akong tingin.
"I love salpicao! Ganyan pala lutuin 'yan. Teach me how to cook next time para matuwa naman si dad sa akin"
"Sure, my love." Anas niya na mabilis lumapit at biglaan akong hinalikan sa noo. Sa isang iglap ay napatanga lang ako roon. Napakurap ako ng ilang beses sabay dapo ng kamay ko sa noo at hinaplos iyong maigi. Hinalikan niya ba talaga ako?
Dalawang beses pa napatingin si Lexus sa ginawa ko, ibinaba ang hawak na wooden spatula at humarap sa akin. Tumingin ako sa mukha niya dahil sa ginawang paghinto sa pagluluto.
"W-what?" Tanong ko, walang siyang isinagot sa akin. Sa halip ay hinalikan niya ulit ako sa noo. Hawak ang pisngi ko at ilang inch lang ang agwat naming dalawa. Matagal at puno ng pagmamahal ang halik na iyon.
The electrifying sensation ignites from the back of my neck down to my spine. Nang maalis niya ang labi sa noo ko ay dinagdagan niya ang space sa aming dalawa at ipinantay ang sarili sa akin. He pinched my cheeks at napa aray ako kaonti. He chuckled.
"It's real, okay? This is real. I kissed you on the forehead." Nag init ang pisngi ko. Sobrang visible ba sa mukha ko na nagda-daydream ako or what? Maybe I couldn't hide my feelings anymore. Worst, I'm not even trying to hide it.
Hindi ako nagsalita. He'll easily figure me out anyway.
"I love you," He kissed me on the lips as he whispered those words. Napapikit ako. It was a short kiss. Tinampal ko ang dibdib niya nang maalala ko na nagluluto pala siya.
Natawa rin siya dahil miski siya ay nalimutan din na may nakasalang sa pan. Wala sa sariling umupo ulit ako. Naka pout ako. I'm a little bit mad. Nabitin ako. I want his kisses on my lips. I want to kiss him again. That damn luscious lips are delectable! I craved for more. At hindi ako magsasawa.
Pinigilan ako ni Lexus nung sinabi kong tutulong akong ihain 'yung niluto niya. Maayos niya 'yong prinepare sa harap ko. Amoy pa lang takam na takam na talaga ako. Ano pa bang hindi kayang gawin ni Lexus? He can sing, play piano, dance, cook.. what else? Palagi na lang akong sinu-surprise sa mga bagay na nadi-discover ko sakanya.
It really shows that he's kind and responsible. Hindi ko lubos maisip na naging playboy siya. How? A gentleman playboy? A talented playboy? Well... may karapatan kung ganon. Umalis lang siya saglit para kumuha ng scented candle para ilagay sa table.
"Romantic lover." Bulong ko nang mailagay 'yung scented candle sa gitna,
"Pardon me, love?"
"Nothing. Kain na tayo." Masaya ako at nauna nang kumuha ng brown rice. Nag enjoy ako sa pakikipag kwentuhan ulit sakanya.
Twice a week pumupunta 'yung mga call on maids niya at nililinis ang buong bahay. Big respect to them at namanage talaga nilang gawing mala diamante sa kintab ang bawal gamit sa bahay. Napatingin ako sa kutsara. Sa sobrang linaw, pwede nang maging salamin.
"THIS IS THE BEST SALPICAO EVER!" Sambit ko habang magiliw na ninanamnam 'yung luto niya. I am really impressed! Naka ilang subo pa ako sa sobrang sarap nun. Nakangisi lang si Lexus na pinapanuod ako.
Tahimik lang siyang kumain at compose. Nakaramdam akong hiya kaya binagalan ko ang pagkain. Eto na nga ba 'yung palaging sinisita nila tita sa akin. I'm not like the other socialite girls na kaidaran ko. Wala raw akong proper etiquette when it comes to table manner. I agree.
Inalala ko 'yung mga tinuro ni tita Lianne sa akin sa tamang pagkain ng isang prim and proper lady. Kakain ka na lang may rules pa. Tinarayan ko si Lexus nang mapansin kong natawa siya sa pagbabago ng kilos ko.
"Yes? Why are you laughing?" Pagtataray ko. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.
He then again pinched my cheeks pero mahina lang.
"Ano nga!?"
"You're just cute.. Ang cute mo tignan. I see how conscious you are and changed your behavior. Wag kang mahiya sa akin. Ako lang 'to, love." My heart skip a beat. Gusto ko pa sanang magtaray kaso... nangingibabaw ang kilig.
His knowledge on how to make a girl swoon is outstanding. Bakit sa simpleng salita niya lang parang mababaliw ako? Pinigil ko ang paghinga ko para bumalik na normal ang t***k ng puso ko.
Sinubo ko ang huling pagkain sa plate ko at ininom ang lemon water. Right! I'm still wearing my graduation dress. White cocktail dress with lace and denim jacket of kuya Zion.
Nalipat ang atensyon ko sa basong nilapag niya sa harap ko na may lamang strawberry ice cream. Umangat ang gilid ng labi ko. Kumislap ang mata ko dahil sa paborito kong flavor ng ice cream. Actually, basta strawberry paborito ko. Inangat ko ang tingin sakanya na nauna nang kumakain ng ice cream. Napangiti ako.
"It's your favorite, diba? Haru told me that. Kaya.. marami pa akong iba't ibang strawberry flavored snack sa ref." Tumango ako. Kinuha ko 'yung baso at kumain na rin.
Napapikit pa ako dahil sa lamig at sarap ng ice cream. My guilty pleasure. Ang sarap talaga nito! Kailan naman sinabi ni kuya Haru? Naguusap pala sila? Dumako agad ang tingin ko sakanya sa pagtataka.
"W-wait.. kuya Haru? Kailan pa kayo naguusap?" Takang tanong ko,
"Hmm, matagal na rin. Simula nung nagkita tayo sa party ni Jude." Nalaglag ang panga ko. Ayun ang una naming pagkikita. Ibig sabihin ba interisado talaga siya sa akin? Kuya Haru didn't say anything about this. At kalmado lang siya. As if naman may chance akong makausap siya pero, siguro naman dapat alam ko diba?
"Nagulat ka ba?" Tanong niya habang inilagay sa sink 'yung basong hawak.
Hindi ako sumagot. I'm in deep thought. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung iiyak ba ako o yayakapin siya. I'm such a drama queen and I want to do both. To be clear, it's tears of joy. I love, Lexus. I want to know him more. I also want to be part of his world.
This is my chance. Ayokong manatiling imagination na lang lahat ng gusto ko. Gusto kong makasama siya palagi, makausap, makakwentuhan, makayakap, lahat lahat. This is the right moment I've been waiting for.
Umupo si Lexus sa tabi ko at iniikot ang upuan ko paharap sakanya. Inilapag ko sandali 'yung baso. Baka mabitawan ko sa sobrang kaba dahil sa desisyong gagawin ko. Tumuwid ako ng pagkakaupo at nagkunwaring malungkot.
"What is it, love? Galit ka ba? Sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo.." Malungkot din ang timbre ng boses niya.
Tumikhim ako. "No. May iniisip lang.."
"Ano 'yun? Pwede mong sabihin sa akin. I'm a good listener, Tori." Kumunot ang noo ko at malungkot siyang tinignan. Where's the 'love' endearment? Nag pout ako sa inis. Ngumiti lang siya na lalo kong kinaiinis.
"Love?" Tawag niya. Yes! That's it. Call me 'love', Always!
"I need to tell you something.. Promise me, hindi ka magagalit or anything.." Nakita ko ang paggaalw ng adams apple niya nung lumunok siya. Napalunok din ako.
This is it!
"I promise." May diin niyang sagot. Visible sa mukha niya ang pagiging kabado.
Me too! Kinakabahan ako! There's no turning back! Hinaplos ko muna ang pisngi niya at ngumiti.
"I love you so much, Lexus." I whispered softly and kissed him tenderly. It is a simple kiss but full of intensity. I didn't move my lips or anything.
Nanlaki ang mata niys sa ginawa at sinabi ko. May nginig sa kamay niya at hinawakan ang kamay ko.
"D-did you... You love—me?" Still in shock.
"Yes. I love you, Lexus. I love you. I want you." I assured him.
"I love you more, Tori Seven. So much! Tayo na?"
Tumango ako. He wrapped his arms around me and sealed me with a kiss. I gasped for air. We're both breathing heavily with excitement. Parehas kaming masaya at apaw apaw ang nadarama. I shook my head and started to laugh. My love is still in awe. "
I will always love and protect you." Wika niya at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako.
Lexus is the only certain thing in my world full of doubts.
I've always been in love with him. The day I met him was the same day I fell in love with him. Hindi ko lang napansin kaagad dahil maraming tumatakbo sa isipan ko. But now, I am sure. He is mine and I am his.
Tumayo si Lexus sa kinauupuan at hinagkan ulit ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napapikit ako at dinama. Biglang pumasok sa isip ko ang oras. Umalis ako sa yakap ni Lexus at tarantang kinapa ang bulsa nung jacket. Wala rito 'yung phone ko. Naiwan ko na naman siguro sa kotse ni Matrix. Bad habit ko talaga 'yon na dapat kong baguhin.
"L-love.. Ah, can I please borrow your phone? Tawagan ko lang si dad." May konting alangan pa ako sa pagtawag ko sakanya ng love. Nahiya naman ako.
"Sure!" Masayang aniya at inabot ang phone.
Lumipat akong pwesto at bumalik sa living room for privacy. Ibabalita ko agad kay dad na may boyfriend na ako. Yes! May boyfriend na talaga ako. Napailing na lang ako at kinilig. Dinial ko ang number ni dad at tinapat iyon sa tenga ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay dad kaya nag practice muna ako ng lines ko hanggat hindi pa siya nasagot.
"Dad!" Bulalas ko na ikinagulat ni dad sa kabilang line,
"Sev? What's wrong?" Kabado ang tinig ni dad.
Paulit ulit akong humingang malalim bago nagsalita.
"Answer me, Tori Sev--!"
"I have a boyfriend na! Dad, may boyfriend na ako!" Tumaas ang boses ko at umpit na napatili sa saya. Ang layo ng sinabi ko sa prinactice ko kanina sa isip ko.
Tumawang malakas si dad. "Akala ko naman kung ano. I'm happy for you anak. Andito lang ako to support and give an advice to you. I love you anak."
"I love you too, daddy! Ang saya ko lang sobra. Thank you dad sa support! I'll be a good and responsible lady, dad."
"I trust your decisions anak. Don't pour your 100% to that, boy. Palagi dapat mas malaki ang pagmamahal mo para sa sarili mo. I'm sure you understand what I'm talking about basta palagi mong iingatan ang sarili mo. Anong oras ka uuwi?"
"Opo opo. Mga 9 pm daddy."
Ibinaba na ni dad ang tawag. Pabalik na sana ako sa kitchen kung saan ko iniwan si Lexus, nasa may likuran ko na pala siya at nakangisi. Lumitaw na naman ang dimples niya. Napakamot ako sa kilay ko dahil sa hiya.
Narinig kaya niya 'yung tili ko? Malamang siguro. Nahihiya pa akong lumapit sakanya. Kinalimutan ko na lang 'yung thought na baka narinig niya 'yung usapan namin ni dad. Ibinalik ko na 'yung phone na hawak ko.
"Halika. May ipapakita ako sa'yo." Hinawakan niya agad ang kamay ko. Sumabay na lang ako sa paglalakad niya at hindi na nagtanong. Nilibot ng mata ko ang bawat kanto ng bahay. Sa mga dinaanan namin, halos lahat may mga nakakabit na paintings.
Wala akong ideya kung saan kami pupunta o kung ano man ang gagawin namin. Naagaw ang atensyon ko ng mapatingin sa isang pamilyar na painting... Napatigil ako sa paglalakad at ganon din si Lexus.
"B-bat nandito 'to?" Turo ko sa painting. Tinignan din ni Lexus 'yung tinuro ko at nagpakawala ng hangin.
"Oh that? It's yours, remember? You painted that 'bird' because that's the meaning of your name,"
"Of course! Parang hindi naman ata bagay ilagay 'yan jan eh." Sabi ko na hindi tumitingin kay Lexus.
"Why? Gawa mo 'yan kaya maganda. Wala namang halaga 'yung ibang paintings dito. Kahit itapon ko pa 'yun lahat at itira lang 'yung sa'yo. Actually, you're far more beautiful than all these paintings because you are an art." Kaswal na sabi niya.
Kung bakit ba sa lahat ng binibigkas na salita ni Lexus ay ikakatunaw ng puso ko. Ang lakas talaga ng epekto niya sa puso't isip ko. Damn!
Nasa may third floor na kame ng bahay nila. Iilan na lang ang mga kwarto rito. Nabaling ang tingin ko sa kwarto sa pinaka dulo ng hall. Sky blue ang pintuan at may nakasabit na number seven na sign. The feeling was familiar. Weird. The door and the sign reminds me of... me.
"Anong meron sa loob niyan?" Takang tanong ko.
"My stepbrother's room." Tipid niyang sagot. Ibinalik ko na lang ang mata ko sa pintuang nasa harap namin. Binuksan niya 'yon at naamoy ko agad ang amoy ng mga papel at libro. It's their library.
Dinungaw ko agad ang loob nung mabuksan ni Lexus ang ilaw. Namangha pa ako sa ganda at laki ng buong library nila. Kahit saan ka tumingin ay walang bakanteng space kang makikita. Lahat okupado ng mga sari saring libro.
Pumasok na rin ako sa loob at nakakahanga ang chandelier dito. I have a thing for chandeliers. Pakiramdam ko, sila ang bituin dito sa lupa. Pinaupo ako ni Lexus na may swivel chair. Itong upuan lang ata ang hindi vintage rito. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa table.
"Wait here, love. May kukunin lang ako." Nakakunot ang noo kong tumango sakanya at pinanuod ang paglabas niya. Bakit niya pa ako dinala rito kung wala naman pala rito ang ipapakita niya?
Mabilis din naman siyang nakabalik at may bitbit nang dalawang books... no, photo albums pala. Umupo siya sa may arm rest ng swivel chair at inilapag sa table ang photo album. Masigla ko iyong binuksan at tinitigan ang bawat litrato. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko sa bawat pictures na nakikita ng mata ko.
Tapos ko nang makita 'yung isang albums na puro picture ng mom and dad ang niya kasama siya. Sa pangalawang photo albums naman ay 'yung pictures niya nung elem at shs days. Ang gwapo niya talaga! May iilan doon na mga wacky. Pero kung tutuusin ay hindi na nagmukhang wacky sa sobrang kagwapuhan niya. At hindi naman ata makatarungan ang ganon!
Being this handsome should be a sin. Gosh! Kinwento niya ang bawat pangyayari sa mga pictures. Excited din siya sa pagkukwento. Ngayon na lang din niya siguro nakita lahat ng ito.
"Bakit dito mo ako pinapunta kung pwedeng doon na lang tayo sa pinagkuhaan mo nito?" Tanong ko habang isinara ang photo album.
"Sa kwarto ko kasi 'yan kinuha."
"Pwede naman sanang doon na lang tayo." Nakapout pa ako at isinandal ang likod sa upuan. Ramdam ko ang mata ni Lexus na nakadirekta sa akin.
"We can't, love. Baka hindi ko.. mapigilan ang sarili ko..." He licked his lower lip. Napaiwas akong tingin nung nag init ang pisngi ko. Hinawakan ko ang mukha ko para takpan 'yon at isinandal ang noo sa table.
Omg! I know what he's trying to say.. I shook my head a bit.
Bumalik ako sa dating posisyon pero hindi ko pa rin matignan si Lexus. May biglang pumasok sa isip ko tungkol sa kapatid niya. Walang kahit isang pictures dito ang kapatid niya ganoon na rin si tita Abbie.
"Wala ka bang picture ng kapatid mo?"
"I do. Pero nasa bahay nila. Why?"
"Ah, naalala mo ba 'yung matanda sa foundation? 'diba sabi niya kamukha ko raw 'yung girlfriend ng kapatid mo? Kilala mo ba kung sino?"
He laughed. "That's impossible. Wala namang girlfriend 'yun. As far as I'm concerned, wala siyang nagugustuhan na kahit sino."
"What's his name then?" Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kanya. I can't read his face. Blankong papel ang maihahalintulad ko sa kanya.
"It's— Donny. Yeah, his name is donny." He said without looking at me. He sounded unsure and uncomfortable.
I forgot. Nasa America nga pala siya for medical treatment. Maybe he doesn't wanna talk about... Donny?