Blue box
"Congratulations, Tori! Ikaw na talaga! Grabe, bilib na talaga ako sa'yo eh. Maganda, mayaman tapos ubod pa ng talino." Bati ni Cia habang lumuluha sa harap ko.
"Sira! Congratulations din! Graduate na tayo!" Wika ko.
Nagyakapan pa kami sa tuwa. Andami naming memories together, palaging iyakan pero sobrang mamimiss ko siya. Dumating ang tatlo kong pinsan at pumagita si Matrix sa'min ni Cia kaya nahinto pagyayakapan namin. May mga pabulong na mura si Cia na masamang nakatingin kay Matrix. He's mocking Cia's face kaya mas lalo lang itong nabwisit. Mga aso't pusa talaga.
"Don't mind her, C. Mamimiss ka lang niyan kaya epal." Nagpigil ng tawa si kuya Xenon habang nakatingin sa dalawa. Napa-irap si Cia na nagtagosa likod ko.
"Alam mo napaka pangit talaga ng ugali niyang pinsan mo. Pangit pa ng mukha!" Mistulang bata si Cia na nagsusumbong sa nanay dahil sa mga bulong niya.
Sinadya niyang iparinig 'yun kaya Matrix. Nilapitan siya nio ito at nilagay 'yung kamay sa batok ni Cia para kilitiin. Napangiti na lang ako sa ginagawa nila at napailing.
"Sa UST ka na talaga? Ayaw mong sa Ateneo na lang para magkakasama tayo?" Tanong ni Harem na walang kaemo-emosyon ang mukha.
"Yah. Final na talaga 'yung decision ko." Nakangiting tugon ko.
Tumango-tango lang si Harem. Sobrang cold pa rin talaga niya sa akin nung sinabi ko sakanilang sa UST ako mag co-college. Hindi naman ako sumangayon sa kanila noon nung sinabi nilang sa Ateneo na lang din ako mag college. I have personal reasons. Bukod sa gusto kong makasama si Lexus, gusto ko rin makahinga sa pagiging protective ng mga pinsan ko. I was never dependent to them, kaya kong mag-isa at alagaan ang sarili ko.
I want to experience freedom. Nakakasakal na rin kasi sila. Wala namang problema kay dad kung saan ako mag co-college, suportado pa nga niya ako sa decision ko. Ganon din sa course na kinuha ko.
"May pahandaan din kasi si nanay para sa mga kamaganakan namin eh. Sayang naman! Congratulations sa ating lahat! Except kay Matrix."
"WHAT?!" Siniko ko si Matrix para hindi na sumagot pa. Asar talo pa man din 'to kaya hahaba lang ang pagtatalo nila kapag hindi ko inawat.
Nag fist bump pa si Cia at Harem na sabay nagtawanan. Bumuntong hininga lang si kuya Xenon sa asaran ng dalawa.
"Okay lang, C. Andami mo nang utang sa akin ha. Lagi kang missing in action sa mga parties ng family. Sa sunod pumunta ka naman kahit minsan." Biro ko na ikinatawa niya.
"Gaga! Sige, ba-bye na. Ingat kayo ha? Except ulit sa'yo, pangit." Tumakbo na paalis si Cia palayo. Hahabol pa sana si Matrix nang ipulupot ko ang braso ko sa braso niya. Tsk! Napaasar talo talaga. Kaya lalong inaasar eh. Kumaway kaway si Cia nang makalayo na sa amin. Kinawayan ko rin siya pabalik at umalis na.
"Alam mo napaka asar talo mo talaga. Kaya ka lalong inaasar ni Cia, eh. Mukha kang toro na ready to fight" Komento ko.
"Bakit mo ba kasi naging kaibigan 'yon? Napaka bargas ng ugali." Hindi maipinta ang mukha ni Matrix.
"What's bargas?" Kuryosong tanong ko. Nagkibit balikat lang si Matrix. Napairap na lang ako sa hangin.
"Dude, Cia lives in a different world. What do you expect sa taong lumaki sa kalye? Mabait naman si Cia, eh. Ayaw niya lang talaga sa'yo." Si kuya Xenon na tumawa sa huli.
"At bakit? Aarte pa ba siya sa akin?"
"Bakit? Kayo ba?" Nanunuyang tanong ni Harem. Napatingin ako kay Matrix.
"HINDI!" Giit nito.
Ewan ko ba sa mga pinsan kong 'to. Minsan sobrang matured at minsan sobrang isip bata. I really can't believe na mag co-college na talaga ako. Pakiramdam ko hindi pa ready utak kong mag-aral ulit. Nakakalusaw din naman sa utak ang palaging nag-aaral lalo kapag math. I hate math. I hate numbers, but I choose Accountancy as my course.
Good luck, Tori. Bring it on, college life!
Nauna nang pumasok sa function room ng Hotel Reussie 'yung tatlo. Nag paiwan muna ako sa labas ng para kamustahin si Lexus. Tumawag siya kanina, after no'n wala nang paramdam. Nagaalala tuloy ako. Hindi raw siya makakapunta sa party dahil mataas ang fever niya.
Sinubukan kong tawagan pero hindi naman nagri-ring. Kinabahan ako. Parang gusto ko na lang na puntahan siya sa kanila at alagaan. I'm sure nandoon naman ang mama niya at may maids din na magaasikaso pero gusto kong ako mismo ang magalaga sakanya.
"Graduation party natin 'to tapos wala ka?" Alalang tanong ni Harem paglabas ng pinto para sinilip ako. "Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo hatid na kita?" Sabay lapat nung likod ng kamay para alamin kung may lagnat ako.
Pinilit kong ngumiti. "I'm fine. Lika na." Wala sa loob kong sinabi sabay kawit ng braso ko sakanya.
"CONGRATULATIONS!" Sumabog ang confetti kasabay ng masiglang bati nila. Inalis ko muna sa isip ko ang pagaalala kay Lexus.
"Congrats, Ri." Si Harem sabay halik sa noo ko. Kaming tatlo 'yung grumaduate pero bakit parang 'yung pag graduate ko lang 'yung cinelebrate namin. Favorite ba talaga nila ako?
Dumiretso ako kay dad at niyakap. "Congrats, anak." Nagagalak na bati ni dad.
"Thanks daddy." Isa isa akong lumapit sa mga tito, tita at kay lolo.
"We're so proud of you, apo. You graduated as top student! Manang mana ka talaga sa akin. Kung andito lang ang lola mo siguradong masayang masaya 'yon." May nginig sa boses ni lolo. Nakita ko ang paghawi niya sa mga tumulong luha. Niyakap ko rin ito.
Masayang nagbabatian din 'yung tatlo at ibang mga pinsan. Puno ng mga lobo na red at gold ang sahig. May mga nakalutang din sa lobo na transparent at may confetti sa loob. Sa gitna ng ay mga malaking letter balloons na 'Happy Graduation Day' at sa ilalim ay pangalan naming apat ang nakalagay.
"Graduate ka na, Tori. Pwede ka nang mag boyfriend" Si kuya Haru sabay abot ng boquet ng white roses. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinanggap iyon.
Tulad ng dati, pamilya lang ang naandito. Sa laki ng silid ay halos mag echo sa buong paligid ang halakhak namin. May iilang waiters ang naandon at mga musikero na tumutugtog at kanta. Nagtama ang mata namin ni Maximus na nakaupo lang sa may gilid. Seryoso at mukhang mainit ang ulo. Nalipat ko ang tingin kay kuya Shaun na lumapit sakanya at may ibinulong. Lihim lang ang bawat sulyap ko sa kanila.
Kausap ko si tita Lianne tungkol sa pagaaral ko sa UST. Doon kasi siya nagtapos ng college kaya binibigyan niya akong mga tips at mga lugar na hindi ko dapat puntahan. Kung anong dahilan, hindi ko rin alam. Nabuhay lang tuloy 'yung dugo ko sa curiousity about sa lugar na binaggit niya. Nakita ko ang biglaang pagtayo at pag martsa palabas ni Maximus. Nakakuyom ang palad, pati na rin ang pag litaw ng mga veins sa braso. Ano kayang sinabi ni Shaun?
Nagiwas akong tingin nung humarap si Shaun sa amin. Kinabahan ako ng kaonti nung papalapit na siya.
"Tita, sabihan mo nga 'yang si Tori na sa Ateneo na lang mag college. Gusto talaga niyang kumawala sa amin." Muntik na ako mapamura sa gulat nung sumulpot si Matrix sa tabi ko at nilagay sa leeg ko ang mabigat niyang braso. Kinagat ko ang braso niya kaya mabilis niya ring inalis.
"Tsk. Amazona!" Nagtitigan lang kami ng masama ni Matrix.
"Twerp!" I rolled my eyes.
"Kulit niyo." Si tita Lianne na mahinhing tumawa.
"Mom, pahiram kay Tori saglit ha?" Wika ni kuya Shaun pagkalapit sa amin. Tumango lang si Tita at umalis. Hinarap ako ni kuya Shaun sakanya.
Nakatingala lang ako habang hinihintay ang sasabihin. Pinandilatan niya ng mata si Matrix para umalis. May mga pabulong na reklamo pa si Matrix habang papalayo. Nakangisi si kuya Shaun at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.
"Inaantay ka ni Maximus sa labas." Aniya sa tamad na tono.
"H-huh?"
"Just go." Iginiya na niya agad ako sa may pinto.
"But why? Ayaw ko siyang makausap, kuya. Naiinis ako." Reklamo ko.
Nagkibit balikat lang siya at binuksan ang pinto. Nilagay niya 'yung kamay niya sa likod ko at mahinang tinulak palabas. Huminga akong malalim. Nakita ko agad si Maximus na nakatayo sa dulo ng hall. Nakatuon ang titig niya sa akin na papalapit sakanya, mayos siya ng tayo nang makalapit ako. Nilagay niya ang daliri niya sa baba ko para iangat. Humakbang akong isang beses palayo sakanya at iritado tumingin.
He's hurt! Nagiwas akong tingin. "Ganyan ka na lang ba lagi?" Aniya sa basag na tinig. Nagtiim ang bagang ko.
"Sinapian ka na naman ng demonyo kaya pati si kuya Shaun idadamay mo? f**k off, Maximus." Napatagilid ang ulo niya sa pag mura ko sakanya.
"Magtatalo na naman ba tayo? I thought we're okay. I thought we're good. Bakit mo ako nilalayuan?"
"You thought wrong. Pumayag lang akong tumabi ka sa akin sa kama pero hindi ang maging boyfriend ka. Lalapit ka sa akin, lalayuan kita. It'll always be like that. Stay on your lane. Ganon din ang gagawin ko."
"f*****g no!" Tumaas ang boses niya. Mabuti na lang at walang tao sa paligid kaya walang makakarinig sa paguusap namin at sa pagtaas ng boses niya. "Kapag lumayo ka, lalapit at lalapit pa rin ako sa'yo."
Inirapan ko lang siya. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na kulay light blue na box na may black ribbon nakakabit sa taas. Binuksan niya iyon at iniluwa ang rosegold heart na may angel wings at may naka sulat na tiffany & co sa gitna. Hindi ko maialis ang tingin ko sa napaka gandang kwintas na 'yon. I admit, it's really pretty at ganyang ang mga tipo ko.
"My graduation gift for you. An angel wings for my angel." Hindi ko siya tinignan. I sense the desperation in his voice.
Sana mapatawad niya ako sa gagawin ko. I don't want to hurt him but I need to do this. Bakit ko pa pahahabain yung sakit na nararamdaman niya kung masasaktan ko pa rin naman siya sa huli. I need to hurt him now. I want him to hate me. Oh God, please forgive me. Kinuha ko 'yung box sa palad niya at malakas na ibinato sa sahig. Pumikit ako ng ilang segundo para humugot ng lakas.
Pagkamulat ko, mukha ni Maximus na wasak na wasak ang nakita ko. Walang buhay ang mata niyang tinignan 'yung box at kwintas na kumalas sa lalagyanan. Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. I caressed my chest so I can breathe calmly. I killed his eyes. I just killed his heart. Nilabanan ko ang sarili na wag siyang hawakan. My hands are trembling kaya humigpit ang kapit ko sa damit ko para hindi niya mapansin.
Tuluyang nadurog ang puso ko nang lumuhod siya para pulutin 'yon. He's lifeless. Pagkakuha niya ng kwintas ay tumayo siya at lumapit sa akin. Naestatwa ako. Nang tangkain niyang isuot ang kwistas, hinaklit ko 'yun sa kamay niya at muling ibinato sa sahig.
Oh my god!
"Paulit ulit lang kitang sasaktan hanggang sa maunawaan mong hindi kita mamahalin. I'm disgusted by you. You will never be good enough for me! Itatak mo 'yan sa puso't isip mo. NEVER." Matalim ang mga salitang sinabi ko at unti unti, parang hinihiwa ang puso ko sa lima.
Gusto kong umiyak at mag sorry. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi ko naman siya pinandidirihan, that he's enough. He may be silent but I can feel his pain. Pinulot niya ulit 'yon at ipinasok sa bulsa. Nang maramdaman ko ang mainit na luha sa pisngi ko, inilakad ko na ang paa ko pabalik sa loob. Nakita kong nakatayo lang si kuya Shaun sa may pintuan, inaabangan ako.
Patakbo akong lumapit sakanya. Dining ko ang mahinang pagtawag ni Maximus sa pangalan ko. Gumapang ang takot at kaba sa dibdib ko. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako.
"Tori! Tori!" Napapikit at binilisan ko ang takbo. Bubuksan ko sana ang pinto kaso hinarangan ako ni kuya Shaun.
"You can't come inside looking like that." He stopped me. Tumango lang ako. Pagkabitaw niya sa balikat ko ay nilagpasan ko siya para pumuntang wash room.
"WHAT THE HELL, SHAUN? I THOUGHT YOU HAVE MY BACK!"
"Yes, but she just ran away from you. Ayaw ka niyang makausap. Give her a break!"
"f**k you!"
Hindi ko na nilingon ang pagtatalo nilang dalawa. Mabilis ang agos ng luha sa mata ko. Pagkatapos kong tumahan at kumalma ay bumalik na ako. Nakahinga akong malalim nang madatnang wala na sila. Masaya ang usapan ng buong pamilya. Tinawag ako ni tita Alice at pinaupo sakanya. For goodness sake, katabi ko si Maximus ngayon. Wala kaming kibuan. Nakikitawa na lang ako sakanila para hindi nila mapansing wala ako sa sarili ko.
Sa harap ko naman nakaupo si kuya Shaun na nakabantay sa galaw ni Maximus. May tensyong nagaganap sa kanilang dalawa na ako lang ang may alam.
"Sev, handa ka na ba sa college life mo?" Si tito Amiel
"Y-yes, tito. Excited na nga ako eh." Agap ko.
Ramdam ko ang panakaw na sulyap ni Maximus sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko kaya inabot ko ang baso ng lemonade sa harap ko. Sa kabang nararamdaman ko ay nabitawan ko ang baso kaya tumapon 'yon sa lamesa. Natarantang tumayo si tita at hinatak ako patayo. Mabilis na nagtawag si lolo ng mga waiter para linisin 'yon.
Lalo nanginig ang buo kong katawan at sinikap na pigilin ang iyak. Mahina kong tinulak si Maximus nang tangkang yakapin ako. Kumunot ang noo ni tita Alice sa kinilos ko.
"Okay ka lang, sweetie?" anas ni tita Alice. Tumango ako, pekeng ngumiti. Nilagay ni kuya Zion 'yung jacket na soot niya sa likuran ko. Bumalik din siya agad pag ka 'thank you' ko.
Umayos na ako ng pagkakaupo nang matapos malinis 'yung table. Hindi pa rin natinag ang titig ni Maximus sa akin.
"Pagod lang siguro 'yan, nak. Uuwi rin tayo agad after nito." Si dad.
"Opo." Tipid kong sagot.
Di kalaunan, unti-unting nag dim ang ilaw sa buong paligid at tanging sa may center stage kung saan naroon ang mga musikero ang maliwanag. Sinuri ng mata ko yung lalaking bagong dating na tumayo sa harapan. Nakapag adjust na ang mata ko sa ilaw at tumambad ang imahe ni Lexus.
Si Lexus nga! Siya 'yung nakatayo sa may harapan!
Napuno ng pagtataka ang utak ko. Meaning, wala siyang lagnat? Dahilan niya lang 'yun para hindi ko isipin na may gagawin siyang surprise na ganito? May kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Natigil ang panginginig ng katawan ko at kumalma ang kalooban ko. Just right in time. I was about to breakdown but he made it just in time.
"Putangina. Who invited him?" Madiing tanong ni Maximus.
Hindi ko na lang siya pinansin. Obvious naman na alam niyang ako ang nag invite kay Lexus. Pumalakpak silang lahat sa speech ni Lexus para sa akin samantalang ang mga pinsna ko ay walang imik. Seryoso lang ang itsura ni dad. Nagsimula nang tumugtog ang mga musikero sa likod niya. Kahit na kaonti lang ang liwanag sa kinauupaan namin ay diretso ang mga titig ni Lexus sa akin. I cleared my throat. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay.
I am at ease now.
"This song is for you, Tori Seven." Aniya sabay ngiti. Ngayon ko ulit mas hinangaan ang dimples niya. Kinagat ko ang pangibabang labi dahil sa kilig.
Hindi ko mapigilang lalong humanga kay Lexus. He's making all this effort just for me. Nililigawan niya ako sa harap ng buong pamilya. It only means that he respects me and my family. Na malinis ang intensyon niya sa akin.
His sincerity always shows. I have another reason why I should fall for him even more. He makes me feel safe and secure. His eyes are all on me. I'm the only person he sees.
In our tiny little world, there's only me and him. Ugh! I love you so much, Lexus.
You make me dance like a fool
Forget how to breathe
Shine like gold, buzz like a bee
Just the thought of you can drive me wild
Oh, you make me smile
Don't know how I lived without you
'Cause every time that I get around you
I see the best of me inside your eyes
You make me smile
Napalakpak ang kamay ko habang tumatayo. Bumalik sa dating liwanag ang buong paligid. Natuwa rin ang pamilya sa ginawang pagkanta ni Lexus. May mga ilang papuri sila tita sa kay Lexus paglapit nito sa upuan ko.
"Ang talented mo talaga, hijo! Bagay na bagay talaga kayo ng pamangkin ko." Panunukso ni tita Lianne.
Marahas na bumuntong hininga si Maximus sa tabi ko. Tumikhim lang si kuya Haru na parang may alam siya sa nangyayari sa aming dalawa. Ako na mismo ang lumapit kay Lexus. Natatakot ako na baka kung anong gawin ni Maximus sakanya o baka bigla na lang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.
"May sakit ka diba? Why are you here? You should've stayed in your house. Baka mabinat ka." Yumakap ako kay Lexus. Mejo napatagal ang yakap ko na 'yun. Narinig ko ang pagubo ni dad sa may side table.
"Wala akong lagnat o ano. Gusto lang talaga kitang i-surprise. Congratulations, smarty pants! I'm so proud of you. I love you." Binulong niya lang sa aking 'yung huli niyang sinabi.
Pinamulahan ako ng pisngi kaya napangiti siya. Tsk! He always teases me.
"Go get yourself a room! Baka dito pa kayo langgamin." Si kuya Maxell. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Lalo lang tuloy namula ang pisngi ko.
"Come join us, Lexus." Anyaya ni Lolo.
"Lo, wala siyang lugar dito. At isa pa, tapos na ang party." Si Maximus. Nakatitig lang siya sa table na parang kinakausap ang sarili.
"Chance!" Ma awtoridad na saway ni tito Amiel.
Padabog na tumayo ito at lumapit kay Lexus. Nanatili pa rin ang ngiti sa mukha ni Lexus habang delikado ang mga tingin ni Maximus sakanya. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Sa itsura ni Maximus, nakahanda na siyang suntukin si Lexus kahit na nasa harap kami ng buong pamilya. Nangungusap ang mga mata kong tumingin kay kuya Shaun para manghinging tulong na pakalmahin si Maximus.
Nauna nang tumayo si kuya Haru kay kuya Shaun dahil sila naman ang magpatabi.
"Una na po kaming tatlo, tita, tito, Lo" Paalam ni kuya Haru sa lahat. Walang nagsalita sa kanila, wala rin namang naghinala.
Nakakunot ang noo ni lolo pero hinayaan niya na lang kami. Nakalabas na kami at halos puno nang pagtataka ang mukha ni Lexus sa bilis ng pangyayari. Ako rin. Ayaw ko na lang isipin na may problema.
"Take care of our princess, Bustamante."
Para akong nakasakay sa roller coaster ride ng feelings. Kanina naiiyak at nasasaktan ako. Ngayon masaya at panatag na ang kalooban ko. Kahit na walang ideya si Lexus sa nangyayari ay tumango na lang ito at kinuha ang kamay ko at pinag salikop sa kamay niya. Bumaling siya ng tingin at matamis akong nginitian. Ganon lang din ang ginawa ko at sinabayan ang paglalakad niya.
"Saan tayo pupunta?" Tsaka lang ako nakapag tanong nung sumakay na kami sa kotse niya.
"Sa bahay." Sagot niya. Patango-tango lang ako. Sa bahay... sa bahay niya? Bakit naman? Kinalma ko ang sarili ko para maiwasang magisip ng hindi maganda. Hindi naman siguro niya gagawin sa aking yung.... NO!
"S-sinong tao sa inyo?" Nag init ang pisngi ko sa pagkautal, lalong kinabahan.
Ilang segundo ay wala pa rin siyang sagot. Nakaramdam ako ng kaba, takot at... tuwa?
Fuck!
"Ako lang. Tayo lang."