KABANATA 13

2445 Words
Date Wala na si kuya Maximus sa tabi ko pagkagising ko. Kahit maaga pa naman, lumabas agad ako sa kwarto para tignan kung nakauwi na si daddy. Kumatok ako sa pintuan ni daddy pero walang sumagot. Dinungaw ko yung office niya pero wala rin.  "Nasa baba na po ang daddy niyo, ma'am." Paakyat pa lang si yaya nung makita niya ako sa labas ng office ni dad. Tumango ako at sumunod sa baba. Nakabuhaghag pa 'yung buhok ko.  "Good morning, anak. Ang aga mo atang nagising." Masiglang bati ni dad. Ngumiti lang ako at lumapit sakanya para yumakap.  Ang aga? Halos hindi nga ako nakatulog knowing na magkatabi kami ni kuya Maximus na nakayakap sa akin.  "Maaga rin po akong nakatulog. Uhm, si kuya Maximus po?" Tanong ko. "Kaninang madaling araw pa umalis. Saktong pag uwi ko, paalis na siya." Umupo na ako para saluhan si dad na kumain.  "How was your date?" Tanong ni dad, palipat lipat ang tingin sa akin at sa pagkain niya. Malinaw ang alaala ko sa nangyari kahapon. Except lang dun sa halik ni Lexus na pati ata pangalan ko muntik ko nang makalimutan. "Masaya dad! Sobra. I met his stepmom! Bumisita kami sa home for the elderly at saka nag bigay ng foods sa mga street children. Nakakapanibago sa feeling 'yung ganon. Magandang experience rin. And then, nag dinner kami sa Italian restaurant nila kuya Xenon. Guess what dad? Magaling din mag piano si Lexus just like mom. He even played your wedding song last night! We sang it toge-" Masigla ang kwento ko at tuloy tuloy lang. Napansin kong dumilim ang expression ni dad dahil san a kwento ko.  I got carried away.  Nabanggit ko si mom. "Mabuti naman anak at nag enjoy ka. Tandaan mo lang 'yung palagi kong sinasabi sa'yo noon pa. Always guard your heart. I don't want you to- Just... basta 'wag mo ibuhos ang buong oras at puso mo 'jan. Masyado ka pang bata at sobrang fragile mo. As much as I want you to be free, dapat lang na ingatan mo ang sarili mo. Okay?" "Yes, dad." Tinuloy ko ang pagkukwento ko. Pinili ko na lang 'yung mga sasabihin kong salita para hindi ko mabanggit si mom o ano mang related sakanya. Masaya ako sa usapan namin ni dad ngayon. Mas naging open ako sakanya at pinakikinggan na talaga ako. Siya na talaga ang gumagawa ng mga dapat ginagawa ni mom. I know he's trying his best na maparamdam sa akin na walang kulang, na sapat na kami kahit kami lang. At totoo naman. Naalala pero hindi ko na gaanong namimiss si mom tulad noon. Maalala ko lang siya naiiyak na ako. Sa tulong na rin nila tita, halos nakalimutan ko na 'yung pagkawala ni mom. Hindi ko na siya hinahanap at wala rin akong balak hanapin pa siya. Sana masaya siya sa ginawa niyang desisyong pag iwan sa'min.  Everyone deserves to be happy naman kaya sana nakamit at nararanasan niya ngayon 'yun. Basta kami ni dad? Masayang masaya kami. Umalis din agad si dad dahil may naiwan pa siyang trabaho sa firm. Inubos ko ang buong oras ko mag hapon sa pag-aaral. Sa isang araw na ang finals naming at kailangan kong galingan. I aimed to be the top student. I decided na sa UST ako mag college at BS Accountancy ang kukunin kong course.  Sandali rin akong natigil sa pag aaral para kausapin si Lexus sa phone. Busy din kasi siya at finals na nila. May iilan din missed calls si kuya Maximus sa akin. Kakausapin ko siya at lilinawin ko na mag pinsan kami at hindi niya dapat ginawa 'yun kagabi. 'Yung mapusok at ipinagbabawal na halik na 'yun! Nakaraos din ang kaba ko nung matapos na ang exam week. Confident ako sa lahat ng sagot ko. Talagang inaral ko nang mabuti lahat ng subject ko, pinagpuyatan at iniyakan ko. Nakailang kape na ba ako? Ako na hindi mahilig sa kape ay natutong magkape dahil sa kaka-review! Good job, self! Napalingon ako kay Cia na nakabusangot ang mukha. Naka tambay lang kame sa gilid ng field. Yung tatlo kong pinsan, hindi ko na naman mahagilap. Mabuti at napilit ko silang wag na akong ihatid-sundo. Tinakot ko lang naman sila na ikakalat ko 'yung mga pangit na pictures nila sa social media ko. Though, wala akong hilig don.  Ipopost ko talaga 'yung video ni Matrix na naka drag make-up at outfit, picture ni kuya Xenon na naglalaway habang natutuloy at picture ni Harem na umiiyak dahil sa sobrang kalasingan. Mas magaling akong mam-blackmail sa kanila. Diba effective? Wala na silang nagawa pa kundi ang sundin ako.  "Kainis! Feeling ko talaga andami kong mali! Lalo na sa math. Mali mali 'yung formula na ginawa ko." Sinasabunutan ni Cia ang sarili. Hinayaan ko na lang siyang mag maktol sa tabi ko.  May mga varsity ng football team ang naglalaro sa field. 'Yung iba may pag kindat pang nalalaman sa akin. Iniirapan ko lang sila. Mga gwapo rin naman pero walang wala sa kalingkingan ni Lexus! Speaking of Lexus... simula kaninang umaga pa siya walang paramdam ah. Tapos na naman na siguro ang exam niya since hapon na.  "Ri? Tingin mo babagsak ako?" Teary eyed na si Cia sa tabi ko. Nakakaawa talaga siya tignan ngayon. Napaka miserable.  "Naman! Nag aral ka naman diba?" "H-hindi nga eh..." Nagkamot ulo pa siya bago nag iwas ng tingin.  Hindi ko na lang siya sinagot. Mukhang alam naman niya kung anong sasabihin ko. Baka maiyak na talaga nang tuluyan si Cia. Nag aya nang umuwi si Cia. Nag hiwalay na kami ng daan dahil may pupuntahan pa raw siya sa mall. Ilang minuto lang akong tumayo sa may entrance ng school nang may pumaradang black ford pickup sa harap ko. Hindi ko na lang pinansin pero nung binaba na 'yung window, si Lexus pala ang sakay.  Pumasok agad ako roon. "What happened to the other car?" Tanong ko habang sinusuot ang seatbelt. "Nasa bahay lang. We'll go somewhere special kaya ito muna ginamit ko." "Saan?" "You'll know it when we get there. I think.. you'll love it." I leaned my head on his shoulder. Nakikinig lang kami sa music playlist niya. Nawala na 'yung hiya ko simula nung 'kiss' na 'yun. We're singing in the top of our lungs. Wala pa man kami sa tinutukoy niyang special place ay sobrang excited na agad ako. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Madilim na ang kalangitan at nasa biyahe pa rin kami.  Nanibago lang ako sa daang tinatahak namin. Short cut ba 'to or what? Payuko yuko pa ako sa bintana para makitang mabuti ang daanan. Liblib na 'to. Wala naman akong naramdaman mali o kakaiba. Basta si Lexus ang kasama ko, alam kong safe ako.  "Sure ka na tama 'tong dinaanan natin?" Tanong ko, nakatingin pa rin sa daan.  Iniangat ko ang kamay ko at inihawak sa braso niya. "Of course, Ri. Malapit na tayo." "ohhhkay." Marahan ang sagot ko. Malubak at pataas ang daanan kaya napakapit na 'yung kamay ko sakanya, pinigil ko ang pag hinga. "Sure ka safe dito?" Bakas sa boses ko ang kaba. "Oo nga." Natatawang sagot niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tuktok. Nakakatakot. Pagkapatay ni Lexus ng makina ay bumaba rin agad at pinagbuksan akong pinto. Inalalayan niya akong bumaba dahil mejo mataas 'tong pick up. Naka suot pa akong uniform. Pumunta sa likod ng pick up si Lexus at may inaayos. Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gagawin niya.  Nag libot ang paningin ko sa buong lugar. Umihip ang malakas na hangin at napayakap ako sa sarili ko. Nilamig ako kahit na nakasuot akong blaizer. Lumapit ako sa may likod ng pick up, naka harap kasi 'yun sa pinaka cliff. Maingat ang bawat hakbang ko. Unti-unting sumilay ang buong view. Tanaw ang buong Manila at ang city lights!  "Sobrang ganda 'no?" Si Lexus. Nasa tabi ko na siya ngayon at nakatanaw din sa view. Nilingon ko ang pick up sa likod. Sobrang romantic ng set up nung likod ng pick up! May mga fairy lights sa paligid at may mga comforter na nakalatag at unan. May foods and drinks din. Sobrang cozy! Hindi ko napansin kanina o sinilip man lang. Pero ang ganda talaga. Simple and sweet. Niyakap ako ni Lexus mula likuran. Nadama ko ang init ng kanyang katawan. Ipinikit ko ang mata ko at ipinatong niya ang baba sa balikat ko. May konting kiliti akong nararamdaman sa bawat pag hinga niya. Lumapit kami sa pick up at nauna siyang umakyat. Hawak niya ang kamay ko sa pagaalalay. Natatawa pa ako sa itsura ko. Naka corporate attire siya at ako naman naka school uniform.  "Bakit ka natatawa?" Tanong niya nung makaupo na kami. Makatapat kami at may mini table sa gitna. "Natutuwa. Masaya lang ako. Ang sweet mo kasi eh." Pagtatama ko. Mga take out foods 'yung naka serve sa mini table. I'm starting to love Jollibee na talaga. Isang bucket of chicken and a platter of spaghetti, may pa fries at burgers pa. 'Yung totoo? Masyado naman na ata 'tong marami para sa dalawang tao.  Umiral ang pagiging simple guy ni Lexus pero infairness, mas gusto ko siyang ganito. I love his wealthy show-off side of him too. Binuksan siya 'yung maliit na CD player sa gilid niya. Mga old songs nila Frank Sinatra, Elvis Presley, Frankie Valli ang tugtog. I enjoyed watching him tell stories. His eyes glistened again and his voice was calming more than any lullabies. My heart beats irregularly whenever he smiles. 'Yan na naman tayo!  "May naging girlfriend ka na ba? Sure naman ako na meron... ilan na?" Panguusisa ko, "Yung totoo? Hindi ko na mabilang. Wala rin akong balak bilangin. They're not actually my girlfriend, more like, flings. I'm a bit similar to your cousins. I'm not a saint, Tori. I broke a lot of hearts. Broke, played, toyed, I was like that before. And then... I met you." "I appreciate your honesty, Lexus. Sa mukha mong 'yan? Obvious naman. I didn't expect to hear that from you, to be honest." I'm a little bit shocked. From the very beginning, alam ko naman pero nagulat pa rin ako nung siya na mismo ang nag banggit.  "So... Am I going to be part of your flings collection?" Matapang kong tanong. He sighed. "No. You don't deserve that. Seryoso ako sa'yo. Like what I've said, I'm not a saint, Tori. I'm a bad person who makes a lot of mistake and now, I want to be the person who deserves a very special person like you."  "Why me?"  "Because... you never look at me as if I'm a bad person. Hinayaan mo akong kausap at kilalanin ka. Alam ko namang alam mo kung anong klaseng lalaki ang mga katulad ko but you never judged me. You're my safe haven, Tori, my state of grace, and my Achilles heel. That's the reason why I love you. I'm not good at putting my feelings into words. Basta sigurado ako sa'yo. Ikaw lang ang gusto ko wala nang iba." Not good at putting his feelings into words but he literally blew me away. Lumapit ako papunta sakanya. Naka luhod ako sa harap niya at mahigpit kong niyakap. Maybe, this hug is enough para maparamdam ko na mahal ko siya. I'm not yet ready to say 'I love you' to him. Darating din ako roon. Umayos ako ng pagkakaupo sa harapan niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.  "May powers ako." Kaswal na pagkakasabi ko na ikinakunot ng noo niya. "I can sense kung masama o hindi 'yung isang tao. Like you, wala akong na sense na danger sa'yo. It simply means, you're a good person. Tama naman ako." Malapad ang ngisi ko sabay kindat sakanya.  Tumawa siya at niyakap ako papalapit sakanya. "Shall we dance?" Aya niya. Wala pa akong nasagot, tumayo at bumaba na agad sa pick up. Nilahad niya ang kamay, tinaggap ko ang alok niya at maingat na bumaba. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa balikat niya. At ang kamay niya naman ay sa baywang ko. Nakatingala ako sa mala work-of-art niyang mukha. Familiar 'yung song na sinasayawan naming dalawa. I think ito 'yung kantang kinanta ni Heath Ledger kay Julia Stiles noong nasa football field sila sa movie-ng 10 things I hate about you.  "Marunong ka pa lang sumayaw?" Pabirong tanong ko.  "Tsk" Aniya. He suddenly kissed my nose. I wrinkled my nose. Siniksin ko 'yung mukha ko sa dibdib niya. I missed this warm feeling. We stopped dancing when we noticed the fireflies flying around us. "Pati ata sila masaya rin para sa'ting dalawa." "Tingin mo?" Maingat niyang inangat ang baba ko. "I love you, Tori. Paulit ulit 'no? At hindi ako magsasawang sabihin sa'yo 'yan. Minu-minuto, oras oras at araw araw. Sa loob ng mga panahon na 'yon, ikaw at ikaw lang ang iniisip at mamahalin ko. Ang mahalin ka 'yung pinaka tamang desisyong ginawa ko." Ipinikit ko ang mata ko, dinama ang mainit at matamis niyang halik. Magkadikit pa rin ang aming ilong habang maingat na nakahawak sa magkabila kong pisngi na para bang anytime maari akong mababasag.  "Thank you for loving me, Lexus. Thank you."  Our night was full of laughter and giggles. Nakaidlip ako sa buong byahe. Ginising na lang ako ni Lexus nung naandito na kame sa labas ng bahay.  "Ri? Wake up we're here." Nagising ako na mahinang pagtawag niya. Kinusot ko ang mata ko at nag inat. Binaling ko ang tingin sa kaliwa at kinumpirma kung andito na kami sa village.  Kinuha ni Lexus 'yung bag ko sa back seat at nauna nang bumaba. Nang buksan ni Lexus ang pintuan ko, nakayakap agad ako sakanya habang pababa. Humalik siya sa noo ko bago magpaalam at inabot ang bag ko. Niyayakap ko rin siya na walang paalam. Ewan ko ba, pakiramdam ko hindi pa tama 'yung timing na 'to para sagutin siya. Yes, I already love him. Sobra sobra. Kung magkaka boyfriend man ako, siya ang gusto ko. Kung hindi lang din siya mas mabuting wag na lang. Pinagbuksan na akong gate ni yaya. Sinabi niya na wala pa rin si dad. Kita ko naman sa mukha niya kaninang umaga na saglit lang talaga siyang umalis sa work para lang makauwi at makita ako.  Sapat na sa akin na alam kong gumagawa talaga ng way si dad para mag bonding kami kahit na saglit na panahon lang. Para akong nanalo sa lotto sa naguumapaw na kaligayahan sa puso ko.  Simple, masaya, nakakakilig, meaningful, lahat naman ata kikiligin kapag nasa tahimik at private place kayo kung saan tanaw mo ang buong city at pinalilibutan ng maraming bituin sa kalangitan tapos kasama mo 'yung lalaking mahal mo at mahal ka.  Hindi ko maialis ang ngiti ko papunta sa kwarto. Ilang beses pa ba niyang kailangang i-confess 'yung feelings niya para sa akin? Sumasayaw 'yung puso ko tuwing sinasabi niya na mahal niya ako. Mukhang magiging masaya na sana ang tulog ko mamaya kaso biglang bumungad sa akin si kuya Maximus na nakatayo at nakapamulsa sa tapat ng pintuan ko.  Agad na napasimangot ang mukha ko. Tamad akong lumapit sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD