KABANATA 12

2639 Words
Serious Naka ilang sampal at kurot na ba ako sa mukha ko? Hindi ko na talaga mabilang at maisip. Akala ko panaginip lang 'yung lahat pero totoong totoo! Nang mahalikan ako ni Lexus kanina, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Wala akong ginawa, nagawa at nasabi. Parang nawala panandalian ang kaluluwa ko.  "I enjoyed our moments together, Ri. Thank you so much."  "M-Me too... Salamat din." Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labi niya. That soft, luscious, kissable lips. Baka ayan ang maging cause of death ko! Bumaba agad ako sa kotse dahil umaatake na naman 'yung kuryente sa buong laman ko. Pumasok sa isip ko na baka halikan niya ulit ako. A part of me wants to kiss him again, and the other part of me wants to get out dahil nalulunod na ako sa sarili kong feelings para sakanya.  Totoo pala 'yung kailangan ng salbabida dahil nakakalunod talaga ang pag-ibig. I waved him goodbye. Nang makalayo na ang sasakyan niya ay nagtatalon talo pa ako sa kilig with matching sayaw. All that cheesy, crazy stupid love songs make sense now. Naalala ko tuloy 'yung kantang 'Oh pag-ibig' nila BaiLona na sabi roon,  I used to roll my eyes whenever I hear that song. Kasi hindi ko pa naman na experience ang ma- inlove. Kahit crush, wala! Sinasabihan pa akong hindi tao ng mga pinsan ko dahil imposible raw sa babae ang walang crush.  Required ba sa babae na magkaroon ng crush? Ang saya saya pala talagang ma-inlove? Pag pasok ko sa bahay, wala ang kotse ni daddy. Mejo nakaramdam ako ng kaonting lungkot kasi expected ko siya ang sasalubong sa akin.  Paborito naman niya akong salubungin sa porch at tanungin kung kamusta ang araw ko. Nakakamiss lang. I learned how to appreciate the little things and moments with daddy simula nung mawala si mommy. Umiling iling na lang ako para mawala ang lungkot na tumakbo sa isip ko.  "Good evening, ma'am Tori."  "Good evening din po. Kumain na po kayo?" Natigilan pa sa pagsasalita 'yung maid dahil sa tanong ko.  "Ay.. ma'am kami po dapat nagtatanong niyan sa inyo." Natawa ako. Napakamot ulo na lang ako at nginitian si yaya. Nag simula na ulit akong maglakad papunta sa kwarto pagkatapos namin mag ngitian sa baba. Pag liko ko sa mahabang pasilyo ay natigilan ako  sa nakita kong napaka laking teddy bear sa tabi ng pintuan ko.  Dahan dahan pa akong lumapit at sinuri 'yon. Napaka laki naman nito! Life size teddy bear at mukhang mas malaki pa sa akin. Teka... sino naman nag lagay nito rito? Sino ang may bigay?!  Pumanhik ako pababa para tanungin si yaya kung kanino galing 'yun. Mabuti na lang at gising pa sila at abalang nag lilinis ng kitchen. "Ya? Kanino po galing 'yung teddy bear?"  Nag tinginan 'yung dalawang maid at nagturuan pa kung sino ang sasagot gamit ang kilay. "Galing po si sir Maximus dito. Baka po sakanya galing." "Talaga? Anong oras po umuwi?"  "Pasensya na po di namin napansin." Agap nito. Hindi na ako nag tanong pa sa kanila. Umakyat ulit ako papuntang kwarto. Chineck ko 'yung phone pero walang kahit isang text o tawag galing sakanya. Alam naman niya na may 'date' kami ni Lexus ngayon. Ano naman ang gagawin niya rito sa bahay kung wala naman ako o si dad? Pag bukas ko ng pinto, niyakap ko agad ang teddy bear para buhatin papasok sa kwarto. Bakit naman sobrang bigat nito? Parang graba ata ang laman! Mas mabigat pa sa akin 'tong teddy bear na 'to eh! Halos mapahiga na ako sa sahig mahatak ko lang ito papasok.  Isang mabigat na pag hinga ang ginawa ko nang maipasok at mailagay sa gilid ng kama 'yung teddy bear. Mamaya ko na lang iisipin kung saan ko siya ilalagay sa kwarto. Ano naman naisip ni Maximus at nag dala ng ganito sa bahay? Umupo muna ako sa sahid at sumandal sa teddy bear. Mabuti na lang malambot kahit na pamatay 'yung bigat. Nag muni muni muna ako sa kinauupuan ko bago mag shower.  Nag hanap muna ako ng pantulog. Tinignan ko muna 'yung teddy bear bago pumasok sa bathroom at mag shower. Naalala ko na naman tuloy 'yung kiss, 'yung hug, 'yung ngiti, lahat lahat! Iniwasan ko munang tumalon dahil baka madulas ako at mabalian kaya tumili tili na lang ako.  Kinukuskos ko pa ang buhok ko ng towel nung lumabas ako sa bathroom. Laking gulat ko nung nag iba 'yung pwesto nung teddy bear. Ang alam ko talaga sa kaliwang side ko siya nilagay pero bakit nasa kanan na? Parang ayaw ko na tuloy humakbang pa sa biglang kaba na gumapan sa dibdib ko.  Hindi, Tori. Namalikmata ka lang! Sa kanan mo talaga nilagay 'yung teddy bear. Okay?  Humugot ako ng lakas ng loob. Dahan dahan kong binuksan 'yung drawer sa may gilid ng bathroom door kung saan nakalagay 'yung rosary ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko inalis ang tingin sa teddy bear habang kinakapa yung rosary. Nang makuha ko ay naglakas ako ng loob para lapitan 'yung teddy bear. Slowly but surely. Napa sign of the cross pa ako nung makalapit na sa harapan nito. Ginawa ko lang 'yung mga napapanod kong mga exorcist sa movies. Nag sabi ako ng mga iilang bible verses na alam ko.  "IN JESUS NAME LUMAYAS KA MASAMANG SPIRIT!" sabay hagis ko.  Napapapikit pa ako just in case na biglang gumalaw at mangisay 'yung teddy bear pero wala. Niloloko ko lang sarili ko! Mukha siguro akong tanga sa pinagsasabi ko. Baka namalikmata lang ako dahil sobrang okupado 'yung isip ko nang mga nangyari kanina.  Bumuntong hininga ako. What a waste! Bulong ko at inapakan 'yung teddy bear sa harap ko papuntang kama. Hinilot ko pa 'yung sentido ko para makapag relax.  "TORI!" "AAAAAHHHHHHHHH" Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga ko at tinakbo ang distansya papunta sa pintuan. Nanginig ang tuhod ko sa takot ay lumuluha na mata ko.  Bago ko mabuksan 'yung pintuan ay itilukan nung teddy bear 'yung pinto para hindi ko mabuksan. Iginilid ko ang sarili ko at nagsisigaw.  "PLEASE, LEAVE ME ALONE! HINDI NA KITA BABATUHIN NG ROSARY, I PROMISE." Patuloy lang ang hikbi ko. Yakap yakap ko ang sarili at nakayuko. Isiniksik ko talagang maigi 'yung sarili ko sa pinasulok ng kwarto. Tinakpan ko ang tenga ko para hindi marinig ang yabag niya at mariing ipinikit ang mata. Nagsisisi na talaga ako! Palpak naman kasi 'yung mga sinabi kong bible verse. Ibang verse ata dapat. Isang pamilyar na tawa ang nag echo sa buong kwarto. Pag angat ko nang tingin. SI MAXIMUS!?! Fuck! Tawa lang siya nang tawa habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay. I bet he's having a good laugh and pretty much enjoyed pranking me. Naka tanggal na 'yung teddy bear head pero nakasuot sakanya 'yung body. Sobrang takot na takot ako at hindi ko na alam 'yung gagawin tapos siya lang pala 'yung nasa loob?!  "I HATE YOU!" Pinunasan ko ang luha ko. Sumisinghot ako dahil barado 'yung ilong ko sa sipon. Lumapit ako sakanya at pinagsusuntok ang tiyan na mas lalo niyang ikinatawa.  Nakasuot nga pala ng suit ang mokong kaya hindi nasasaktan!  "Stop it, Ri. Stop it. Kung nakita mo lang 'yung itsura mo baka matawa ka rin." Niyakap niya ako para matigil ang paghampas. Ang bigat pa rin talaga ng hinga ko.  Malakas ko siyang tinulak at umupo pabalik sa kama. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumigil na rin siya sa kakatawa, lumapit at nakiupo na sa tabi ko. Naka crossed arms lang ako at naka pout. Tama naman din siya, miski ako tingin ko talaga mukang tanga ako kanina sa mga pinaggagawa ko. At dahil 'yung sakanya!  "Galit ka? Gusto lang naman kitang gulatin." Paliwanag niya.  Hindi ko na lang siya pinansin. Umalis din ito sa tabi ko at kinuha 'yung teddy bear head sa sahig. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Ano na naman ba ang plano nito? Isinuot niya ulit 'yun sa ulo niya. Bigla na lang humarap si kuya Maximus at sumayaw sa harap ko. Nagpigil ako ng tawag dahil kumikembot siya at nag t-twerk!  I bit my lower lip pero hindi 'yun sapat para pigilan ang tawa ko kaya napahalakhak na talaga ako. Imagine, a fluffy life size teddy bear dancing and twerking! I have no idea na marunong pa lang sumayaw si kuya Maximus. "Not again! Wag ka na mag twerk!" Hinagis ko 'yung unan dahil sa sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa pag kembot niya! Yung inis ko, nawala na.  He's forgiven.  "Are you still mad? Or do I need to dance more para mawala na galit mo?" Nakapameywang lang siya. Kahit na nakasuot siya ng costume ay bakas pa rin ang pagtaas baba ng dibdib niya. Napagod din sa sarili niyang trip.  Umiling ako. "Bati na tayo." Sagot ko at nagiwas akong tingin.  "Good. Nakakapagod ka pa lang i-please," "Sira ka ba? Ikaw naman may kasalanan. Kung hindi mo ako ginulat edi hindi ka na sana nag twerk pa." "Edi.. hindi na rin kita mapapatawa ng ganyan,"  Sumingkit ang mata ko habang nakatingin sakanya. Hindi ko talaga makikita ang mukha niya since hindi niya pa rin tinatanggal 'yung teddy head. Tumayo ako at nilapitan siya. Tumingkayad ako para lang makuha 'yung teddy head na suot niya.  "You're so beautiful, Tori." Sabi niya pagkatanggal ko sakanya.  "Tsk. Okay na nga diba? Ano pampalubag loob pa?" He smirked. "Loko. Maganda ka nga. Kailan ba ako nag sinungaling?" Umirap ako sa hangin. Tinalikuran ko na siya at bumalik sa kama para maupo.  "Edi maganda na. Teka... no boys allowed sa kwarto ko!" I suddenly remembered, no boys allowed. No cousins allowed! Yari ako kay dad kung madatnan niya si kuya Maximus dito. Hindi niya pinansin ang sigaw ko sakanya. Hinubad niya 'yung suit at pinagpag 'yung mga fluffs na naiwan sa katawan niya.  Naka shorts lang siya. WALA SIYANG SUOT SA PANTAAS! Ngayon ko lang nakita 'yung katawan ni kuya Maximus. Huling kita ko ay noong bata pa kame, noong pumunta kame sa beach house nila kuya Xenon sa La Union. 13 years old lang ako nun at 20 lang siya noon. Wala mang abs pero maganda pa rin ang pangangatawan.  Parang straight out of magazine ang itsura ng katawan niya. Perfect abs. Perfect body. Wala naman akong alam kung paano id-describe ang katawan ng lalaki pero katulad ng katawan niya 'yung mga nasa magazine. Mahihiya si Adonis kapag nakita ang katawan niya. "Ako pa lang unang nakapasok sa kwarto mo?" Tanong niya habang inilibot ang mata sa buong silid at ibinalik sa akin. "I didn't expect your room to be this neat. Minimalist. Akala ko may mga poster ka ng Barbie at Disney princesses sa kwarto mo." Mahina lang ang tawa niya pero mapanlait Tinaasan ko lang siya ng kilay. Humiga na ako sa kama at tinaboy siya gamit ang kamay. Nakapikit ang mata ko nang makaramdam ko ang paggalaw ng kama. Pag lingon ko ay nasa tabi ko si kuya Maximus na nakahiga sa kama. WHAT THE HELL? Hinarap ko siya para tadjakan paalis sa kama pero nilaban niya talaga ako para di ako magtagumpay.  "Alis na kasi" I pushed him more. "Ayaw ko. I'll sleep here tonight." Napa letter 'O' ang bibig ko. Ano na naman klaseng pang iinis 'to?  Naiiyak na talaga ako sa inis ko. Baka kasi anong isipin ni daddy lalo na't naka topless pa 'to. Humarap din si kuya Maximus kaya natigilan ako sa pag tadjak. Nakatitig lang siya sa akin. May kung ano akong naramdaman sa sarili. "W-what?" "Hmmmmhmmm" Kumunot ang noo ko. Pumikit na talaga siya at mukhang inaantok na. No freaking way!  "Gising kuya!" Tinapik ko ang balikat niya. Napahinga akong maluwag nung nagmulat siya. "Be quiet, Ri. Dito nga ako tutulog diba? And please, don't call me kuya anymore."  "W-why? You're my kuya, right?" Bahagyang gumalaw at nag igting ang mga panga niya, naging seryoso ang tingin sa akin.  "Because I like you, Tori. No... I love you. Kaya wag mo akong tawaging kuya masakit sa tenga." He said in a serious and dangerous tone. Kinabahan ako. Pinikit niya ulit ang mata. Hindi ko alam kung ano dapat maramdaman sa oras na 'to. Naguluhan ako.  Bakit? Bakit niya ako mahal? I mean... totoo ba 'to or prank lang din? Nag hihintay lang akong sabihin niya na 'IT'S A PRANK' pero walang ganong nangyari. Kanina ang seryoso niya nung sinabi niya na wag akong ma inlove sakanya. E ano 'tong pinagsasabi niya?  Hindi naman siya lasing. Ano ba 'to?! Naguguluhan ako. Wait... hindi dapat ako maguluhan.  He's my cousin! Kadugo man or not, he's my freaking cousin! Oh my god! I cleared my throat.  hate this devil! Ilang minuto rin ang lumipas at mukhang nakatulog na nga. Dahan dahan akong bumangon para hindi siya magising sa pag alis ko. Paapak na 'yung paa ko sa sahig nung mahawakan niya agad palapusuhan ko. "K-kuya... Maximus.. Mag c-cr lang ako.." Nautal ako. Wala akong maisip kaya ayun na lang ang sinabi ko. Pero ang totoo? Lilipat lang talaga ako sa guest room. "Liar." Matabang na aniya at hinatak ako papalapit sakanya. Nakapatong 'yung baba niya sa may ulo ko at mahigpit ang yakap sa akin. Yung isang kamay ay nasa likod ko at ang isa ay sa bewang. Wala talagang balak pakawalan ako.  Lalo lang tuloy akong naguluhan sa ikinikilos niya. Ang bilis ng paghinga ko dahil sa bilis ng mga pangyayari. Paano ako makakaalis kung halos ikulong na ako sa bisig niya. Kahit na fully air conditioned ang room ay pinagpapawisan ako. Ramdam ko ang bawat paghinga niya sa may ulo ko at ang kabog ng dibdib niya.  Hindi ko alam saan ko ipupwesto 'yung kamay ko pero dahil sa bilis ng pangyayari ay nakahawak ako sa hubad niyang katawan. And he smells so good. "Naiihi na talaga ako." Palusot ko at pilit na kumawala sakanya. Nakatungkod 'yung kamay ko sa may kama. Mabilis na hinawakan niya ang braso ko at ganon na rin ang pisngi ko. Magkaharap kami ng mukha. Antok na 'yung mukha niya pero gising pa rin ang diwa niya ah.  "Babalik ka?" Tanong niya. Nag iwas akong tingin panandalian at mabilis na ibinalik sa kanya. "Oo naman." Tipid kong sagot. "Whats with the lie, Ri? You were never good at that." Bumangon din si kuya Maximus para makausap akong maayos.  Tumuwid ako ng pagkakaupo. "I'm not. Naiihi ako. Kailangan ko bang maihi sa kama para maniwala ka?" "No. I'll kiss you if you won't come back." Banta niya at binitawan ang braso ko. Mabilis akong pumasok sa banyo at sinabunutan ang sarili. What is happening? Bakit ang bilis ng pangyayari? Ang weird niya bigla at hindi ko alam kung seryoso siya. Narinig ko ang pagtawag ni kuya Maximus sa pangalan ko kaya lumabas din ako agad at bumalik sa kama. Nakaupo lang siya at talagang hinintay akong bumalik. As if naman makakatakas ako 'no! "Tulog na tayo." Wala sa sariling sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at humiga agad ako.  "B-bakit? May dirt ba sa mukha ko?"  Hindi ko mabasa 'yung itsura niya. Ang alam ko lang, dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. In a matter of split second, his lips already touched mine. Ang nakakainis, pinikit ko rin ang mata ko nung halikan niya. His lips were moving softly and gently. May kung anong kakaibang apoy ang nag liyab sa loob ko.  He gently bit my lower lip kaya napa bukas 'yun and when he finally found an opening, marahan niya 'yung ipinasok ang dila niya sa labi ko. Slow and passionate kiss. On instinct, my tongue played with his. Sinuklian ko ang bawat halik niya. Yung apoy na nag liyab sa loob ko ay mas tumindi pa.  I'm on the verge of crying.  Nag init ang mga pisngi. Oh f**k! It's kuya Maximus, what the f**k! I was passionately kissing my cousin! WHAT IS WRONG WITH YOU, TORI!? Matamis na ngiti at mapangakit na tingin lang ang ginawa niya. He then again kissed me pero dampi na lang.  "I love you so much, Tori, since day one." halos idikit na niya ang labi sa tenga ko habang binubulong 'yun. Kinilabutan ako. He's dead serious about this. Bumalik na ulit siya sa pagkakahiga at inilapit ako sakanya at muling ikinulong sa mga yakap niya. Isang halik sa noo ang naramdaman ko bago siya tuluyang makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD