Paint
Hindi ako nakatulog sa text ni Lexus kagabi. Tinanong niya ako kung okay lang na pumunta siya sa bahay sa isang araw para dito na lang kami mag paint. Sumagot naman ako agad ng 'OO'.
Ngayon ko lang naalala na sa isang araw na rin ang uwi ni dad galing Bacolod. Syempre ipagpapaalam ko naman 'yun kay dad kaso nahihiya ako. Normal lang naman na tanungin ako kung manliligaw ko 'yun o hindi, pero ba't kinikilig ako? Kinikilig ako kahit hindi naman dapat kasi nga.... Friends kame diba?
Friends lang.
Lutang ako sa buong klase. Hindi ko magawang mag focus kahit andaming mga seatworks ang pinapagawa. Pinilit ko namang makinig pero wala talagang napasok sa utak ko. Naka ilang tungo ako sa prof. Wala talaga akong naintindihan sa mga sinabi niya. Sasabihin ko na ba kay daddy na may bisitang pupunta sa bahay? O sasabihin ko kay Lexus na uuwi ang daddy ko sa araw na 'yun? Ah basta!
"Huy, Ri! Kanina ka pa sabaw." Bahagya akong tinulak ni Cia na nagpanumbalik sa diwa ko. Tamad ko lang itong tinignan.
"O friends na tayo diba? Kaya pwede na kitang tawaging Riri.." nakataas ang dalawa niyang kamay sa hangin.
"Yes. Call me whatever you want.." Matamlay kong sagot sabay inom sa pocari sweat na bitbit ko.
Galing kaming canteen dahil lunch break na. Tapos na rin naman kaming mag lunch kaya naglakad lakad muna kame sa field.
"Bakit ba ang lalim ng iniisip mo? May problema ka?" Tanong nya.
"Wala 'to."
"Hmm, okay??" Hindi s'ya kumbinsido sa sagot ko. Hinayaan niya lang ako at tahimik na naglakad. Naisipan ko lang ikutin 'tong buong field para mawala iniisip ko. Nang medjo napalayo na ang distansya ni Cia sa'kin at tumakbo ako papalapit sakanya.
Siguro mas maganda kung i-open ko na lang sakanya 'yung iniisip ko. Isa sa pinaka effective na paraan para mawala o mabawasan ang problema ay yung pagkukwento. Makikinig naman 'tong si Cia, may pagka chismosa rin 'to eh.
"Cia! Cia! Wait!" Sigaw ko. Hingal na hingal na ako sa paghabol kay Cia. Ang bilis naman kase nyang maglakad. Mas mahaba kasi ang legs nya kumpara sa'kin.
"Kalma! Ano 'yun?"
"Lika dali! May iku-kwento ako!" Nakasunod lang si Cia sa likod ko. Nag hanap pa akong pwesto na walang tao para walang makarinig.
"Ano 'yung ikukwento mo?" Tanong nya. Huminga muna akong malalim at inisip ang una kong sasabihin. Ikinwento ko kay Cia kung paano at kung saan kame nagkakilala ni Lexus. Sa buong pagkukwento ko ay nakapaweywang at nakabusangot lang ang mukha nyang nakikinig sa'kin.
"Alam mo kung ano 'yan? In love ka!" Siguradong wika niya.
"Love? Agad agad? Ang bata ko pa kaya para jan. 17 pa lang tayo, ano namang alam mo ro'n?"
"Tsk tsk! Oo nga! Sabi mo mabilis na tumibok ang puso mo, na experience mo 'yung slow motion effect. Tsaka eto pa, excited ka na pupunta sya sa bahay niyo. Kitang kita naman sa mukha mo na gusto mo 'yung tao. Lilinawin ko lang sa'yo 'to, Tori the sheltered princess, ang love ay walang pinipiling edad. Okay? Kahit na 50 o 17 ka, pwede kang ma-inlove! Malinaw?" Paliwanag niya habang nakatayo, pabalik balik ang lakad. Parang prof na inis sa estudyante ang datingan niya.
"Hindi ako expert. Hindi pa nga ako na inlove eh! Marami lang akong crush. Kasing kapal na ata ng dictionary ang listahan ko ng mga crush ko eh!" Dagdag pa nito.
Taimtim lang akong nakikinig at isinasapuso lahat ng sinabi niya. Hindi porket bata, hindi na counted as love ang nararamdaman ko! Siguro nga love pero pwede ring infatuation lang.
Dumating na 'yung araw na hinihintay ko. Ngayong araw na uuwi si daddy at pupunta si Lexus. Nag paalam na ako kay daddy at gusto niya raw makilala si Lexus kaya nadagdagan lalo ang kabang isang araw nang naipon. Ipinaalam ko rin kay Lexus na ngayon gabi uuwi si daddy at gusto rin niya itong makilala!
Punong puno ng kagalakan ang puso ko. Pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to. Pinalinis ko 'yung buong bahay sa mga maids at pinaayos mga art materials na gagamitin. In-order ko pa 'yun online, matagal pa sana bago ideliver. Nga lang, nagbayad ako ng triple para ideliver kaagad. It's one of the perks of having a lot of money. Sayang naman kung hindi ko gagamitin.
Naka plain white V-neck shirt at track pants ako para mas comportable akong gumalaw mamaya.
"Hey, Tori," Bati ni Lexus na may bitbit na isang boquet ng roses at chocolates.
"Hi.." Imbis na lapitan si Lexus ay tumalikod ako sakanya. Gusto kong itago ang mukha ko dahil sa kilig na nararamdaman. Love na ba talaga 'to? Humawak ako sa dibdib para damahin ang t***k ng puso ko na gustong kumawala sa katawan ko. Humarap ulit ako kay Lexus para kunin 'yung bitbit nyang roses and chocolates.
First time kong makatanggap nito. Kahit anong tago ko sa kilig ko, lumalabas at lumalabas pa rin talaga. Para akong sasabog. Abot tenga ang mga ngiti ko habang kausap si Lexus. Mas lumutang ang kagwapuhan ni Lexus sa suot nyang maroon plain shirt at khaki shorts.
Gwapong gwapo ako sa mga lalaking naka corporate attire pero ibang iba ang lakas ng dating ni Lexus kahit na ang simple lang ng suot niya. Mas nadepina tuloy mga muscles niya sa katawan at ang malapad niyang balikat. Mahilig kaya sa sa sports? Athletic din kaya tulad nila Harem?
Bumalik siya sa kotse para kunin mga art materials na dala niya. Sumaglit muna ako sa kitchen para ilagay sa refrigerator 'yung chocolates at ilipat sa vase ang mga roses. Sinabihan ko yung ibang maids na ihatid na si Lexus sa may garden area kung saan kame mag pa-paint.
"Bagong bili mo?" Tanong ko. Mukhang mamahalin lahat nung dala niya. Ang iba naman ay may cover pa.
"Oo. 'Yung sa'yo rin?"
Tumango ako at umupo na sa harapan niya. Sa sahig na lang kame umupo para mas komportable. Wala akong hilig sa pag paint pero dahil si Lexus ang kasama ko, sobrang na enjoy ko bawat segundo na kasama siya. Gabi pa naman ang dating ni dad kaya mahaba haba pa ang oras na magsasama kame.
Kung ano ano lang ginawa ko. Wala akong ma-visualize na picture sa isip ko, pinaghalo halo ko lang lahat ng blue colors na meron sa palette ko. Mas maayos ang gawa niya kumpara sa akin. Ibon ang kinalabasan ng ginawa ko kahit parang hindi naman. Pinilit ko na lang na maging ibon ang itsura nya.
"What's that?" Dinungaw niya ang gawa ko.
"Bird. It doesn't look like one though. Ako gumawa kaya I know.." Paliwanag ko. Pati sarili ko niloloko ko na. Hindi talaga sya mukang bird!
"Is there any hidden reason behind it?" He asked.
"Well, the meaning of my name in Japanese is bird. Yun lang. Actually, my name was supposedly Jiyu Tori, meaning, free bird. Dadating daw kasi 'yung panahon na hahayaan na nila akong tumayo sa sarili kong mga paa. To explore the world and see it with my own eyes. That some birds aren't meant to be caged."
"That's interesting, Tori." Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Yung mga titig at ngiti niya ang hindi ko na makaya. Nakatitig lang ako sakanya kasabay ng pagpigil ko sa aking paghinga. Baka ito pa ata ang maging cause of death ko, 'yung pagpipigil nang kilig!
Bumibigat ang paghinga ko, unti-unting inilapit ni Lexus ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko magawang umatras man lang, para bang hinihintay ko lang din kung ano 'yung susunod niyang gagawin.
Hahalikan niya ba ako? May dumi lang ba sa mukha ko kaya gusto niyang ihipan? Mababaliw na ako! Nakatitig lang ako sa mga mata niyang nakakatitig din akin.
Nang maramdaman ko ang mabibigat niyang paghinga habang papalapit ang mukha sa akin, biglang naglaho ang kilig na nararamdaman ko at napalitan ng pagkagulat sa pag dating ng maid.
"Ma'am anj— ay! Sorry po!" Gulat na hiyaw nito.
Mabilis kaming dumistansya sa isa't isa ni Lexus. Pulang pula na ang pisngi ko sa hiya at kilig.
"A-ano po 'yun, yaya?" Tanong ko.
Nagtakip ng mukha ang maid bago ito tumalikod na parang pati sya ay nahiya sa nakita.
"Anjan na po ang daddy nyo, ma'am Tori."
Tumayo na ako at sumunod sa maid para salubungin si daddy. Nakasunod din si Lexus sa likod ko. Naging awkward tuloy sa pakiramdam 'yung nangyare kanina. Hindi ko na alam kung paano siya kakausapin. Nakatayo lang si daddy sa may porch, kausap 'yung driver.
"Hi dad! Kamusta po ang byahe? I miss you po!" Bati ko. Niyakap kong mahigpit si dad at hinalikan niya ako sa noo. Sobrang miss ko na talaga si dad. Namiss ko 'yung mga boring niyang kwento at sobrang corny na jokes.
"I miss you too, Sev! Oh.. you're Lexus?" Nilingon ko si Lexus na nasa likuran. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay iniiwas ko agad. Pumasok na kame ni dad at hinayaan na lang 'yung driver na iakyat lahat ng gamit sa kwarto.
"Kumain na ba kayong dinner?" Bumalik ang tingin sa akin.
"Uhm, hindi pa dad."
"Great! Ipapahanda ko na muna kay manang 'yung dinner." Dumiretso na si dad sa kitchen at naiwan kaming dalawa ni Lexus sa living room. Tahimik lang kami at halos hindi makatingin sa isa't isa.
Hindi dapat ako mahiya kay Lexus. Wala naman kaming ginawang masama diba?
Inaya ko na si Lexus sa may dining area at sumunod na siya. Nakangiti, pero alam ko namang nahihiya rin sa ginawa. Sinalubong kame ng mga ngiti ni dad at kinilatis nang maigi si Lexus gamit ang mata. Nakatuon ang mga tingin sa bawat galaw nito.
Hinila ni Lexus ang upuan sa harap ko at inilalayan akong umupo. Nakatingin lang si daddy sa aming dalawa. Tahimik na nagmamasid. Pagkaupo ko ay umupo na rin si Lexus sa tabi ko. Ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon na kasama namin si daddy. Akala ko todo na 'yung kaba ko kanina, may mas ilalala pa pala!
"Let's eat." Si dad.
Parang fiesta ang dinner namin ngayon. Puro mga Filipino dish ang niluto nila manang. Alam kasi nila na uuwi si dad at sinabi ko na may bisita ako. Nagulat pa sila. Unang pagkakataon na may pupunta rito bukod sa pinsan ko.
"How old are you, Lexus...?" Nahinto si dad sa pagsasalita, lumihis ang tingin sa katabi kong si Lexus.
"Bustamante, Sir. And I'm 21." Pormal na sagot nito.
"Bustamante? Are you related to Rafael Bustamante?" Naningkit ang mata ni dad.
"Yes, sir. He's my father."
"He's a great businessman. Tell me about yourself, Lexus. How'd you meet my daughter? What course are you taking? Do you have a girlfriend? You know, basic questions.."
"Dad?!" Namilog ang mata ko. Halos mahilo na ako sa sagutan ng dalawa, palipat lipat lang ang tingin ko kapag magsasalita sila.
"What? May problema ba sa tanong ko?" Si dad sabay tingin kay Lexus.
"I met Tori sa isang party. She looks so innocent kaya nagtaka ako kung bakit siya andun. I talked to her and she really is a nice person, Sir."
Tumango ang daddy. "I'm studying in UST. Since ako naman po 'yung magtutuloy sa business ni dad, business management kinuha kong course. And.. wala po akong girlfriend, Sir." He added.
"Ah, 'yung party ng anak ng senador? I remember." Tumango siya ulit nang maalala. "Maganda 'yang plano mo, hijo. Alam mo na ang gusto mo sa buhay. Maswerte si Rafael at may anak siyang katulad mo."
"Thank you, Sir."
Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa kanilang usapan. Lihim akong natuwa nung nalaman kong wala siyang girlfriend.
"Oo nga pala, next week na pala 'yung 18th birthday ni Seven. You should come since you're her friend." Lumipit ang atensyon ni dad sa akin. "And Seven? Invite your other friend too. Cia, right?"
Nawala sa isip ko na mag b-birthday na pala ako. Hindi naman ako ganon ka excited. Malungkot kung tutuusin. Ito kasi unang birthday ko na wala si mommy.
"Talaga, Tori? Sige po, pupunta po ako." Masiglang sambit ni Lexus at bumaling sa akin.
"Oo. Hmm, intimate party lang naman 'yun. Family members lang namin kaya hindi naman siya kasing garbo ng normal na 18th birthday..."
"It's an honor for me to be there, Tori!"
Natapos na rin ang mahaba naming dinner. Hindi na ako nakapag desert pa dahil wala nang namapaglagyan sa tyan ko. Umalis na si dad dahil marami pa raw siyang aasikasuhin.
Naupo at tumatambay kami sa labas ng bahay para dito na lang mag usap. 10 pm na rin ng gabi at kailangan na ring umuwi ni Lexus. Inilagay niya sa sasakyan yung painting na gawa ko.
Gusto ko sanang bawiin kasi hindi naman talaga mukhang ibon, gusto lang daw yang kunin para remembrance kaya kinuha ko na lang din 'yung gawa nya. At least 'yung sakanya, maganda. Puno at bituin naman 'yung ginawa niya pero maganda kung ikukumpara sa gawa ko.
"Thank you ha? First time kong mag paint tapos sobra kong na-enjoy."
"You're welcome. Nag enjoy din ako, Tori. Nag enjoy akong kasama kang mag paint. And I also want to thank you."
"For what?"
"For making me this happy."
I bit my lower lip. It's starting again! My heart skips a beat once again. I went speechless and my mind's running wild somewhere. Mabuti na lang at nagsalita ulit si Lexus.
"I actually envy your relationship with your dad. Hindi naman kasi kami ganon ka-close. Yes, ako yung mag mamana ng company pero hindi naman ako 'yung paborito niyang anak. I am invisible in his eyes. Palagi na lang 'yung step brother ko nakikita niya. Sometimes, hinihiling ko na sana ako na lang 'yung may sakit para mapansin ako ni dad. I feel like I'm a bad person because I get jealous of my sick brother." Malungkot ang boses at malinaw din iyon sa mukha niya.
"You're... you're not a bad person, Lexus. What you are feeling is normal. You're jealous because you love your dad so much and that's a good thing. You may be invisible in his eyes but in my eyes... you're all I see, Lexus. I see you." I smiled gently.
Gusto kong ipaalam sakanya na mahalaga siya sa akin. I never felt jealous of anyone or anything but I exactly know how being invisible feels like. In school, no one sees me as me, they only see me as a cousin of handsome jerks.
Without them, I am invisible. Nasasaktan ako minsan dahil doon.
I think, isa sa reason bakit nagustuhan ko si Lexus ay may pagkakaparehas kame. Naiintindihan niya nararamdaman ko at naiintindihan ko 'yung nararamdaman niya lalo na kapag tungkol sa pamilya at sa sarili. We're different and also the same. It's like two souls meant to crossed path.
Maybe to learn from each other or... to find love in each other?
Hindi man nagsasalita si Lexus pero punong puno ng emosyon yung mga mata nya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Sa higpit ng yakap, naramdaman ko na kahit papaano ay naibsan ang bigat na nararamdaman niya.
Ramdam ko ang init ng buo niyang katawan. Niyakap ko rin siyang mahigpit. Hindi kilig ang naramdaman ko kundi saya. Masaya ako na gumaan ang nararamdaman nya.
Kumalas siya sa mahigpit na yakap sakin at inayos ko ang aking sarili. Teary eyed pa ako kaya mabilis kong pinunasan 'yon. Basta talaga pag dating sa pamilya, nadudurog ang puso ko. Iyon kasi ang kahinaan ko.
Pinagmasdan ko siya habang nilulunok ang nagpapabara sakanyang lalamunan Parehas kaming tahimik. Dama ko ang bawat ihip nang malakas na hangin sa aking pisngi.
"I think.. I'm starting to like you more, Tori." He whispered.