Friends
Nasa mall ako para bumili ng bagong phone. Dayoff ng driver ko kaya minabuti kong mag-grab na lang.
Saktong 11 AM ako pumunta para gaanong madarami ang tao. Saturday pa naman. Mamayang hapon dadagsa na ang marami. Uuwi rin naman agad ako matapos kong bumili.
Pumasok sa isip kong mag shopping ngunit, naglaho din iyon. Pagkababa ay dumiretso ako sa cyber zone. Same sim card na lang din naman ang ginamit ko para hindi hassle. Pag open ko ng phone ay halos sumabog na ang notifications sa daming messages.
Maraming update si dad sa akin about sa work. Next week pa pala siya makakauwi dahil nasa Bacolod 'yung bagong case na hina-handle niya. I informed dad that I went to Jude' party with cousins last night. May doubt pa rin ako kung totoo ngang ipinagpaalam ba talaga nila ako.
Dumaan muna ako sa bookstore bago umuwi. Naisipan kong tumingin kung may bagong released articles ng mga fashion magazines ngayong month. Tinanong ko 'yung staff ng bookstore, next week pa raw ang delivery ng mga magazines. Sayang naman!
"Tori?" Tawag ng isang pamilyar na boses. It's Lexus! Napalitan ng saya at excitement ang pagkadismaya ko.
"Hi!" Masiglang bati ko.
"How are you? Ikaw lang?" Pinagmasdam niya ang buong paligid at nang wala siyang nakita, ibinalik nito ang tingin sa akin. "Where's your cousins?" Dagdag niyang tanong.
"Ako lang." Matipid na sagot ko, ngumiti ako.
"Alright. Kumain ka na ba?" Ipinatong niya ang siko sa bookshelves sa gilid ko.
Mas matangkad si Lexus sa mga pinsan ko. Hanggang dibdib niya lang ako. Nakatingala ako sakanya tuwing magsasalita siya.
"H-hindi pa eh." Nauutal na sagot ko, excited. Masyado yatang halata ang saya ko nang makita siya. Kumain na ako bago umalis, wala rin akong planong dito sa mall kumain.
"Ganon ba? Gusto mo bang sabay na tayo?" He asked.
"Ah, sige.. kung okay lang sa'yo." Tumango agad ako.
Gusto ko sanang itanong kung kami lang ba o may iba pa siyang kasama. Nakakahiya naman kung sakaling ganon nga.
"Oo naman. Ako lang din mag-isa."
Palihim akong napangiti. Napaisip ako kung may girlfriend na ba siya? No, Tori! You must not think about that!
Japanese restuarant ang napili niyang kainan namin. Sa loob lang din ito ng mall. Medyo mahal ang dishes nila kaya naman bilang lang ang narito.
"Anything to add, Sir?" Tanong ng waiter kay Lexus.
"That's all."
Tumungo ang waiter at umalis. Kung ano 'yung inorder ni Lexus ay 'yun na rin ang sa akin. Kinakabahan akong magkamali kaya tumahimik na lang ako. Dahil lang sa pangyayari kagabi, pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kaibigan sa pagkatao niya.
"Okay ka lang? Tahimik ka." He asked.
"Yes." I bit my lower lip.
"Hindi ka ba komportable dito? We can go somewhere else to eat."
Umiling ako. "Hindi! Okay lang talaga ako, promise." I smiled.
Dumating na ang orders namin. Kahit papano hindi na masyadong awkward. Ako yung naa-awkward-an. Natutuwa lang talaga ako sa ideya na magkaibigan kame.
Siya lang ang masiglang nagkukwento tulad kagabi. Hindi ko naman gustong sirain ang masayang mood pero na b-bother ako at na c-curious kung ano ba talagang nangyare sa kanila ni Matrix.
I cleared my throat again. "Lexus? What happened between you and my cousin last night?" Tumigil siya sa pagkain, uminom muna ng lemonade, at pinunasan ng tissue ang bibig bago nagsalita.
"Is that the reason why you're silent? Hmm, wala. Walang away na nangyare. After you left, sumunod na rin siya. Though, pinagbantaan niya ako with his looks."
Nakahinga akong maluwag.
"They really love you a lot. You're so lucky to have them.." Aniya at itunuloy ang pagkain.
"Sobra! Hindi ko lang sila pinsan. Bestfriend pa!"
"Don't you have any other friends?" Inangat niya ang tingin sa akin.
I shook my head. "Hmm, wala. Wala pa."
"Really? If you want... I can be your other friend aside from your cousins." Alok niya.
"Oo naman!" Maagap kong sagot.
I am really happy right now! Magkaibigan na nga talaga kame. Inakala kong hindi na kami magkikita pa sapagkat hindi ko naman talaga siya kilala. However, were friends now. I have a friend now!
"Can I borrow your phone?" Tanong niya. Hindi na ako nagisip pa, maagap kong kinuha at iniabot sa kanya. I craned my neck. Nakita kong sinave lang pala niya ang number niya.
"Since friends na tayo, here." Inabot pabalik ang phone.
I texted him para masave niya rin ang number ko. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa, ngumiti nang titigan ito. Hindi ko na alam kung paano ko pagkakasyahin ang sayang nararamdaman ko.
Sinamahan ko siyang bumiling relo nang matapos kaming kumain. Napansin niya yata na gusto kong itanong kung pinsan ko ba ang sumira.
"I broke this myself." Paninigurado niya.
I softly chuckled, nakahingang maluwag.
"Thanks for today, Lexus." Sabi ko.
Palabas na kame ng mall nang hinawakan niya ang kaliwang braso ko. "Uhm, may problema ba?" Kumunot ang noo ko.
Binitawan din naman agad ito. "Wala. May sundo ka ba?" Lumambot ang mukha niya.
"Wala eh. Day off kase nung driver." Sagot ko. Nakatingala ako sakanya, pinagmamasdan ang mukha niya.
"I'll drive you home then." Pagpepresinta niya at nag lakad na papuntang carpark. Nakailang pigil pa ako sakanya pero tuloy tuloy lang ang paglalakad.
Malayo pa lang ay pinatunog na niya ang makina. Gumaan ang loob ko lalo na't magkaibigan na nga kami. I opened up about my mom. Marami siyang sinabi at gumaan naman ang loob ko dahil do'n.
At first, he didn't believe me when I told him he's my first friend. Naniwala lang siya nang ipakita ko 'yung mga pictures ng vandals sa loob ng girls comfort room tungkol sa'kin. A derogative words against me. Kumuyom ang mga kamao niya habang kinukwento ko mga ginawa ng mga niloko't pinaasa ng pinsan ko.
"Hindi ba nila inisip na mangyayari 'yan? That's pretty normal to some girls who wanted revenge. Anong ginawang action ng school niyo about diyan?!" May diin ang bawat salita ni Lexus. Naiinis siya!
"Wala na naman sila sa school." Hindi ko na sinagot pa 'yung una niyang tanong. Hindi ko hawak ang pag-iisip nung tatlo. Ikinwento ko pa 'yung ibang ginawa sa'kin. Nakailang malulutong na mura pa pinakawalan niya. Pailing-iling at halos hindi makapaniwala sa mga kwento ko.
Kahit na ilang pananakot pa ang gawin ng mga pinsan ko, nauulit at nauulit pa rin naman. Sa ibang paraan na nga lang ngayon.
Tinuro ko ang daan papunta sa village namen. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang sasakyan ng tatlo. Ipinahinto ko na agad sa kanto 'yung kotse ni Lexus, alam na niya siguro ang ibig kong sabihin.
Kinunutan pa ako ng noo ni Lexus pero sa huli ay sinunod din ang pakiusap ko. Kapag nakita siya ng pinsan ko... Ugh! Ayoko na isipin pa. I already claimed this day to be perfect.
"Pasensya ka na ha? Alam mo naman 'yung ugali ng tatlo." Humarap ako kay Lexus.
"I understand, Tori. Pero ayos lang naman sa'kin kung makakausap ko sila. We're friends now, right?"
Napuno na naman ng galak ang puso ko. Oo nga pala!
"Sa sunod na lang siguro?" Sabi ko.
"Sure! By the way, thank you for this day. Nag enjoy ako." Aniya habang ipinatong ang braso sa manibela.
Pinagmamasdan ko lang siya habang marahang isinasandal ang ulo sa braso at nang mag tagpo ang mata namin ay madalian ko 'tong iniwas. Tumuwid ako ng pagkakaupo at inayos muna ang sarili bago lumabas. Nakailang nakaw tingin na ako sakanya habang busy siya sa pagd-drive.
Napansin niya kaya?
"Ako dapat ang mag thank you sa'yo pero you're welcome!" Sabi ko.
Kanina ko pa kinakalas 'yung seatbelt pero ayaw talaga maalis! Nakakataranta naman kase 'yung mga tingin niya eh! Bakit naman biglang ganon? Hindi naman siguro sira 'tong seatbelt dahil mukang bagong bago pa 'tong sasakyan. Ugh!
"Let me help you." Napaigtad ako sa paglapit niya sa akin. Sobrang bango niya! At ang kinis kinis ng mukha. Kasabay ng pagtanggal sa seatbelt ko, parang tumigil saglit ang mundo. Napahawak ako sa puso ko dahil sa mabilis na pag hinga.
Kalma! Kumalma ka, Tori Seven!
Hindi ko na magawang tumingin pa sakanya. Ang weird ng pakiramdam ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Tulad sa mga napapanuod at nababasa ko, ang tawag dito ay 'kilig'. Pero hindi ako sigurado kung 'yun ba talaga ang naramdaman ko.
"Thanks!" Binuksan ko na 'yung pinto at bumwelo sa pagbaba. Bago ko pa masara ang pinto ay narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Tori?"
Halos umikot ang katawan ko sa paglingon sakanya.
"Yes?" Tanong ko.
"Mahilig ka bang mag paint or drawing?" Tanong nito. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip niya. Sobrang random lang kase ng tanong.
"Nope.." nakangiting iling ko.
"Good. Then we'll do it next time." Masayang masaya naman siya tignan. Not bad! Kung mag p-paint man ako, yun ang first time kong gawin 'yun at siya pa ang kasama ko. Siya ulit!
Nang makaalis na si Lexus ay inayos ko ulit ang sarili ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Dahan dahan ko pang binuksan 'yung double door ng bahay para hindi ako mapansin ng tatlo. Wala naman akong naririnig na ingay kaya baka nasa pool area sila or sa entertainment room.
Walang tao sa salas kaya dumiretso na ako sa kwarto. Nakatingkayad pa ako habang naglalakad nang bigla akong hinatak ni Harem pababang hagdan. Muntik na atang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan ko sa pagkakahatak niya. Galit na galit?! Ang OA manghatak!
"T-teka! Bitaw! Masakit!" Saka lang ako binitawan ni nang nakababa na kame. Dirediretso lang siya sa paglalakad papuntang pool area.
Nakapamulsa pa ang loko! Sumunod na lang ako sa kanya papunta roon. Nice! Kanina lang ang saya saya ko. Sabi ko na ang perfect na nung araw ko pero parang mauudlot na naman.
Pag dating ko ay abala sa pags-swimming 'yung dalawa. Naka swimming trunks ang mga ito. Kaya naman pala naka pambahay lang si Harem dahil gusto lang nila mag swimming. Mukhang dito na naman tatambay mga 'to!
Kung gusto pala nilang mag swimming edi sana dun na lang sila sa mga bahay bahay nila. Mas malaki naman ang pool nila kesa sa amin. Umupo ako sa may bench malapit sa pool. Hinatak-hatak ako ni Harem tapos hindi naman ako papansinin. Pati 'yung dalawa dedma lang! Trip lang nila ganon?
Tatayo na sana ako nang magsalita si Matrix.
"Kamusta date?" Hindi man niya ako tinitignan ay alam kong ako ang tinatanong. Tumigil sa pag langoy si kuya Xenon at sumandal sa gilid ng pool. Si Matrix naman ay nakatitig lang sa tubig habang si Harem at nakatitig sa kawalan.
Teka... ano 'to? I-interogate na naman nila ako? Iiral na naman ang pagiging OA? Isinandal ko ang likod ko sa upuan at nagpanggap na kunwari ay wala akong narinig.
"Kamusta nga date?" Madiing ani ni Harem.
Inisa-isa ko silang tignan. Walang pansinan ha!?
"Tori." May pagbabanta sa boses ni kuya Xenon. Umirap na lang ako sa hangin at sinagot ang walang kwentang katanungan nila. Sige, papatol na ako para matapos na.
"Wala akong ka-date."
"Ows?" Si Harem.
Umirap ulit ako. Tatanong tanong tapos hindi maniniwala? Di sana di na lang nagtanong diba?
"Sino nag hatid sa'yo?" Si Matrix, nakatitig pa rin sa tubig. Seriously?
"Si Lexus. 'Yung inaway mo kagabi. Remember?"
"Tori!" Pagbabanta ni kuya Xenon.
What? Totoo naman ah! Hindi naman ako pinalaking sinungaling kaya sasabihin ko 'yung totoo.
"Lilinawin ko lang ha? Kaibigan ko si Lexus. Kung sino man ang nagsabi sainyo na nakipag date ako, pakisabi ay wag siyang issue!" Asik ko.
"Kaibigan? Talaga? Wag mo nga akong niloloko, Tori." Si Harem.
"Bakit? Tingin niyo ba lahat ng lalake tulad niyo?" Panunuya ko.
"Hindi. Pero kilala namin mga katulad niya. Sinasabi ko sa'yo, manloloko—" si kuya Xenon.
Hindi ko na s'ya pinatapos pa sa pag sasalita. Pagkakaisahan na naman nila ako eh. Alam ko naman na they're just being protective of me pero hindi naman ata tama na pagbawalan nila ako makipagkaibigan. Isa pa, mabait naman 'yung tao sa akin. Bakit ko pagiisipan ng masama?
"Kaibigan ko nga 'diba? Bakit ba napaka OA niyo? Daig niyo pa si daddy!" Tsaka lang nagsitinginan ang tatlo nung sumigaw na ako.
"Fine. Wag mo sabihing hindi ka namin sinabihan. Wag kang iiyak iyak samin." Pagbabanta ni Harem.
"Really? Are you hearing what you are saying? Talaga lang ha." Sobrang dismayado na ako sa mga sinasabi nila. Nakakawalang gana na silang kasama kung ganito lang.
"Yes. Malinaw. But it's better if you stay the f**k away from that asshole." Mahinahong wika ni Matrix, ngunit dumiin sa bandang huli.
I'm done. I can't tolerate their attitude anymore! Palagi na lang akong sunudsunuran sa kanila dahil lang sa pinsan ko sila at alam kong mahal nila ako. Hindi ko naman pwedeng hayaan na sabihan nila ng mga masasama 'yung kaibigan ko. Yung kauna-unahan kong kaibigan!
"You know what, sa inyong apat, kayo 'yung asshole!" Sigaw ko at tumayo na. Mabilis at mabigat na rin ang bawat pag hinga ko. Matatalim ang mga tingin ng tatlo. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nakatitig si Harem sa'kin
"Watch your language!" Galit na sigaw ni Matrix.
Malamang ay naririnig kame ng mga maids sa loob. Kanina pa kame nagsisigawan dito sa pool at kanina pa rin ako naiinis sa kanila!
"Stop being so controlling?! Can you? Nakakainis na kayo!" Sigaw ko pabalik,
"Titigil lang kame kung ititigil mo pakikipagkaibigan sakanya." Si kuya Xenon. Ano bang problema sa mga pinsan ko?! Takot ba sila na sa'kin bumalik ang karma nila? Lagi ko naman sila sinusunod ah! Hindi naman ganito kahigpit si daddy sa akin.
"You're all an asshole! Sobra niyo na akong sinasakal!" Pumiyok ako. May namumuo nang luha sa mga mata ko.
"Because we love you." Mahinahong sambit ni Matrix.
"May sarili naman akong utak. Hindi ako pinalaking tanga at bobo ni dad. Okay? Just trust me."
"We trust you but not that asshole." Si Harem.
"Stop calling him an asshole, asshole." Sagot ko.
At this point, alam kong naiintindihan na nila ako. Nakakatawa na kanina nagsisigawan kame, ngayon tahimik na lang at mga nakangisi na parang aso. Sa aming tatlo, laging ako ang may hawak ng alas. Alam na alam ko kung paano ko sila gagalitin. Kabisado ko na mga ugali nitong tatlo.
Naiinis man ako minsan sa kanila, di ko mapigilang hindi ma-amaze sa ugali nila. Sila ang taga balanse sa buhay ko, may isang lalaban at may isang magpaparaya. We all know our strength and weaknesses. Kaya kahit anong mangyare, sanggang dikit kame! Sinasalo naming ang bawat isa.
Kaya siguro kahit na wala akong friends, hindi ako naging desperadang magkaroon ng kahit na sino. Kuntento na ako sa kanila pero masaya talaga ako na may kaibigan na ako bukod sa kanila. Masaya kami kahit kami lang. Isang tingin, isang ngiti alam na naming ibig sabihin. Magkakadugtong na ata mga pusod naming eh.
"Sorry." Mahina lang 'yun at halos bulong pero sigurado naman akong narinig nila.
"Sorry din. Sorry.. minsan talaga 'di namin mapigilan hindi imaging selfish. I'm sorry." Si kuya Xenon.
"OA kase kayo!" Tinulay ko si kuya Xenon pabalik sa pool. Nagtawanan ang dalawa at bumalik ulit kame sa dating sigla. Akala ko maga-away talaga kame ngayon. Wala pa naman akong balak mag patalo.
Lumapit ako sa kaninang pwesto ni Harem. Nakiinom ako sa juice sa may table habang pinapanuod silang tatlong mag swimming.
"Ba't pala kayo nandito?" Tanong ko,
"Sabi ni tito dito raw muna kame." Si Harem.
"Buti pumayag sila tita na dito muna kayo."
"Oo naman. Ba't hindi? Mas mahal ka nga ata ng mga magulang naming kesa samin." Sinamaan ako ng tingin ni Matrix.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang bitter bitter pakinggan. Binato ko siya ng isang pirasong chips. Well, he's not wrong. Pati mga tita ko sobrang alagang alaga ako. Ako lang naman kase ang babae sa pamilya kaya all out sila pag dating sa akin. Kahit hindi ko hinihiling, binibigay nila.
Mas OA pa magalit mga tita ko compare kay mommy. Ang swerte swerte ko talaga sa mga kamaganak ko. Hindi na rin masama na matawag na 'Rizaldo's Princess' dahil 'yun naman talaga ang trato sa akin.
Sa wakas at nadatnan na ng pagod ang tatlo. Pumasok na kame sa loob at kinain ang inihanda ng mga maids. Nung hinahanap ko sila, hindi ko sila makita. Ngayon, andito na silang lahat. Mukhang mga naki-chismis din habang nagsisigawan kameng apat sa pool.
Nag palit muna akong pajama bago pumanhik sa guest room na tutulugan nung tatlo. Naki tambay muna ako sa kwarto at nakipagkwentuhan. Sa daming mga pinagk-kwento nila, bumagsak din ang usapan sa mga babae nila.
"Wala ba talaga kayong sineryoso?" Tanong ko. Nakihiga rin ako sa kama habang nakataas ang dalawa kong paa na nakasandal sa pader.
"Ako, wala." Si Kuya Xenon.
"Me too." SI Matrix.
Napalingon kame kay Harem nung hindi siya sumagot. Katabi ko si kuya Xenon sa kama na nakahiga at nakandantay ang mga paa sa balikat ni Matrix na nakaupo sahig habang nakasandal sa gilid ng kama. Nakapwesto naman si Harem sa upuan sa tabi ng study table.
"Wala." Sagot nito.
Sabay sabay naming hinagisan ng unan si Harem. Alam naman naming na nagsisinungaling siya! Patay na patay kaya siya dun sa nerd na SSC president. Nahuhuli naming siya na inii-stalk yung Hanabi na 'yon.
Mabait, maganda rin kahit na nakasuot nang napaka kapal na grado ng salamin. Isang beses ko pa lang naman siya nakausap kaya masasabi ko na mabait at mahinhin. Nerd lang talaga. Hindi naman sinasabi ni Harem kung ano nagustuhan niya roon. Hanggang ngayon sobrang indenial pa rin kahit alam na alam na namin.
Umiiwas siya kapag alam niyang papunta na si Hanabi o kaya biglang nagiging maamong tupa. Sayang lang at hindi ko siya nakita sa SSC office nung nautusan akong magdala ng papel.
"f**k y'all!" Sigaw ni Harem at nakipagbatuhan din.
Tuwing mag o-overnight sila sa bahay, ganito lagi ang nangyayare. Late night talks and pillow fights. No phones allowed. Ang mag phone, magiging slave ng bawat isa for one week! Naranasan ko na maging slave nila.
Ang lala! Naging chaperone ako ni Matrix sa lahat ng dates niya. Naging ATM ako ni Harem at naging taga gawa akong PPT ni kuya Xenon!
Bigla kasing tumawag si daddy nun, 'di ko naman matiis na hindi sagutin kasi baka emergency. Rules are rules. Kung hindi ka susunod, then accept all the consequences. I absolutely love this crazy family!
SHIT! I forgot to do my power point presentation!
What should I do? Naiinis ako sa sarili ko! Ngayon lang talaga nangyari 'to. Sobrang preoccupied ako sa mga nangyare nung weekend. Nag road trip pa kame nila Harem nung sunday. Sa sobrang petiks ko, nawala na sa isip ko na may gagawin nga pala!
Hindi ko tuloy magawang tignan ni Cia. I'm sure galit siya sa akin kase natarayan ko siya last time. Hindi ko rin pinansin mga chats niya. Nakakahiya talaga! Iniiwasan ko pa namang mapahiya o magkamali para hindi ako mapagusapan.
For sure, mag eenjoy sa kakalait mga haters ko kapag nagkataon! Nakapa bilis pa naman kumalat ng issue dito sa sa school! Mabilis pa sa ihip ng hangin!
"Ms. Rizaldo? Ms. Rizaldo, you're next. Ms. Tori Seven Rizaldo!" Paulit ulit na tawag ng prof. Hindi ko alam kung tatayo ako o sasabihin ko na wala talaga akong gawa.
Ayan na naman mga tingin ng mga kaklase ko. "Sabihin mo lang kung may gawa ka or wala para hindi nasasayang ang oras ng klase ko!" Sigaw nito.
Yumuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.
"Uh, sir? Ako po 'yung may dala nung ppt. Ako po 'yung naka-assign sa reporting." Si Cia.
Mabilis kong nilingin si Cia na ngayon ay papunta na sa harap. "Yun naman pala. Paki bilis!"
Pumunta na agad si Cia sa harap, bitbit 'yung sarili macbook. Para na akong lalamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Nakatitig lang ako sa ppt na gawa ni Cia. Sobrang laking pasasalamat ko sa ginawa niya. Hihingi agad ako ng sorry sa inasal ko sakanya at mag papasalamat dahil sinave niya ako.
Si Cia ang last na nag present. Natapos na ang klase at nagpasalamat agad ako sakanya. Utang na loob ko talaga 'to!
"Cia? I'm sorry sa inasal ko last time ah... and thank you kase sinave mo ako sa kahihiyan."
"Wala 'yun!" Aniya at tinapik ang balikat ko.
Inaya ko siyang mag meryenda muna bago kame umuwi. Doon kami sa malapit na restaurant sa labas ng school. Mabuti na lang talaga at pumayag siya. Sa ganitong paraan na lang ako makakabawi sa malaking tulong na ginawa niya.
"Thank you talaga ah! Kahit na tinarayan kita, tinulungan mo pa rin ako." Guilty-ing guilty na talaga ko.
"Okay lang. Siguro natakot kita 'no? Gets ko naman eh. Alam ko kaya mga ginagawa sa'yo ng mga exes ng pinsan mo. Kakaloka!"
"Talaga?"
"Oo naman. Ang lala kaya! Buti tinigilan ka na 'no?"
"Yeah. Finally!" Sabay kameng nagtawanan. Napaka daldal pala nitong si Cia. Naalala ko tuloy mga masasamang naisip ko tulong sakanya. Hindi naman pala siya ganon ka annoying tulad ng una kong pagkakakilala.
Tapos na kameng kumain pero nagtagal pa muna kame para mag kwentuhan. "May boyfriend ka na ba?" Tanong niya. Nakakunot ang noo niya habang uminom ng juice.
"Wala pa. Bakit?"
Kita ko ang pagkurap ng mga mata niya na parang hindi makapaniwala.
"Wala? Weeeh?!" Masayang aniya.
"Oo nga!"
"Sabagay, bantay sarado ka 'no? E nagugustuhan?" Tanong ulit niya. Natatawa naman ako sa itsura niya. Inilapit pa talaga ang tenga sa mukha ko para ibulong sakanya 'yon.
"Hmm, wala din. Ikaw?"
"Talaga? Hmm, wala rin! Bata pa naman tayo. Tsaka na 'yang mga lovelife na 'yan! Pero... malay mo baka nasa tabi tabi mo lang 'yung makakatuluyan mo, hindi mo lang napapansin. Ako nga di mo napapansin eh. Tagal na tayong magkaklase pero hindi mo ako kilala. Tsk!" Bumalik na siya sa pwesto at tumitig sa kawalan. Tunog expert naman 'to masyado.
Oo nga naman. Matagal ko nang nakikita si Cia pero hindi ko alam na Cia pala ang pangalan niya. Baka ako rin ang problema kung ba't wala akong kaibigan? Hindi rin kase ako namamansin na kase lahat iniisip ko ayaw sa akin.
"Hindi na ngayon. Kilala na kita diba?" Sabi ko,
"Friends?"
"Friends."
Natapos na naman ang araw ko na may bago na ulit akong kaibigan. Kahit papano may improvement na sa buhay ko! Totoo nga talaga 'yung sabi nila na kapag may nawala sa buhay mo, asahan mo na merong bagong darating. Nag palitan na kame ng contact numbers ni Cia.
Masaya kong binalita kay daddy na may dalawa na akong kaibigan. Sobrang busy niya at sa boses pa lang, halatang pagod pero nagawa pa rin akong kausapin. Halos twenty minutes din kameng nag usap. Sa isang araw ay uuwi na siya kaya sobrang excited ako!
Para akong lumulutang sa ulap kapag iniisp kong may matatawag na akong kaibigan. Sa iba siguro wala lang 'yon, pero sa'kin ang laking bagay nun. Lalo na't wala naman talaga akong kaibigan at all.
Hindi naman ako nabo-bother pero syempre iba pa rin kapag may mapagkukwentuhan ka ng mga bagay na gusto mo, may masasabihan ka ng rants about sa school or boys, 'yung mga simpleng bagay na masayang gawin kapag kasama mo kaibigan mo.
Sana lang ay hindi agad 'to bawiin sa akin. Minsan nakakatakot maging sobrang saya kasi iniisip mo na baka mamaya may kapalit ito.