Iced tea
"Ms. Rizaldo?" Tawag ng instructor ko at lumapit sa'kin.
"Yes po, ma'am?"
"Makikisuyo lang sana ako. Can you bring this to the SSC office?" Sabay abot ng mga pagkakapal kapal na mga papel at folders. Ano ba 'to? Ba't naman ganito kakapal. Mejo mabigat tuloy. Nauna nang umalis si Miss Alejandro. Baka may meeting sila ngayon.
Inalala ko na lang kung saan ang SSC office. Sa pagkakatanda ko ay sa kabilang building pa 'yon, malapit sa swimming pool. Nagtungo na ako papunta roon habang yakap yakap ang makakapal na papel.
"Tori? Sa'n punta?"Ani Cia habang tumatakbo at may hawak na monay.
"SSC office" Sagot ko,
"Gaga! Hindi rito ang daan.." Nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo, kagat kagat ang monay. Napatigil ako sa paglalakad. Kanina pa ako naglalakad ta's hindi rito? Great!
I looked at Cia with a curious and disappointed face. Nang maubos ang monay ay kumuha siya ng iilang papel para mabawasan ang mga bitbit ko.
"Akin na nga! Mukhang iiyak ka na eh"
"Thanks..."
Sinunod ko ang direksyon tinuro n'ya gamit ang kanyang nguso. I wanna go home! Sigaw ko sa isip ko. Napansin yata ni Cia na tamad na tamad na akong maglakad kaya binagalan niya ang pag lalakad para magpantay kami.
"Ba't pala 'di mo alam saan SSC office? Diba kayo may ari nito?" Takang tanong ni Cia.
Natawa ako. "Hindi 'no! Tito ko saka anlaki kaya ng school imposibleng alam ko lahat kung saan mga offices dito."
Tumango lang ito.
"May naisip ka na bang presentation para next week?" Tanong ko. This feels awkward. I don't have any friends aside from my cousins that's why I'm not used to talking.
"Actually, wala pa eh... hmm. Oh! 'yan na! Sa may unang pinto!" Turo nito.
Walang katok katok ay binuksan agad ni Cia ang pinto. Bago ko pa mapigilan ay pumasok agad 'to. Mabuti na lang at walang tao kaya hindi nakakahiya.
Isang malaking conference room ang SSC office. May mahabang table roon na napaliligiran ng mga cabinet na puro papers at iba't ibang files na naka alphabetical order. Ipinatong ni Cia ang papel sa gitna ng long table at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"Thank you pala, Cia." Sabi ko at nginitian.
"Nako! Wala 'yun. Pala utos lang talaga 'yun si Ma'am Alejandro. Malas mo ikaw ang nakita kaya ka nautusan.." Hitanak niya ang upuan sa gilid at naupo roon para magpahinga. Nakatayo pa rin ako sa pinto. Naihatid ko naman na 'yung inutos sa akin.
Pinagmamasdan ko lang siya. Mukhang di pa yata siya uuwi at gusto pang tumambay dito sa SSC office.
"Ayaw mo umupo muna?" Inusog niya ang katabing upuan.
"Hindi na. I'll go home na rin. Kanina pa nag aantay driver ko e." Mabilis ang pagtayo niya sa kinauupuan at mukhang gulat na gulat. Kumunot ang noo ko. If she wants to waste her time here, wag niya akong idamay.
"Hmm, maaga pa naman eh... Stay ka muna mga ten minutes lang?" Aniya, lumapit sa akin para hatakin ako sa paupo.
Hinawi ako ang kamay niya sa braso ko at tinaasan ng kilay. I don't know what she's planning to do but I have a bad feeling about this.
"Sige na, Tori? Mag plano na lang muna tayo about sa presentation next week." Nag puppy eyes pa siya but that's not going to work for me.
She tried to grab my wrist once again.
"Uuwi na nga ako 'diba? Kung gusto mong mag plano, edi mag plano ka mag isa mo." Sabi ko at iniwan ko na s'ya sa loob. I'm trying my best not to be rude to her but I... can't. Especially now that I'm thinking that she'll do something bad to me. I can't be nice to people who wants to hurt me.
Mabuti at hindi na niya ako kinulat pa. She's creepy and annoying! I'm smiling like an idiot here, thinking she could be my first friend. Biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko agad 'yun sa bulsa ng palda ko.
My dad's calling...
"Yes, dad? Nakauwi na po kayo?" Tanong ko
"No anak. Hindi muna ako makakauwi tonight. Mejo busy ako sa bagong case na handle ko ngayon. I hope you understand.."
"It's okay, dad. I understand po. Ingat po kayo."
"You too, anak. Text me when you get home. I love you."
"I lov—"
Mumatakbong lalake pagliko ko sa hallway at biglang bumangga sa akin. Tumalsik ang phone sa kamay ko. Na estatwa pa ako sa gulat sa nangyare. Todo sorry 'yung lalakeng bumangga sa'kin. Nilapitan ko ang phone ko na medyo malayo ang nilipad. I picked it up and checked if it' working. It's totally messed up! I was just talking to my dad and now this? A broken phone?
WHAT A LIFE, TORI SEVEN!
Humakbang papalapit sa akin ang lalaki, patuloy pa rin ang paghingi ng tawad.
"Go away!" Sigaw ko habang madiing pinipindot 'yung switch ng phone, hoping na baka mag open pa.
"I'm really sorry. Hindi kita napansin. I'm sorry. I'm sorry." He said.
"Hindi talaga! Now my phone is wrecked!" Hinahampas ko na sa kamay ko 'yung phone. I didn't even glance at him. Baka sakanya ko pa ito maipukpok!
Shit!
"I'm sorry, To—"
"SHUT YOUR f*****g MOUTH!" Asik ko.
Nang nawalan na ako ng pagasa ay padabog akong umalis. Great!
Ganito ba lagi ang eksena ko sa school?! Papasok ako at makakakuhang letter. A letter! A f*****g letter, that reminds me of that night. Tapos mga nakakairitang classmates at schoolmates na walang ibang ginawa kundi ang pag chismisan, guluhin at inisin ako! I can't go on like this anymore.
I was happy before. Kahit na marami akong naiipong sama ng loob at lungkot sa puso ko, isang yakap lang ni mommy nawawala na. But now, she's gone. She's in a place where were not welcome. I cried so much on the way home. I'm so frustrated and anxious about myself now. I tried to be strong in the past few weeks but the pain is still here. Someday, I'll heal but it will be a forever scar I cannot mend.
Half of me died when mom left. Ganon pala talaga 'no? Kapag nawala ang taong minamahal mo. A part of you lost and a part of them remained in you. It hurts so much! This is the kind of pain you can never explain.
Patingin tingin 'yung driver sa rearview mirror para icheck ako. Nahihiya ako na nakikita niya akong umiiyak. One of my pet peeve is crying in front of someone. Lalo na't hindi ko naman kaano ano. Ayaw ko sa lahat 'yung kinakaawaan ako. Hindi rin ako mahilig magpaawa kaya noong sinabi ni dad na hindi niya ako papayagang lumipat ng school. Hinayaan ko na lang.
Itinatak na ni dad sa isipan ko na kapag may gusto akong gawin o may gusto akong bagay, dapat pag igihan ko at pag trabahuhan. Work hard, ika nga. Kung may makukuha man akong bagay, gusto ko nakuha ko dahil I worked hard for it hindi 'yung binigay lang sa'kin dahil kinaawaan nila ako.
Pagbaba ko sa sasakyan ay nagmartsa na ako paakyat ng kwarto ko. Narinig ko pa ang mga maids na babati sana pero napatigil sa pagiyak ko. Hinagis ko sa sahig ang bag ko at hinubad ang sapatos. Hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Gusto ko na lang itulog 'tong bigat na nararamdaman ko. Sana pag gising ko, kahit papano ay mabawasan na. Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto. Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ang alarm clock sa may bedside table. It's 9 pm. Tumayo ako para tignan kung ano 'yung maingay sa labas. Ano nga bang bago? Mga pinsan ko na naman na tambay sa labas ng kwarto ko.
Hindi pa rin natigil ang kwentuhan nila kahit na lumabas na ako. Parang hangin lang ako rito ah?
"What are you all doing here?" Tanong ko habang kinukusot ang mata.
"Inaantay kang gumising. Tulog mantika ka eh." Nakangitinh biro ni kuya Xenon.
Nakiupo na rin ako sa tabi ni Matrix. "Why?" I asked.
"Birthday ni Jude. Isasama ka namin." Si Harem.
"Ayoko. 9 pm na rin. Baka tapos na 'yun!" Agap ko.
Siniko ako ni matrix at tumatawa. "Ano tingin mo don? Bata? 19 na 'yon!"
Humikab ako at nag unat. "Pake ko ba. Umalis na nga kayo!"
"Aalis tayo!" Nagsitayuan ang tatlo at tinulak ako papasok sa kwarto.
"Bilisan mo magbihas ka na! Antayin ka namin dito." Si Harem
"Yung maayos na damit ha!" Paalala ni Matrix.
"Teka... magagalit si daddy!"
"Don't worry. Alam na ni tito" Garantiya ni Harem.
Ano pa nga bang palag ko? Siguro nakailang text at tawag na sila sa'kin kanina. Mamaya ko na lang sasabihin na nasira na 'yung phone ko. Pagkatapos mag bihis at mag lagay ng konting make up ay lumabas na ako. Sinuri muna ako ng tatlo kong pinsan bago kame umalis.
Nag concealer, blush at liptint lang naman ako para hindi halata na galing ako sa pagiyak. Nagsuot akong pastel blue na shirt dress. Sakto lang para sa edad kong 17.
"Happy birthday, Jude!" Bati ko kay Jude na umiinom ng flavored beer.
"Thanks, Ri! I can't believe na pumunta ka... Muntik pa akong suntukin ni Matrix nung sinabi kong isama ka." Natatawang aniya sabay lagok ng inumin matapos ay umiling.
"By the way, you look more beautiful tonight!" He added.
Napapalibutan ako ng tatlo kong pinsan na ngayon ay masama ang tingin sa birthday boy na si Jude. Tumango lang ako sa sinabi n'ya.
"Shut up, Jude! Off limits si Tori, remember?" Ma-awtoridad na wika ni Matrix na ngayon ay nakaakbay kay Jude. Nagtawanan lang ang tatlo. Mga baliw!
"I know. Enjoy the night, Ri!" Huling sinabi ni Jude at nag ikot ikot ulit para kamustahin ang mga bisita niya.
Maingay at matao sa bahay nila Jude. Sumasayaw ang iba't ibang kulay ng ilaw sa hangin kaya mahihilo ka kung papanuorin mo. Andami naman niyang inimbita. Parang akala mo'y tatakbong SSC president kaya gustong kilalanin ang lahat.
Hindi ko akalain na papayagan siya ng dad niya na magpaparty ng ganito. Senador si Tito Raffy kaya I expect na sobrang strict 'yun. Alam mo na, iwas scandal. Habang naglalakad kame ng mga pinsan ko papunta sa isang high chair at lamesa na may mga nakapatong na drinks at finger foods ay andaming bumabati sa kanila.
Nakatayo lang sila gilid ko at ako lang ang mag isang nakaupo. Sumasayaw din sila nang bahagya kapag nagiiba ang music.
"Iwan niyo na ako rito! Kaya ko mag enjoy mag isa!" Sinisigaw ko na mga sinasabi ko para magkarinigan kame. Habang tumatagal ay palakas kase nang palakas ang music.
"Don't talk to any boys!"
Noong una ay nag dadalawang isip pa sila pero dahil sa pamimilit ko ay umalis din sila at nakihalubilo sa mga kaibigan.
May mga pamilyar na mukha akong nakikita rito pero mas marami ang hindi. Baka galing sa ibang school. Natatanaw ko pa ang mga pinsan ko sa di kalayuan at kung sino sinong babae ang mga lumalapit at humaharot sa kanila. Nagulat pa ako nang may hinawakan sa pwetan si Harem at pawang kinilig pa ang babae.
Sinubukan kong mag enjoy sa party. Nag ikot-ikot din ako at may mga lalakeng lumapit sa'kin para makipagkilala. Hindi ko sila pinansin para di na nila ako kausapin pa. Masunurin ako sa mga pinsan ko para walang gulo at tahimik ang buhay ko.
"Iced tea?" Tiningala ko 'yung lalaking may malalim na boses. Iniabot ang iced tea na bitbit sa akin.
Tinanggap ko iyon.
"Thanks.." I said. Ang akala ko ay aalis na 'to pero umupo ito sa tabi ko. Andito kamk sa garage nila Jude. Dito lang 'yung mejo tahimik. Ang linis linis niyang tignan dahil sa clean cut niyang buhok.
"Naiingayan ka 'no?" Tanong nito. Ngumiti ito nang bahagya dahilan para makita ang dimples niya.
"Ah.. mejo lang" Lumipat ang mata ko sa baso. "Hmm, balik ka na sa loob." Sabi ko
"Naabala ba kita? Sorry.." Nagiba ang tono ng boses niya.
"H-Hindi... Okay lang." Umamba itong tatayo pero dahil sa sinabi ko ay bumalik siya sa dating pwesto. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Dapat siguro hinayaan ko na lang siyang umalis.
Ilang minute kameng tahimik lang habang iniinom 'yung inumin. Wala akong naamoy na alak sakanya kaya baka iced tea lang din ang kanya. Nagulat ako nang iniangat niya ang basong hawak. Napukaw ang atensyon ko nung nagsalita ulit s'ya.
"Eto? Iced tea lang din 'to. Allergic ako sa beer eh." Aniya at ginawaran akong matamis na ngiti. Ayan na naman ang mga dimples n'ya!
Nag iwas ako ng tingin at uminom ulit.
"Ah" Marahan akong tumango.
"Lexus." Aniya.
Binaling ko ulit ang tingin ko sakanya. "It's my name."
"Ah.. Tori." Hilaw ang ngiti ko.
"Alright. It's a pleasure to meet you, Tori." Ipinunas muna ang kamay bago n'ya ito inilahad sa akin. Tinitigan ko lang ang iyon at inilahad ko rin ang kamay.
"Kaibigan mo si Jude?" Kuryosong tanong nito.
"Nope. Kaibigan ng mga pinsan ko." I answered fast.
Muli na namang natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung ano 'yung mas nakakabingi. Yung ingay ba mula sa loob ng party o 'yung katahimikan naming dalawa. Umubo si Lexus at inubos ang tirang iced tea. Akala ko ay aalis na pero inayos lang pala ang pagkakaupo at nag kwento ng mga kung ano anong bagay tungkol sa buhay.
Hindi ko na alam kung anong oras na. Kanina pa kame nagku-kwentuhan ni Lexus. Masaya s'yang kasama, andami mga nakakatawang kwento tungkol sa mga kaibigan niya. Nalaman ko kung saan s'ya nag-aaral at apat na taon ang tanda n'ya sa'kin. Business Management ang kursong kinuha niya para makatulong sa business ng pamilya nila.
"Wala kang kapatid?" Usisa ko.
"Meron. Dalawa lang kame at ako 'yung panganay. Ikaw?" Balik tanong niya.
"Wala. Only child lang."
"Sobrang mahal na mahal ka siguro ng parents mo lalo na't ikaw lang ang anak nila."
Niyakap ko ang tuhod ko. "Did I say something wrong? Bigla kang nalungkot." Batid ang pagaalala sa boses niya.
Agad akong umupong diretso, "H-hindi! Okay lang ako.."
"Hindi mo ba sila kasama?" He added another question.
"I'm with my dad.."
"How about your mom?"
Inilagan ko ang mga tingin niya para upang hindi makita ang reaksyon ko.
"She left us." Mapaklang sabi ko. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na ipinatong sa balikat ko.
"It hurts like hell right?" Ibinaling ko ang tingin sakanya. Malungkot ang mukha n'ya at mukang nagpipigil ng luha.
"Yeah..." Bulong ko sa hangin.
"We're on the same page, Tori. The diferrence is... I'll never see her ever again. She died two years ago because of cancer. I still miss her. I can still feel her presence. She's... everything to us."
Marahan kong hinawakan ang mga kamay niya. Hindi man kame nagsasalita, alam kong nagkakaunawaan kame gamit ang mga malulungkot sa ngiti.
Biglaan naman dumating si Harem na agad akong hinatak ako patayo. Napatili ako nang kaunti sa gulat. Bago pa ako makatayong ayos ay nakita kong hawak hawak na ni Matrix ang kwelyo ng damit ni Lexus.
"Ayos ka rin, bro! Anong balak mo sa pinsan ko!" Mayabang na linya nito. Malakas masyado ang music sa loob kaya walang nakapansin sa pagsigaw ni Matrix.
"Let's go home, Ri." Ani Harem habang hawak hawak ang balikat ko at itinalikod sa dalawa.
"W-wait lang..." Pagpipiglas ko pero hindi rin ako nagtagumpay. Pinandilatan ako ni Harem. Nang makapasok kame sa loob ay inilapit ni Harem ang katawan n'ya sa likod ko at bumulong.
"I'm so disappointed, Tori. So disappointed." Lilingunin ko sana s'ya pero iginilid n'ya ang katawan ko pagpipigil sa gusto ko.
Diretso lang ang lakad namin. Malayo pa lang ay kita ko na si kuya Xenon na nakikipaghalikan sa isang babae. Matangkad at sexy. Hindi ko nakita masyado ang mukha dahil sa patay bukas na ilaw.
"See? Lasing na. Kaya uuwi na tayo." Bulong ulit ni Harem.
"Nandito na pala ang prinsesa!" Sigaw ni Jude at lahat naman ay nag hiyawan. Alam kong masama ang mukha ko dahil sa nangyareng paglalayo nila sa'kin kay Lexus.
"WOHOOOO!" Sigaw ng mga tao sa gilid ko nung nagiba ulit ang music. Sumulpot bigla si Matrix sa gilid ko. Sinubukan kong lumingon pero bigo akong makita si Lexus. Anong nagyare? Sinuntok ba siya ni Matrix? Mukhang wala naman atang nangyareng ganon.
"Saan si Lexus?" Tanong ko. May ibang kausap si Matrix pero dahil sa tanong ko ay sumama ang mukha niyang kanina lang ay nakangiti.
"Don't say his name, okay?" Banta niya, bumalik sa pakikipagusap sa kasama.
"I'm asking you. Asa—" Ngayon ay madilim na ang ekspresyon ng mukha n'ya. Humigpit ang hawak ko sa damit ko.
"Nangiinis ka ba talaga, Tori Seven?" Bumilis ang t***k ng puso ko sa takot. Pabirong tinulak naman ito ni Harem.
"Mat? f**k! Lasing ka na rin ba?!"
Tinignan ko ang nakakuyom na kamao ni Harem. "Eto kaseng pinsan mo..." Huminto muna si Matrix sa pagsasalita at tinignan akong masama. Tinulak siya ulit ni Harem pero ngayon, hindi na pabiro.
"Let's end this night. Umuwi na tayo." Mahinahong sinabi ni Harem. Hindi pa rin n'ya binibitawan ang balikat ko. Hinatid na muna n'ya ako sa sasakyan bago sinundo ang dalawa kong lasing na pinsan. Lasing nga talaga si Matrix. Kanina lang ay ang sama ng tingin n'ya sa'kin. Ngayon, kumakanta na dito sa loob ng sasakyan. Nag black out na si Kuya Xenon.
Ang sabi ni Harem ay hindi raw beer ang ininom nung dalawa kaya nalasing ng ganito. Antok man ay hindi ko nagawang umidlip. Nakainom din si Harem kaya natatakot ako sa pu-pwedeng mangyare.
"Sorry about what happened a while ago... About Matrix. You know, alcohol." Nakahinto na kame sa labas ng bahay. Tulog na rin si Matrix na kanina lang ay muntik pang sumuka.
"I know." Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas na sa sasakyan. Pagkababa ko ay ibinaba rin ni Harem ang bintana. Lumapit akong onti para marinig ang sasabihin n'ya.
"Bakit, Rem?" Tanong ko.
"You're not allowed to have a boyfriend yet, remember that?" Nakaturo pa ang hintuturo nito sa'kin. Nag pout ako at nagkunot ng noo.
"What? Why not?" I protested.
Pumikit itong mariin, kita ang pagkairita. "You're too young for that. Kapag 20 ka na."
"What?! No! Magboboyfriend ako kapag gusto ko.."
"Edi babasagin muna namin mukha no'n bago mangyari 'yon." Magrereklamo pa sana ako subalit pinaandar na nito! ang sasakyan. Lahat na lang pinapakealam. Kainis! Malabo talaga akong magkakaboyfriend kung ganyan sila.
Hindi naman ako agad na nakatulog kakaisip sa mga pinsan ko. Nung maisip kong itext sila, naalala ko na wala nga pala akong phone. Nawasak dahil dun sa pesteng lalake na bumangga sa'kin.
Nakakairita man 'yung nangyare kanina sa school ay nawala na rin 'yun. I feel like I found someone who truly knows and understand how I feel. Sayang, hindi ko natanong ang buong pangalan n'ya. Naisip kong ichat na lang ang mga pinsan ko at kamustahin si dad.
I opened my f*******: account and saw a friend request. I immediately opened it and it was Lexus.
Lexus George C. Bustamante!
Hindi ako nag dalawang isip at in-accept agad ito. I left a message to my dad and to Harem. Nag reply naman kaagad si Harem and naihatid na niya 'yung dalawa. Io-off ko na sana 'yung laptop nanv biglang mag chat si Lexus.
Lexus:
Hi, Tori. Nagaway ba kayo ng pinsan mo? I'm sorry.
Nireplyan ko naman s'ya kaagad.
Ako:
Nope. Okay kame. Sorry sa inasal nila ha? Ganon lang talaga sila.
Lexus:
I understand. Nice meeting you again, Tori! Good night. :)
Antagal kong tinitigan ang screen. Iniisip ko kung ano bang irereply ko. 15 minutes na rin ang lumipas at wala pa rin akong reply. Marahil at tulong na 'yun. Napapikit na lang ako sa pagod at hinayang lamunin ng antok.