KABANATA 2

2685 Words
Acacia After one week na hindi ako pumasok sa school, nanibago ako sa buong paligid. Noon naman ay wala akong pakealam sa mga tao pero ngayon, lahat sila ay kinaiinisan ko. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Iniirapan ko ang lahat ng mga taong madaanan ng mga mata ko. Hindi rin nagtagal ay may naririnig na naman akong nagbubulong bulungan habang papasok ako ng school.  "Ba't nandito 'yan? Ang sabi buntis siya 'diba?" Bulong ng babae sa katabi niya, nagtatawanan. Halatang sinasadya talaga nila iparinig sa'kin 'yon. Ano bang bago? Nagpanting ang tenga, tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang dalawang babaeng nalagpasan.  Parehas silang nakahalukipkip at nilalabanan ang mataray kong tingin sa kanila.  "Anong sabi mo?" Kalmadong tanong ko pero gustong gusto ko na talaga silang sampalin at sabunutan hanggang sa makalbo! "I'm sure narinig mo... kaya ka nga lumapit 'diba?" Nanunuyang sagot nung babaeng maputi at may katangkaran. Yung kasama naman niya ay maputi rin na chubby.  May mga iilang mata ang pasulyap sulyap sa kinaroroonan namin. Ang iba naman ay tumitigil at naghihintay kung may cat fight na magaganap. Hindi naman ako nagpatalo at tinarayan din ang dalawa.  "Gusto ko lang marinig 'yung sinabi mo. Can you repeat it? Or ayaw mo lang kase naduduwag ka?" Ngumisi ako, tinapunan ng matalim na tingin. Hindi sila nakasagot. Of course, takot sila! Takot sila na kalabanin ako dahil ang alam nila ay isusumbong ko sila sa pinsan ko pero hindi. Ayaw ko nang dumipende palagi sa mga pinsan ko. Gusto ko, sa'kin sila matakot! Gusto kong malaman nila na hindi na nila ako pwedeng kantiin dahil lalaban na ako. Lumunok at humingang malalim 'yung matangkad na babae bago muling magsalita. Mukhang nagaalangan pa siya pero nanatili pa rin ang mataray na tingin. "Come on, Tori! Wala ka bang alam? Or nagpapanggap ka lang?" Tumawa 'tong malakas. Hindi ako umimik.  "May chismis na kumalat about you... buntis ka raw." Humalakhak ako."What? Is that it? That's the new tea about me? That's so lame! Kung sino man ang nagkalat non ay sobrang desperate at insecure sa'kin." Tuloy tuloy lang ang tawa ko kaya dumami ang mga estudyanteng nagtinginan.  "I can't believe na ganon ka cheap ang chismis na gagawin nila about sa'kin. O baka naman kayo lang ang gumawa?" Tinasan ko sila ng kilay at sinuyod ang kabuuan nila.  "Why would we do that? Tingin mo ganon ka ka special?"  "Sinadya niyo iparinig sa'kin, right? Gusto niyo atang pansinin ko kayo. Eto na.. pinapansin ko na kayo.." Pangiinis ko. "As if naman, Tori!" Gigil na singhal nung chubby. I laughed at loud. Namumula na ang mukha nilang dalawa sa galit. "See... you know my name but I don't have any f*****g idea kung sino kayong dalawa." Mapanlait ang titig ko sa kanila. Nagaalab na sa inis 'yung itsura nung matangkad na babae. I hit the spot! Tama mga sinabi ko. Mga papansin at inggit lang kaya ginagawa ang lahat para mapansin ko. Poor girls. "The only reason why we know you because you're a b***h! Duwag ka! Sumbungera ka at higit sa lahat... malandi!" Sa totoo lang, gusto ko silang saktan pero ngayon... nakikita ko sa sobrang pathetic nila. Iniisip ko pa lang na bababa ako sa level nila.. No! I don't think so. Hindi ako kasing cheap nila! "Really? I bet you two are just jealous of me. I'm pretty sure you're all wishing that you have the same life as me or worst, hinihiling niyo na sana maging kayo na lang ako." I may look feisty but the real thing, natawa ako sa sarili at sa pinagsasabi ko. Siguro kung noon ko 'to sinabi, mas relevant pa. My family is ruined now. But here I am, nagpapanggap na may perpektong buhay. "You think we're jealous of you? Hindi ka lang pala malandi... mayabang ka rin!" Asik nung matangkad. I simply smirked. "Hindi ka naman Dyosa sa ganda! Masyado kang feeling at epal!" sabi nung chubby. Nag walk out na lang ako dahil hindi ko na kaya ang pagiging tanga at walang kwenta nilang kausap. Nasayang ang ilang minuto ng buhay ko sa walang kwentang inggit nila sa'kin. Tuloy tuloy lang ang lakad at pangii-snob ko sa mga tao sa piligid hanggang sa makarating ng classroom. Nakalimutan ko pang kunin 'yung books ko sa locker dahil sa mga babaeng umepal kanina. Tsk! What a waste of time. Sana pala sinampal ko na agad para tapos na. Sumabay ako sa tatlo kong pinsan mag lunch ngayon. Wala na rin 'yung mga babaeng nakilala ko last week. Bigla raw kasi naging clingy kaya inayawan na nila. Ayaw nila sa babaeng clingy pero sobrang clingy naman nila sa'kin at ako naman ang naiirita. Hindi na nila ako inusisa pa kung bakit one week akong absent. Alam naman na siguro nila na kahit kulitin nila ako ay wala akong isasagot. Sinabi na rin naman ni dad 'yung pag iwan ni mommy sa'min sa buong pamilya. Hangga't maari ay iniiwasan nila na banggitin si mommy sa harap ko.  "Balita ko nakipagaway ka kanina?" Si kuya Xenon habang binabasa ang librong bigay ko. Tinignan ko lang s'ya habang kinakain 'yung Lasagna na binili ni Matrix para sa'kin. "Kaklase mo ata nang away eh!" Singit ni Matrix. "Can you please stop! Kumain na lang tayo" Iritang sabi ko. Hindi na nagsalita pa ng kahit ano ang tatlo. Nang matapos ang lunch break, iniwan ko na silang tatlo. Dumaan muna ako sa locker ko para kunin 'yung book para sa next class. Pagbukas ko ay may isang papel na kulay green ang nalaglag. Habang tinitignan ko 'yung papel na ngayon ay nasa paanan ko na, naalala ko bigla 'yung letter ni mommy. Mabuti na lang ay walang katao-tao sa kaya walang nakakita sa pagiyak ko. Hindi ko na dinampot pa 'yung papel para basahin. Naiirita ako! Bakit ngayon pa?! Bakit sa ganitong panahon pa may nagbigay ng sulat sa'kin? Bumabalik lang mga alaala ko nung gabing 'yon dahil lang sa nakakita akong letter. Noon, excited akong makakuha ng mga letter notes sa locker ko, pero wala akong natatanggap kasi lagot sa pinsan ko kung sino ang mahuli nila na maglagay sa locker ko.  "Okay ka lang?" Alalang tanong ni Harem. "Oo naman." Nagtinginan lang ang tatlo na pawang hindi kumbinsido sa sagot ko. Hindi kase ako pumasok na sa klase at natulog lang ako sa clinic.  "Antagal naman dumating ng driver mo, Ri! Sisantehin n'yo na dapat pag ganyan eh!" Reklamo ni Matrix. Nakatayo silang tatlo sa gilid ko, ako naman ay nakaupo lang. Pinapadyak na ni Matrix ang paa niya sa inis. Ang dalawa ay tahimik lang na nag aabang. "Sabay ka na lang sa'kin para makauwi ka na" Nakangiting alok ni kuya Xenon. "Sabihin ko nga kay tito na tanggalin na 'yan! Bagal!" Asik ni Matrix sa likuran namin. "Shut up! Anjan na oh!" Sabay turo ko sa sasakyang papalapit. Agad bumaba 'yung driver sa harap ko na mukhang kakagising lang.  "Nako, ma'am Seven.. Sorry po! Nakaidlip lang po ako saglit.." Anito habang kinukusot ang kaliwang mata.  "Tsk! Gawin mo naman ng maayos trabaho niyo. Kanina pa sana nakauwi 'to eh!" Galit na usal ni Matrix. Aba! Bakit ang init ng ulo nitong pinsan ko? Kalmado naman 'yung dalawa at mukang walang pakealam.  "Sorry, ma'am. 'Di na po mauulit." Inabot ko sa driver 'yung bag ko at pinagbuksan akong pinto.  "Tsk tsk tsk" Rinig ko pa ang ibang komento ni Matrix sa driver ko. Hindi na lang ako nagsalita. Pag pasok ko sa sasakyan ay agad naman nitong binuhay ang makina at umalis na.  "Ma'am sorry talaga." "Okay lang manong." "Di na talaga mauulit ma'am.—" Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nito dahil pinasakan ko na ng airpods ang tenga ko. Salamat at makakauwi na rin. Nilingon ko ang mga pinsan ko na sumakay sa kanya kanya nilang sasakyan. Bago kame makalabas ng school ay may napansin akong lalake na nagtatago sa likod ng puno sa di kalayaun. Parang pamilyar 'yung mukha pero hindi ko maalala kung saan at kailan ko nakita. When I tried to open the window, the strange guy ran away. I think hindi rin siya napansin ng mga pinsan ko. Wala naman akong pake kung sino man 'yun. Baka sumasagap lang ng chismis or something. "Why are you late?" Bungad ni dad na mukhang kanina pa inaabangan ang pagdating ko.. Di ko pa man 'yon nasasagot ay biglang sumulpot 'yung driver at nagpaliwanag.  "Iuwi mo si Seven on time! Muntik na akong tumawag ng pulis!" Kabadong kabado naman 'yung driver nung tinignan ko.  I just smiled and hugged my dad. "Dad, wag kang oa!"  "OA? Ikaw na lang ang meron ako. Normal lang na mas maging protective ako. Sa sunod ay sumagot ka sa tawag ko o mag text man lang." Paliwanag nito. Kumirot naman ang puso ko sa sinabi niya. Ako na lang talaga ang meron si dad.  "Okay dad. Kain na nga lang tayo.." Anyaya ko Habang nasa hapag ay nakikinig lang ako sa mga kwento ni daddy sa nangyare sa araw n'ya. My eyes and ears are all on him. Hindi talaga ako nakikinig sa kwento ni dad about sa office before. Ano bang alam ko sa pagiging lawyer, hindi rin naman ako interisado pero dahil gusto kong maramdaman ni dad na may pake ako, pinipilit kong intindihin at unawin ang mga sinasabi n'ya. Sometimes tumatawa siya kahit parang wala naman talagang nakakatawa sa sinasabi niya, nakikitawa na lang ako. "Dad... pwede bang umalis na tayo dito? Mag abroad tayo or sa Dumaguete? Sa hacienda ni lola?" Sumeryoso ang kaninang masayang itsura ni dad. "Why, anak? Ayaw mo na rito?" Sa totoo lang, hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon. Bigla lang naman 'yun pumasok sa isip ko.  "This house was full of mom's memories... so—" "Gusto mo bang kalimutan ko ang mommy mo? Is that your point?" Diretsahang tanong ni dad. Ayaw ni dad ng paligoy ligoy. Gusto niya direct to the point at mailatag lahat ng explanations sakanya bago siya magdesisyon sa isang bagay.  "Yes, dad. I want us to forget mom" "Mali 'yung ginawa ng mommy mo... still, not enough reason to forget her." "This house is torturing me, dad. Naalala ko lahat. Nasasaktan ako! I hate this sinking feeling!!" "Enough with your nonsense!"   Tumayo ako at nagmartsa papunta sa garden area. I want to breathe for awhile or else, sasabog na naman ako. After kong magpahangin ay pumunta na ako sa kwarto para makaligo at makapag bihis. Hindi na ako kinausap pa ni dad. Galit siguro o baka kinokonsider rin ang gusto ko. Nag aral muna ako saglit para sa quiz namin sa advance math bukas nang biglang mag video call ang mga pinsan. Kinwento ko sa kanila 'yung suggestion ko kay dad. "Do you really want to leave? Pwede namang lumipat na lang kayong bahay." Si Harem na abala sa pag sosolve ng rubic's cube na hawak. "Right! You're letting your emotions rule over you, Ri. That's not like you." Si kuya Xenon "Gusto ko talagang umalis kame ni dad. Gusto kong lumayo kame." Sagot ko "It's not the best option. Your dad's job is here. Isipin mo na lang 'yun, Ri. Kung gusto talagang umalis at makalimutan ni tito si tita, edi sana nakaalis na agad kayo." Si Harem. "I know. Naisip ko 'yun. Hihintayin ko pa ba na maging miserable si dad kakahintay sa pagbalik ni mom? Hindi 'no! Alam ko naman na nagaantay pa rin si dad na bumalik si mommy eh." "Ikaw ba? Di mo ba inaantay?" Tanong ni Matrix.  Oo nga 'no? Inaantay ko pa rin si mommy. Normal lang 'yun. Pero dad is becoming weaker and weaker, ramdam ko. Nagpapanggap lang siyang malakas but he's about to snap. Antayin ko pa ba? Baka pati si dad ay mawala na rin kapag nangyare 'yun. I have to save what's left.  "Basta bahala na. Pipilitin ko si dad!" "Hindi naman madaling ibigay ang gusto mo. Mahal ng daddy mo mommy mo. I'm sure nahihirapan din 'yun mag desisyon." "Harem's right. Wag mo na lang ipressure ang dad mo." Si kuya Matrix. "Pressure? Iniisip ko lang mga posibleng mangyare bukas, sa susunod na araw o sa isang buwan.." Bumuntong hininga ako. "Give yourself some time. Don't force your self to heal, Tori Seven. Mas lalo ka lang mahihirapan at masasaktan." Si kuya Xenon. "Wait... wait! May ipapakita ako sainyo!" Si matrix, nawala saglit sa screen. Rinig na rinig naming ang paglabas pasok niya sa kwarto. Nagkatinginan lang kameng mga mag pipinsan. Ano na naman kayang trip non? Pareparehas kameng nagaabang sa pagbabalik ni matrix at nang sumulpot sa screen ay pawis at gulo ang buhok. "Sorry for the wait, everyone!" Aniya at may kinuha. "What the f**k! Marunong ka ba mag gitara?" Si Harem na pawang natatawa. Nakangiwi lang ako habang pinagmamasdan si Matrix na aliw na aliw sa gitarang hawak.  "Gago! Nagpaturo pa ako kay kuya Maxell para makantahan ko kayo" Naghalakhakan naman sila Harem at kuya Xenon. Sino ba namang hindi? Si Matrix na walang ka talent talent... biglang maggigitara? Mahilig s'yang kumanta pero hindi s'ya hilig ng kanta. Napapatakip na lang ng tenga ang lahat tuwing nakanta s'ya sa family gatherings namin.  "Tangina n'yo pinsan ko ba kayo?" Pati ako ay natawa na rin sa reaksyon ni Matrix. "Makinig na lang kayo... isa dalawa—" "f**k, no!" sabay sabay pa kameng tatlo. Bago pa makalabit ni matrix ang string ng gitara ay sabay sabay naming tatlong in-end ang call. Nakailang missed calls pa si Matrix sa group chat naming pero walang sumagot kaya pinagmumura n'ya kame sa chat. "Tang ina naman! May props pa ako tas binabaan?!" "Ang sama n'yo!" "f**k y'all!" Bully si Matrix pero wala s'yang palag kapag pinagkaisahan na namin s'yang tatlo at s'ya rin 'yung pinaka pikunin sa lahat. Mabuti na lang may mga pinsan akong ganito. Mamimiss ko talaga sila kapag natuloy ang gusto kong umalis kame ni dad dito. Kinaumagahan at pagpasok ko sa school ay nakasimagot na sinalubong kame ni Matrix sa may hallway. "Nakakatampo kayo!" Nakapamulsa ito at nakapout pa! Nagkibit balikat lang ako at hinampas ang balikat n'ya. "Ang pangit kase ng boses mo... Masakit sa tenga." Parang gulat na gulat pa 'to sa sinabi ko ay di magkanda ugaga. Inakbayan na lang sya ni Harem at nauna nang umalis. "Paano ba 'yan? May atraso ka na kay Matrix" Biro ni kuya Xenon. "La? Honest lang ako 'no. Umalis ka na nga!" Sabay tulak sakanya.  Sumunod na rin naman s'ya sa dalawa. Tahimik ang umaga ko dahil kasama sila. Walang mga umepal at nagpapansing mga babae. Mag iiwan sana ako ng notebook sa locker ko kaya lang pagbukas ko ay may letter na naman na nakalapag doon. Sa inis ko ay kinuha ko 'yun at humanap ng malapit na basurahan at itapon. Akala ko magiging maganda ang araw na 'to! Mukhang masyadong napaaga ang pagdiriwang ko kaya nabati. Tsk! Abala ako sa pakikinig sa instructor namin na nasa harapan at may biglang nangalabit sa'kin.  "What?" Pabulong kong tanong nung lingunin ko ito. "Hi! I'm Acacia. Cia na lang for short." Sabay ngiti ng dalaga. Umirap na lang ako sa hangin at bumalik sa pakikinig sa instructor. Nang matapos ang klase ay tumayo na ako at niligpit ang mga gamit papasok sa bag. Napansin ko ang pagtitig ng babaeng kumalabit sa'kin sa ginagawa ko. "What do you want?" Pataray kong tanong. "Ang taray mo naman. May groupings kase tayo sa klase na 'to diba? Wala pa kase akong kagroupo. Sabi ni sir, ikaw na lang din daw ang wala pang kagroupo." Aniya sabay ngiti. "Are you suggesting na tayo na lang ang magkagroup?" "Kuha mo!" Napahiyaw pa 'to. "Okay lang. Basta ayaw ko sa tamad. Kapag tamad ka, aalisin kita." Paglilinaw ko, "Me too! Ayaw ko sa tamad kaya mukang magkakasundo tayo." "Yes." Isinuot ko na ang bag ko at nag lakad na palabas ng bigla n'ya akong tinawag. "Riri!" Agad ko naman 'tong tinignan ng masama.  Nakangiti pa rin ito at kumaway kaway. "Sorry... Tori Seven pangalan mo, 'diba? Riri tawag ng pinsan mo sa'yo kaya..." "Don't call me Riri. Hindi tayo close. Tori lang" Pagtataray ko at lumabas na sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD