BS#2 WIWYM C47 CHARLOTTE POV Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang lulan na kami ng eroplano. Hindi ko talaga akalain na totohanin ni Isaiah ang sinabi niya. “Are you happy?” Lumingon ako sa kanya at tumango. Sino ba namang hindi sasaya, eh sinama niya kami ng mga bata. NANG makarating kami sa USA ay hinatid muna kami ni Isaiah sa hotel kung saan kami mag-stay. Kailangan kasi nilang i-meet agad ang isang invistors nila. “Bakit patawa-tawa ka ha?” Ngiting tanong k okay Isaac, habang nakangiti siyang tumingin sa akin. Si Ivory naman ay tahimik lang na dumed* sa kanyang bote. “Kaya naman pala..” Ngiting wika ko ng maamoy si Isaac. Kaya kasi pangiti-ngiti siya dahil may popo pala siya. Ito rin ang isa sa kaibahan nila ni Ivory, dahil si Ivory kasi kapag may popo ay iiyak ito.

