BS#2 WIWYM C46 CHARLOTTE POV “Masama kong tiningnan si Isaiah, dahil may pa-yuko-yuko pa siyang nalalaman nang makalabas kami sa elevator. Ako na kasi ang nag-review sa mga kailangan niyang i-review na documents, para mas mabilis ang trabaho niya. “Nakakahiya kasi ‘yong ginawa mo kanina.” Aniya, habang naka-simangot ang mukha niya. Lihim naman akong napangiti dahil sa itsura niya. Malaki na talaga ang ipinagbago ni Isaiah, ibang-iba na siya rati, kaya hindi ko maikaka-ila na muli akong nahulog sa kanya. “Marunong ka pa lang mahiya?” “Wife, naman… Hinaan mo naman ‘yang boses mo.” Napalingon ako at nakitang nakatingin sa amin ang mga employee niya, kaya hindi na ako umimik pa. Pinagbuksan niya ako sa frontseat matapos niya mailagay ang mga bata sa likod. Mabilis din akong pumasok sa k

