"HI BABE, I miss you."Excited na salubong ni Aya sa boyfriend nitong si Denver. "Sus, para namang isang taon kayong hindi nagkita." Nakokornihan siya sa dalawang 'yon. Nagkasabay sila ni Aya pagpasok kanina sa entrance. Maaga raw ito para maabutan ang boyfriend nito. "Ingit ka lang sa amin ng babe ko."Tudyo ni Aya sa kanya. "Teka, bakit dito ka sa office dumiretso imbis na sa bahay?" "Ahm--" saglit siya nitong sinulyapan sabay iwas ng tingin. "may meeting ako kay Sir Max." "Grabe talaga yang Boss natin, 'di man lang niya naisip na pagod ka sa biyahe. Kawawa naman ang babe ko. Sige uwi ka na lang muna. Para makapagpahinga ka." Udyok ni Aya dito. "Oo babe, kita na lang tayo sa bahay ha." Anang nito saka mabilis nang umalis. "Anong problema ng jowa mo?" Kunoot noong tanong niya habang s

