NAKADAMA ng pagkailang si Claire nang pumasok siya ng araw na 'yon. Pakiramdam niya ay pinagtitigingan siya ng mga nakakasalubong niya. Well sanay naman siyang pagtinginan dahil weirdo ang tingin sa kanya nang mga tao. Pero hindi sa pagkakataong 'yon, kulang na lang sungaban siya nang mga babaing nakakasalubong niya.
"Just look at her. May kalandian rin palang tinatago." Narinig niyang turan ng dalawang babaing nasa likuran niya.
"How dare her, even eat with our Boss."Turan ng isa. Hindi na niya nagawang lingunin ang mga ito nang bumukas ang elevaror.
Mukhang siya ang pinariringan ng mga ito, dahil kapwa nakataas ang kilay ng mga ito pagharap niya. Hindi na ito sumabay sa kanya sa elevator.
"Ano bang problema nila?" kibit balikat na tanong na lang niya sa sarili. Pagdating sa opisina ay nagulat siya ng hilahin siya ni Rachel at Aya.
"Hoy babae ka, hindi kita matawagan kahapon dahil ayaw akong tantanan ni Denver sa kaka-video call niya. But its true, sabay kayong nagbreakfast ni Sir Max? At nagalit raw siya sa'yo ng malaman niyang nagresign ka?" Sunod-sunod na tanong ni Aya.
Sa totoo lang hindi niya rin maintindihan kung bakit nagalit ito nang ganun sa kanya. Empleyado lang naman siya nito. Pero sa reaksyon nito para itong lalaking ayaw pumayag sa nakikipagbreak na girlfriend.
"Feeling mo girlfriend ka. Asa ka!" Tudyo ng utak niya.
"At pinasundo ka niya during lunch kahapon, anong ginawa n'yo?"Si Rachel na nakapamaywang pa.
"Iniisip nang mga babae dito na nilalandi mo si Sir Max. Kaya tingin nila sa'yo Bitch." Nangigil na saad ni Aya.
"Marami kasing ingetera mga babae dito. Kaya dapat mag-ingat ka kung nagdedate kayo ni Sir Max-- "
"Date? Sino? Itong si Claire! Come on your dreaming, Rachel." Maarting sabad ni Ashley sa pag-uusap nila. "Masyado ka naman atang ambisyosa, Claire. Just look at yourself," pinasadahan siya nito ng tingin. "Nakakahiya kong itatabi ka kay Sir Max. You'll just be the rug under his feet."
"Aba talagang!" Mabilis na hinawakan ni Claire ang braso ni Aya ng aktong susugurin nito si Ashley.
" Watch and learn kung sino ang i-dedate ni Sir Max." Iyon lang at tinalikuran sila nito.
"Malakas talaga ang tama ng babaing 'yan." Naiiling na saad ni Rachel.
"Huwag mo na lang silang pansin, ingit lang ang mga 'yan." Console ni Aya sa kanya.
Naging mabigat ang paglipas ng oras para kay Claire. Next week pa busy ang schedule niya kaya paper works ang kailangan niyang atupagin. Nagdala siya nang mga documents sa archives nang makasalubong niya si Max. Gusto sana niya itong batiin pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mukhang nagalit talaga ito ng malaman nitong magreresign na siya.
At kahit paano ay nasaktan siya sa sinabi nitong hindi dapat siya nito pinagkatiwalaan. Pero na isip niyang mas makakabuti rin 'yon. She doesn't want to complicate her few week sa opisina.
At tama si Ashley hindi dapat siya maging ambisyosa.
"See, hindi nga siya pinansin ni Sir Max." Someone has talk behind her back again. "Kaya impossibling magustuhan siya ni Sir." She just ignore those voice and head back to her office.
Pagdating niya ay kaagad siyang tinawag ni Mrs. Rivas. Hindi na siya tumangi ng sabihin nitong pumunta siya sa El Grande Hotel para mag-assist ng event. May biglaang event umano at wala si Ashley to take over. Nagkaroon umano ito nang nagkaroon ng emergency.
Sa hotel ay naroon si Billy at Rodel at iba pang staff na nag-aayos ng mga tables ang chairs. Kaagad siyang nilapitan ni Billy. Malapad ang ngiti nito ng makita siya. Natutuwa talaga siya sa binata. She was a year older than Billy pero casual lang siyang kausapin nito.
"Ahm.... Claire, busy ka ba this weekend?"Anang nito ng matapos na sila sa pag-aayos ng Hall. Magkakaroon kasi ng surprise party mamayang alas otso. So she'll be having over time again.
"Hindi naman, usually nasa apartment lang ako kapag weekend." Aniya habang nag-aayos ng mga bulaklak sa table.
"Gusto mo bang manood ng sine?" Tanong nitong bahagyang namula ang mukha.
"Ako talaga ang inaya mo, dapat yong girlfriend mo no." Pabirong tukso niya dito.
"Wala akong girlfriend."
"Tama bang magligawan kayo habang nagtatrabaho." Parang echo sa tainga niya ang boses na 'yon na siguradong kilala niya. At paglingon nga niya ay naroon si Max, nakatayo sa likod nila habang nakapamulsa. Hindi niya maiwasang kabahan ng magsalubong ang mata nila. Halos magsalubong kasi ang kilay nito.
"Mukhang galit pa rin ito," aniya sa sarili.
"Kayo pala Sir, " si Billy. "chat kita mamaya ah." Halos pabulong na turan nito sa kanya. Napatango na lang siya dito. Sa sinundan ito nang tingin, he look excited. Paglingon niya kay Max, salubong pa rin ang kilay nito. Wierd talaga ng boss niyang ito.
"I did not approve the job order. " Seryosong saad nito. Na ikinatitig niya dito. "Meaning you'll not be resigning anytime yet."
"Pero----"
"Mayroon fifteen event under your name in three months tapos magreresign ka. Diba napak-unprofessional naman ata noon." He pulls the chair in front of her saka ito naupo. Then crosses his arm while glaring at her.
"Kaya nga maghihire muna saka i-tetrain diba Sir."
"All your events are VIP tapos ipapasa mo sa isang amatuer. I won't accept your resignation unless you'll find the best person for the job." Medyo nag panic siya. Three months is quite too long.
"Don't you think your abusing your authority?" Sarcastikong tanong niya dito. He could be nice sometimes but his meaner most of the time. Nakadama siya ng inis dito. Bakit panay na naman ang pagsusungit nito sa kanya? Samantalang noong isang araw lang friends daw sila. Hindi niya napigilang irapan ito.
"Ang guwapo mo sana, sama lang nang ugali mo minsan." Pabulong na turan niya.
"Eh, ikaw di ka naman maganda pero nangugulo ka." He said and left.
"Ay grabe--- grrrr."
"Where are you?" Ang seryosong tanong mula sa kabilang linya. Palabas na siya noon para makipagkita kay Billy. Pumawag siyang lumabas kasama nito dahil birthday umano nito. May mga kasama rin silang kakain sa labas kaya pumayag na rin siya.
"Bakit, Sabado kaya ngayon Sir." Hindi niya inaasahan ang tawag nitong 'yon.
"Alam ko, may kalendaryo rin ako sa bahay." Sarcastikong sagot nito. Kay aga-aga pero mainit na naman ang ulo nito. "Come to El Grande, top floor."
"Hindi puwede Sir, off ko kaya ngayon."Protesta niya dito.
"Pupunta ka dito o ako ang pupunta d'yan."Matigas na turan nito.
"Bakit ba kasi?"
"Pumunta ka ngayon na. " He hung up. Kung puwede lang ibato niya ang cellphone niya dito. Ginawa na niya. Napatingin siya sa relos niya. Maaga pa naman, alas tres pa naman ang usapan nila ni Billy. Hindi naman siguro magtatagal ang utos nito.
Dahil weekend at hindi naman masyadong matraffic, kaya ala una pa lang ay naroon na siya sa El Grande. Siniguro niyang masama ang mukha niya nang pagbuksan siya nito. Pero matamis na ngiti nito ang sumalubong sa kanya. Kaya parang gusto niyang itong kutusan. Pagkatapos siyang pagsungitan noong isang araw. Ngayon kung makangiti, parang nagtagumpay sa masamang balak nito.
Oo nagtagumpay itong sirain ang araw niya.
"Lets go," anito saka lumabas. Hindi niya mapigilang hangaan ito, he was wearing simple printed t-shirt at maonng short. Ang white rubber shoes. Pero hindi maitago ang nag-uumapaw na charisma nito. He snap his finger in front of her. Dahilan upang matauhan siya.
"Huwag mong masayadong ipahalata na star struck ka sa gandang lalaki ko."
"Masyadong bilib sa sarili." Tinalikuran niya ito. Saka lihim na pinagalitan ang sarili.
"Sa'n tayo pupunta?" Pero hanggang makasakay sila sa kotse nito ay wala itong sinabi. Sa SM Pasig sila nakarating, at saka dumiretso sa grocery. Inabot nito sa kanya ang dalang listahan. Nakalagay doon. Dumpling ingredients.
"Puwede ka naman bumili nang dumpling na gawa na---"
"Ayaw ko. I want to make it myself." Napabuntong hininga na lang siya, saka nagsimulang lagyang ang dala nitong push cart.
"Gaano ba dami."
"Hmmm--"saglit itong nag-isip. "Mga dalawang kilo."
"Ang dami naman, "
"Okay na 'yon." Iniwan siya nito at nagtungo sa meat section. Pagbalik nito ay dala nang karming kailagan nito. Nang matapos ay pumila sila sa counter. Gusto niyang mapikon sa pagpapacute na ginagawa nang cashier. Madami dami ang pinamili nito. Aktong bubuhatin niya ang bag nang unahan siya nito. Sabay ngiti nang matamis.
"Nag-eenjoy ka talaga na pinagpapantasyahan ka nang mga babae no?" Sarcastikong turan niya nang kaalis na sila sa counter.
"Talaga, sino namang babae?" Patay malisyang tanong nito. "Wala namang maganda doon eh.
"Kung wala ka nang ipag-uutos mauna na ako sa'yo." Paalam niya dito nang pabalik na sila sa parking Lot. Napatingin siya sa kanyang relos.
"Mayroon pa kaya di ka pa makakaalis. Get in."
"Pero---"
"Shh--" Napipikon siya sa pagiging demanding nito. "San ka ba pupunta?" Nakakaluko ang ngiti nito habang nadidrive.
"Sa mangkukulam, ipapakulam kita." Singhal niya dito.
"How can you say that to your Boss---"
"Boss! ----Sabado ngayon kaya hindi mo ako empleyado no. May mga personal na bagay din akong dapat asikasuhin."
"Well, where friends at ang magkaibigan dapat nagtutulungan." Anito saka nakakalukong ngumiti. His really trying her patience. Kung puwede nga lang niya itong batukan ay ginawa na niya.
"Hay nakakabaliw ka!"
"Hmmm- madami talagang babaing nagsasabi noon." Tumango tango pa ito saka malisyosong ngumiti.
Napagpasyahan niyang huwag na lang itong kausapin. Kaya hanggang makabalik sila sa hotel ay hindi niya ito pinansin. Nagkusa na siyang ayusin ang mga pinanili ito. Nang mapaligon siya sa may pinto ng kitchen. Nakatayo lang ito room at nakatingin sa ginagawa niya. Sa inis ay binato niya ito nang hawak niyang basahan. Huli na para marealized ang ginagawa niya.
"What the---!"
" Ano! Manood ka lang d'yan." Lakas loob na reklamo niya. Baka mas tamang mapikon ito sa kanya. Para paalisin na siya nito. Dahil naiilang kaya siyang nakamasid ito sa bawat kilos niya.
"Ang sungit mo naman, tutulong na po." Bakas ang katuwaan sa mata nito. Kaya napailing na lang siya. Saka muling itinuon ang pansin sa ginagawa. Gusto nitong gumawa ng dumplings kaya, hinanap niya ang grater. Naroon pala 'yon sa itaas na drawer. Sinubukan niyang abutin pero hindi niya maabot. She stand on tiptoe, nang bigla na lang tumayo sa likod niya si Max upang abutin ang kinukuha niya. Halos pigilin niya ang paghinga nang maramdaman ang init nag katawan nito sa likuran niya. Dala nang pagkabigla ay napasandal siya dito. She could feel his warm breath on his temple. Kaya lalo siyang nataranta. She swallow hard as she grasps for some air. Para kasing kinapus nang hangin ang dibdib niya.
Ang ring nang kanyang cellphone ang tuluyang gumising diwa niya. Dala nang pagkabigla ay umatras siya. Dahilan para maitulak niya si Max. At kasunod noo ay ang daing nito. Nakangiwi ito habang sapo ang puwitan nito at nakasalampak sa sahig nang lingunin niya.
"Anung---"
"Amazona ka ba?" Sira pa rin ang mukha nito. "Ang lakas mong manulak." Nakadama naman niya nang awa dito. Mukhang napasama at ang bagsak nito.
"Sorry, ikaw kasi!" Mabilis naman niya itong dinaluhan at inalalayang makatayo.
"Ako pa talaga, nagmagandang loob na nga ako." She know he wasn't faking it. Mukhang nasaktan talaga ito.
"Gusto mo dalhil kita sa hospital?" Tuluyan na niyang nakalimutan ang tawag sa kanyang cellphone. Inalalayang niya itong makarating sa sofa.
"No, I can handle it." Ilang sandali pa ay mukhang nakabawi naman na ito. Pero nakonsensya pa rin siya dahil doon.
"Sige tutulungan na nga kitang gumawa ang dumplings mo."
"Ha.... bakit, sinabi ko bang ako ang gagawa?"
"So ibig mong sabihin, pinapunta mo talaga ako dito para gumawa nang----"Tumango tango lang ito.
"Kaysa naman makipagdate ka, igawa mo na lang ako nang makakain ko." Anito sabay tayo at saka ika-ikang umalis. Sinundan niya ito. Nakangiwi ito habang naglalakad. Gusto niyang matawa sa hitsura nito, pero pinigil niya ang sarili. Mukha kasi itong buntis na malapit nang manganak sa hitsura nito.
"Hindi naman ako makikipagdate no." Depensa niya.
"Manood ka nang sine kasama nang lalaki, date ang tawag doo, Ms." Angil nito saka binuksan ang pinto sa harap nito. Napasinghap siya nang tuluyang tumambad sa mata niya ang silid nito. Biglang rumagasa ang pintig nang pulso niya nang mapagawi ang tingin niya sa kama. Parang agos nang tubig sa alaala niya ang gabing 'yon. Napahinto siya sa pagsunod dito. Pero bigla itong bumagsak sa kama nito kaya napasugod siya dito.
"Hoy Sir, anu na---"panic na niyugyog niya ang balikat nito.
"I'm still alive, Claire."
"Dalhin na kita sa hospital. Baka kung mapano ka." Napaurong siya ang tumagilid ito, at sa kung anong dahilan nagawa nitong patunugin ang katawan nito. The he took a deep breathe. Saka ito naupo sa tabi niya.
"Mukhang delikado ang kinabukasan ko sa'yo." Isang masamang tingin ang binigay niya dito. Mukhang ayos naman na ito. Kaya tinalikuran na lang niya ito.