6

2286 Words
NAGING ABALA si Max sa nakalipas na tatlong araw. Hindi rin siya nagpupunta sa opisina. O mas tamang sabihing umiiwas siyang magpunta roon dahil sa isang bagay. Dahil naguguluhan siya. His getting fond of Claire. At hindi niya gusto ang kakaibang pakiramdam na dala nito sa kanya. She's weird, old fashion nerdy woman who never listen to him. Kaya ipinagpasalamat niyang sa nakalipas na araw ay hindi ito tumatakbo sa utak niya. Pero dahil may early meeting siya kaya naroon siya sa DSI building May meeting siya at eight thirty am. Pero alas siete y medya pa lang ay nasa office na siya. Nagpasya siyang dumiretso sa office cafeteria. He was starving. He only took sandwich and coffee. He was looking for a table when he saw Claire. Plano sana niyang iwasan na lang ito. Pero natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harap nito. Abala ito sa pagkain mula sa dalawang tupperware na nasa harap nito. She was busy listening on something from her phone habang ang isang kamay nito ay abala sa pag-scroll ng nga picture nang event sa tablet nito. Ilang segundo na siyang nakatayo doon pero hindi pa rin siya nito napapansin. She took the tumbler on her side. Aktong iinum ito ng muntik na itong masamid ng makita siya. "Can I sit here." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang paggala ng tingin nito sa paligid. As if she's afraid to get caught. "Natatakot ka bang makita ng boyfriend mo na may lalaking kang kasabay mag-almusal?" "Wala ho akong boyfriend,nag-aalala lang ako na baka bigla na lang ako masalvage ng mga fans n'yo." Napalunok pa ito. She's actually cute even without trying. Lihim na komento niya. Kaya sinaway niya ang sarili. "Ang dami mo atang baon?" Puna niya. Her food looks tasty. And dumpling was his favorite. "Dapat sabay kami ni Aya mag-almusal pero malelate daw siya. Kaya ako na lang kakain nito. Gusto mo Sir, "alanganing alok nito. "Well, it looks edible." "Kukuha ako nang extra plate,"pero bago po man ito nakatayo ay dinampot na niya ang ginagamit nitong chopstick. He took a slice of seaweed rice roll. Napatingin siya dito. "Its good, where did you bought these?" Then he took the dumplings. "Hindi ko binili 'yan. I prepared them myself." Nahihiyang pag-amin nito. "Talaga, you still find time make this yourself. "He was enjoying it. At talagang masarap ang breakfast na dala nito. Hindi niya namalayang naubos na niya ang laman ng tupperware nito. She unintentionally pout her lips as he scan the empty container. Pero mula kung saan ay parang larawan a harap niya na ang appear ang babaing ilang linggo na rin niyang hinahanap. Hindi niya maintindihan why Claire keep reminding him of that woman. Naisip niyang baka dahil may mga mannerism si Claire tulad nang sa babaing 'yon. "I'm sorry, you can have my sandwich, then" Gusto niyang matawa sa reaksyon ng mukha nito. Di na ito nakatangi ng ilagay niya sa kamay nito ang sandwich. "Ang yaman-yaman mo pero parang di ka kumain maghapon ah." Anito saka binuksan ang sandwich. "Hindi ako mahilig sa tinapay kaya kainin mo na ito." Hindi niya maiwasang titigan ang tinapay na inaabot nito. Is she really that thoughtful? Wala pang babaing gumagawa noon sa kanya. "Okay lang naman naubos mo 'yon, Sir. Actually kalahati na nang dumplings ang nakain ko." Natatawang saad nito. Saka inilagay sa kamay niya ang sandwich. Ang totoo wala pa talaga siyang kain mula kagabi. Dahil sobrang pagod siya, kaya nakatulog siya kaagad. But eating those delicious dumplings made him felt energized. "I own you my breakfast, so I'll treat you lunch later." Iyon lang nagpaalam na siya dito. WALANG nagawa si Claire kundi sundan ng tanaw ang papalayong likod ni Max. Nagtataka talaga siya sa ugali ng boss niyang 'yon. Pero hindi naman niya maipagkakailang masisiyahan ang puso niya dahil doon. Wait, ano daw, ang puso niya? Maghulos dili ka Claire, your so out of his league, kung mabait man siya sa'yo. It was nothing more than an employee-employer relationship. Tandaan mo, sa kanya mismo nanggaling, he doesn't like flirting with his employee. At 'wag kang ambisyosa. Hindi dahil nagkasama kayo ng isang gabi may pag-asa ka na. Kastigo niya sa sarili. Naging abala siya sa nakalipas na oras, kaya hindi niya napansin na lunch break na pala. Until Aya come to her desk. "Sabay na tayong maglunch, three days wala ang babe ko eh." Malungkot na saad nito "Sus, ganyan ka naman eh, naalala mo lang ako kapag busy ang boyfriend mo." Kunwa'y tampo niya dito. "True ka d'yan, Claire." Singit ni Rachel. "Kaya tayo na lang maglunch together." Anang ni Rachel saka kumapit pa sa braso niya. "Hay naku, sabay na tayong tatlong maglunch." She was getting her purse from her drawer nang may nagsalita ikinalingon nila dito. "Ms. Claire?" Ulit ng may edad na lalaki. Kilala niya ang matanda. Isa ito sa mga matatagal nang company driver sa El Grande Hotel. "Yes po, Mang Gustin?" "Pinapatawag ho kayo ni Sir Max." "Ho, ako?" Itinuro pa niya ang sarili. "Hala bakit?" Si Rachel. "Baka puweding mamaya na lang ho, maglunch muna kami." "Naku, hindi maari, ang bilin ni Sir, dapat makarating tayo sa hotel bago mag lunch. Tayo na Ms. Claire." Yakag nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. Bakas naman ang pagtataka sa mata ng dalawang babaing iniwan niya. MEANWHILE HINDI MAPIGILAN ni Ashley na makinig sa pag-uusap ng mga naroon sa opinsa nila. Nagtataka siya kung bakit pinatawag ni Max si Claire. Well baka tungkol sa resignation nito. Nalaman kasi niya mula kay Mrs. Rivas na nagpasa umano ng resignation si Claire. Well dahil wala pang approval nang management kaya di pa siya puweding magsalita sa mga ka-opisina tungkol doon. Pero sa totoo lang excited siyang mawala ang nagmamagaling na babaing 'yon. She hates her for making her feel always neglected. Mas marami ang kaibigan nito sa department nila, kahit hindi naman ito maganda. At naiinis siyang, mas naapreciate ni Max ang mga ginagawa nito. Samantalang hindi man lang siya nito magawang tapunan ng tingin, kung di pa siya ang lalapit. At mas lalo pa siyang nainis sa tsimis na nalaman niya kanina sa cafeteria. Well alam niyang malayo si Claire sa babaing maaring magustuhan ni Max. But she hate the thought that his eating breakfast with her. Kaya sobrang pinanghinayangan rin niyang hindi siya nakasama sa team dinner na 'yon. Malay ba naman niyang sasama si Max doon. Tapos nabalitaan pa niya na sa kotse ni Max sumakay si Claire. Kaya lalo lang siyang naasar sa babaing 'yon. Kaya mas mabuting umalis na talaga ito sa paligid niya. "Hey, wala ba kayong planong maglunch." Tawag niya sa dalawang babaing naiwang nagtataka. She walked away without waiting for there answer. Ang mahalaga nagtagumpay siya. Nasisiguro niyang mapapansin na siya ni Max. But of course she did a job well done. Sa totoo lang hindi rin naman siya makapaniwala. Sinuwerte lang siya na makita ang larawan ni Denver at ang babaing kasama ni Max noong company anniversary. Kaya natitiyak niyang nainterogate na nito si Denver. Maybe its fate. It was the photo she ask from Lyca. Kumuha kasi ng unit sa hotel ang mga ito noong party. Nagkataong nahagip ng camera sila Denver at ang babae. "Pero sino nga kaya ang babaing yon, alam kaya ni Aya na magkakilala sila Denver at ang babaing 'yon?"Hindi niya maiwasang isipin. IT TOOK them thirty minutes para makarating sa El Grande Hotel. "Dumiretso na lang kayo Ms. Claire sa top floor." Anang ni Mang Gustin nang makarating sila sa Hotel. Ipinagbukas pa siya nito ng pinto ng kotse. "Salamat ho, pero bakit ho sa top floor, di ba CEO residence yon?" Aniya dito. "Ah oo, doon ho nakatira si Sir Max. Pero hindi ko alam kung bakit." Iyon at nagpaalam na ito sa kanya. Nagtataka man ay wala siyang naggawa kundi ang magtungo sa elevator. Pinindot niya ang button patungo sa top floor. May mga nakasabay siya sa lift, lahat ata lihim siyang sinulyapan. Pero walang dahilan para maasiwa siya. She took a deep breath ng tumunog ang pinto hudyat na nakarating na siya sa distinasyon. Hindi niya maiwasang mapalunok. Bakit doon pa siya nito pinapapunta? Sinalakay siya ng matinding kaba. It took her tons of courage bago niya nagawang pindutin ang doorbell. Hindi naman nagtagal ay bumukas 'yon. Na para bang talagang hinihintay siya nito. Halos pigilin niya ang paghinga. Paano ba namang hindi siya kakabahan. She might not have remember exactly how the suite looks like but she very well know na 'doon siya 'natulog' kasama nito. At kinakabahan rin siya na baka nalaman na nito na siya na babaing kasama nito sa suite nito. "Sorry kung dito kita pinapunta." Maluwag ang ngiting saad nito. He was also wearing an apron. Pinigil niyang mapangiti. Ang sexy kasi nitong tingnan. "I promise to treat you lunch, pero masyado akong busy. I have meeting at two pm here. Kaya naisip kong dito na lang kita i-treat, not a restaurant meal. I cooked for you." Parang umurong ang dila niya nang kindatan siya nito. Ano bang problema niya, gusto ba niya akong atakihin sa puso? "Pero hindi naman kailangan, Sir. Puwede namang free meal na lang sa cafeteria." She try to sound casual. Kahit pa ang lakas ng t***k ng puso niya. He was smiling at her, kaya lalo siyang natetense. "Not a chance." Mabilis na sagot nito. Saka nito hinawakan ang pulsohan niya. Her heart start thumping like crazy. Wala sa sariling napasunod na lang siya dito. She was staring at his lower back. Biglang nag-init ang mukha niya. "I'm almost done cooking." Ipinaghila pa siya nito ng upuan. "I'm not really a good cook, but I hope you'll like this." Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ang umuusok pang grilled steak salad, nilagyan rin nito ng rice ang plato niya and there also fruit salad for dessert. "Nakakahiya naman, na-obliga ka pang magluto para lang sa promise mo." Nagawa niyang sabihin nang hindi sinasalubong ang titig nito. But everytime na iiwasan niyang titigan ang mukha nito. Kung saan parti naman ng katawan nito siya nakatitig. This time, she was staring at his chest, bahagya kasing nakabukas ang butones nang polo nito. She know how it feels to touch those in flesh. "Stop being a perv,"saway niya sa sarili. "Come on Claire, I'm a man of word, besides I want to spent my time with you." "Ha?--"muntik nang na niyang mabitawan ang hawak na kubyertos. Was she's hearing things now. "Hey, don't get the wrong idea. Ahm--- what I'm saying is -- well alam mo namang komportable akong kasama ka, so okay lang na maglunch tayo together. " Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iwas ng tingin nito. "Where friends right." Dagdag pa nito, sabay ngiti. "Friends tayo?---boss kaya kita." "Bakit bawal bang maging friends ang empleyado at boss?" "Kaya mo ba ako ininvite dito para sabihin na friends tayo." Amuze na tanong niya dito "Let put it that way." Muli ay sumilay ang matamis na ngiti nitong madalas nagpapatumbling na puso niya. "Pero secret lang natin 'yon ha, baka kuyugin ako ng mga fans mo." Nahulog sa malalim na pag-iisip si Max, he actually can't believe he invited Claire at his unit. Ilang araw niya itong iniwas pero nang makita niya ito kaninang umaga hindi naman niya nagawang sawayin ang sarili na lapitan ito. Well Claire was such a good companion, matalino itong kausap. At higit sa lahat magaan ang pakiramdam niya kapag kasama niya ito. Ang marahang katok ng kanyang secretarya ang pumukaw sa nagugulo niyang diwa. Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. "Kailan ang balik ni Mr. Gomez?" Tukoy niya kay Denver ang IT specialist ng DSI. I guess he had to wait few days more. May seminar kasi ito. Puwede naman niyang itong tawagan pero mas gusto niyang makausap ito ng personal. "So monday pa Sir, three days po ang seminar nila sa Baguio." Paliwanag nito. "Ito nga po pala ang bagong job order for approval." Saad nito saka nilapag sa harap niya ang mga documento. He was scanning the document when something caught his attention. "Claire is resigning." Bigla ay nakadama siya nang inis. She's doing well on her job, but she's resigning. He dismissed MJ and called Mrs. Rivas. Ayon dito ay personal reason raw ang dahilan nito. Pero mas nainis pa siya ng hindi man lang nito sinabi sa kanya ng personal. "Tell Claire to come to my office now!" Saka niya binaba ang tawag. Ilang minuto rin ang lumipas nang i-anunsyo ni MJ na naroon si Claire. "What the hell is this?" Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses ng pumasok ito sa opisina niya. "We been talking almost a day, and you never told me that you're resigning." Kitang ktia niya ang pagkabigla sa mukha nito. "Ahmm--- pasensya na. Hindi ko alam na kailangan kong----" "Anong personal na dahilan? Do you need to earn more. I can raise your salary---" "Naku hindi ko sa ganun Sir. Maganda ang trabaho ko at sapat ang suweldo ko para sa sarili ko." "Then why? Why are you even mad at her?" Singit ng makulit na bahagi ng utak niya. "May nasabi ba akong hindi maganda, na offend ba kita?" "Hindi ho sa ganun--" "Then tell me. I thought I can trust you, but you're just---- I shouldn't have trust you either. Aalis ka rin pala." Sa lahat nang ayaw niya ay ang taong iiwan rin siya pagkatapos niyang magtiwala. "Fine, just get out." Di niya alam kung bakit hindi niya napigilan ang galit. Ano bang paki-alam niyang kung mag resign ito. His just my employee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD