5

2127 Words
"ALAM mo ba ang kumakalat na chika." Nanlalaki ang mata ni Aya sa kanya. Namaywang pa ito sa harap niya na parang nag-aantay na magsalita siya. But she just look at her. Wala siyang hilig sa chika. "So hindi mo talaga alam. Sa El Grande Hotel." Nalaman niyang ito ang ipinadala ni Mrs. Rivas para sa event na iniwan niya. Wala raw kasi si Ashley. Aya was also an event coordinator pero na promote ito a year ago bilang purchasing assistant. Mas nauna naman itong pumasok sa DSI kaya expected na 'yon. Umiling siya. Pinalo lang nito ang braso niya. Saka lumapit nang husto sa kanya. Nalaman pala nito ang nangyari sa elevator at ang ginawa ni Max sa kanya. "I had this feelings talaga na may something sa'yo ang Boss nating 'yon." "Ano namang something?" Nagtatakang tanong niya dito. "Na gusto na ni Sir Max, " isang tampal sa noo ang ibinigay niya dito. "Oo, gusto niyang gawing mesirable ang buhay ko." Naiiling na saad niya saka muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa. "Paano kung alam niya na---" "Tumigil ka nga, ikaw lang at ang jowa mo ang nakakalam. Kaya malamang sa inyo lang manggagaling 'yon. Kaya please lang Aya. Dont ever -----" "Oo na, sinabihan ko naman ang my babes ko na sekreto talaga natin 'yon." Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito. Umankto pa itong isiniper ang bibig. "Pero iba talaga ang feelings k--- ouch." "What's going on here?" Muntik nang tumalon ang puso niya nang marinig niya ang boses na 'yon. Nasapo pa niya ang dibdib nang nang lumingon siya dito. "Hindi ka naman ba makahinga?" She was sure he sound worried pero dahil seryoso naman ito kaya malalang nagkamali lang siya. "Ah sige, maiwan na kita ha. Sige ho Sir." Parang bulang biglang naglaho si Aya sa harap nila. Napakasama talaga nang babaing 'yon. Paano nito nagawang abandonahin siya nang ganun na lang. "May kailangan kayo, Sir?" Saglit itong natigilan tila nag-isip. "Ah wala naman, naisip ko lang na--- well kumustahin ka." Grabe, pagkatapos siya nitong kaladkarin sa hospital kahapon at sinabi nang doctor na nagpanic lang kaya hindi siya makahinga. Hindi pa pala ito naniwala. But at some point she find herself smiling at him. "Mukhang okay ka naman." "Okay lang naman kasi ako, ayaw mo lang maniwala. Masyado naman kayong nag-aalala sa akin." Muntik na niyang masampal ang bibig sa katabilan niya. "Bakit naman ako mag-aalala sa'yo? Masyado ka naman assuming. Sumama ka sa akin." Anito sabay talikod. Sa inis niya ay parang gusto niyang batuhin ito nang hawak na ballpen. Pero bigla itong lumingon kaya nagkunwari na lang siyang may hinahanap. Dinampot niya ang kanyang planner. Nakita pa niyang kumaway sa kanya si Aya bago siya tuluyang nakalabas ng kanilang opisina. "Saan tayo pupunta?"Nagawa niyang itanong habang sakay siya nang kotse nito. Pero lumipas na ang ilang sandali at hindi naman ito nagsalita. The silence gave her the chance to still glance at Max. Seryoso itong nagmamaneho. Parang malalim ang iniisip. "Alam kong guwapo ako, kaya hindi mo ako kailangan titigan nang ganyan." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng lingunin siya nito. "Ang yabang!" She murmured. "I'm hungry." Napalingon siya sa tinuran nito. Nalaman niya ditong 'di pa pala ito naglulunch, dahil busy ito sa meeting kanina. Hindi raw kasi ito nakakain noong lunch break. At alas dos na ang hapon. Sa isang restaurant sila nakarating. Buti na lang at walang gaanong traffic. The resturant was cozy and looks expensive. Iyon ang unang beses na nakapasok siya sa isang mamahaling restaurant. "Bakit naman sinama n'yo pa akong pumunta dito. Parang ang mahal nang pagkain dito." Naiilang na saad niya. "I don't want to eat alone." He said "Eh di sinama mo sana girlfriend mo." Sagot nang taklesa niyang bibig. "Kung may girlfriend ako di kita isasama dito no." Sinimangotan niya ito. Well his not dating . Iyon ang alam niya. Noon naman lumapit sa kanila ang waiter. Hindi nakaligtas sa mata niya ang mapanuring tinging ibinigay sa kanya ng waiter. Pero hindi na lang niya 'yon pinansin. Ibinigay nito ang menu sa kanila. Pero parang nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang presyo ang pagkain. Isang banyerang isda na ata ang mabibili nila sa presyo nang garlic steam salmon. "Bakit ang mahal nang pagkain dito, ginto ba ang pinanluluto nila dito." Pero tinawanan lang siya ni Max. Ito na ang nag-order nang para sa kanya. "Ang suwerte talaga nang maayaymang tulad n'yo kahit anong oras puweding kumain nang masarap at mamahalin." "I don't usually eat like this unless on special occation. But I'm so drain that's why I wanted to eat something good. I close a big deal so I'm treating myself." "Wow! Talaga. Congrats! Pero bakit parang di ka naman masaya kanina." "Masaya ako hindi lang halata. Even now I'm happy," naiiling na saad nito. Parang hindi niya kayang paniwalaan na masaya ito. Kung ano man ang dahilan ng kasiyahan nito natutuwa siya para dito. "Ang gulo mong kausap." "TOTOO BA ITO?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Ashely nang ipakita sa kanya ni Lyca ang cellphone nito. Hindi siya makapaniwala na nasa harap na niya ang tutupad sa pangarap niya. "Ikaw na talaga ang pinakamabuting friend ko Lyca. Can you send me the picture please." Wala naman dalawang salitang ibinigay nito ang hinihingi niya. Her friend accidentally taken the evidence she need. "So, its my treat tonight." "Wow really! " Excited na saad ni Lyca. Tungo sila na ikinangiti nito. "Para lang sa picture na 'yan ha. Crush mo ba ang lalaking yan?" "Of course not. Tara." Hinila niya ito sa dance floor. Both of them like night out. Kaya siguro magkasundo talaga sila nito kahit magkaiba silang department. Well parehas sila nang lalaking gusto. She's also like Max. Pero dahil close siya kay Lola Juliane kaya parang naggive way ito para sa kanya. Sa tingin nga niya ay isang simpling crush lang ang nararamdaman nito para sa boss nila. Pero iba siya. Because she's really into Max. At gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya nito. And fate is giving into her way. They spend the night drinking and dancing. Walang paki-alam sa mundo. At sobrang masaya siya sa sandaling 'yon. "Thank you sa mga gift, guys." naiiyak na saad ni Mrs. Rivas. It was her forty eight birthday. At sinurprisa nila ito nang kaunting handa. Even their bosses ay nagbigay rin nang mga regalo dito. Sampung taon na rin itong nagtatrabho sa DSI. "Treat ko ang dinner mamaya." Emotional na saad nito. Nagpalakpakan sila nang biglang dumating si Max. "Team dinner is on me." Anito. "Ah Sir, kumain muna kayo." Alok ni Mrs. Rivas dito. "As much as I want to, pero may meeting ako with the board. I'll see you later." Iyon lang at nagpaalam na ito. Parang biglang huminto ang pulso niya nang titigan siya ni Max. Saka ito ngumiti. "Ano'yon ha? Nakita ko 'yon." tudyo nito na sinundot pa ang tagiliran niya. "Ewan ko sa'yo. Gutom lang 'yan." Alas sais nang gabi nang magtipon sila sa lobby ng building. Hindi sila kompleto para sa dinner dahil maagang nagpaalam si Ashley dahil may emergency umano ito. "So saan tayo?" Excited na tanong ni Mrs. Rivas. "Kahit saan, basta masarap, libre naman ni Sir Max ito." Singit ni Eula na halatang excited. Maraming nagsuggest at may kani-kaniyang gusto. "Pero diba dapat ang celebrant ang magdecide." Aniya na sinang-ayunan naman ng kahat. Korean barbeque ang napagkasunduan nila. Palabas na sila nang dumating si Max. "Let's go."Anito na ikinahinto nang lahat. "Should I not come?"Inosenting tanong nito. "Naku, puweding puwede Sir." Si Rachel na bigla namang na excite. "Iba talaga ang ihip nang hangin dito." Pabulong na saad ni Aya. Kaya pinalo niya ang braso nito. Masyadong malikot ang imahinasyon nito. Paglabas nila ay naghihintay na ang service van na provided din nito. "Claire you come with me." Naudlot ang aktong pag-akyat niya sa van dahil doon. Nakatingin ang lahat sa kanya. "Sorry!" Anang ni Aya saka nakakalukong ngumiti. "Gusto kong solo sa upuan ngayon."Maarting turan nito. Saka isinara ang pinto. "Ang sama niya." Reklamo niya. "So ano hahayaan mo akong magdrive mag-isa. Lets go." Wala silang nagawa kundi sumunod na lang dito. SAMANTALA "Siguradong magwawala si Ashley kapag nalaman niyang kasama natin si Sir Max." Anang ni Rachelle na lumipat sa tabi niya. "Naku, mabuti na lang at hindi siya sumama. Sisirain lang niya dinner natin." "True napaka-arte pa naman nang babaing 'yon." Pabulong na saad ni Rachel. "Pero ako lang ba o may something sa dalawang 'yon." Nagkakaunawaang nag-aperan sila ni Rachel. "Ang ingay n'yo naman." Sita ni Eula. "Naku sympre excited kami." Sagot niya dito. "Pero nakapagtataka naman na biglang sumama si Sir Max sa team dinner natin. Last week ininvite siya nang finance pero di siya sumama." Si Mercy na habang abala sa cellphone nito. "Sana lang makakain ako kahit nandyan si Sir Max. Titigan ko lang kasi siya busog na ako eh." "Di bumaba ka na kaya." Pang-aasar dito ni Eula. "Asa ka. Gusto ko rin sanang sumakay sa kotse niya. Pero bakit si Claire niyaya niya." Nakangusong maktol ni Mercy. "Eh kasi MU sila, girl." Aniya. " May mutual understanding sila." Bulalas ni Eula. "Hindi, magulong umibig." "Ano? Talaga!" Si Mercy. "Joke lang naniwala ka naman. Alam mo naman 'yang Boss natin paboritong pahirapan ang buhay ni Claire." Chorus namang sumang-ayong ang ito. Kaya natawa na lang siya. Sadya bang siya lang ang nakapansin o talagang engot lang ang mga kasama niya. Pero kahit si Mrs Rivas ata napapansin rin ang special treatment ni Max kay Claire. Kaya napapaisip tuloy siya kung alam na nito kung sino si Claire. NAGING maingay ang mga ito nang makapasok sila sa isang kilalang korean barbeque restaurant sa Ortigas. Pinasama rin niya ang service driver sa dinner para may maghatid sa mga ito pauwi. Halatang masayang masaya ang mga ito. Napakadalang niyang magawang sumama sa ganung mag team dinner. Kaya hindi niya maiwasang makadama ng kasiyahan. "Sir Max, salamat sa padinner ha." Anang ni Mrs Rivas. "Sa totoo lang di ko alam kung bakit ngayon ko lang na-isip na sumama sa mga ganitong gathering. Masaya pala." Sensirong turan niya. Madalas kasi at nagbibigay lang siya nang fund kapag may mga ganung event. "Kaya dapat Sir madalas na kayong sumamasa mga ganitong event para mas masaya. Masarap ang libre eh," anang ni Eula kahit puno ang bibig. Sinita ito ni Mercy. Pero inirapan lang ito ang huli. Napatingin siya kay Claire na tahimik lang sa tabi niya. Abala ito sa pag-iihaw ng karne para sa table nila. "Ako na." Walang babalang kinuha niya ang tong na hawak nito. Pero hindi nito binitawan ang tong. "Hindi ako na Sir." Tangi nito, parang biglang natahimik ang lahat. Paglingon niya at nakatingin ang mga ito sa kanila. Tumikhim siya upang alisin ang biglang pagkailang na naramdaman. "Ako na kasi, hindi ka pa kumakain." Patay malisyang saway niya dito. Kumibot at labi nito na sa kung anong dahilan ay napatitig siya doon. Parang noon lang niya napansin ang rosy pink cute na lips nito. Bigla ay parang nag-init ang pakiramdam niya. "This is weird, and not good." Lihim na saway niya sa sarili. "Naku, mabuti pa ako na ang magluto. Kumain na kayo." Ipinagpasalamat niya ang pangugulo ni Mrs Rivas sa utak niyang nawawala na ata sa katinuan. Claire was his employee hindi tama ang tinatakbo nang utak niya. Bigla tuloy naging akward ang pakiramdam niya. Simantala niya ang tawag ni Nico para magpaalam sa mga ito. Iniwan na lang niya kay Mrs Rivas ang company card niya. PARANG nakahinga nang maluwag si Claire nang magpaalam si Max sa kanila. Paano naman siya makakain nang maayos kung nasa tabi niya ito at nagkiki-kisan ang mga braso nito. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya para kay Max. Kung bakit naman kasi panay ang lapit nito sa kanya kahit iniiwasan niya ito. At hindi rin niya kayang bigyan nang pangalan ang kakaibang pakiramdam niya para dito. Dahil sa totoo lang ay masaya siya kapag malapit ito. Pero hindi tamang maramdaman niya ang ganun dito. He was his Boss. At parang niluluko na rin niya ito dahil, sa nangyari noon. "Ang ganda mo sissy."Tudyo ni Aya nang nasa CR sila. "Sa tingin ko gusto ka talaga ni Sir." "Tumigil ka nga baka may makarinig sa'yo. Isa impossible 'yon no. " Mariing tangi niya dito. Hindi tamang gatungan pa nito ang kaguluhan sa sistema niya. Baka masktan lang siya sa bandang huli. Kapag nag-assume siya. "Pero hindi ka naman kinikilig sa mga pagpapansin ni Sir sa'yo." Pangungulit nito. "Hindi no. Sa tingin ko pa nga, pinagtitripan lang niya ako talaga. Kaya ganyan siya sa akin. " Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Baka kung anu-ano naman ang sabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD