He massage his neck as he walked pass Claire. Sa totoo lang naasar siya sa sarili dahil hindi niya mapigilan lagi ang sariling hindi ito pansinin. But lately parang mas nagiging eager siyang nakikipagtalo dito. It wasn't that his pissed or anything. Her expression just remind him of the woman, that keeps lingering on his thought. And even her scent feels so familar.
Pero sinaway rin niya ang sarili. It was too impossible. Masayado lang siyang pre-occupied lately kaya kung anu-anong naiisip niya.
Kaya dumiretso na lang siya sa restaurant ng hotel. Almost lunchtime na rin. At dahil sa pag-aalala niya sa kanyang abuela kaya nakalimutan na niyang mag-almusal. Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya hindi pa niya mapapansin ang oras.
He was practically living at El Grande. Nasa top floor ang office-con-condo niya. Mas convenient yon kaysa mag-uwian niya from Ortigas to Tagaytay. Masyado siyang busy para doon.
Pagdating niya ay kaagad siyang inasikaso ng isa sa mga waiter. Sinabi lang niya ang usual order niya dito. Binuksan niya ang kanyang dalang tablet habang nag-aantay sa pagkain niya nang maagaw ang atensyon niya sa pag-uusap ng dalawang staff.
"Umalis na ba si Ms. Claire?" Tanong nang manager. "Sabi ko maglunch muna siya bago magpunta sa hall."
"Puntahan ko lang siya Ms. Jean." Bakas ang excitement sa tinig ng lalaking kausap nito. Parang bigla tuloy s'yang nairita.
Napatingin siya sa rolex watch niya. It was pass one pm. In just a snap. He found dialing Claire number on his phone. Dalawang ring lang at sumagot naman ito.
"Claire, pumunta ka sa restaurant ngayon na." Then he hung up. Alam niyang malakas ang boses niya dahil biglang natahimik ang paligid.
"Huwag ka nang pumunta Billy, tinawag na siya ni Sir."Dinig niyang sabi ni Jean sa kausap. Sa kung anong dahilan bigla siyang napangiti.
"Bakit pa niya susunduin si Claire, kung puwede niyang tawagan." Napailing pa siya. Hindi naman nagtagal ay dumating ito. Bigla siyang napalunok ng nasa harap na niya ito. "What the heck is wrong with me?" Lihim na sita niya sa sarili. Senenyasan niya ang waiter na gawing dalawa ang order niya. Kaagad naman itong tumango.
"Hinanap mo ako Sir?" Ang humahangos na tanong nito.
" Tumakbo ka ba?" Hindi niya napigilang itanong. Mukha kasing pinawisan ito. Kaagad naman nitong pinunasan ang sariling pawis sa noo.
"Ahm-- medyo lang ho." Asiwang sagot nito. "Bakit n'yo ho ba ako pinatawag?"
He cross his arms and lean his back on the chair. Sa kung anong dahilan parang na-aamuze siya sa un-easiness nito sa harap niya. Hindi niya maiwasang mapangiti. Dumating ang order niyang pagkain. Halatang nagulat ito. Nang ilagay ng waiter ang pagkain sa harap niya ang order ng vegetable beef soup. Same as the one he has. Sige lang Max, ayaw mong pansinin pero ganyan ang ginagawa mo."
"Kumain ka na."Aniya dito na ikinatitig nito sa kanya. Her eyes where flooded with question. Pero hindi ito nagsalita. "Alam mo ba kung anong oras na? Mas nakikinabag ang kompanya kong dedicated at masipag ang empleyado. But that doesn't mean that you should neglect your self just because your busy." Sermon niya dito.
"Ganyan nga Max, ipahalata mong concern ka." Tudyo ng isang bahagi ng utak niya na kaagad naman niyang kinuntra. His just looking out for his employee's health.
"Kanina lang sinusungitan n'yo ako tapos ngayon." Mahinang reklamo nito.
"Natutuwa ka bang laging nakikipagtalo sa akin?" He was curious. "Oh mas gusto mong hindi ka pinapansin."
"Hindi ako nakikipagtalo sa'yo, mas feeling ko pa nga pinagtitripan mo ako. At tama ka ayaw ko talagang napapansin ako. " Lintaya nito. Bakit nga ba hindi niya magawang magalit sa weird na babaing ito, kahit madalas siya nitong sagot sagutin
"Kumain ka na lang--"
"Pero hindi pa naman ako nagugu---" natigil ang sasabihin nito ng kumalam ang sikmura nito.
"Hindi mo naman siguro gustong subuan pa kita para kumain ka." Kung saan nang galing 'yon hindi niya alam. Walang ano-anu ay dinampot nito ang kubyertos. At nagsimulang maingat na kumain. Kapwa sila naging tahimik habang kumakain. But for whatever reason, he can't help but steal glance at her. At bakit parang ang gaan ng paki-ramdam niyang nasa harap niya ito. Well sa totoo lang lagi namang ganun mas komporatable siya kapag ito ang kausap. Iyon mga lang madalas nauuwi sa sagutan ang pag-uusap nito. Ang tigas kasi nang ulo nito.
He had finished his food first, at dahil mukhang hindi na ito makakain ng maayos dahil sa presence niya nagkunwari siyang bala sa tablet niya.
" If you're done. Sabay na tayong pumunta ng hall." Nalilitong napasunod naman ito nang tumayo siya at maglakad palabas nang restaurant. "Matatapos ba ang venue before three?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan nila. Nakakabingi kasi ang katahimikan nila sa loob ng lift.
"Actually finishing touch na lang Sir, na check ko na rin ang mga pagkain na -iseserve. Ah--"inilabas nito ang tablet. "Nagset-up kami ayon sa mga request ng VIP. Actually maganda ang taste ng bride, kaya parang less efforts din ako. " Saka 'yon ipinakita sa kanya. Now she's talking to the Claire he knew.
"Maganda man ang taste niya, nakadepende pa rin sa galing mo ang kalalabasan ng presentation. This looks great, I bet mas---"natigilan siya sa pagsalita ng biglang huminto ang elevator. Kasabay noon ay ang pagkawala nang ilaw na bumalot ng kadiliman sa lift. Ang malakas na pagtili ni Claire ay nakaagaw ng pansin niya. Kaagad namang bumukas ang emergency light pagkalipas nang ilang segundo. At ganun na lang ang gulat niya nang makita itong nakalukmo sa sulok ng elevator. Akmang lalapitan niya ito nang bigla umuga ang lift. Bahagya siyang nakadama ng panic. Pero hindi 'yon oras para matakot.
Pinindot niya ang emergency buttom. Saka nilapitan si Claire. Noon niya napansing parang naghahabol itong huminga.
"Claire, are you alright?" Nag-aalalang saad niya. Saka ito hinawakan sa braso. Mukhang may claustrophobia ata ito. Inalis niya ang salamin nito, saglit siyang natigilan. Pero kaagad naman niyang winaksi ang isiping 'yon. Gamit ang isang kamay at tinakpan ang mga mata nito.
"Its okay. Don't think about anything, just breath." Mahinang saad niya. Ilang saglit pa ay parang kumalma ang paghinga nito. He took his phone para tagawan ang head ng maintenance. Kaagad niyang sinabi dito ang sitwasyon. At ayon dito ay nagkaroon umano ng problema pero inaayos na nang technical.
Wala naman siyang magagawa kundi ang mag-antay. What worries him was Claire. Tahimik lang ito. Pero mukhang narelax na. "Are you feeling better now. "Mahinang tanong niya dito. "Claustrophobic ka pala?" Umiling ito.
"I don't like darkness. Okay na ako sir? " Maingat na inalis niya ang palad sa mata nito.
" I should shouldn't have covered your eyes then, I'm sorry."
"Hindi, salamat, mas nakakatakot mag-isa sa dilim."Bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Naroon ang pagkataka sa sinabi nito. Kaya nakigaya siya sa pagkasalampak nito sa sahig. Ibang iba ito sa Claire na kilala niya sa sandaling 'yon. Akala niya dati ay sadyang matapang at malakas lang talaga ang loob nito. But seeing her weak point made him want to protect her. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa naisip.
"Don't worry maayos nila kaagad ang problema." Tanging nasabi niya. Tumango lang ito. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
"Sir Max, okay na ako, puwede mo nang bitawan ang kamay ko."
"I'm sorry, but your the one holding my hand." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Saka parang napasong binitawan 'yon. Kaya hindi niya napigilang ngumiti. "Ang wierd mo talaga." Hindi niya napigilang ngumit"Bakit naman takot ka sa dilim, para ka namang palang bata---"
"Because once I was lock in a dark room." Halos pabulong na saad nito. Pero sigurado siya sa narinig niya.
"What did you say---"
"Bakit parang ang tagal?"Anito at tumayo pa. Mukhang ayos na nga ito.
"Its been only ten minutes, Claire." Sagot niya dito.
"Hindi ba kayo natakot? "Kuryos na tanong nito. "Paano kung mas malala pala ang sit---"
"You're being paranoid. There might be some technical error, but I assure its nothing worst as you think. I value quality too much. Kaya huwag kang magpanic d'yan. The lift just stuck but the aircon still works so. I'm sure its just fine." Pag-aasure niya dito.
"Pero mas matatakot siguro ako kong ibang babae ang kasama kong nastuck dito." Di niya mapigilang matawa. "Baka kanina pa ako namolestya." He just wanted to make her feel better.
"Masyado ka palang bilib sa sarili mo, Sir." Naiiling na saad nito.
"Well actually no. But it's feel better, being here with you than with other woman--- you know. I feel safer."
"Dahil hindi ako maganda---"
"Of course not---" Mabilis niyang sagot dito. Parang bigla siyang nairita sa sinabi nito. "I'm not that kind of person. I don't judge people. Pero kung iniisip mong hindi ka maganda, you see less of yourself then, Claire. Ang ganda ng isang tao, nababago ng panahon. Pero ang puso at pagtatao ng isang tao, mananatili 'yon, kahit magbago pa ang panahon. And I can see that you're good person. Snob nga lang madalas."
Nagulat siya ng bigla itong tumawa. Sa kung anong dahilan her laugh was filling joy in his heart. Its heartwarming. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ito.
"What is wrong with me ." Sita niya sa sarili.
CLAIRE, felt elated. Sa presensya ni Max ay nakalimutan niya ang takot sa sandaling 'yon. Pero hindi niya maiwasang hangaan ito. Hindi lang pala ito pinagpala sa pagiging drop-dead gorgeous nito. Mukhang mabuti rin itong tao, hindi tulad ng inaakala niya.
"Akala ko talaga ikaw 'yong snob. Hindi mo kasi pinapansin ang mga bumabati sa'yo kapag nakakasalubong mo." Aniya dito. "Kaya iniiwasan talaga kitang makasalubong para di kita batiin." Pag-aamin niya
"Ah, oo kaya pala madalas ako pa ang unang kumakausap sa'yo. Iginaganti mo 'yong kapwa mo babae?" Palatak nito sabay baling sa kanya. Bahagya siyang napalunok ng magsalubong ang mga mata nila. Her heart almost skip a beat. Pero sinaway niya ang sarili. Nakalimutan na ba niya ang problema niya. She will be resigning because of him.
"Medyo." Nahihiyang sagot niya.
"Hay--- inisnob ko lang naman ang mga babaing alam kong nagpapansin lang. I don't like it. I don't like flirting with my employee." May diing sabi nito. Lagot talaga siya kapag nabuking siya nito. Cause she just didn't flirt with him but slept with him.
"Kung sabagay. Hindi ko naisip 'yon, pasensya na, Sir." Nahihiyang saad niya. "Sige, I promise 'di na kita i-snobin mula ngayon. Malapit na rin naman akong magresign. Kaya lagi mo akong kinakausap kasi alam mong hindi ako nagpapansin sa'yo?" Nagawa niyang isatinig.
"Hmm-- siguro, kasi mas may sense ka naman kausap." Parang biglang tumaba ang puso niya dahil doon. "Kaso nga lang mukha ka talagang manang. "At nalalag siya sa lupa. Inirapan niya ito.
"Lahat ba talaga nang sinasabi mo sa akin, laging may karugtong na pagpuna." Kung puwede lang niyang hampasin ito ng loafers niya ginawa niya.
"Because I'm your Boss."Deklara nito. "At ikaw lang ang empleyado ko na ang galing sumagot sagot sa akin." Napasimangot siya dito. "But atleast I'm at ease talking to you."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan nito. Magsasalita sana muli siya nang biglang bumukas ang elevator door. Kasabay noon ay ang magkalat ng liwanag. Para siyang umangat mula sa ilalim ng lupa ng tuluyan siyang makahinga ng maluwag.
"Sir, ayos lang ho ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng Maintenance Head.
"Ayos lang ako Fred, just make sure na hindi na 'to mangayari ulit. We don't want complain from our guest." Paalala niya dito.
"Yes sir."
"Bring Claire to the clinic." Baling nito sa Hotel medic na naroon.
"Ah, Sir ayos lang ako. Babalik pa ako sa---"
"Nahirapan kang huminga kanina, you should see the doctor first. I look into the event Hall." Nakailang hakbang pala lang ito nang bigla itong humarap pabalik. Naroon ang pagtataka sa mata ng mga naroon.
Saka siya nito binalingan tila nag-isip.
"No, sa hospital tayo pumunta."Nabigla siya nang hawakan nito ang kamay niya.
"Pero Sir okay na ho ako-"Hindi niya maiwasang makadama nang pagkailang. Dahil nakatingin sa kanila ang mga naroon.
"Claire! " Hinila siya nito kaya napasubsub siya sa dibdib nito. Kaya bigla tuloy siyang nataranta. Pero bago pa siya makapiglas dito ay inakbayan niya nito saka mabilis na naglakad palayo. Lalo siyang nailang dahil pinagtitinginan sila ang mga taong nadaanan nila.
Nasa parking lot na sila ng pakawalan siya nito. "Get in!"
"Okay na nga kasi ako, kailangan kong bumalik sa function hall."
"When will you ever listen to me, Claire." Bagsak ang balikat na tanong nito. Nagulat siya nang tawagan nito si Mrs. Rivas. "Send someone who can replace Claire, I'll take her to the hospital." Hindi na nito hinintay ang sagot ng kausap. Tinapos nito ang tawag at binalingan siya. Masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Hindi ito nagsalita pero parang nababasa niya ang gusto nitong sabihin. Kaya parang maamong tupang sumakay na lang siya sa kotse nito.