5:00 AM
Gising na si Andrea, hindi niya malaman kung excited ba siya o takot.
Of course takot lang ako, bakit naman ako mae-excite!
Nagmo-monologue pa siya ng biglang magring ang kanyang phone.
Si Paul.
Eheerrmmm!! Mike test lang?
“Napatawag ka?” Sagot ni Andrea sa telepono.
“Hindi ba't HELLO ang dapat unang sagot sa telepono?”
Aba, kahit kaylan antipatiko talaga!
“Ok fine, Yes HELLO!!” Nilakasan pa niya ang kanyang boses.
“Array! Tsk!” Nilayo pa ni Paul ang kanyang phone sa kanyang tenga sa sobrang lakas.
“Oh, bakit? Anung kailangan mo?”
“Kinukumusta ko lang naman ang bride ko bukas, masama ba?”
Ha? anu ba 'to. Bakit tumatayo mga balahibo ko. Ahhhh... Andrea! Magtigil ka!
“Oh, dika na nagsalita diyan?” Muling nagsalita si Paul.
"He! Ang aga nambwi-bwiset ka. Galingan mo akting mo mamaya ha?”
“Oo naman, best actor to”
Siyempre, sa sobrang galing mo napa-Oo mo ako sa joke mong proposal!
Gusto niya itong sakalin sa sobrang yabang.
“Saan ka nga pala natulog kagabi? Nag-overtime kaba? Hindi kadaw umuwi sabi ng Dad mo!”
Shit! Anu ba yung tanong ko! Bobo ko talaga!
“Haha!! Andrea, hindi pa tayo kasal pero bina-violate mo na ang rule number 6 nating pinirmahan. No limits, no curfew, no boundaries in terms of personal things.”
Aba! Memorize? Nakakairita ang tawa niya!
“Tinanong ko lang kasi hinahanap ka ni Dad, tinatanong kung tumawag kana. Feelingero kadin no?” Nagrason nalang ito ng kung ano.
“May regla kaba ngayon? Hindi ka naman ganyan kasungit dati a.”
“Dati kasi Boss kita. Nagpapaka-professional lang ako. Pero ngayon na hindi na, puwes makikilala mo na talaga ako. Puwede kapang umatras kung natatakot ka?”
“Is that a threat? Haha! No, no no. There's no turning back Andy.”
“Good. Sige na, baka magbago pa isip ko.”
“Bye Andr- or should I say, Mahal?”
Ha! anung sinasabi niya?
“Ang korni ha?” Singhal nito sa telepono.
“Wag ka ngang asumera, kunwari lang 'yun. May mag-asawa bang walang tawagan?”
Grrrrrr.... Shut the F*ck-up!
“bye mahal” He hung up.
“Aaaahhhhhhh!!!!!!”
BLLAAAAAGG!!!!
Nilabas na ata niya lahat ng hangin mula sa kanyang tiyan.
Saka lang niya naalalang napalakas pala ang sigaw niya. At ang phone niya! Basag!
Tinakpan niya bigla ang kanyang bibig nang may biglang kumatok sa pintuan ng kanyang kuwarto.
“Andrea? Are you Ok?”
Ang kanyang Tita Jess na kakarating lang ulit kahapon para sa kasal niya mamaya.
Dali-dali siyang bumangon at pinulot ang kanyang phone. Hindi naman pala ito nabasag. Nagkandahiwa-hiwalay nga lang ang parts nito.
“I'm fine Tita!” Sagot niya habang binubuksan ang pintuan.
“Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo hija. Anu yung nabasag?”
Akmang sisilip pa ito sa loob ng kuwarto niya.
“Nothing po tita, I'm fine. Bababa na ako.”
“Oh! Andrea, Ikakasal na ang baby kong makulit.” Nakangiti ito at yumakap sa kanya. Itinuring siya nitong parang tunay na anak. Siya ang kaisa-isang kapatid ng kaniyang Daddy.
Maya maya'y papalapit sa kanila ang kanyang step mom na si Donya Kenlia. Halata ang saya sa kanyang mukha.
“Oh, Andrea Hija gising kana pala. Maghahanda na ako ng almusal natin para mas maaga tayong makapagprepare para sa wedding”
“Ah, ate Ken. I'll do it, ako na pong maghahanda. Saka yayain ko narin ang mga bata para makakain na tayo before we get busy. Ako ng bahala.”
Umalis na ang kanyang tita na halata namang binibigyan lang sila nito ng time para makapag-usap.
“Ah, halika na hija. Bumaba narin tayo.”
Akmang bababa na ito ng tawagin siya bigla ni Andrea.
“ahm. Tita, can we talk? Yung... Ina sa anak?”
Medyo nahihiya ito na baka maging awkward.
“S-sure hija.” Maluwag ang ngiti nito.
Pumasok sila ni Andrea sa kanyang kuwarto. Marami siyang gustong sabihin.
Marami siyang gustong ihingi ng paumanhin.
“Maupo po kayo tita”
Paanyaya niya dito sa isang couch sa tabi na kanyang kama habang siya naman ay nakaupo sa upuan malapit sa kanyang malaking salamin.
Naupo naman ito at naghintay sa sasabihin ni Andrea.
“Tita, I know It's never late to tell you this”
Huminga ito ng malalim.
“Thank you so much! Thank you for the love and sacrifices kahit I've been too cold on you for the past years. Salamat kasi, kahit kailan hindi mo kami iniwan ni Dad? And sorry-”
Nagsimula na itong humikbi at pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"-Sorry kasi, I was too stubborn..
Sorry kasi masyado akong naging selfish. Lagi kong iniisip na, I only want my mom, I want no other Mom.”
Lumapit sa kanya ang kanyang step mom at pinahid ang kanyang mga luha.
“You don't have to explain hija. I understand. Lahat ng sakit diyan sa puso mo, naiintindihan ko at nararamdaman ko every time na nakikita kita. Masyado kang nangulila ng pagmamahal ng isang ina. Sana, bigyan mo ako ng pagkakataon para punuan lahat 'yon. I'm not you mom, pero mahal kita Andrea. Mahal ko kayo ng Dad mo.”
Mas lumakas pa ang hagulhol ni Andrea sa pag-iyak ng yakapin siya nito ng mahigpit.
“Sshhh... Tahan na, kasal mo ngayon. Hindi puwedeng may eye bags agad ang bride.”
Pagbibiro nito habang hinahaplos ang kanyang likod.
Namis niya iyon, ang magkaroon ng sandalan para i-iyak ang kanyang problema.
[The Wedding]
Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat. Sa araw na ito ikakasal ang nag-iisang anak ng multimillionaire Business Tycoon na si Don. Alfonzo Montemayor sa anak ng isa pang kilalang negosyanteng si Mr. Juaquine Trinidad. Bukod sa mga relatives ng magkabilang pamilya, imbitado rin ang ilan sa mga malalapit na empleyado ng kani-kanilang kumpanya.
At siyempre, hindi rin naman mawawala ang mga shareholders na ang iba ay nagmula pa sa ibang bansa. Ang kanilang kumpanya ay tinatawag na joint-stock company kung saan ang papa niya ang may-ari ng halos 50% of the company’s total stock kaya naman sa loob ng halos tatlumpong taon ay siya ang tumatayong CEO ng Montemayor’s Unite kabilang na ang Pagawaan ng Sapatos, Hotel and Restaurant at ang isa sa pinaka-kilalang paliparan sa bansa.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Andrea na ibat-ibang tao ang imbitado sa kanyang kasal. Isa na rito ang mga mabibigat na competitor ng kanyang ama mula sa ibat-ibang kumpanya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakahalaga ng okasyong ito para sa kanyang ama.
She knew that her father wanted everyone to witness this event. Dito makikita ng lahat na mas titibay at lalawak pa ang kanilang kumpanya as her daughter marry another young business tycoon in the country. Their family bond will even grow closer and tighter as this couple unite together with their companies.
Unite everything in six months, and I’ll be responsible for the rest!
It sounds so evil that she wanted to have all her late mother’s properties and shares that her father is currently holding. But she deserves to have it all and she must do something to stop her father from using her and Paul.
Hinahaplos ni Andrea ang bato ng kanyang singsing. Isinuot niya uli ito sa araw ng kanyang kasal. Bigay iyon ni Paul sa kanya nung gabi ng kanyang proposal.
Kitang-kita niya ang kanyang sarili mula sa salamin habang nakatayo sa harap nito. Suot na niya ang kanyang putting gown na halos inoccupy lahat ng sahig ng kanyang kuwarto sa sobrang haba.
She is wearing an off-shoulder gown that shows off the flattering skin of her shoulders. The gown fits on her body from chest down to her hips. Her hands are wearing a fingerless lace ribbon gloves while her hair was tied up with an elegant wedding head piece and a large floral side veil. She is also wearing a two part mid heel sandals with glittering beads that pairs her diamond ear rings and necklace.
It’s wonderful! I look so wonderful!
Pero normal lang ang emotion ng kanyang mukha. Pinipilit niyang haluan ito ng excitement at tuwa ngunit hindi niya ito magawa.
She should be happy she is wearing the most beautiful gown any woman would wish for. She is so special that her father wants her to be the most beautiful bride in the world.
Pero hindi niya ito magawang paniwalaan.
Everyone is ready at siya nalang ang hinihintay na bumaba. Matamang nakaharap pa siya sa salamin ng pumasok ang kanyang step mom na si Donya Kenlia.
“Andrea! You look so wonderful! Hija napakaganda mo!”
Manghang-mangha ito habang pinagmamasdan siya. Hindi maipinta ang saying nararamdaman nito. Halata ni Andrea na magkahalong galak at hiya ang nararamdaman nito para sa kanya. They’ve never been this close.
“Salamat po tita.” Maliit ang boses niyang tugon.
“I’ll call the brides maid para tulungan kang bumaba. Be ready okey?”
“Yes tita” Nginitian niya ito. Things she rarely does.
“Ah.. Tita” Muling tawag ni Andrea bago pa itomakalabas ng kuwarto.
“Yes hija?” Muli itong humarap mula sa pintuan.
“Tita, can you be my Mom today?”
Bagay na kinabigla ng kanyan tita. Dali-dali itong lumapit sa kanya at hindi na nito napigilang yakapin siya ng mahigpit. So tight that it seems like they’ve finally shorten the distance between them. She can feel the longing, the love and tenderness of her care for her. Things she hated to feel because she can’t admit to herself that she longed for it.
“Thank you” Ang tanging nasabi nito kay Andrea.
“No tita, you deserve to be my mom. I should be the one thanking you. Can I call you my Mom now?”
Kumawala ito mula sa pagkakayakap.
“Of course hija. I can be your mother too. I am so happy for you. You’re about to become a wife. Soon you’ll understand. I wish you good life with him.”
Happiness….
This woman doesn’t deserve any lie.
Bigla siyang natahimik sa narinig.
“Hija, are you okey? Kinakabahan kaba? Wag kang mag-alala. I think Paul will be a good husband and a nice father to your future kids.” Pabiro pa nitong sabi.
“Sige, maghanda kana. Naghihintay na si Paul sayo”
At lumabas na ito ng kuwarto.
Sa Montemayor’s Unite gaganapin ang ceremony ng kanilang kasal. Ginawang exclusive ang lugar na iyon para dito kung saan madalas itong gawing venue at reception ng mga kinakasal sa syodad mula sa mga kilalang pamilya. But today, reservations for wedding events were closed for Andrea and Paul’s wedding.
Gusto ng kanilang mga amang ganapin sana ang seremonya ng kasal sa simbahan ngunit mas pinili ito ni Paul na pinandigan narin ni Andrea kahit gustong-gusto niyang makasal sa simbahan. But what’s the point? Kahit nga sana civil lang puwede na eh.
It’s a wide banquet hall with maximum capacity of one thousand seats with different sublime cuisine and professional chefs, crews and bar tenders. Dito naman gaganapin ang reception ng kanilang kasal sa mismong Hotel din na iyon.
Their wedding venue is a perfect setting for couples. It is where you could experience a magical and stunning wedding that not everybody could experience.
Maayos na ang lahat. The Chairs, flowers, Orchestra, cameras, visitors and the priest. Soft beige tone is their motif. Ito ang nangingibabaw na kulay sa paligid kasama ang mga makukulay na bulaklak na talaga namang inayos professionally ng isang team ng event planner ng kanilang Hotel mula pa sa ibang bansa.
Isang soft and melodious song ang pinakawalan ng orchestra bilang hudyat ng simula ng kasal. Naunang naglakad ang mga Principal Sponsors na mahigit trenta kapares. Ewan ba niya sa kanyang papa dahil sa dami ata ng kaibigan at kakilala nito, ginawang business gathering ang kanyang kasal sa haba ng prosisyon bago siya lumabas ng bridal car na kinau-upuan niya. Baka nga makatulog na siya ay hindi pa tapos ang dulo nito.
At sa wakas, natapos din.
Sumunod na naglakad ang mga flower girls na naghagis ng mga petals sa aisle na lalakaran naman mamaya ng mga abay. Sumunod ang coin bearer na dalawang cute na batang realaives ng mga Trinidad at sinundan naman ng ring bearer.
After a second, the Veil Sponsors walked through the aisle.
Si Nikki, ang kanyang kaibigan ay sumunod namang naglakad being the Cord Sponsor with her partner.
And lastly, the candle sponsors followed.
Kinabahan si Andrea sa loob ng kotse ng katokin na ito nan g Bride’s Maid ang bintana ng sasakyan. Hindi pala niya namalayang na-lock pala niya ito. Binuksan niya ito ng makitang sumenyas na sa kanya si Lucy, ang nakababatang kapatid ni Paul. Siya ang kanyang Bride’s Maid.
“Halika na ate. Time for the Bride to walk” Pahayag nito at inlalayan siyang bumaba.
Magkahalong kaba at takot ang kanyang naramdaman.
Excited ba akong Makita siya? Hindi..
Ano kayang suot niya? Siya din ba kinakabahan? Marahil hindi. Bulong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa pintuan.
Hindi mapakali si Paul.
Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Bagay na ayaw niyang ipahalata sa mga bisita at sa kanyang pamilya.
Wedding jitters? NO!
Siguro excited lang akong makita ang itsura niya-
Excited?! No, I’m not excited! Ahhh! Ano bang pinagsasabi ng isip ko!
“Hijo” Natauhan siya ng akbayan siya ng kanyang ama mula sa kanyang tabi.
“Are you okey?” tanong nito.
“I’m fine Dad” Casual nitong saad.
“Kinakabahan kaba? Normal lang yan”
“No I’m not. I’m fine. Maybe I am just a little bit exited to see her”
Ha? Ahhh! Damn this mouth!
“You’re fine pero kanina kappa riyan hindi mapakali.”
Ako? Hindi mapakali? Of course this is my first time to be married.
First time talaga? Ngayon lang niya na-realize na kahibangan ang kanyang naiisip.
No! Focus! Focus on your plans Paul.
Hindi niya mapigilang mas kabahan ng bumukas na ulit ang pintuan. There she goes, an innocent lady who is becoming a woman. Malayo pa ito ngunit kapansin-pansin ang kaba at takot sa kanyang kilos. Si Paul lang ang tanging nakakaramdam nito. Of course he could feel it. Ang sakit sigurong isa sa pinakahihintay ng isang babae sa kanyang buhay ay panandalian lamang at hindi totoo.
Sorry we met in this kind of situation. Parang gusto niyang iparating ito sa kanya.
Damn! Ano bang iniisip ko. Bakit ba ako nakokonsensya. We both greed to this. Saway naman ng isang parte ng kanyang utak.
But he must admit it. She looks so beautiful in that white veil covering her innocent face. Her gown matches every curves of her body and she is as adorable as the bouquet of flowers she is holding on her hands. Lumakas lalo ang kaba ng kanyang dibdib. He can’t believe he could feel this way.
I’m just nervous… Finally he admitted.
While walking on the aisle, pinipilit ni Andrea ang ngumiti. To walk on the aisle is a dream of very woman and that includes her. Hindi man ito ang tamang pagkakataon para maramdaman niya ang tunay na pakiramdam ng ikakasal, may konting saya siyang nararamdan that even just once in her life, naranasan niyang ikasal kahit kunwari lang. Isang masaganang butil ng luha ang nangilid sa kanyang pisngi.
Sinalubong siya ng kanyang papa at ng kanyang step mom at inakay sa paglakad as if they are now ready to give her to Paul. It makes the pain spread all throughout her body.
Paul is wearing a Soft beige tone Tuxedo. Napakaguwapo nito sakanyang suot that could eventually make any woman to say I Do to him, including her.
Parang fairy tale.
Not because we have a happy ending.
It’s because all were just fantasies!
Humugot siya ng malalim na hininga ng makalapit sila dito
“Pano hijo, ikaw na ang bahala sa anak ko.” Andrea’s Dad gave her hand to Paul.
Paul suddenly bent his knees, held her right hand and kissed it. Napangiti ang lahat samantalang siya ay gulat na gulat.
Ayan ka nanaman sa pagiging best actor mo!
Tumayo ito pagkatapos at yumakap sa kanilang mga magulang.
Nilagay naman ni Andrea ang kanyang kanang kamay sa kaliwang braso nito at naglakad na sila patungo sa harapan ng pari.
Sinimulan na ng Pari ang Seremonya.
“To clothe you as one…”
The veil was put over their shoulders.
Nanginig ang mga tuhod ni Andrea mula sa pagkakaluhod ngunit hindi dahil sa pangangalay kundi dahil sa mga naririnig. Lord… I’m sorry.
“The couple’s cord”
The knotted cord was tied on them. In reality, It means they are no longer two but one in their new life as couple.
“Let the light of Christ be with you always..”
The candles was lightened both on their sides.
Hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha na agad naming napansin ni Paul.
Why is she crying? Emotional lang siguro.
Priest: "Andrea, do you take Paul George to be your husband; to live together with him in the covenant of marriage? Do you promise to love him, comfort him, honour and keep him, in sickness and in health; and, forsaking all others, to be faithful unto him as long as you both shall live?"
It was a long silence before she answered. Tahimik ang buong paligid at nag-aabang ng kanyang sagot maging si Paul.
Andrea: "I do."
Napangiti si Paul.
Priest: "Paul George, do you take Andrea to be your wife; to live together with her in the covenant of marriage? Do you promise to love her, comfort her, honour and keep her, in sickness and in health; and, forsaking all others, to be faithful unto her as long as you both shall live?"
Paul: "I do."
They again exchanged rings together with their vows.
"I, Paul George Trinidad, take you, Andrea Montemayor, for my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do us part."
"I, Andrea Montemayor, take you, Paul George Trinidad, to be my husband, I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honour you all the days of my life."
They both managed to say it. Their vows, that was meant to be coming from their hearts. But no, it was all just lies.
“Through the power that was given to me, I now pronounce you, Husband and Wife!”
“You may now kiss the bride!”
Ang huling sabi ng pari kay Paul na animo’y ipinapahiwatig na legal na niyang mahahalikan ang kanyang asawa sa harap ng maraming tao.
Kiss? Oo nga, hindi ko napaghandaan 'to!
Ito ang nasa isip ni Andrea ng biglang ilapat ni Paul ang kanyang bibig sa kanyang mga labi at tuluyan na niya itong inangkin.
Nagsipalakpakan ang lahat ng bisita.
It was a gentle and passionate kiss.
Their family and relatives were teary eyed while they were kissing each other.
It seems so real..
He is still kissing her. At tuluyan nang nangilid ang mga masasaganang luha mula sa kanyang mga mata. When they parted, pinahid ni Paul ang kanyang mga luha at niyakap niya ito sa di niya malamang dahilan.
Thanks for reading!