A modern house having three bedrooms with inside bath, dining room, living room, kitchen, small library, a garage which is only good for one car and a 10 x 20 foot pool in front of it. Ito ang unang regalo nila mula sa kanilang mga ama. Inihihatid pa sila ng mga ito matapos ang kanilang kasal.
“Dad, hindi ho ba masyadong malaki 'tong napili ninyong bahay para samin? “
Tanong ni Andrea sa kaniyang papa na si Don. Alfonzo habang pinagmamasdan ang kabuoan ng buong bahay. Kumpleto ito sa lahat ng gamit. Halatang pinaghandaan na ito ng kanilang mga magulang bago pa sila makasal.
“Hija, tama lang ito for our future grandchildren. Diba balae? Haha!”
“Oo nga naman hija.” Sang-ayon naman ni Juaquine, ang ama ni Paul.
Nagtinginan lang naman ang dalawa sa narinig.
“Am.. pano pa, okay na ho kami ng asawa ko.”
Umakbay si Paul kay Andrea na wari’y nagsasabing pwede na silang umalis at gusto na nilang mapag-isa.
Bagay na nahulaan naman ng mga ito at nagkatinginan pa nga sila na parang nagkakaintindihang magpaalam na.
Yuck! Ano ba to! Kinikilabutan si Andrea sa ma-aaring iniisip ng dalawang matanda.
“Thanks dad.” Sabay pa nilang sabi.
“O siya sige, bukas na darating yung magiging katulong ninyo na si Manang Luring. Sa ngayo’y magpahinga na muna kayo at kami’y magpapa-alam narin.”
“Yes dad! Salamat po!” Muli nilang pasasalamat sa dalawa.
Yumakap pa silang pareho sa kanilang mga ama ng may ibinulong pa si Juaquin sa kanyang anak.
“Ah.. ehem.. Hijo, alam mo na ha? Ikaw na ang bahala, tumatanda na kami ni balae alam mo naman.”
Lumaki ang mga mata ni Andrea sa narinig.
Iwww! Yuck talaga!
“Pa?! umuwi kana okay? Pahinga kana at pagod ka.. Come on! It’s been a great day! Time to rest…”
Natatawang sabi ni Paul habang inaakay nito ang dalawang matanda palabas ng bahay.
Pagbalik ni Paul sa loob, nadatnan niya si Andrea na nagbubuhat ng kanyang mga gamit papuntang kwarto sa itaas.
“Narinig mo naman yung sabi nila Dad diba? Darting na si manang Luring bukas, hayaan mo na yang mga 'yan. Hindi kaba pagod?” Nakapamewang pa ito habang nagsasalita.
Napatigil naman si Andrea sa ginagawa.
“Akon ng bahala sa mga gamit ko. How will you explain to her na ang mga gamit natin ay ilalagay sa magkaibang kuwarto?”
Muli itong umakyat ng hagdan.
“We were just married, wag mong sabihing you’ll spent the night arranging your things” Natigilan si Andrea sa narining at napaisip kung anong ibig sabihin ng lalake.
“Ha?! Anong sinasabi mo?”
Naglakad si Paul patungo sa kanya. Bagay na kinatakot naman nito.
“Wag kang lalapit sakin! May pinirmahan tayo.”
Umakyat pa ito ng ilang hakbang pataas sa hagdan at nabitiwan nito ang mga hawak niyang gamit.
Naabutan siya ni Paul sa gitna at hinarangan siya nito ng isang kamay para hindi siya makaakyat at makaiwas. Akmang ilalapit na ni Paul ang kanyang mukha palapit dito ng mapasigaw siya.
Ahhhhhh!!!!!
Sigaw nito habang nakapikit ngunit bigla rin siyang napatigil ng marealize niyang wala naman siyang naramdaman. Narinig nalang niya ang halakhak ni Paul habang pinagmamasdan siya.
Nanatiling nakalapit ang mukha nito sa kanya ng mapadilat ang kanyang mga mata. Saka lang niya napagtanto na pinagti-tripan lang siya nito.
“Hahaha!! Huwag kang mag-alala, hindi pa ako nahihibang.”
Sarkastikong pahayag nito na may isang dangkal na layo lamang ang kayang mukha sa kanya.
“Wag mo akong papasukin sa kuwarto ko ha? Good night! Haha!!”
Nage-echo pa ang tawa nito paakyat ng kanyang kuwarto na katabi rin ng kuwarto ni Andrea.
‘Grrrrrr!!!!! Hambog! Mayabang!”
Ang tangi nalang niyang naisigaw ng magising siya mula sa pagkakatulala. Wala na siyang nagawa kundi pulutin ulit ang kanyang mga gamit na nagsilaglagan kanina at nakarating nanaman sa baba.
Naayos na ni Andrea lahat ng kanyang gamit at nagpasya na siyang maligo. Naayos narin niya ang kanyang mga gamit panligo ng hindi niya mabuksan ang seradora ng kanyang banyo. Naisip niyang baka nga nakalock ito. Ang mga susi ng lahat ng kuwarto at ng bahay ay iniabot kanina ng kanyang ama kay Paul.
Anak nang-! I can’t endure seeing his face again! Ahhhh!!
Pero naisip niyang para sa kanilang dalawa naman ang bahay and she has the right to ask for the keys. Nagpasya siyang puntahan ito sa kabilang kuwarto. Akmang kakatok na siya ng kuwarto ng bigla siyang may naulinigan mula sa loob.
“Hon, I know how you feel. I love you, you know that.”
“Yeah, we signed a contract. We’ve talked about this right?”
Si Annie…
Lumapit pa siya ng konte sa pintuan upang mas marinig ito. Mas luamakas pa nga ang naririnig niyang pakikipag-usap ni Paul mula sa telepono at nagulat nalang ito ng biglang bumukas ang pintuan. Pareho silang nagulat ng magkasalubong ang kanilang mga mata.
“I’ll call you back.” Pinatay na nito ang phone at ibinulsa.
“What do you think you’re doing?” naningkit ang mga mata ni Paul.
“A-ah.. amm..” Wala siyang masabi sa sobrang pagkabigla.
“Nakikinig kaba?” Mas lalo pang umarko ang mga kilay nito. That devil look na kinakatakutan dati ni Andrea sa kanilang upisina.
“N-No.. I’m not-“
“Then what?”
Kanina napaka-alaskador, ngayon parang Leon na kakainin ako ng buong-buo. As if naman hindi ko alam ang sikreto niya tungkol sa GF niya!
“T-The K-keys…”
“Kiss? Ok.”
Nagulat si Andrea ng bigla siya nitong hagkan ng mabilis sa pisngi.
“Ok na?” Saka to tumalikod papasok ng kuwarto.
“Hoy! Mr. Paul George Trinidad! Ang sabi ko K-E-Y-S!!! as in Key-IH-Way-Es! Bobo kaba?”
Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Namimihasa na kasi ito. Ni hindi na nga niya inexplain ang Torrid kiss nila kanina sa kanilang kasal tapos ngayon may kiss nanaman siyang nalalaman.
“Ha? Aba malay ko. Hindi mo naman kasi nililiwanag.” Humarap uli ito na animoy nang-iinsulto ang ngiti.
“Ang sabihin mo, nana-nadiya ka! Chinese kabang impakto ka?”
“Chinese? Bakit?” Nalilito si Paul
“Eh kasi, hindi kita maintindihan at higit sa lahat hindi kita ma-spell! Kanina ang kuli mo, tapos biglang ang taray mo at pinandilatan mo pa ako ng mata mo kahit hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag-uusap niyo ng girlfriend mo. Tapos ngayon para ka nanamang ewan, hayts! Para kang MATH! Di kita magets!”
Naka-awang nalang ang bibig ni Paul sa sobrang haba at dami ng narinig.
In fairness may sense of humour siya.."
“Eh ikaw? Inahin kaba?” Tanong naman ni Paul.
“Hay naku tigilan mo ako! Anung inahin! Bakit?”
“Eh kasi, putak ka ng putak! Ayaw magpatulog!” Pumasok ito ng kuwarto at kinuha ang mga susi.
“O eto.. Good night!”
BLAAGGG!!!!!!
Malakas na balibag ng pintuan ni Paul nalang ang huling narinig ni Andrea.
“Salamat!” Sigaw nito saka dali-dali ng umalis patungo sa kanyang kuwarto.
Natagpuan nalang ni Paul ang kanyang sarili na humahalakhak dahil nabwiset nanaman sa kanya si Andrea.
“Kung di lang dahil sayong susi ka! Ahhhhh!!!” Ibinato niya ang mga susi sa kanyang malaking kama. Saka siya muling umupo.
“Oh Lord, Kaya ko ba to. In six months?” Hinaplos niya ang kanyang mukha.
10am na ng umaga ng magising si Andrea. Dahil narin siguro sa sobrang pagod kaya late na siyang bumangon. Pagkababa niya ay tinungo niya agad ang kusina dahil ramdam na niya ang gutom. Nadatnan niya si Manang Luring na naghahanda na ng kanilang breakfast.
"Good morning ho ma'am. Ako ho pala si Luring. Pasensya na ho ngayon lang ako nakapasok kasi walang mag-aalaga sa apo ko."
Nasa late 40's na ang matanda kung pagmamasdan. Mukha itong mabait, masipag at mapagkakatiwalaan.
"Naku okay lang ho manang. Ako ho pala si Andrea." umupo na ito at nagsalin ng gatas sa kanyang baso.
"Ah, opo. Nasabi na po sakin ni sir. Paul. Kumain na po kayo"
Maya-maya pa ay palapit narin si Paul na nakabihis na. As usual, nakaamerikana at may dalang bag na di kalakihan. Umupo ito sa kanyang tabi ngunit hindi siya umiimik.
"So, how's your night Mahal?" Nakangiti ito sabay nilagyan ng sandwich ang pinggan ni Andrea.
"F-fine" ito lang ang tangi niyang nasabi at kinagat nalang ang tinapay para makaiwas ng tingin.
Awkward!
"Manang kain po." Paanyaya naman ni Paul sa katulong.
Napatigil si Andrea sa pagnguya ng tinapay ng may mapansin siyang kakaiba sa lasa nito.
God! PEANUT!!! Ahhhh!!!
Bigla itong tumayo at dali-daling tinungo ang CR malapit sa kusina saka inilabas ang nasa bibig.
Nagkatinginan naman ang mga dalawang naiwan sa mesa.
"Mahal are you Okay?" Tanong ni Paul dito ng mapansing mukhang nag-vomit ata si Andrea.
Ilang sandali pa ay bumalik na ito sa mesa.
"What happened?"
"I'm Sorry-
"Naku hija, normal lang yan. Pero hija, delayed kaba? Para mas makasiguro ka, magpacheck-up na kayo ng asawa mo agad!"
Toinks!
Nagkatinginan ang dalawa.
Napainom naman si Paul ng isang basong tubig ng tuloy-tuloy.
"Naku, matutuwa nito si Don Alfonzo, sigurado yan!" Pumalakpak pa ang matanda.
"Ah manang nagkakamali ho kayo. I just-
Pero palayo na ang matanda.
"what was that andrea?" Si Paul naman ang nagtanong.
"Nakakabuntis din pala ang halik?"
"Shut up! I just don't eat Peanuts!" Kinuha pa nito ang sandwich para ipakita sa kanya.
"Yun Lang? Halos sumuka kana? Ahhhh.... Alis na nga ako. Bye."
Natatawa nalang din ito habang palabas ng bahay.