Nakatutok ang dalawang mata ni Paul sa kanyang laptop ng biglang may kumatok sa kanyang pintuan.
"Come in" Tiniklop niya ito.
"Sir, someone wants to see you. He is waiting outside"
Ang kanyang bagong secretary na si Lea na pumalit noon kay Andrea.
Umarko ang mga kilay ni Paul at napaisip kung sino ang kanyang bisita.
"What's his name? does he have an appointment?"
"None sir. His name is A-Alen?"
Hindi pa ito sigurado.
Biglang napangiti si Paul at dali-daling lumabas. Pagkalabas nito ay agad niyang napansin ang lalake na nakaupo sa lounge area. Sino bang hindi makakakilala sa isang heartthrob na kagaya ni Alen Saldovar na tinitilian halos lahat ng mga babae noong college sila sa US. Gaya ngayon, akala mo'y kilala niya lahat ng mga babaeng dumadaan sa kinau-upuan niya dahil lahat sila ay kinakawayan niya na para bang Artista kung umasta. Napailing nalang si Paul saka niya ito nilapitan.
"Alen Saldovar!" Tawag niya sa lalake na agad naman sa kanya nabaling ang atensyon.
Agad naman silang nagyakapan na parang ilang taon silang hindi nagkitaa.
Well, it's been four years since the last time they saw each other.
"Ye-he hey!!! Pare! I can't believe paghihintayin mo pa talaga ako dito salabas! Ikaw na tsong! whew! Ang inet ha!"
Na ang tinutukoy nito ay ang kanyang suot na amerikana.
"Bakit? sino ba dito ang itinuring kong best friend ko ng pagkahaba-habang taon, tapos ni hindi manlang nag-effort para umatend ng kasal ko. Tapos ngayon na tapos na saka biglang susulpot! Wala namang dalang regalo."
Pangongonsensya nito sa kaibigan.
"Okay, okay! my fault. Sorry pare I told you naman diba? Nakapromise ako sa mom ko na sasamahan ko siya sa Paris. I can't just tell her Mom I'm going home to Philippines! Mahirap mawalan ng pera at sustento uy! At saka, sandali lang ha. Who is this girl? Why so sudden? I saw the news and, really! Panu monapilit yun? And what about Anniemm-"
Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang takpan ni Paul ang kanyang bibig.
"Andami mo namang tanong! labas na nga lang tayo!" At tinulak na niya ito patungo sa elevator.
"Dude, better buy her a helmet. A huge one. Baka biglang mauntog. Haha!!!"
Umiral nanaman ang kabulastugan nito. Mabuti nalang at sila lang ang laman ng elevator pababa.
Kinuha ni Paul ang kanyang phone mula sa kanyang bulsa.
"Lea, cancel all of my appointments for today."
Yun lang at ibinulsa na niya ulit ito..
"Wow! Lakas ng dating. Who's Lea?"
May nakakalokong ngiti ito sabay hampas pa kay Paul.
"Ikaw ha. Masyado kang masikreto"
Dagdag pa nito.
"Tumigil kanga Saldovar. Ano, dating gawitayo?"
"Sus, nagpaalam kaba kay misis?"
"Alen, you wont believe it if I say, I don't have curfew hours. Ako ang boss!"
"Ahh... let's see.. I wanna meet this Mrs. Trinidad. When are you going to introduce me to her?"
"In your dreams!"
At sabay pa silant humalakhak sa pagtawa.
Sa isang bar malapit lang sa kanilang office sila nagpunta ni Alen. Ito ang madalas nilang gawin dati sa US kapag nababagot na sila sa pag-aaral. Alen loves doing it. Partying and meeting different girls, that's his hobby. He is the perfect opposite of Paul. When they were in college, Paul is studios while he is a lazy stupid student who loves to sleep during classes. Paul had a lot of admirers but he was not interested while Alen always took advantage of sexy girls stalking him. In short, Paul was a serious handsome guy while he was a jolly cute guy.
"So tell me pare. How's your plan?"
"Getting better" Sagot ni Paul saka ininum ang alak sa kanyang baso.
"Pano kung malaman ng papa mo?"
Uminom din si Alen.
"Malalaman niya sa tamang oras. Sa ngayon, I am still waiting for the merging to happen"
"At pagkatapos ng merging you'll be working for your father's friend, you'll have greater access to their company and it will be easier for you to find a way para malugi ang kumpanya niya and you will buy his shares. What's his name again? Montemayor? Kinda big fish to catch bro. Hay.. I don't understand you sometimes bro. Pero, siguro nga ganyan talaga kayong mga negosyante."
Of course he knew. Ito ang isa sa dahilan kung bakit lahat ng mga pansariling kaligayahan ni Paul ay isinantabi nito. Even his first love. Si Annie.
"Do you think your mom would want you to do this kung sakaling buhay pa siya?" Dugtong pa nito.
"Kung buhay pa ang mama ko maybe that old man is not as rich as he is today."
Matabang nitong sagot sa tanong ng kaibigan.
"How about her daughter? you told me he has one daughter. Maa-aring siya ang tagapagmana after he resign."
"Sisiguraduhin kong wala nang maiiwan sa kanya bago pa siya magresign as CEO. And with his daughter? Papunta na ako roon."
Nanlilisik ang mga mata ni Paul habang binibigkas ang mga katagang iyon.
Maliban sa kahit na sino, si Alen lamang ang nakaka-alam ng lahat ng plano ni Paul. Even his father doesn't really know anything about it.
Paul was only 10 years old. Kagigising lang nito at palabas na siya ng kuwarto when he heard his father having an argument with someone.
"Malinaw ang naging usapan natin! Ilalayo mo ang bata at hindi malalaman ni Cynthia na anak niyo si Paul! "
Sigaw ng lalakeng kaharap ng papa ni Paul.
"Patawarin mo ako Alfonzo. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko. Hindi ko narin alam ang isasagot ko sa anak ko kapag nagtatanong siya kung nasaan ang mommy niya."
He was just 10, pero nai-intindihan niya ang nangyayari.
"Pagsisi-sihan mo ang ginawa mong ito Juaquin! Sinira mo ang pamilya ko!"
"Let my son see her mom, kahit minsan lang and we'll fly out of the country. Let me see her just once Alfonzo. Even just to say sorry."
"Wala kang karapatang humiling Juaquin! Itinuring kitang parang tunay na kapatid."
"Hate me! Don't forgive me! Pero wag si Paul. Huwag ang anak namin ni Cynthia. Walang kinalaman ang bata sa mga pangyayari. Please Alfonzo." Nakaluhod itong nagmamakaawa sa harapan ng lalake.
"I don't wanna see your face again! At wag na wag mong palalapitin ang anak mo sa asawa ko! "
Itinungga pa ni Paul ang kanyang hawak na baso ng muling niyang sariwain ang pagkakataong iyon na kahit kaylan ay hindi niya makakalimutan. He never got the chance to ask his father. At ayaw niyang malaman at aminin sa sarili ang katotohanan, na siya ay isang bunga ng pagkakamali.
That day, they flew out of the country. Ni hindi na nagpaalam ang kanyang ama sa pinagtatrabahuan nito. He grew up with his father and finished his grade school in US.
Nang magbakasyon sila ng kanyany ama sa pinas, nagulat nalang ito ng bigla siyang dalhin ng kanyang ama sa puntod ng kanyang ina. Cynthia Guerero Montemayor ang nakasulat sa tomb nito.
Dito niya nakita ang kanyang ama na sobra sobra ang pag-iyak. Naramdaman niya ang bawat hapdi at pait ng mga panahong iyon.
"He is so selfish! Heartless! Matitikman niya ang talim ng aking paghihiganti. I never had any chance to see her. I never had any chance to call her my Mom!"
Hindi na mapigilan ni Paul ang pagngilid ng luha.
"Bro, enough okay. Iyu-uwi na kita. come."
At inalalayan niya ito papuntang kotse.
Isang buong araw na walang ginawa si Andrea kundi ang magmukmok sa kwarto, kumain at manood ng TV. Wala naman siyang alam na pwedeng puntahan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ayaw din ng kanyang ama na papasok siya ng trabaho.
10pm na ng gabi ngunit gising pa si Andrea. Gabi na pero wala pa si Paul. Well, kasama ito sa kontrata nila. #6 NO CURFEW
Bakit naman ako maga-alala. Bahala siya sa buhay niya! Makatulog na nga. Grrrrr....
Humiga na siya ng biglang tumunog ang kanyang phone.
Si Paul!
"Hello! Bakit? wag kang istorbo antok na ako."
Agad nitong sagot sa telepono.
"am.. Hi! This is Alen, your husband's friend. Nalasing kasi siya. I can't take him home so I called you. Diko kasi alam addss. nyo eh. Am I calling the right person?"
Ha? hindi si Paul! Lagot!
"Ha! anung nangyari sa asawa ko! "
Kunwari nagpanic naman siya.
"He's fine, I just need your addssress. if you don't mind?"
Aba antipatiko din!
"Okay.."
At ibinigay na nga niya ang addss. nila dito
Anong problema ng lalakeng yun! bat naglasing? Tsk! Paki ko!
Pero bumaba ito para mag-abang sa labas.