Chapter 13

2245 Words
Maga-alas onse na ng gabi ngunit wala pa si Paul. Mukhang nahirapan pa ang kasama nitong lalake na iyuwi siya at hanapin ang kanilang bahay. Nakailang ikot pa siya sa paglalakad-lakad sa tabi ng pool ng may bumusinang sasakyan sa labas. Dali-dali naman itong lumabas ng kanilang gate at nakita niyang akay-akay si Paul ng isang matangkad, matipuno at guwapong lalake. Siya ba yung sana phone kanina? In fairness, cute siya. Ano ba to, may asawa kaya ako! “Ah.. Misis, baka naman tulungan mo pa akong buhatin 'tong asawa mo.” Saka lang ito bumalik sa katinuan ng magsalita ang lalake. "ah, s-sorry..” Lumapit ito at inilagay niya ang kanang braso ni Paul sa kanyang balikat. “Ako na”    Ambigat! “Dude, I’m fine. Okay? Thanks pare.” Ang lasing na boses naman ng kanyang asawa habang nakapikit na at halos hindi na makapaglakad sa sobrang kalasingan. Nakakapagsalita naman pala ang loko! “Thanks. By the way I’m Andrea.” Si Andrea naman ay nagpasalamat sa lalake. “It’s okay. Are you sure kaya mo na siyang ipasok sa loob?” May pagaalinlangan pa ang lalake ngunit ayaw na nitong papasukin pa sa loob ng kanilang bahay dahil baka kung ano pang masabi ng lasing nyang asawa. “Y-Yeah. Thank you.” “Bro. alis na ako. Naku, lagot ka sa misis mo. Haha! Paano Mrs. Trinidad. I have to go.” Paalam ni Alen sa kanila at sumakay na ng kanyang kotse. Kumaway pa si Andrea bilang pamamaalam sa Cute guy na kaibigan ni Paul. Inalalayan naman ni Andrea si Paul sa paglakad papasok ng gate. “Maglakad ka nga! Ambigat mo e. Hindi ito kasali sa usapan natin ha! You owe me this!” Hindi siya makapaniwalang naglasing ang asawa. Pero paano na nga ba kung gabi-gabi itong mangyayare?  “Haha!! Hindi nga pero kasama ito sa pagiging asawa. Minsan maganda ka lang talaga, pero madalas uto-uto kadin.” Aba! Namuri na nga nanlait pa. Maganda ako? Itulak kita diyan eh. Lasing na masungit parin! Sambit nito sa sarili at konting pigil nalang at wari niya'y maihuhulog na niya ito sa malawak na pool ng kanilang bahay. “Hoy! Sa susunod huwag kang maglasing kung hindi mo kaya!” Pilit niya itong inaakaypapasok. Bakas ang mga pumuputok nitong muscles sa katawan gawa ng longsleeves nalang ang suot nito at hindi na nito suot ang kanyang makapal na suit. Bukas din ang ilang butones nito at bahagyang nakadungaw ang matipunong dibdib. Napapikit si Andrea ng mapagtanto ang kanyang mga iniisip sa kabila ng galit sa lalake. Gosh! ano ba'ng iniisip ko? Gising! “After how many years ngayon lang kami nagkita ni Alen. Sa lahat, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ng problema ko.” Halos garalgal na ang salita nito at pikit na ang mga mata. “Problema? Gaya ng ano?” Napatigil si Andrea sa paglalakad dahil sa curiousity niya sa narining. “Oh wow,  ikaw? nagtatanong ng problema ko?” Napangisi ang lalake na agad namang naintindihan ni Andrea. Oo nga naman, bakit paba niya itatanong ang mabigat nitong kinakarga sa dibdib. Ang hindi niya kasama ang kaniyang tunay na minamahal at sa halip ay siya ang pinakasalan nito. “Maglakad ka mag-isa mo.” Namewang si Andrea habang nakatayo at hinayaang mapasubsob si Paul sa may halamanan malapit sa pool. “Aray ko naman! Bakit ba? Ano bang paki-alam mo? Dito na ako matutulog bahala ka. Isusumbong kita kina dad.” Parang bata itong ipwinesto pa nito ang sarili sa halamanan na akmang matutulog na. “Hoy ano kaba! Tumayo ka nga diyan! Hindi kita kayang buhatin wala si manang Luring!” Nagulat si Andrea ng bigla itong bumangon mula sa pagkakahiga. “E di maganda. Para solo kita.” Nakangisi ito at inilapit ang mukha sa kanya habang pumupungay ang kanyang mga mata bagay na ikinatakot bigla ni Andrea. "Tigilan mo ako! Idedemanda kita!” Lumayo ito sa lalake ng bigla siya nitong yakapin sa likod. Napasigaw si Andrea sa pag-aakalang pinagnanasahan siya nito. “Bitiwan mo ako! Ahhhhh!! Maniac!” Pinagsasa-sampal niya ito at pilit kumakawala mula sa pagkakahawak nito sa kanyang bewang. “Wait lang ano ba! Wala naman akong gagawin sayo-“ “I said get off me! Tulong! May rapist! Ahhhhhh” Nagpapanic na si Andrea at nagulat nalang ito ng malamig na tubig ng pool ang naramdaman ng kanyang buong katawan. “Andreaahh-!” Sppplaaaaassshhhhhh!!!!! Ngunit hindi na siya nahawakan ni Paul at tuloy-tuloy na itong nalaglag sa pool. 6:00am Gising na si Paul at ramdam niya ang sakit ng ulo. Naalala niyang naglasing nga pala siya kagabi kasama ang kanyang kaibigan. And wait! Naalaa niya ang pagkahulog ni Andrea sa Pool kagabi. Galit na galit ang dalaga at iniwan nalang siya nito sa labas mag-isa. Mabuti nalang at marunong naman palang lumangoy si Andrea dahil kung hindi, baka nalunod na ito dahil lasing siya at hindi niya ito maililigtas. "Ano bang naisipan ko,  bakit ko ginawa yun?" Kinakausap niya pa ang kanyang sarili ng mapansin niyang may nagbukas na ng kanilang gate. Si Manang Luring! Dali-dali itong lumabas ng kanyang kuwarto at tinungo ang kuwarto ni Andrea. Good thing hindi naman ito nakasara kaya nakapasok siya sa loob bago pa siya makita ng matanda na papasok na sa kanilang sala. Pagkapasok niya ay napasin niyang nakahiga pa si Andrea at mahimbing pa ang tulog. "Andrea, wag ka ng magkunwaring tulog diyan. Dumating na si aling Luring. Get-up!" Alas sais ng umaga madalas dumarating si manang luring. Napagkasunduan nilang 5am in the morning ay lilipat si Paul sa kanyang kuwarto at ila-lock ang kanyang sariling kuwarto sa kabila at wag papalinisan dahil ginawa nila itong stock room ng kanilang mga ibang gamit at mga regalo noong kasal nila. Mabuti nalang at ma-agap siyang nakapasok sa kwarto ni Andrea bago pa ito makapasok. Si manang Luring ang tagaluto, tagalinis at taga laba nila ng damit ngunit umuuwi din ito ng alas singko ng hapon sa kadahilanang walang magbabantay sa kanyang apo na anak ng kanyang anak na single mom at nagtatrabaho sa gabi. Bagay na pabor naman sa kanila dahil hindi na nila kailangang magpanggap ng isang buong araw. Lumapit si Paul sa kama ni Andrea at yinugyog pa niya ito para magising. "Ano ba! para kang mantika kung matulog." Hinila nito ang kumot na nakabalot kay Andrea ngunit hindi parin ito gumigising. "Ano? nahihiya ka parin sa nangyari kagabi. I was just kidding. Masyado kang ilusyonada. Salamat nga pala ha? sa pag-iwan mo sakin sa labas!" Pangongonsensiya pa nito sa dalaga na parang siya pa ang may kasalanan sa nangyari. "Hey.. I'm sorry okay?" Humiga ito sa kanyang tabi at hinawakan niya ang kanang braso na akmang ihaharap sana niya ito sa kanya mula sa pagkakahiga habang nakatalikod sa kanya ng maramdaman niyang mainit ito. "Andrea?" Dinama pa nito ang kanyang noo at saka niya nabatid na may lagnat nga ito. Shit! Dali-dali niya itong binuhat at inilabas ng kanyang kuwarto. Agad naman siyang napansin ni manang Luring na naghahanda na ng lulutoin sa kusina. "Good morning-! Sir.? anong nangyari kay Andrea?" Nagulat ang matanda ng makitang buhat-buhat ni Paul si Andrea palabas ng bahay at hindi narin ito nakapagtanong sa lalake. Kanina pa naka-upo si Paul sa waiting area. He can't believe na inaasar pa niya ito kanina habang inaapoy na pala ito ng lagnat at halos hindi na ito makapagsalita. Maya-maya pa'y dumating ang kanilang papa na si Don Alfonzo kasama ang kanilang katulong na si manang Luring. "Hijo. What happened? Bakit hindi ka manlang tumawag? mabuti nalang at tama ang napuntahan naming ospital ni manang Luring." Halatang nag-aalala na si Don Alfonzo sa kanyang anak. This was what he wanted right? Ang makita niyang manginig ang tuhod ng matanda sa takot. But hell! not this one, not with Andrea. Pero hindi nga ba't kasama naman talaga ang anak ni Don Alfonzo sa mga plano niya? Pero bakit hindi niya magawang matuwa seeing him worried right now. Guilty? Wala ako nun! Pangungumbinsi niya sa sarili. "Sorry Dad, masyado na siguro akong nagpanic." Saad nito sa matanda. Maya-maya pa'y papalapit n ang doktor na nagexamine kay Andrea. "Mr. Trinidad."Lumapit sila dito. "Kumusta ang asawa ko Doc?" "She's fine now. Bumaba na ang lagnat niya but she still needs to be confined for a day. Masyado siyang nanghina. Advise her to eat on time kasi mukhang madalas siyang nalilipasan ng gutom." "That's impossible doc. Mahilig kumain ang asawa ko" Yeah, that's right. Dahil nakikita niya kung paano ito lumamon ng nakataas pa ang mga paa. Minsan nga, hindi na siya makapaniwalang laking mayaman ang kanyang asawa. "Ah, sir. Hindi ho yata kumain ng hapunan si ma'am. Yung niluto ko pong dinner niyo kagabi nasa lamesa pa po kanina at wala pang bawas." I was late, hinintay niya ako? I mean why? She can actually eat on her own dahil wala na si aling Luring sa mga oras na 'yun "Oh, dad. I'm sorry about this. Baka hinintay pa niya akong makauwi at hindi na siya nakakain. I was late, I had a lot of things to finish at the office." Though it was true that he's a busy guy, not lastnight kung saan naglasing siya at naperwisyo ang babae sa kalokohan niya. "It's oay hijo. I understand. We are businessman right? Just make sure next time na makaka-kain parin ang anak ko kahit wala ka. Okay?" "And one thing more. Advise your wife not to go to bed na basa pa ang buhok. At wag magbabad sa tubing sa gabi. Mahina ang kanyang resistensya. I have already written some prescriptions of vitamins na pwede niyang inumin." Dagdag pa ng doktor. Wag magbabad sa tubig. Nabasa lang naman siya at umakyat na siya agad kagabi. Alas dose na nga pala yun kagabi at sobrang lamig ng pool.... Pero bakit ba kasi hihintay pa niya kong dumating bago kakain? Tsk! bobo! Hindi malaman ni Paul kung dapat ba niyang sisihin ang sarili o talagang sakitin lang si Andrea. Nagpaalam din ulit si Don Alfonzo at umuwi naman agad si manang Luring sa kanilang bahay para kumuha ng gamit ni Andrea. In short, siya ang magbabantay. Kanina pa tumatawag ang kanyang secretary at pauli-ulit lang niyang pinapacancel ang kaniyang mga meeting at appointments at matamang pinagmamasdan niya si Andrea habang natutulog. So kokonsensiyahin mo pa ako? Kasi niloloko lang natakot naman. Kasalanan ko pa ngayon kung bait ka nahulog sa pool? Kinakausap pa niya ang kanyang sarili ng mapansin niyang gising na ang dalaga. "Asan ako?"Ito ang unang tanong ng babae habang sapo niya ang kanyang ulo. "array.. anong nangyari sakin? bakit ako nandito sa hospital?" Muli pa nitong tanong sa katabi. Saka lang niya napansin na si Paul pala ang kasama niya sa kuwarto ng hospital na iyon. "I-ikaw?"Manghang tanong nito. "Natural. Ako asawa mo eh."Sarkastikong tanong nito. Hindi pa makatingin ng diretso si Andrea sa lalake dahil naiisip pa niya ang nangyari kagabi. Napansin niyang nakadamit lang siya ng damit pangHospital at halata ang kurba ng kanyang dibdib at katawan. Tinakpan niya ang kanyang dibdib na para bang natatakot parin siya dito. Isang nakakairitang ngiti ang umukit sa bibig ni Paul. "Hahaha!! " Hindi na nito napigilang humalakhak sa tawa dahil naisip din niya ang kanilang nakakatawang eksena kagabi. "Anong nakakatawa? Umui kana nga. Call my dad." Inirapan niya ito at hjalatang galit pa sa nangyari. "Galing na siya dito. Umuwi na siya, marami pa siyang dapat asikasuhin sa kumpanya niyo. And FYI, ako din. Marami din akong dapat gawin. Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan" He never even put his personal life a priority pero heto siya, nagbabantay ng peke niyang asawa. But he can never deny the fact na nage-enjoy siya sa nakikitang pagkairita ng babae at hindi rin niya alam kung bakit. "Aba! bakit? Sinabi ko bang dalhin mo ako dito sa hospital? Bakit ba kasi ako nandito?" Huminga si Paul ng malalim. "Nakunan ka."Seryoso nitong tugon habang nayuko pa sa harap niya. "W-what! nagpapatawa kaba?" Hinawakan pa nito ang kanyang tiyan at kinapa ito. Bagay na mas lalong nakapag-pahalakhak kay Paul na parang mamamatay na ito sa kakatawa. Bumangon si Andrea at kinuha ang kanyang unan saka ibinato sa kanya. "Nakakainis ka! Bwiset ka!" Hinampas pa niya ito ng malakas ngunit patuloy parin ito sa pagtawa. Tumigil lang ito bigla ng makitang may papataas na dugo sa host ng dextrose ni Andrea mula sa kanyang kamay. "Wait! Andrea stop it!" Pinigilan niya ang mga kamay nito sa kakahampas sa kanya. Napatigil naman si Andrea ng makita rin ang dugo. "Nurse! Nurse!"Mabilis na lumabas si Paul para humanap ng tulong mula sa mga nurse. Maya-maya ay dumating ang doktor nito kasama si Paul ngunit nawala na ang dugo sa host. "She's fine Mr. Trinidad. Iwasan lang niyang mapuwersa ang kanyang kamay. Okay?" Pahayag ng doktor saka nagpaalam na ng makitang nawala na ito. Napapailing naman si Andrea ng makitang masyadong nagpanic si Paul sa nakita. Parang hindi ito mapakali at pinagpawisan pa sa nangyari. Hindi ba niya alam 'yun? Na kailangan lang irelax yung kamay para bumaba yung dugo? "Narinig mo yung sinabi ng doktor diba? Kung makahampas ka kasi akala mo di masakit! Dito ka lang, tatawag lang ako ulit kay dad." At lumabas na ito ng kanyang kuwarto. Kunwari kapa, kinabahan ka naman. Napapangiti nalang si Andrea ng mapansing umiwas lang naman ito mula sa pagkapahiya. Guilty lang yun Andrea, wag kang asumera! Saway nito sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD