Tahimik na nakaupo si Erries sa kanyang upuan at pasimpleng tumingin sa labas, kung saan nakikita niyang napapatingin naman sa office niya ang kanyang mga kasamahan. Hindi rin niya inaasahan na malalaman agad ng mga ito, na nawawala ang kanyang mga designs. Napapailing na lang siya dahil siguradong may kasabwat ang taong kumuha ng kanyang mga designs sa kanyang department. Habang seryoso siyang nag iisip ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, kaya tiningnan niya kung sino iyon at nakita niya ang pangalan ni Julliana. Napabuntong-hininga siya bago iyon sinagot. "What?" bungad niya dito. Narinig niyang napatawa ito sa paraan ng kanyang pagsagot. "My god, besh! You look so awful! What happened? Did someone offended you? Or did someone took something to you?" Napakuno't noo siya dahil

