Pabagsak na umupo si Erries sa couch at bahagyang napapikit. Maraming nangyari sa araw na iyon. Mabuti na lamang at may copy siya sa kanyang file tungkol sa nawala niyang mga designs. Nagawa nilang trabahuin ang mga iyon, kaya naman halos gabi na silang natapos. Pumikit siya at napabuga ng malalim. Nasa ganoong sitwasyon siya nang marinig niyang may nag doorbell sa kanyang gate. Napakuno't noo siya. Wala naman siyang inaasahang bisita at lalong hindi na ugali ng kanyang kaibigan na mag doorbel pa, lalo na at nagpaalam ito sa kanya na mawawala ito ng ilang araw dahil may aasikasuhin muna. Muli niyang narinig ang pagdoorbell nito, kaya tumayo siya at lumabas ng pinto. Tinanaw niya kung sino ito at bahagyang natigilan ng makita si Lance. Saglit siyang napatitig dito, dahil nakangiti itong

