Naging abala ang lahat sa pag aayos ng kanilang mga gagamitin na damit at model sa likod ng stage. Ganoon rin si Erries na siyang nag aasikaso rin sa kaniyang mga staff upang walang maging problema. Ngayon na kasi ang araw ng kanilang Prelim-fashion show. Matapos masiayos ni Erries ang kanilang mga damit ay hinayaan niya ito sa kanyang assistant at sumabay na siya kina Cassy na abala rin sa pag aasikaso sa ilang investors na naroon. Ang mga ito ang pipili sa darating na fashion show, kung saan kasabay na nila ang mga kalaban nila sa fashion industry. "Everything's ready," sabi niya kay Cassy nang lumapit siya dito. Napatango ito at sumenyas upang simulan na ang preliminary show. Umayos na rin ng upo ang lahat upang masaksihan ang magaganao na event. Nakita ni Erries na kompleto ang pamil

