Habang nagmamaneho pauwi si Lance ay tila may hindi siya maintindihan sa nangyari. Pakiramdam niya ay may kulang o sadyang tila ay may bagay siyang hindi maalala. "May nangyari nga ba sa amin?" Aniya. Hindi mawala sa isip niya ang bagay na iyon. Naaalala niya ang sandaling namagitan sa kanila, mula sa pag imbita ni Erries sa kanya sa pool, hanggang sa napunta sila sa kama. Ngunit, tila iyon lang ang naaalala niya. "Masyado bang marami ang nainom ko kaya hindi ko maalala ang sandaling iyon?" Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang posibleng nangyari. Hindi naman pweding tanungin niya pa si Erries tungkol sa sandaling iyon at baka masamain pa nito. Muli siyang napabuntong-hininga at inalis pansamanta ang kanyang iniisip. Nang makarating siya sa kanilang mansion ay

