Bumaba si Lance mula sa kanyang sasakyan at bahagyang napatingin sa itaas ng kanilang building. Iniisip niya kung dumating na ba si Erries. Bigla siyang nanabik na makita ito, kaya naman naglakad na siya papasok ng kanilang kompanya. 20 minutes pa bago magsimula ang kanilang meeting, kaya naman hindi siya masyadong nagmamadali na pumunta agad dahil si Erries lang naman ang nais niyang makita ng sandaling iyon. Pagkapasok niya ay bumabati sa kanya at tanging tango lang ang naging tugon niya. Nang papasok na siya sa elevator ay nakita niya si Erries. Nakangiti ito at tila may kausap. Hindi niya pinansin ang kausap nito, dahil sa magandang babaeng nasa harapan niya ngayon. Bigla itong napalingon sa kanya at hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito, na nakangiti. Pakiramdam niya ay isa itong

