P|R|O|L|O|G|U|E
Calvin's POV
September 23, 2020
Time: 6:45
*KKKRRRRIIIINNGGGGGG!!*
Pinindot ko ang alarm para ito ay tumigil at tumayo sa aking kama. Binuksan ko ang bintana at nakita ang sinag ng araw na nakatutok sa bintana ng apartment ko. Nagunat ako sa harap ng bintana.
"Isa nanamang walang ganang umaga..." sabi ko at lumakad sa labas ng aking kuwarto para simulan ang aking pangaraw-araw na gawain.
.
.
"Tol ayan nanaman siya oh"
"Oo nga, as usual wala parin siyang expression.."
"Bakit kaya ayaw niyang tumawa? Para magkaroon siya ng kaibigan?"
Rinig kong bulong mula sa mga estudyanteng nakakasalamuha ko. Since the first day ng pagtransfer ko dito sa senior high, marami nang lumalayo sa akin kasi wala nga akong emosyon pero ang hindi nila alam ay may Alexithymia ako kung saan ay wala akong nararamdamang emosyon pero sobrang sensitive ko sa mga sakit ng katawan.
Pero isang babae lang ang may tiyagang lumapit sa akin.
"Hala tol! Si Nadja, ang ganda niya talaga at nasa cheerleading squad pa sya ng basketball team." napatingin ako sa dinadaanan ko at nakita ko si Nadja ang crush ko, I mean crush ng buong campus. Walang border sa kanya, kahit anong kulay, lahi at ugali mo papansinin ka talaga niya. She's on the same class as mine.
Nagulat naman ako nung narinig kong tumunog ang bell sa hallway. Nakadaan na sila Nadja kaya tumuloy na ako sa klase, she's the only thing that makes me keep on going to school.
.
.
Nasa English Class na kami at tahimik akong nakikinig sa teacher ko ng biglang may nagbato sakin ng papel sa likod ng ulo ko. Tumingin ako at nakitang sila Lonrenz at Marc ang nagbato sa akin at inaasar-asar pako.
Sobrang naiinis na ako sa mga pangaasar nila pero hindi ko ito maipakita sa aking mga expression. Hindi ko nalang sila pinansin at dumungaw nalang sa labas ng bintana at huminga ng malalim.
"Sana maguwian na....may papanoorin pa akong anime eh..." Ani ko saking isipan at sinarado ang aking mga mata.
*wosh*
Bigla nalang naramdaman ko na huminto ang aking paghinga, paggalaw at para bang lumutang ako sa ere.
Binuklat ko ng biglaan ang mga mata ko at napatingin sa baba ng upuan ko. Ako lang ba ang nakapansin nun? Dahil ba ito sa sobrang panonood ko ng anime?
"Napansin niyo rin?" ani ng aking guro, napatingin ako sa guro ko at nakita ang iba sa mga kaklase kong nakatayo o natumba sa kanilang mga upuan.
"A-ano yun ma'am?" tanong ng isa sa mga babae sa amin.
"Hindi ko rin alam eh..." sagot ng teacher ko.
"PUWAAHH!" isa sa mga kaklase ko ang biglang hiningal at may iba ring biglang nagkaubo. Anong nangyayari? Split second lang naganap iyong bagay na iyon tapos ganto na ang nangyari.
.
.
Uwian na at narinig kong pinaguusapan ito ng mga estudyante noong paglabas ng eskuwelahan.
"Ano kaya iyon beh? Naramdaman mo rin diba?" rinig kong bulong ng isang babae sa kaibigan niyang babae.
"Oo nga eh, wag naman sana....maging warning iyon ng end of the world!" nguwa niya.
"Oi beh! Wag ka namang magisip ng ganyan!"
Napabuntong hininga nalang ako doon, nakikinig ba sila sa mga science subject nila? Split second lang nangyari yung ganun eh, it's impossible na may masamang mangyayari.....or baka may mangyayari nga.
.
.
"This just in! Tila Biglang Huminto Ang Oras Ng Mundo? Abangan Ito Sa Balita Mamaya!" narinig kong nakalagay sa balita noong dumaan ako sa cafe na malapit sa apartment ko. At halos lahat ng pinaguusapan ng mga taong nadadaanan ko ay tungkol dito, so totoo ngang hindi lang ako pero naramdaman din ito ng buong mundo.
Naglalakad ako kasama ng sobrang dami ng taong dumadaan sa kalye ng may biglang humawak sa aking bibig.
"MRPF!"
At hinila ako sa isang madilim na iskinita.
Hindi ko makita ang mukha ng kung sino yung biglang dumakma sa akin-kasi may hood siya at parang luma ang kanyang kapa kasi ito'y may kulay ng faded brown- na humila papunta dito, pero hindi naman ako nagpanic.
Tumingin siya sa akin at sinignalan ako na huwag sisigaw kapag inalis niya ang takip sa aking bunganga. Naturally, tumungo ako dito at unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa aking bibig.
"TUL-" at tinakpan niya ulit ang aking bibig, sinubukan kong pumiglas pero masyadong malakas ang hawak niya sa akin or masyado lang akong mahina kaya hindi ako nakasigaw.
"SHH!" ulit niya at tumigil naman ako sa pagpiglas at inalis na niya ng tuluyan ang kamay mula sa aking bibig, at hinarap niya ako. Ilang segundo ang naging katahimikan at bigla akong nagsalita ng:
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" hindi siya sumagot at nagalala na ako dahil dito.
"Naririnig mo ba ako? Anong kailangan mo sa akin?" wala parin siyang sagot at tila ay yumuko siya ng konti at narinig kong ngumuwa ng mahina.
"H-hoy! Tinatanong ko lang kung anong kailangan mo sa akin! Di kita pinapaiyak diyan..." napatigil ako nung pinakita na niya ang kanyang mukha.
Meron siyang kayumangging kutis, Mahabang itim at kulot-kulot na buhok, may berdeng mga mata at mas malalaking mga braso kaysa sa akin.
"Nakita rin kita....Calvin Henric Vaxio..." tugon nito at nagsitayuan ang aking mga balahibo. Paano niya nalaman ang pangalan ko kung hindi ko pa siya nakikilala?
Ano ang nangyayari sa araw na ito?.....