Hanna
Napairap ako sa hangin matapos kong sumimsim ng malamig na tubig sa baso ko. Kanina pa nangangawit ang panga ko sa kakangiti at naiinis na ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag gumawa ng eksena lalot madaming mga tao, ayaw kong mapahiya ang mga magulang ko. Idagdag na nahihiya din ako kila daddy at mommy.
I’am not in the mood since that man came. Bakit nga ba nawala sa isip ko na makikita ko siya dito. Alam ko naman na posible kaming magkita lalo pa at magkaibigan ang mga pamilya namin. But I didn’t expect tthis early. Ang agang kamalasan naman itong sumalubong sa akin.
Kanina ay nagulat ako nang magtinginan sila sa iisang lugar at nang tingnan ko ay lihim akonh napamura. Sino ba naman ang hindi, makita mo ba naman ang lalaking kinamumuhian mo na nakatitig lamang sayo. At malakas pa loob niyang mag hi sa akin, kapal ng muka ah sarap durugin ng maganda niyang ilong.
Well, sino nga ba si Mike? Mike is the least person I want to see. He’s the person I once love and make me feel I’am special. But he also the person who killed my heart that’s why I hate him so much. As I said earlier, he was my ex-boyfriend. Oh wait, not only my ex-boyfriend because I used to be his fiancé.
Pinilit kong ngumiti at lapitan siya hindi para magpakaplastic, kundi para ipamuka sa kanya na hindi ako takot sa presensya niya. Siya dapat ang matakot sa akin lalo pa ngayon na nandito na ako ulit, I make sure na pagsisisihan niya ang mga kasalanan niya sa akin. And I also want to see his reaction kaya ko siya niyakap sa harap ng mga tao kanina. Gaya ng inaasahan ko, siya parin ang Mike na mabilis maapektuhan sa presensya ko and I love it.
Napakunot noo ako nang sa pagbaling ng mata ko ay mahagip ko si Mike na nakatitig sa akin. Wala akong emosyon na makita sa mga mata niya subalit that looks makes me irritated and hate him more. Sa inis ko ay nginitian ko siya saka binigyan ng isang matindig titig sabay irap. Kung nakakamatay lang ang irap kanina pa siya tumba dyan.
“So kumpare, baka pwede na nating iaannounce iyong matagal nang kasunduan ng pamilya natin since narito na si Hanna,”
Nasamid ako ng hindi oras dahil sa sinabi ni Daddy Lando kayat nakuha ko tuloy ang atensyon nila. Nagulat nama ako nang agad na nakalapit sa akin si Mike habang may hawak na isang basong tubig. Tiningnan ko lamang siya saka tinaasan ng kilay at sa halip ay kinuha ko ang inumin ko saka iyon ang ininom.
“I can take care of my self, I don’t need your help, but anyway thanks for the effort,”wika ko kasabay ng matamis na ngiti na nagpalungkot sa muka niya. Ganyan nga, malungkot ka just like what you did to me.
“Daddy, what are you talking about?” nakangiti ngunit kinakabahan kong tanong sa daddy ni Mike. Ngumiti lamang ito saka tumingin sa papa ko kayat ito ang binalingan ko. “Papa, mind telling me? What Daddy Lando’s talking about?” tanong ko ngunit gaya ng Daddy ni Mike ay nginitian lang din ako ni Papa.
Tumayo silang dalawa at nagtungo sa harapan kayat napatingin ako sa mga kasama ko na mga nakangiti lang din, maliban sa ex kong walang kaemo-emosyon. Ano pa nga ba aasahan eh magaling na artista iyan, kaya niyang pekein pati damdamin niya. I may sounds bitter but I don’t care.
“Ladies and Gentlemen, We have something to announce.” Pagsisimula ng ni Daddy ni Mike.
“Actually, hindi pa sana namin iaannounce ito dahil ang plano namin ay maglabas ng formal announce sa isang party na gaganapin as soon as possible,” nakangiting wika naman ni Papa.
“Since narito na rin naman ang lahat, we want to officially announce na engagement of my son Mr. Mike Fuentabella and my future daughter in-law, Ms.Hanna Fortillo,” wika naman ni daddy kayat nagpalakpakan ang mga tao at halata ang kaligayahan.
Nanlaki nag mga mata ko matapos marinig ang pangalan ko at maintindihan ang mga pingsasabi nila. Engagement? Ako at si Mike? Bullshit! Hindi pwede ito, nahihibang na ba sila? Bakit ako ipapakasal na siraulong lalaki nayan.
Agad akong humakbang palapit sana sa kinaroroonan nila papa ngunit napatigil ako nang mapasulyap ako kay Mike. Nakaupo lamang ito habang pinaglalaruan ang yelo sa basong hawak niya. Hindi man lang ito nagulat at tila ba may alam sa kalokohan ng mga magulang namin. Lalo lamang akong nainis kayat sa halip na kausapin ng maayos sila papa mariin akong pumikit at saka sumigaw.
“Stop this nonse!” malakas kong sigaw na nagpatahimik sa kanila.
Napatingin sila sa akin ay kapwa may mga pagtataka. Alam kong sa gagawin kong ito ay may mapapahiya pero wala na akong pakialam. Hindi ako papayag na maikasal sa taong iyan. Kayat gagawin ko ang sa tingin ko ay tama.
“Baka gusto nyo muna ipaliwanag sa akin kung ano ito? Ma, pa? pagsisimula ko kayat kahit nagulat ay agad na lumapit sa akin sina mama at papa na sinundan din nila daddy Lando at mommy Linda.
“Anak, hindi bat matagal na nating napag usapan ito, you and Mike would gonna marry someday,” paliwanag ni papa na lalong nagpakunot sa noo ko.
“When? At kailan ako pumayag Pa?” iritang sambit ko. Ayokong bastusin sila ngunit hindi ko gusto na basta na lang sila nagdedesisyon tungkol sa buhay ko. They are my parents and palagi naman akong nakikinig sa kanila but not this time.
“Iha, hindi ba pumayag kana noon na maengage kayo ni Mike. As I remember masaya pa nga kayo noon hindi ba?” nakangiti paring wika ni ng daddy ni Mike.
Napatitig tuloy ako kay Mike na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Hindi ko maiwasan na maalala ang nakaraan noong mga panahong inlove na inlove ako sa manlolokong ito. Yes I remember now, pumayag nga pala ako sa letcheng engagement na iyan dahil akala ko ay mahal ako ng lalaking ipapakasal sa akin. But title did I know, pinapaikot lang pala ako sa mga kamay niya.
“That was before dad, We all knew na mga bata pa po kami noon. Hindi pa sigurado sa mga ginagawang pasya at nadala sa bugso ng damdamin kayat nakapagdesisyon ng hindi naman nararapat. But if you are now asking me, hindi ako papayag noon,”
“So you’re saying that, pinagsisisihan mo ang naging desisyon mo noon? Nagsisisi ka na tinanggap mo ang proposal ko?” Agad akong napatingin sa nagsalitang si Mike kayat nagtama angn mga paningin namin.
Bakas sa mga mata niya ang sama ng loob ngunit hindi iyon mahalaga sa akin. Nakaramdam pa nga ako ng tuwa sa isiping nasaktan ko siya sa mga simpleng salita ko lamang. Humarap ako sa kanya at humakbang upang magkalapit kami. Hinaplos ko ang pisngi niya saka matamis na ngumiti.
“Yes my dear ex. Don’t act like you’re affected, because as far as I know that proposal was your little act to deceive us and cover your disgusting affair, right?” Nanunuya kong wika habang tinatapik tapik ang pisngi niya.
Naramdaman ko ang paninigas niya kayat napamura ako ng lihim. Masyado kang guilty boy, kaya lalo mo lang dinadagdagan ang galit ko sayo.
Walang sabi sabi na humarap ako sa lahat at sinenyasan na ibigay sa akin ang microphone. Inayos ko nag sarili ko bago taas noong humarap sa kanila. Isang ngiti ang matapang na ngiti ang binigay ko bago nagsalita.
“I would like to say sorry to everyone, but there was a mis understanding here. Wala pong kasalang magaganap, dahil hindi po ako sang ayon. Yes, you all heard it right, hindi ko po tinatanggap ang engagement na ito,” tuloy tuloy kong wika saka binaba ang microphone.
Rinig ko nag bulung bulungan ng mga tao pero wala akong pakialam. Nagsabi lang naman ako ng totoo, at wala silang magagawa kung ayaw ko. Hindi ako ang babaeng pwede nilang pasunurin sa mga kagustuhan nila.
“Papa, sana kinausap muna ninyo ako hindi yong nagdecide agad kayo na wala man lang akong kaalam alam,”wika ko nang magkakaharap na kami. Nilapitan ako ni mama at saka inawakan upang pakalmahin dahil nag iinit talaga ang ulo ko. Sino ba naman ang hindi, kakauwe mo lang tapos bigla mo malalaman na engage kana sa tao pang niloko at sinaktan lang ako.
“Anak pasensya na, akala ko kase walang problema sayo, besides hindi bat maayos naman kayo bago ka umalis. Ano bang nangyayare bakit ayaw mo na bigla magpakasal?” nagtatakang tanong ni papa na kinabigla ko.
“Kung hindi ka umalis noon iha malamang ay matagal na kayong kasal gaya ng napakasunduan noon,” singit naman ni daddy lando. Napapikit ako saka napahawak sa sintido ko. So all this time hindi parin nila alam na ang nangyare sa amin ni Mike.
I remembered when I was in New York, palagi silang nagtatanong kung bakit hindi man lang ako umuuwe, at kung kamusta na kami ni Mike. Bago ako umalis ay sinabi ko kay Mike na siya na ang magpaliwanag tutal ay siya naman ang gumawa ng kalokohan.
“Iha, matagal na naming gustong itanong ito, bakit kaba bigla umalis at iniwan itong is Mike?” tanong ni mommy Linda kayat napatitig ako ng masama kay Mike.
“Hindi mo ba sinabi sa kanila?” simpleng tanong ko na bahagyang inilingan ni Mike. Ramdam ko ang pagtataka ng lahat kayat napahugot ako ng malalim na buntong hininga.
“Pasensya na po, pero walang kasalang magaganap, hindi ako magpapakasal na lalaking iyan,”