Hanna
Kitang kita ko ang pagsinghap nilang lahat kayat sinamantala ko iyon para umalis. Hindi ako ganon kasama para ibulgar sa lahat ang nangyre kayat hanggat kaya ko pang magpigil ay ako na lamang ang aalis. Mas mabuti na rin na kay Mike na manggaling ang totoong nangyare, makabawas man lang siya sa kasalanan niya sa akin.
“Aalis ka na naman, tatakas ka na naman,”
Napahinto ako dahil sa sinabing iyon ni Mike, hindi ko gusto ang narinig ko kayat inis ko siyang hinarap.
“Bakit kase hindi ka muna makinig sa amin, bakit inuuna mo iyang galit mo! Kung marunong ka sanang makinig, sana ay maayos ang lahat sa atin,” wika pa nito kayat napalaki ang hakbang ko upang makarating agad ako sa harap niya.
“Don’t make any scene here, wag mo akong itulak para ilabas ang lahat!” bulong ko nang makitang tila naalarma ang mga magulang namin.
“All I asking for you is to listen to me, to hear my explanation,”
“Stop,” pagkontra ko sa kanya pero hindi siya nakinig.
“Mga anak, is everything all right?” napapikit ako nang magtanong na si Papa.
“Are you guys fighting?” his dad.
“To open your heart with me, bakit ang hirap non para sayo,” pagpapatuloy pa ni Mike kayat binantaan ko na siya nang masamang tingin ngunit siya ay tila namumula na ang mga mata. I don’t know kung naiiyak ba o dahil sa inis basta ang gusto ko lang ay manahimik na siya.
“Stop it I said!” mariing kong sambit na batid kong dinig nilang lahat. Nanahimik muli ang paligid kayat sinamantala ko upang tumalikod at umalis. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko na ang pagpigil ni Mike sa braso ko.
“Ano ba kaseng problema mo?!” Nagulat ako nang magtaas ng boses si Mike. Napatingin ako sa mga tao na nasa amin na ang atensyon. Bibalingan ko siya ngunit nagulat lang ako ng makitang lumuluha na siya.
“All this year I’ve been waiting for you. Every day naghihintay ako para sa paliwanag mo, why the hell did you leave me?” Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya sa akin, saglit pa akong nagtaka dahil bakit siya pa ang may ganang magtanong niyan. Siya na itong nanloko siya pa ang masama ang loob.
“Why don’t you ask yourself!” inis kong sabi. Wala na akong pakialam sa mga taong nakakarinig. Kung gusto niya ng away ay hindi ko siya uurungan.
“You have to tell me, para malaman ko. Wala akong maalalang kasalanang nagawa sayo—
“Ah talaga ba? Hindi ba kasalanan ang manloko?” balik tanong ko sa kanya dahilan upang mapahilamos siya sa muka niya.
“Hindi kita niloko,”
“No! You cheated on me and I will never forget that! I will never forgive you, at hindi ko ibibigay ang kasal na hinahangad nyong lahat because this man is a cheater!” malakas kong sabi bago tuluyang iniwan silang lahat.
Sa pagtalikod ko ay agad kong pinalis ang namumuo kong luha sa aking mga mata. Sinabi ko na hindi na ako iiyak sa harap niya kayat paninindigan ko ito sa abot ng aking makakaya.
Agad kong hinanap ang kwarto ko at doon ay padapang binagsak ang aking katawan. Bumalik na naman ang sakit na dulot ng kahapon ko kayat heto na naman ang pasaway kong luha, nagsisimula na namang pumatak. Pigilin ko man ay hindi ko magawa dahil sobrang sakit nang nararamdaman ko. Bakit ganon, bakit sa loob ng mahabang panahon ay nasasaktan parin ako. Bakit siya pa ang may ganang magalit gayong ako ang niloko niya.
Oo ako ang umalis, dahil iyon lang ang nakikita kong dahilan upang makabangon akong muli. Mike was my 1st love and I really do love him so much at naging mabuti naman akong girlfriend sa kanya pero nagawa parin niya akong lokohin.
“Ate”
Agad akong napabangon saka mabilis na pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Mae. Inayos ko ang sarili ko bago nagpakawala ng isang malalim na hininga bago ako sumagot sa kanya.
“Ate can I talk to you?” she asked as he sit on my bed.
“Yeah sure, what is it?” tanong ko naman bago tumayo at naupo sa harap ng aking vanity mirror na nasa gilid ng aking kama.
Sinuklay suklay ko ang buhok kong hanggang balikat na nagulo gawa ng paghiga ko kanina. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin habang hinihintay ang sasabihin ng kapatid ko. Mula sa salamin ay nakita ko ang repleksyon ni Mae na tumayo at nagtungo sa gilid ko. Sumandal siya sa pader at saka humalukipkip. Hindi ko pinahalata na sinusundan ko ng tingin ang kilos niya. May pakiramdam ako tungkol sa itatanong niya ngunit umaasa ako n asana ay mali ako.
“Bakit mo naman ginawa iyon ate?”
“What?” maang maangan kong tanong na kunwari ay hindi alam ang tinutukoy niya. Narinig kong napabuntong hininga si Mae bago ito lumila ng isa pang upuan saka lumapit sa akin at hinarap ako.
“Ate bakit mo naman pinahiya si Kuya Mike? Alam nang lahat ang tungkol sa kasunduan ng pamilya natin,”
“Kasunduan na hindi dapat nangyare,” pagputol ko sa pagsasalita niya. Muli na namang umakyat ang inis ko kayat hindi ko mapigil na pati si Mae ay pagsungitan ko.
“Ganon naman pala, sana noon ka pa tumutol. Hindi naman kanina lang naganap ang announcement na ganyan, we all knew that it happen before and you accept it with all your heart,” sambit ni Mae na kinatahimik ko. Saglit akong napatigil sa pagsusuklay ko at marahan itong binaba saka sumulyap sa repleksyon ko.
“Alam ko, kaya nga sinabi ko na hindi dapat nangyare iyon. Mga bata pa kami noon kayat akala ko ay totoo ang mga nararamdaman namin,” mahinahon kong sambit.
“Masisisi nyo ba ako, ako ang sinaktan, niloko,” dagdag ko pa nang maramdaman ko ang paghawak ng kapatid ko sa aking kamay.
“Ate hindi sa kinakampihan ko si kuya Mike but I don’t believe he can cheat specially with you. We all knew how much he love you, handa niyang gawin ang lahat para sayo”
“Mae please,” pakiusap ko nang magsimulang manermon ang kapatid ko. Alam ko ang patutunguhan nito, ipagtatanggol niya si Mike at ayaw kong marinig ang mga ginawa ni Mike noon dahil mas nasasaktan lang ako sa tuwing maalala na ginawa niya iyon para sa palabas niya.
Remember, nagawa niyang iwan ang buhay sa Maynila para sayo,”
“Na sana ay hindi nalang niya ginawa. Sana ay nagstay na lang siya sa Manila at doon niya ginawa ang lahat ng kalokohan niya. Sana doon na lang siya nakipaglandian—
Natigilan ako dahil sa nasabi ko. Napapikit ako saka napahilamos sa muka ko. Hindi ko na gustong hukayin ang nakaraan dahil ayaw kong maramdaman muli ang mga sakit na ialng taong nagpaluha sa akin.
Kung maaari ko lang sanang ibalik ang nakaraan, sana ay pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa kanya. Sana ay ginamit ko ang utak ko para hindi ako nasasaktan ngayon. Bakit ba kase ang bobo ko, kung anong tinalino ko sa academic siya namang kabobohan ko sa lintik na pag ibig na iyan.
“Bakit ka tumigil? Bakit hindi mo sabihin sa akin kung anong nangyare?” Napatingin ako sa kapatid ko habang pinipigil na wag maluha.
“Mae wag na natin pag usapan sa ngayon, please let me take a rest just for this day,” pakiusap ko sa kapatid ko na muka namang naintindihan niya. Marahan siyang tumango saka tumayo at niyakap ako.
“Basta ate, if you need ng kausap Im always here. Ilang taon kitang hinintay na magsabi sa akin, pero hindi mo ginawa at nirespeto ko iyon but this time ako na makikiusap sayo. Let your heart heal, pakawalan mo ang lahat ng sakit. Wag mong hayaang lamunin ka ng galit, wag puro sakit ang tingnan mo, balikan mo rin nag masasayang alaala na dahilan kung bakit ka nagmahal,”
Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis si Mae sa kwarto ko ngunit nanatili parin akong tulala at nakatingin sa salamin. Napangiti ako ng isang imahe ang tila nakita ko mula sa salamin.
“Ang ganda ko,” bulong ko sa isip ko. Masaya kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
“Yes, your beautiful as always,”
Napayo ako dahil sa gulat nang marinig ang boses na hindi ko inaasahang naroon. Nang humarap ako ay nakita ko ang boyfriend kong nakatayo at nakasandal sa bintana ko. Napailing na lamang ako habang napapangiti, tumawid na naman ang lalaking ito sa bintana namin.
“Pasaway ka talaga, bakit nandito ka na naman gabi na,” kunwari ay pagalit kong turan sa kanya, pero ang totoo ay kinikilog ako dahil makakasama ko na naman siya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay nagtungo sa aking kama saka nahiga. Nakasuot na siya ng pantulog at batid kong matutulog na ito pero heto at nandito siya sa akin ngayon.
“Matutulog na sana ako, kaso alam mo naman hindi ako makatulog hanggang hindi ka nakikita,” sagot niya habang prenteng nakahiga.
“Come here,” wika pa niya habang inaaya akong tumabi sa kanya na ginawa ko naman. Hindi na muna ako nahiga at nanatiling nakaupo ngunit siya ay nakahiga na habang nakayakap sa akin bewang.
“Nagkita lang tayo kanina,” bulong ko dahil baka marinig kami ng parents ko. Sinuklay suklay ko nag buhok niya at malayang pinagmasdan ang gwapo niyang muka, magandang ilong at malalantik na mga pilik mata.
“Kanina pa iyon,” sagot niya na kinailing ko. Hay nako ganyan siya palagi, hindi ako mananalo kayat hayaan na lang.
“Nakita mo na ako, go home na,” bulong kong muli kayat napadilat siya.
Bumangon siya at naupo saka humarap sa akin. Napalabi siya kayat natawa ako, kase ang cute niya pati ng labi niya.
“I want to sleep with you, please dito na lang ako,” pagmamakaawa niya.
Heto na naman kami, dinadaan na naman niya ako sa charm niya. Simula nang ipagawa niya ang bintanang iyan na nag-uugnay sa amin ay halos gabi gabi na siyang natutulog dito. Well hindi naman sa ayaw ko dahil ang totoo ay gusto ko din siyang kasama kaya lang ay baka kung ano ang isipin ng mga matatanda. Kahit pa wala naman kaming ginagawa hindi parin magandang tingnan na magkatabi kaming matulog. Pero anong gagawin ko hindi ko mahindian ang karisma ng lalaking ito.
“I love you,” Napapikit na ako matapos niyang sabihin iyon habang hinahalikan ako sa noo ko.