Chapter 5

1284 Words
“Grabe anong nangyare sa batang iyon? Hindi naman dating ganyan iyan diba?” wika nang isang ginang habang malungkot na nakaupo at kaharap ang ilang ginang. “Hindi ko rin alam, iyan siguro ang epekto ng nanirahan sa ibang bansa kayat pati pag uugali ay nabago,”sabat naman ng isang ginang na may katabaan. “Baka naman dahil nasaktan kase sya,” singit naman ng isang dalagita na nakikinig habang kumakain. “Kahit na, hindi dapat niya pinahiya si Mike. Alam naman nating lahat kung gaano siya kamahal ng binatang iyan. Kung ano man ang nagawang kasalanan nung isa hindi ba pwedeng patawarin?” sambit naman ng isa pang Ginang. “Bakit Aling Choleng, kapag ba ang asawa mo nambabae ay patatawarin mo agad?” tanong ng isang dalaga na kararating lang. Isa iyon sa mga dating kababata ni Hanna at naging kaklase din niya. Nais siyang ipagtanggol ang dalaga kahit pa hindi sila ganon kaclose dahil nakita niya kung paano ito maging mabuti sa kapwa. Batid niyang hmay mabigat na dahilan kung bakit naging matigas ito. “Aba sympre hindi— “Oh kita mo na, wag masyadong judgemental,” natatawang sagot pa ng dalaga. Sakto naman ang pagdating ni Mae kayat narinig nito ang sinasabi tungkol sa kanyang ate. Huminto siya at nakiupo sa mga umpukan ng mga nagtsitsismisan. Sa totoo lang ayaw sana ni Mae na imbitahin lahat ng kapitbahay nila dahil karamihan ay tsismosa ngunit sadyang mabait ang kanyang Papa at Mama. Ngunit kung siya ang masusunod ay mas gugustuhin nalang niyang sila na lamang ang magcelebrate. Ayon din sa mga ito ay tiyak na magugustuhan ng ate niya kung nandito ang mga kapitbhay nila dahil malapit ang ate niya noon sa mga kabarangay nila. Totoo naman iyon ngunit ang nakakainis ay het okay dali nilang husgahan ang kapatid niya na minsan nang naging mabuti sa kanila. “Party ito ng ate ko pero heto kayo at pinagtsitsismisan siya,” Mataray na wika ni Hanna na kinatahimik nila. Napainom pa ng di oras ang iba habang kanya kanyang iwas ng tingin. “Pasensya kana Mae, siguro ay nabigla lang sila sa kaunting pagbabago ni Hanna,” napatingin si Mae sa babaeng nagsalita. Kilala niya ito si Nina, kaedad ng ate niya at nging kaklase mula elementary hanggang high school. “Pasensya na Mae,” sabay sabay namang sabi ng mga ginang. Napatango na lamang si Mae at saka nagbuntong hininga. “Ang totoo ay naguguluhan din kami kung anong nangyare kay ate. Kami man po ay nagulat sa inasal niya kanina, ngunit kilala ko ang ate ko, hindi masama ang ugali niya at hindi niya intension na makasakit ng damdamin ng kapwa niya,” mahabang pahayag ni Mae. “Oo naalala ko dati sobrang bait at matulungin niyan. Kahit bata pa lamang ay likas na sa kanya ang pagiging matulungin. Naalala ko nga nang minsang nadaanan ako na naglalakad papuntang bayan huminto siya at pilit akong pinasasakay sa sasakyan niyo. Nahihiya ako kayat hindi ako sumakay dahil narin sa nahihiya akong madumihan sya, napakaganda pa naman niya sa suot niyang uniporme,” nakangiting wika nang isang ginang na nagpangiti sa kanilang lahat. “Pero alam nyo ba ang ginawa ni Hanna, kumuha siya ng pera sa baon niya at inabot sa aking upang may pamasahe daw ako,” dagdag pa ng ginang na naluha pa nang maalala ang munting kabaitan ng dalaga. “Ako din, naalala ko sa tuwing umaga na makikita niya ako hindi iyan makakalimot na batiin ako saka bibigyan ng matamis na ngiti. Madalas ay tutulungan pa akong magbuhat ng mga paninda kong kakanin. Mabilis iyong mauubos dahil maganda ang kasama kong tindera,” Napangiti si Mae matapos marinig ang sinabi ng isa pang Ginang. Tahimik niyang pinakinggan ang mga kwento ng mga kabarangay nila patungkol sa kabaitan ng ate niya. Likas talaga na mabait ang ate niya kayat madami ang nagugustuhan ito. Hindi rin niya masisisi ang mga tao dahil bigla na lamang ang pagbabago sa ate niya. At iyon ang nais niyang malaman. Kung talagang si Mike ang dahilan ay dapat niyang matulungan na magkaasyos ang dalawa dahil batid niyang nagmamahalan pa ang mga ito. “Nakakahiya, nakalimutan ko agad ang magagandang nagawa ni Hanna noon dahil lang sa nakita ko siyang nagalit kanina. Patawarin sana niya ako, ngayon ko lang kase siya nakitang nagalit, bagay na hindi naman niya nagagawa noon hindi ba?” wika ng isang Ginang na kumuha sa atensyon ni Mae. “Ang dali sa atin na husgahan siya gayong hindi naman natin alam ang buong katotoohanan,” “Hindi man lang natin naisip ang mga pinagdaanan niya noon. Kung talagang niloko nga siya ni Mike marahil ay nasaktan sya ng sobra. Abay ang hirap ng ganon lalo pa at mag isa lamang siya sa ibang bansa,” Ramdam ni Mae ang pagsisisi at pag aalala ng mga tao para sa ate niya. Maging siya ay nakaramdam ng hiya dahil napagsabihan din niya ang kapatid kanina. Ngayon niya naisip kung paano nalagpasan ng ate niya ang hirap sa ibang bansa habang mag isa ito na may dinadala. “Mike sandali iho,” Napaangat ng tingin si Mae matapos marinig ang pangalan ng dating nobyo ng kapatid. Kasama nito si Henry at si Jake nang lumapit sa kanila. Agad na pinaupo ng matatanda ang binata na sumunod naman kahit pa naguguluhan. “Pasensya na po kayo kanina, pagod lang po si Hanna at may misunderstanding lang po,” wika nito na kinagulat ni Mae. Wala siyang galit sa dating nobyo ng kapatid ngunit hindi niya inaasahan na sa kabila ng pamamahiya ng ate niya ay nagawa pa itong ihingi ng paunmanhin sa mga tao. “Nako wag mo na isipin iyon Mike, naiintindihan na namin ngayon marahil ay pagod nga si Hanna,” sagot naman ng isang Ginang na naroon. Napatango naman si Mike at agad na nagpasalamat. “Ano ba kaseng nangyare iho? Ano bang dahilan at umalis si Hanna noon?” “Oo nga naman, akala namin simpleng pag aaral lang, iyon pala may iba pang dahilan,” “Naghiwalay kayo pero hindi namin alam ang totoong dahilan, marami na ang haka haka na hindi totoo ang relasyon nyo noon,” Ilan sa mga tanong na narinig nila ngunit hindi magawang sagutin ni Mike. Nanatili lang itong tahimik at tila kaylalim ng iniisip. “Bakit ka niya sinabihan ng cheater kanina Mike? May nagawa kaba?” tanong naman ni Nina na nacurious narin. “Totoo ba kuya Mike? Niloko mo ba talaga si ate?” tanong ni Mae na kinagulat ng mga naroon. Hindi agad nakakibo si Mike at tila nag aalangan pang sumagot. “Mae, wag dito, sa ibang lugar natin pag usapan iyan,” singit naman ni Jake sa kasintahang si Mae. Tiningnan lamang siya ni Mae saka sinamaan ng tingin. Kahit pa kapatid ng kasintahan niya si Mike ay hindi niya ito palalagpasin sa oras na mapatunayan niyang nagloko nga ito. “It’s okay Jake,” tugon naman ni Mike na kinagiti ni Mae. Humugot ng malim na buntong hininga si Mike bago sumulyap sa mga taong naroon, at saka tumitig sa mga mata ni Mae. “Minahal ko nang totoo si Hanna noon, he was my 1st love anyway. Ginawa ko ang lahat para lang mapalapit siya sa akin. I even ask her hand to your Papa para lang makasal siya sa akin,” wika niya Mike. “Then why did she keep on telling that you cheated on her?” Si Jake naman ang nagtanong ng sa kanyang kuya sa pagkakataong iyon. “Dahil nagkamali ako, nagsinungaling ako sa kanya,” sagot ni Mike dahilan upang mapasinghap ang lahat lalo na si Mae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD