Chapter 2

2230 Words
Smile     “Ilang damit ba ang bibilhin mo?” naiiritang tanong ni Yvo dahil mag-iisang oras na yata kami sa mga stores dito sa loob ng airport ng Bali pero isa pa lang ang nahahanap kong damit. Nilingon ko siya at nginiwian. “I’m a girl. Matagal kami magshopping. Deal with it,” sagot ko habang tinitingnan ang isang sundress. Kinuha ko iyon at dinampot pa ang isa pang skater dress bago pumunta sa fitting room. Mula sa loob ay rinig ko ang buntong hininga ni Yvo. Napailing na lang ako. Tapos na kasi siyang mamili. Ang alam ko ay anim na pares na ang nakuha niya. Nakabili na rin siya ng undies niya at iba pang toiletries. He did all that in a span of thirty minutes. How did he do that? Ni hindi man lang sinukat ang mga damit na iyon kung babagay ba sa kanya! Nagtanggal ako ng damit para maisuot ang sundress. Kulay yellow iyon at sobrang cute tingnan kaya napili ko. Tumalikod ako para icheck kung maayos ba iyon sa likod ko at nang makita kong okay naman, hinubad ko na. Isang dress pa lang ang napipili ko bago ito. Hindi pa rin ako nakakahanap ng toiletries and under garments. Paniguradong mas matatagalan kami roon. Isang oras pa ang lumipas bago ako nakuntento sa mga damit at sandals na nabili ko. Habang hindi pa ako natatapos ay nakabili na si Yvo ng tig-isa kaming backpack. Naglalakad na kami palabas sa airport nang nilingon ko si Yvo. “What?” he asked as he was typing something on his phone. I grinned. “I’m hungry,” I pouted and held onto my growling stomach. He narrowed his eyes at me. “You binged at the plane, Avery. Now, you’re telling me that you’re hungry again?” Matalim ko siyang tiningnan. “Ang judgmental mo, Yvo! Hindi ba puwedeng nakakapagod kasi maghanap ng damit kaya digested ko na lahat ng kinain ko sa NAIA at sa eroplano?” Nakakainis. Palibhasa hindi palagutom ito, e. He looked at me in disbelief before shaking his head. He looked around and then pointed at a pizza parlor. “You eat Italian?” he asked. I nodded enthusiastically and almost ran towards the pizza parlor. He was just shaking his head as he was following me. I was greeted by a staff when we entered the pizza parlor. Kinuha ko kaagad ang menu at halos maglaway sa mga itsura ng pagkain doon. Umupo naman si Yvo sa harap ko at kinuha ang phone. I raised my brow at him. “You should look for what you’re going to order now,” I told him because he was busy on his phone. He nodded. “Yeah, I just have to cancel all my meetings today and tomorrow,” he said while typing something on the phone. Tumango na lang ako. Businessman ata ito, e. It’s not surprising, though. He looks like a rich businessman, except for his rugged look. I didn’t ponder on his business anymore and just minded my growling stomach. I ordered two different kinds of pizzas, a platter of fettuccini and Alfredo pasta. Kumuha na rin ako ng bottomless na iced tea. Pansin ko kasi parang gusto ni Yvo ng iced tea. “I already ordered for you,” sabi ko sa kanya ng parang nagtataka siya kung bakit umalis na ang waiter. “Do you even know what I want?” he asked as he placed his phone back to his pocket. I grinned. “No, but who doesn’t like Italian foods, right?” He smirked and then looked out the window. Kita mula rito ang mga taxi sa labas ng airport pati na rin iyong mga bakasyunistang nakikipagtawaran sa mga drivers. “Where are we going to stay at?” tanong ko sa kanya nang mapagtanto kong hindi ko alam ang plano namin. I let him book a flight for us. I let him decide for me. So, I might as well let him do all the planning. Pagod na rin akong mag-isip. “Viceroy Bali,” sagot niya. “I read from the reviews that it’s relaxing there.” I nodded. “I know that. I’ve read about that, too,” I told him. Yvo’s eyes are directed at me. “So, I realized I don’t even know what you really do,” he said as he rested on the back rest of the couch. “What do you do aside from moping about your cheating ex?” Nalaglag ang panga ko sa matabil na tabas ng dila ng isang ito. Noong nasa NAIA kami ay halos anghel ang tingin ko sa kanya dahil sa pagtulong at pag-intndi niya sa akin. Ngayon, hindi ko na alam kung ano siya. I saw him chuckle when he saw my reaction. “What?” he asked innocently. “Come on, Avery. Sinamahan kita dito. I believe I deserve to know,” he encouraged me to tell him. I pursed my lips in a thin line. Tama naman siya. “I’m a freelance writer,” sagot ko. “I write about places and events.” He nodded. “So, you’re homebased?” Tumango ako. “Ikaw? What do you do? I mean, I presumed you’re a businessman because of the meetings that you cancelled.” He smiled. “Yup, I’m a businessman,” he replied. I nodded. I wanted to ponder on that but I don’t want him to think that I am curious about him. “So, why would you leave your business and spend four boring days with a broken-hearted woman?” I asked him. Napa-isip siya sa tanong ko. “Hindi ko alam, e,” sagot niya. “Maybe because I needed this too?” I narrowed my eyes at him. “You mean you’re stressed at work…” I concluded. He smiled weakly and shook his head. I can sense that he wants to say something but he’s contemplating. I smiled. “It’s okay. You don’t really have to tell me,” I assured him. I’m fine with him being kind enough to fly with me randomly to Indonesia. Kasi sinong tao ang sasama sa isang estranghero sa isang malayong lugar, ‘di ba? Maliban na lang siguro kung sa sobrang dami ng pera niya, wala na siyang mapaglagyan kaya nagwaldas na siya ng husto. Bumalik ang titig niya sa akin na parang tinatantya ang titig ko. “My brother got married yesterday,” panimula niya. Tumitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa pagkakasabi niya. Parang hindi siya masaya na ikinasal ang kapatid niya. “He married my ex-girlfriend,” he chuckled weakly. Natigilan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang reaksyon niya at kita ang sakit sa ekspresyon ng mukha niya. “Mahal mo pa?” tanong ko. Hindi ko alam kung maaawa ako o ano. Pero parang naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Tumango siya. Napatahimik ako. “Mahal ka rin?” tanong ko. Mahina siyang tumawa at umiling. “Si Kuya na talaga ang gusto niya noon pa man. I just wanted to be with her so I pursued her with all my might,” aniya. Sumimangot ako. “Kung ex mo siya, naging kayo talaga…” sabi ko nang biglang napagtanto ang nangyari. “Did you mean she was your girlfriend but she’s in love with your brother all along?” Tumango siya. “Did she cheat on you?” I asked. He bit his lip but then shrugged. “I don’t know if that’s cheating,” he smiled. “In the first place, I knew she loved my brother. Kasalanan ko rin.” Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “That’s cheating because you were in a relationship, Yvo.” He chuckled weakly. “She just got with me because I told her I’d kill myself if she didn’t.” I gasped. I can’t believe he could do that for a girl. He’s handsome and rich. He can have any girl he wants. Girls would throw themselves at him. So, why was he willing to go that far just for a woman? Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Pero dahil sa sinabi niya ay napagtanto ko kung bakit parang naawa siya sa akin. Pareho pala kaming luhaan. Pareho pala kaming nasaktan. At pareho namin kailangang magpakalayo para magpahupa ng sakit. We both needed to move on from our respective painful experiences. “Here’s your order, Ma’am, Sir,” ani ng waiter at isa-isang nilapag ang mga inorder ko sa lamesa. Masama ang tingin sa akin ni Yvo ng makita niya kung gaano karami ang pinili kong pagkain. “Hindi ka na ba magdidinner?” tanong niya habang kinukuha ang pitsel ng iced tea para lagyan ang mga baso namin. I grinned. “You can’t be right, Yvo. Syempre ay brunch ko ito!” sabi ko sabay kuha ng isang slice ng pepperoni pizza. He looked at me in disbelief. “I don’t know where all the food is going in that tiny body of yours,” he muttered before giving me a glass of iced tea. “Thank you,” sabi ko at sumisim sa inumin. “You know, food is there for a reason. We need to eat them. Bakit parang diring-diri ka sa akin dahil mahilig ako sa pagkain?” He laughed. “I’m not grossed out,” he shook his head. “I’m just wondering why you love eating so much and you tell me you’re not a glutton.” I looked at him in disbelief. “Mr. Yvo dela Costa, gluttony is a grave sin. And besides, I’m not taking the food of others. I am eating my own food.” Humalakhak na lang siya at umiling. “You’re impossible,” aniya bago nagsimulang kumain na rin. Mahigit kalahating oras kami sa pagkain dahil inubos ko talaga ang lahat ng inorder ko. Nang magbabayad na kami ay akmang ilalabas na niya ang credit card niya pero pinigilan ko siya. “I’ll pay for this,” agap ko. Siya na lang kasi lagi ang nagbabayad. Nahihiya na rin ako. Nagtagal ang tingin niya sa akin na para bang nagtatanong kung seryoso ba ako. I smiled. “Consider this as my treat for your misery because of you brother’s wedding with your ex,” I told him as I gave the waiter my credit card. Nanliit ang mga mata niya sa akin. “I’m not in misery.” Tumawa ako sa sagot niya. Tingnan mo ‘to. Napaka in-denial. Hindi naman masama kung aaminin niyang nasasaktan rin siya. “That’s okay, Yvo. The first step in the grieving process is denial,” sabi ko. Ngumiwi siya sa akin. “I’m not in denial, Avery.” “Sure,” sagot ko na lang para matahimik na siya. Bumuntong hininga siya sa harap ko kaya naman natawa na lang ako. Halata naman apektado siya roon. Kaya rin siguro siya nasa Bank Bar dahil gusto niyang magpakalasing. Kaya lang ay ang malas niya dahil nandoon na ako, lasing na lasing at siya ang napagdiskitahan. Pagkalabas namin sa restaurant ay agad ko siyang tinanong kung paano kami pupunta sa Viceroy Bali. Sabi niya ay magtataxi na lang kami para makaiwas sa pagod ng pagko-commute. He’s right, though. I’m tired now. Siguro ay matutulog muna ako pagkarating namin sa hotel. Ngayon na yata tumatama ang hangover ko. Nang makasakay kami sa taxi ay bigla kong naiisip kung ano ang kulang ko. Tumingin ako kay Yvo na tahimik sa tabi ko. Nakasandal ang ulo niya at nakapikit na ang mga mata. Umiling na lang ako at inilabas ang phone ko. Ayaw ko sanang buksan ang phone ko dahil wala rin naman itong kwenta. Nasa ibang bansa ako at walang data rito. “Excuse me,” lakas loob kong sabi sa driver. “Do you mind if I share with your data?” Kumunot ang noo ng driver dahil hindi niya yata ako naintindihan. Uulitin ko na sana ang sinabi ko nang biglang bumalandra sa mukha ko ang cellphone ni Yvo. Napatingin ako sa kanya. “What?” Tumango siya. “Gamitin mo na ‘to,” sabi niya. “I’m on data roaming so you can use it.” Napatikhim ako pero kailangan kong bumili ng camera. Sayang naman kung hindi ko maisusulat ang mga mangyayari rito. Lalo pa ngayong marami akong pinanghuhugutan. Kinuha ko ang phone niya at nakita na default lang ang wallpaper niya. Pagbukas ko ay wala man lang kahit anong application roon maliban sa email at ilan pang messaging apps. Gusto ko rin sanang tingnan ang photo gallery niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay naghanap na lang ako ng lehitimong online store na puwedeng makapagdeliver ng camera sa akin sa Viceroy Bali. Nang makahanap ako ay pumili na ako ng camera. Ramdam ko namang gumalaw si Yvo sa tabi ko. “You’re buying a camera?” tanong niya. Nilingon ko siya at naabutang nakatitig sa screen ng phone niyang nasa mga kamay ko. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa paghahanap. May kinuha naman siya sa bag niya at inabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang ibinibigay niya sa akin. “Bumili ka ng mirrorless cam?” gulat kong tanong sa kanya. Tamad niya lang akong tiningnan. “I figured we…you’ll need this,” sagot niyang parang nalilito pa. Kinagat ko ang labi ko bago kinuha ang camera sa kamay niya. It’s one of the alpha series cameras of Sony. May ganito rin ako pero mas luma ang edition noong sa akin. “Did you just waste your money on a camera?” I asked him as I examined the black camera on my hands. I heard this is good for vlogging. I have friends who often do video blogging and they have this kind of camera. It’s also the reason why I have one. I got influenced. But nonetheless, it is a good camera. Its auto-focus and blur are also easy to understand and manipulate. “You girls love to capture memories. And besides, I love photography too,” aniya bago inagaw ang camera sa akin. Itinapat niya iyon sa akin at ngumiti. “Smile, Avery,” aniya pero hindi ko nagawa ang sinabi niya dahil sa gulat ko. Kinuhanan niya ako ng picture na hindi handa at tawang-tawa sa kinalabasan. Kainis ‘to!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD