Tissue
Iba talaga ang mga lugar kapag nakita mo na sa personal. Kakatapos lang naming bumaba sa taxi at ngayon ay nakaharap sa akin ang Viceroy Bali.
Alam ko nang maganda ang hotel na ito. Nabasa ko at napanood ko na rin sa mga vlogs sa Youtube. Pero hindi ko naman inaakalang ganito ito kaganda sa personal.
Kaya pala kahit pa halos nasa labas ng kabihasnan ay dinadayo ito dahil sa kagandahan at katahimikan nito.
“Let’s go.” Lingon sa akin ni Yvo nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan.
Umiling ako at kinuha ang camera na nakasabit sa leeg ko. Kumuha ako ng iba’t ibang litrato mula sa iba’t ibang magagandang anggulo. Sumunod naman sa akin si Yvo.
Tiningnan ko siya ng masama.
“What?” inosente niyang tanong.
Ngumiwi lang ako. “Punta ka roon! Kasama ka sa picture!” giit ko at itinulak siya papunta sa entrance ng hotel.
Busangot ang mukha niya kaya naman natatawa ako habang kinukuhanan siya ng litrato. Pero guwapo pa rin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw sa kanya noong ex niya.
Pero naisip ko ring baka mas guwapo pa ang kuya niya o kaya ay mas mabait kaya siya ang gusto noong babae.
Dali-dali kong ipinakita sa kanya ang mga nakuhanan kong litrato at halos murahin niya ako dahil sa ganda ng kuha ko. Natatawa na lang ako habang busangot pa rin siya nang pumasok na kami sa hotel.
Agad naman kaming sinalubong nga tatlong staff bago kami iginiya sa reception. Tinanong lamang ng babae ang pangalan ni Yvo bago sinabing ready na ang Viceroy Villa.
Kumunot ang noo ko. Viceroy Villa? Iyon ang kinuha niya? Nilingon ko siya at kumunot din ang noo niya sa akin. “What?” tanong niya.
“Isn’t that like the presidential suite of the whole hotel?” mariin kong bulong.
Diyos ko! Sobrang dami nang gastos ng lalaking ito.
Ngumiwi siya. “I don’t want to stay in an average room, Avery,” sagot niya. “At isa pa, I also need to relax. I can’t relax if I don’t have the best room.”
Nagkibit-balikat na lang ako at tumango. Sabagay, siya naman ang may gastos. Mukha namang hindi nauubos ang pera niya kaya hinayaan ko na lang siya.
“We are here, Sir, Ma’am,” sabi ng bellboy at saka binuksan ang pintuan para sa amin.
Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang kabuuan ng kwarto. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko para makapasok sa loob. I’ve been to a lot of hotels but none of them gave off this kind of ambience.
Anyone who would come inside would literally feel the need to relax. Kahit ayaw mong magrelax ay mapaparelax ka talaga.
Ibinaba ni Yvo ang backpack niya sa kulay cream na couch. Ako naman ay lumabas sa veranda. May pool doon at may mga sun loungers. Para akong nahahalinang maligo sa pool. Sabi ng staff ay may heater raw ang pool na ito.
Mula sa veranda ay tanaw ko rin ang bundok ng Ubud. Ayon sa nabasa ko ay mayroon ring mga rice terraces rito. I wonder if we could visit them all with just four days.
Kung sabagay, puwede naman akong bumalik dito kapag hindi ko napasyalan ang lahat.
“Avery,” tawag sa akin ni Yvo.
Nilingon ko siya at nakita siya sa pintuan ng isa sa mga kwarto.
“I’ll take this room. You take the other one,” aniya.
Tumango ako at pinanood siyang pumasok sa kwartong napili niya.
Ilang minuto pa akong napanganga sa ganda ng paligid bago ko naramdamang kailangan ko na palang maligo.
Nag-ayos ako at nagbihis. Ang unang nasa isip ko kanina ay matulog pero nawala ang antok ko nang makita ang paligid.
This is the thrill that travelling gives me. The beauty of every place makes me curious that it makes me want to explore more. I want to know more about it and I want to be a part of it in one way or another.
I got the sundress and paired it with the brown sandals I bought at the airport. I also put on some tint on my cheeks because I look so pale without it.
Hindi naman ako mestiza pero mukha lang kasi akong may sakit kapag wala akong cheek tint.
Mabilis kong isinabit ang camera sa leeg ko at kinuha ang wallet ko bago ako lumabas ng kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay kita ko si Yvo na nakabihis na rin at nakaupo sa sofa. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.
“I’m going to the gym,” sabi niya at tumango ako. Nanatili ang tingin niya sa akin. Siguro ay naninibago dahil mukha na akong tao ngayon. “Are you going out?”
Tumango ako. “I’ll look around the place,” ngumiti ako.
Ilang segundo pa niya akong tiningnan bago tumango. “All right, where will we meet each other then?”
“Sa dinner na lang? Sa Cascades?” I suggested.
Tumingin siya sa relo niya bago tumango. “So, see you in five hours?”
Ngumiti ako at tumango. “Yes, see you.”
“Don’t get lost. Wala kang cellphone,” bilin niya bago lumabas ng hotel room.
I shook my head and just continued on what I had planned.
Una kong tinungo ang mga pool ng hotel. Marami silang pools. May infinity pools rin sila. Medyo matao sa mga lugar na iyon kaya hindi ako masyadong nagtagal. Nagpicture lang ako at nang nakuha ang mga anggulong gusto ko, umalis na ako.
Naglakad-lakad ako sa garden nila. Gusto ko rito. Walang kahit anong bakas ng Anton. Walang bakas ng Marcela.
I hate that I see him everywhere in the Philippines. We’ve been together for five years so I associate everything with him. Every where I look, I would see him. I would remember everything we did together. I hate that it haunts me all the time. I hate that he haunts me every second.
But being here is refreshing. I am relaxed. Perhaps this is only one of the few places where I will be at peace. Maybe I needed this vacation after all.
Patuloy akong naglakad at nakita ang spa ng hotel. Ngumiti sa akin ang isang staff at inimbitahan akong subukan ang services nila.
It sounds tempting so I gave in. Anyway, I need to relax to the fullest.
Pinapasok na ako sa spa room at wala na akong namalayan. Basta paggising ko ay tapos na ang therapy. Ang sabi ng babae ay napakasarap daw ng tulog ko. Sinabi ko na lang na pagod ako sa biyahe dahil iyon naman ang totoo.
Hindi ko namalayang gabi na pala. Kung hindi ko pa malalaman na alas-siete na kung hindi ko pa narinig ang Russian couple na nag-aaway tungkol sa oras.
Naglakad na ako papunta sa Cascades dahil sinabi kong doon kami magkikita ni Yvo. Siguro naman ay tapos na siyang mag-gym. Ilang oras ba ang ginugugol ng mga lalaki sa pagwowork out? Si Anton kasi tatlong oras siya minsan sa gym. Minsan ay mas matagal pa.
Agad akong sinalubong ng receptionist ng restaurant at nagtanong kung may kasama ba ako. Inilibot ko muna ang mata ko sa lugar at ngumiti sa receptionist bago umiling. Nakita ko si Yvo na nakaupo sa mesa malapit sa overlooking.
Naglakad ako patungo sa kanya at halos magulat siya nang bigla akong umupo sa harap niya. Pinasadahan ko ang suot niya. Isang asul na striped wife-beater at shorts. Hawak niya ang cellphone niya pero hindi naman niya tinitingnan iyon.
Ngumiti ako dahil ramdam kong nakakaasiwa ang pagtitig ko sa kanya. Okay, malaki ang biceps niya. Iyon lang ang tumatak sa isip ko.
“Where’d you go?” tanong niya sa akin.
Inalis ko ang camera sa leeg ko at inabot sa kanya para makita ang mga litratong kinunan ko.
Habang tinitingnan niya ang mga pictures ay dumating na ang waiter dala ang kanilang menu. Halos maglaway na ako sa mga pictures s kanilang menu.
Gaya ng dati ay umorder ako ng napakaraming putahe. Isinama ko na rin si Yvo dahil hindi niya pinapansin ang menu sa harap niya at abala siya sa pagtitingin sa mga pictures sa camera.
Nang matapos siya at tapos na rin akong mag-order. Tiningnan niya ako. “What did you order?” tanong niya sa akin.
Ngumisi ako. “You will see,” sagot ko at napailing na lang siya.
Lalong lumapad ang ngisi ko. Alam naman niya ang kapasidad ko sa pagkain. Pero naisip ko rin na kaya siya hindi matakaw ay dahil conscious siya sa katawan niya. May mga lalaki kasing ganoon. Ang kuya ko ay puro gulay at prutas lang kinakain kapag Lunes, Miyerkules at Biyernes.
“Ano?” tanong ko nang makita kong nakatitig lang siya sa akin.
“Nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?” tanong niya sa akin.
Lumaki ang mga mata ko. “s**t,” bulong ko sa sarili ko siya tiningnang muli. “Kukunin ko lang iyong phone ko sa room ta’s balik ako,” sabi ko at dali-daling tumakbo sa room.
Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang halos full pa ang battery ko. Bumaba ako sa Cascades at naki-connect sa wifi nila.
Pagkaupo ko pa lang ay bumaha na ang mga mensahe para sa akin. Halos mag-hang ang kawawa kong cellphone dahil sa dami ng messages.
“They seem worried about you,” ani Yvo habang tinuturo ang phone ko.
Umiling ako. “Sanay naman na silang bigla na lang akong nawawala,” sagot ko. “Si Anton lang ‘to.”
Tumaas ang kilay niya nang marinig na binanggit ang pangalan ni Anton. “You say his name so passionately,” aniya.
Natawa ako at umiling. Syempre, mahal ko iyon, e. Kahit sinaktan niya ako, mahal ko pa rin siya. Pero kailangan ko nang baguhin iyon.
Matagal na niya akong hindi mahal.
Isa-isa kong binasa ang mga messages na natanggap ko. Maraming mensahe ang galing kay Brenna, iyong pinsan ko. May ilan rin ang galing kina Mommy at Daddy. Marami ang galing kay Anton at mabilis kong binura ang thread na iyon.
Magrereply pa lang sana ako pero nakita ko na ang pangalan ni Kuya, tumatawag sa akin.
“Sorry, this is my Kuya. Sagutin ko lang,” sabi ko kay Yvo bago lumayo para sagutin ang tawag.
“Avery,” boses pa lang ni Kuya ay alam kong galit na siya.
“Hello, Kuya,” malambing kong sagot sa kanya para mabawasan man lang ang galit niya.
Rinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. “Where the hell are you? Kanina ka pa namin kino-contact. Halos umiyak na si Mommy dahil wala kaming balita sa’yo.”
Halos manginig ako sa lamig ng boses niya.
“Kuya, nasa Bali ako. Magbabakasyon lang,” sagot ko. “Kaya hindi niyo ako matawagan kasi wala akong roaming.”
Nagbuntong hininga siya. “Sinong kasama mo?” tanong niya.
“A friend,” sagot ko. Hindi ko alam kung friends na ba talaga kami ni Yvo.
“You’re in another country with a friend,” parang mas lalo akong kinabahan sa tono ng boses niya.
My brother knows everything about me. We’re really close because he’s so protective of me.
“Anong sabi ni Juan Antonio rito?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit napasok si Anton sa usapan?” tanong ko pabalik.
“Aba, siyempre, Avery. Boyfriend mo siya! At hinahanap ka niya sa amin,” sagot niya.
Napalunok ako. “Bakit naman niya ako hahanapin?” maliit ang boses kong nagtanong noon. Umiling ako at humugot ng malalim na hininga. “Anyway, I’m safe here, Kuya. I’ll be back after four days.”
Rinig ko ang buntong hininga niya. “Fine, I’ll pick you up when you arrive,” mariin niyang sinabi bago ibinaba ang tawag.
Para akong nakahinga nang maluwag nang natapos ang tawag. Mabuti at hindi na siya nagtanong pa.
“Is everything good?” tanong ni Yvo habang inaayos ng waiter ang mga pagkain sa mesa.
Tumango ako dahil nawala na ang kaba ko sa dami ng pagkain na nasa harap namin. Lahat ay may maayos at nakakaakit na plating. Halata talagang nasa isang five-star restaurant kami.
Kinuha ko ang camera at isa-isang kinuhanan ng picture ang mga pagkain. Halos patayin na ako ni Yvo sa titig niya dahil medyo natagalan ako sa pagkuha ng litrato.
“Why do you love doing that?” bulong niya sa sarili niya bago nagsimulang kumain.
Inirapan ko na lang siya bago itinabi ang camera at nagsimula na ring kumain.
Nagkwento ako sa kanya tungkol sa mga lugar na napasyalan ko kanina habang kumakain kami. Nagkwento rin naman siya pero halos tatlong oras din ang inilagi niya sa gym kaya mas madami akong napuntahan kaysa sa kanya.
“What’s our plan for tomorrow?” tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “Do you like to travel?” tanong ko sa kanya.
“Sure,” sagot niya bago kinuhang muli ang phone niya. “Why?” tanong niya.
“Are you fond of getting some tour packages or do you like DIY trips?” tanong ko pabalik.
Nag-isip siya. “Well, maganda ang may tour packages, less hassle.”
Tumango ako. “Kung ganoon, kumuha na lang tayo ng tour package,” sabi ko.
Sumang-ayon naman siya kaya naman iyon ang ginawa namin nang matapos kaming kumain. Naghanap kami ng tour packages sa internet at pumili nang mas enjoy at maganda.
Isang oras rin kaming nagtalo bago kami nagkasundo sa itinerary namin para sa tatlong araw na natitira namin dito.
Humingi pa ako ng papel at ballpen sa waiter para lang maayos namin iyon.
“Done,” sabi ko bago ibinigay kay Yvo ang draft.
Umiling siya. “I don’t know why you need to write it. We booked a travel agency for the tours, Avery,” maarte niyang sabi.
Umirap na lang ako sa kawalan. Medyo nasasanay na ako sa panaka-nakang kasungitan nitong si Yvo. Iniintindi ko na lang dahil nagpakasal ang babaeng mahal niya sa kuya niya.
“Inom tayo,” bigla kong sabi.
Tumaas ang kilay niya. “Hindi na kita pagbibigyan kung may iba kang gustong puntahan ulit,” aniya.
Tumawa ako sa sinabi niya. “Hindi naman ako maglalasing. Chill lang,” sabi ko.
Matalim ang titig niya sa akin pero alam kong gusto na niyang pumayag. Nangingiti na siya dahil malawak ang ngiti ko sa kanya.
“Fine,” tikhim niya. “Pero hindi ka maglalasing.”
Tumango ako at napataas pa ang kanang kamay ko na parang nagpapanata akong hindi ako maglalasing sa gabing ito.
Umirap siya at umiling na lang bago kami naglakad papuntang Viceroy Bar.
Mabagal na piano music ang sumalubong sa amin nang pumasok kami sa bar. Tahimik doon at walang dancefloor para sa mga walwal. Sinundan ko si Yvo na patungo na sa isang bakanteng lamesa para sa dalawa.
Ipinanghila niya ako ng upuan bago umupo sa harap ko. Siya ang hinayaan kong mag-order dahil ayokong isipin niyang hayok na hayok na naman akong uminom.
“You came here to clear your mind,” sabi ko sa kanya nang makitang tulala siya sa cellphone niya. “Are you waiting for her to call?”
Umiling siya. “She’s in her honeymoon with my brother right now,” sagot niya. ”And it’s not like she would call me or anything.”
Sumimangot ako sa sagot niya. Kita ko ang sakit sa mukha niya habang inuubos ang shot ng whisky sa baso niya. Masakit ang maiwan ng minamahal…lalo na kung mahal na mahal mo.
“Pareho lang pala tayo,” sabi ko bago nilagok ang isang shot sa harap ko. Mapait akong ngumiti. “Sawi.”
Humalakhak siya at umiling. Wala siyang sinabi at lumagok nalang rin ng isa pang shot.
Luminga-linga ako sa buong bar bago ko nakita ang magnobyong naghahalikan sa kabilang dulo. Halos mapangiwi ako sa nakita. Umiling ako at uminom na lang.
“Bakit?” tanong ni Yvo sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang ituro na lang ang nakita ko. Tumawa si Yvo bago bumaling muli sa akin. “You’re so bitter,” tawa niya.
Umirap ako. “Ang PDA masyado,” nagkunwari akong nanginginig sa pandidiri.
Tumawa lang si Yvo sa akin. “Bakit? Hindi ba kayo naghahalikan ni Anton in public?” mapanukso ang tinig niya sa akin.
Matalim ko siyang tiningnan. Hindi…hindi ganyan kagrabe. That couple is obviously dry humping in public.
“Bakit? Ganyan ba kayo noong ex mo?” tanong ko pabalik.
He shrugged. I looked at him in shock and disbelief.
“You did?” Hindi ako mapaniwala.
“Not with Maureen, though,” aniya. “My other flings, yeah,” pa-cool niyang sagot bago uminom muli.
Tumaas ang kilay ko. “Maureen, huh?”
Tumawa siya nang bahagya bago umiling. “Gaano kayo katagal?” tanong ko. Wala akong ibang magawa kaya iyong lovelife na lang niya ang pinagdiskitahan ko.
“A year, I guess,” sagot niya. “Kayo?”
Malungkot akong ngumiti. “Five years,” humugot ako ng malalim na hininga. “Pero napag-alaman kong matagal na pala niya akong hindi mahal.”
Tumitig lang ako sa shot glass sa harap ko. Sobrang bigat ng puso ko dahil sa tingin ko ay umuulan ng sakit doon. Namumuo ang mga luha sa gilid na aking mga mata.
Pinilit kong tumawa kahit na gusto ko nang umiyak. Ayaw kong umiyak. Ayaw ko nang umiyak. Pumunta ako rito para makalimot pero hindi siya mawala sa isip ko kapag ganitong nasa tahimik na lugar na ako.
“He’s a son of a b***h for making you cry,” ani Yvo.
Tumingin ako sa kanya at naabutan ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin. Malungkot akong ngumiti.
“He used to take me to places,” sabi ko. Siguro kapag nailabas ko na lahat ng kinikimkim kong sama ng loob ay mawawala na rin ang sakit. Maybe I just need to vent it all out so I could be relieved from this pain.
Tahimik si Yvo na nakakatitig lang sa akin habang nakikinig.
“He used to tell me we’d get married in the Carribean,” napangiti ako nang maalala ko ang panahong sinabi sa akin ni Anton iyon. “He’d give me flowers. Noong college, laging may love note galing sa kanya sa locker ko.”
Napatingin ako sa taas dahil pakiramdam ko ay malapit nang bumagsak ang mga luha ko. Nilunok ko ang kung ano mang namumuo sa lalamunan ko.
Huminga ako ng malalim. “We were so in love. We were always together,” patuloy kong sinabi kahit medyo nababasag ang boses ko. “We would always travel. We’ve been to many countries because he accompanies me every time for my work.”
Lumunok ako. “Akala ko ayos lang sa kanya iyon. Akala ko tanggap niyang mahal na mahal ko ang kalayaan,” mapait akong ngumiti. “Pero noong sinabi niya kahapong hindi na niya masabayan ang kalayaan ko, parang nadurog ang puso ko.”
Agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. “Alam mo iyon? Iyong kasiyahan ko, iyon pala ang ayaw niya sa akin? Ayaw pala niyang lagi akong umaalis. Ayaw pala niyang…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko na nakayanan ang pagpipigil sa iyak ko.
Humagulgol ako sa sarap ni Yvo at nagpapasalamat akong hindi siya nagsasalita. I needed this. I needed to cry this out to get it all off my chest.
“Sana sinabi niya dati pa para nakapag-adjust ako para sa kanya,” wika ko nang makabawi. “Kasi kaya kong mag-adjust para sa kanya. Para sa relasyon namin. Pero wala, e. Hinayaan na lang niyang mapalayo ang loob niya sa akin. Wala man lang siyang ginawa para sa amin.”
Pinalis ko ang mga luha ko. “Ang sakit…” humikbi ako. “Ang sakit-sakit…”
Inabutan ako ni Yvo ng tissue. Malungkot akong ngumiti at kinuha ko iyon. “Again, he’s an asshole for making you cry like this.”