Chapter 4

4186 Words
Monkeys and Souvenirs     “Late na ba tayo?” tanong ko kay Yvo habang hinihintay namin iyong van. Nilingon ko ang relo ko at kumunot ang noo. “Maaga pa naman. Nasaan na iyong service natin?” Halos kalahating oras na kasi kaming naghihintay pero wala pa rin iyong service. Pansin ko rin na medyo naiinip na si Yvo sa kahihintay. Tatlong beses na kasi siyang pabalik-balik sa reception para makitawag pero walang sumasagot sa kanya. “Na-scam ba tayo?” tanong ko. Nakabayad na kasi kami nang buo gamit iyong credit card ni Yvo. Nagbuntong hininga lamang siya. “You think it’s better to DIY instead?” Nanlaki ang mata ko. “Hala, Yvo! Sayang naman iyong ibinayad mo sa tour!” Bayad na kaya niya iyong tatlong araw na tour namin. Umirap siya. “Ayos lang. I just don’t like wasting time. We’re not even sure if we’re waiting for something here,” sagot niya. Kinuha niya ang phone niya at saka may itinype doon. Pinanood ko siya habang seryosong nagta-type sa cellphone niya. Nakasuot siya ng kulay brown na fedora hat at masasabi kong sobrang bagay sa kanya noon. Medyo mahaba kasi ang buhok niya kaya para siyang isang artista. Naka-bluegreen na polo lang siya at puting shorts pero ang awra niya ay nagsusumigaw ng kayamanan. Bigla siyang nag-angat ng ulo at ngumisi. “Done checking me out?” mayabang niyang tanong. Umirap ako at tumalikod na. May punto naman siya. Matagal akong tumitig sa katawan niya pero wala namang ibig sabihin iyon. Hindi ba puwedeng masarap lang siya sa mata? Ang guwapo niya, e! I looked at myself and wondered if I looked half as good as he does. I am wearing an orange and white floral hanging polo and a pair of khaki shorts. I am just wearing my brown sandals while he has his pair of black topsiders on. Patuloy niya akong inasar hanggang sa may tumigil na minivan sa harap namin. “There’s our service,” ani Yvo at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan. Litung-lito akong tumitingin sa kanya dahil wala akong kaalam-alam sa mga pakana niya. Nilingon niya ako nang mapansing hindi ako sumunod sa kanya. “Come on, Avery. We need to explore Ubud,” wika niya habang tinatawag ako. Wala pa ako sa tamang ulirat pero sumunod na ako at pumasok na sa loob ng minivan. Umakyat na rin si Yvo pagkatapos ko. Magkatabi kami sa likod habang binabati kami ng driver. “Where is your first destination, Ma’am, Sir?” maligayang tanong ng driver sa amin. Nilingon ko si Yvo. “Monkey Forest?” pagmumungkahi ko. Tumango siya. “To the Monkey Forest please,” magalang niyang utos sa driver na malapad naman ang ngiti at tumango na. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari. Dapat ay kasama kami sa isang tour pero wala namang dumating na van para sunduin kami. “What’s this?” bulong ko kay Yvo. Tumaas ang kilay niya. “I just rented a van because I couldn’t wait for the damn travel agency,” sagot niya. “Saan ka nakakuha nito?” “Sa hotel,” aniya. “Noong pangatlong beses kong pagbalik at walang sagot galing sa travel agency na iyon, sinabi ng receptionist na mayroon silang mga services na puwedeng magamit ng mga guests. Kumuha ako,” nagkibit siya na parang wala lang iyong perang ginasta niya sa kanya. “Sana pala ay doon na lang tayo nagtanong!” Medyo pagalit kong untag dahil nasasayangan talaga ako sa pera ni Yvo. Biruin mo iyong full payment para sa tatlong araw na tour, nawala lang nang parang bula? Tumawa lang si Yvo. “Don’t think about it. Ang mahalaga ay makapasyal na tayo,” aniya. Umiling na lang ako. Iba rin itong rich kid na ito. Pero may punto siya. Mahirap nga namang maghintay sa wala. Napakahirap. “Ang ganda rito,” mangha kong wika nang makita ang kapalayan na nadaraanan namin. To be honest, gusto ko talaga ang ambience sa mga probinsya. Tahimik at payapa. Kung papipiliin lang ako ay gusto ko sanang sa probinsya tumira. Napahawak ako sa bintana ng minivan habang nakatanaw sa mga palayan. May mga magsasaka roon na nagdidilig. Napangiti ako dahil gusto ko talaga ang agrikultura. Kung hindi siguro ako isang writer ay nag-aral ako ng agrikultura noong kolehiyo. Bigla akong nagulat nang may narinig akong shutter. Pagalit kong nilingon si Yvo na ngayon ay sobrang guilty ang mukha. Nasa kanya kasi ang camera at sinubukan niya akong kuhanan ng picture. “Patingin!” sabi ko at pilit na inagaw ang camera sa kanya. Nakita ko ang itsura kong parang batang tuwang tuwa sa nakikita. Matalim ko siyang tiningnan. “What?” inosente niyang tanong. “You look cute.” Tumaas ang kilay ko. “Huwag kang mainlove sa akin ngayon. Vulnerable ako,” biro ko habang umiiling sa litratong iyon. “Sayang naman,” rinig kong bulong niya sa sarili niya. Nilingon ko siya at matalim na tiningnan. “Joke lang!” Tumawa siya sabay kuha ng camera. Itinaas niya ang screen at iniharap sa amin ang lens. “Selfie?” tanong niyang nakangiti. Umirap ako. “Ang arte,” tawa niyang dahilan kung bakit ko hinampas ang braso niya. “Dali na!” Pinigilan ko ang ngiti ko pero pumuwesto pa rin para sa selfie na sinasabi niya. Ilang mga pose ang nagawa namin habang tawang tawa sa mga ekspresyon ng mga mukha namin. Iniscan niya ang mga kuha at wala kaming ginawa kung hindi ang magkumento sa mga litrato. Pero may isa akong nagustuhan. Napatigil rin ang pagpindot niya doon sa picture na iyon. Nakaakbay siya sa akin at malapad ang ngiti habang ako ay matalim siyang tinitingnan. It looked cute and candid. “I’m going to save this,” aniya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Ikinonekta niya ang camera sa cellphone niya at dinownload ang picture na iyon. Tawa siya nang tawa habang nilalait ang mukha ko sa picture na iyon. Sangkaterbang irap ang iginawad ko sa kanya dahil doon. “Huwag mong ipopost iyan!” banta ko sa kanya. “Baka iba ang isipin ng mga flings mo.” Humalakhak lang siya at umiling bago ibinalik sa bulsa niya ang cellphone niya. Napag-alaman ko kasi kagabi na maraming babae ang nakahilera para sa kanya. Hindi niya sinabi nang direkta pero kita ko kung paano siya lapitan ng mga babae nang sandali akong gumamit ng restroom. Nangingiti-ngiti ako at tumingin palayo sa labas. “Let’s have a deal,” biglang sabi niya. Napabaling ako sa kanya. “Anong deal?” Hinarap niya ang katawan niya sa akin at ngumisi. “For every single time that we talk about our exes, we take a disgusting ugly selfie and post it on each other’s social media account.” Napanganga ako sa sinabi niya. “What? No!” I waved my hands vigriously in front of him. Tumawa siya pero umiling. “Come on,” pilit niya. “This way, we’ll prevent ourselves from thinking about the past.” Suminghap ako sa itsura niya. Mukha kasi siyang tuwang-tuwa sa ideyang iyon na para bang iyon na ang pinakamagandang ideyang naisip niya sa buong buhay niya. “Kahihiyan naman ang aabutin ko riyan!” pagtanggi ko. Tumawa lang siya. “Kaya nga huwag mong banggitin para hindi ka mapahiya sa mga followers ko,” pagrarason niya. I looked at him in disbelief. “Are you serious about this?” Kakasabi ko lang rin na ayaw kong maipost sa social media account niya! Bakit niya ba ito naisip? Humagalpak siya sa tawa. “Oo naman, Avery! Dapat confident kang hindi ka maipopost sa account ko kasi hindi mo na babanggitin iyong gago mong ex.” I snarled at him but he was wriggling his brows at me. He seemed so determined to push this deal. Hell, I won’t talk about Anton but I’m sure as hell that I’m not going to agree with him. “Pumayag ka na,” pagpipilit niya. “Nagpunta pa tayo rito sa Indonesia para makalimot, ‘di ba? Why not make it our goal to totally erase the people who hurt us from our lives?” I narrowed my eyes at him but he didn’t even flinch at all. He was so unwavering. He is so persistent. I sighed in defeat. “Ano namang makukuha ko rito?” tanong ko. He grinned at me as he sensed that I am already about to give in to this preposterous deal. “Me,” he replied so confidently that I almost trembled. I gawked at him and scoffed. “What? No!” He laughed at my reaction and I just rolled my eyes at him. “You’re funny.” He’s already clutching on his stomach. He laughed a little more while I stayed glaring at him. When he noticed that I am already sending him ddaggers, he stopped laughing. He sat straight and cleared his throat. “You’re going to get the freedom that you deserve. From your ex!” I raised my brow. He smirked. “Win-win, right? Well, bukod sa makukuha mo akong ipost sa account mo at maging instant famous dahil may lalaking guwapo—” Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko dahil kung anu-ano na ang lumalabas dito. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit hindi na maintindihan ang mga iyon. Hinawakan niya ang braso ko at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa kanya. “Ang kulit mo ngayon,” sabi ko bago ko tinanggal ang palad ko sa bibig niya. Pinunasan ko ang palad ko bago ko siya matalim na tiningnan. He’s just grinning at me. “So, deal?” I took a deep breath and pursed my lips in a thin line. “Fine.” He threw his fist in the air like a kid while I just shook my head at his childish act. Ilang minuto ay nakarating na kami sa Monkey Forest. Sa malayo pa lang ay kita ko na ang dami ng taong naroon. Bumaba ako at inayos ang shorts ko habang kinausap naman ni Yvo ang driver namin. Nang matapos silang mag-usap ay pinuntahan na ako ni Yvo. “Is an hour and a half fine with you?” tanong niya sa akin habang busy ako sa pagkuha ng picture a lugar. Tumango ako at mabilis siyang kinuhanan ng nakaw na litrato. Halos napamura siya at tinakpan ang mga mata dahil may flash pala iyon. Tumawa na lang ako at naglakad na papasok sa Monkey Forest. Sinalubong ako ng isang lalaking sa tingin ko ay staff dito. Malawak ang ngiti niya sa akin. “Welcome to the Monkey Forest, ma’am!” bati niya gamit ang pilit na Ingles. Ngumiti ako at inilibot ang mata ko sa paligid. Maraming unggoy. Obviously. But I’m just not sure what type of monkeys they are but there are a lot. Everywhere I look, I see monkeys interacting with children and adults. “Uy, ‘yong ex mo, oh!” sabi ni Yvo habang tinuturo ang unggoy sa harapan ko. Madilim ko siyang tinapunan ng tingin. “Hindi mukhang unggoy si Anton, ha!” diin ko sa kanya bago ko nakitang may sumilay na ngiti sa labi niya. What the hell? Tsaka ko lang nalaman kung anong mali sa sinabi ko nang iabot niya sa akin ang cellphone niya. “What?! Hindi counted ‘yon! You triggered me!” depensa ko pero umiling siya. “The deal doesn’t have rules, Avery.” Inaabot niya sa akin ang cellphone niya. “Saying a word about your ex is valid in whatever reason or manner it was brought up.” Ilang mura ang pinakawalan ko bago ko kinuha ang cellphone niya. “Humanda ka sa aking hayop ka,” banta ko sa kanya bago ko binuksan ang camera niya at kumuha ng isang pangit na litrato ng mukha ko. Ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya at chineck niya ang kuha ko. Humagalpak siya sa tawa nang makita ang itsura ko roon. In the photo, I scrunched my nose and showed my gums while my lips are pressed inwards. I looked like an idiot. Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan ko siyang tawang-tawa sa itsura ko. Siguro ay inabot siya ng tatlong minuto sa kakatawa. Kita ko ring masakit na ang tiyan niya dahil nakahawak na siya roon. Umiling na lang ako. “Damn! Buena mano,” tuwang-tuwa pa rin siya habang may pinipindot sa cellphone niya. I’m guessing he’s already about to post it. Ilang segundo pa siyang nagpipindot doon bago niya ipinakita sa akin ang screen ng cellphone niya. He’s on i********: stories and my picture is about to be posted with a caption, “Somebody defended a monkey, so she lost the dare.” Kasunod ng ilang emoticon na tumatawa. Tumikhim lang ako at inirapan siya. Bakit ba kasi ako pumayag dito? Ipinahamak ko lang ang sarili ko. But then I should stop thinking about my humiliation and start plotting something so I could get him to speak about his ex, too. Payback’s a real b***h, Yvo dela Costa! Inabala ko muna sa sarili ko sa pagkuha ng litrato sa lugar. Minsan ay si Yvo ang nagiging subject ko dahil siya lang naman ang kakilala ko. Isa pa, sa kanya itong camera. “Come on, Yvo. Pose with your brother!” I teased him as he was standing next to the biggest monkey I’ve seen in the area. “Tss,” irap niya sa akin at saka tumabi sa unggoy. “Mau liked that monkey,” buntong-hininga niya sa sarili niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyong sinambit niya. Huli na rin noong napagtanto niyang may mali siyang nasabi. Madali kong kinuha iyong cellphone ko sa bulsa at inabot sa kanya. Matamis ko siyang tiningnan habang tawang-tawa naman siya. Hindi ko alam kung sa akin ba o sa katangahan at kapabayaan niya. “f**k this,” bulong niya sa sarili niya habang itinatapat ang mukha niya sa camera. Nasa likod niya ang unggoy at mukhang cute siya roon kaya kinuhanan ko rin ng behind-the-scenes footage. Tawang-tawa ako sa itsura niyang nakanganga at kulay puti na lang ng mata niya ang kita. He looked morbid but nonetheless, still funny. Mabuti na lang at bumili ako ng simcard kaninang may data kaya makakapagpost ako sa i********: ko. I typed, “Somebody sulked because of a monkey, so he lost the dare.” Sinamahan ko pa iyon ng isang gif ng unggoy na nakahandusay sa kakatawa. Pinapanood ako ni Yvo habang nagpopost ako. “f**k, I look so abnormal,” aniya. Tinawanan ko na lang siya ang umiling bago ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. I wriggled my brows at him. “Quits na,” mayabang kong wika sa kanya. Umirap lang siya at alam kong nagpaplano na siya kung paano niya ako matatalo ulit. Kagabi, nalaman kong tuso ang isang ito. Sinabi niya kasing pang-limang shot ko pa lang pero ang totoo ay pang-walo na. Hilung-hilo na ako kaya hindi puwedeng lima pa lang ang naiinom ko. Malabo rin ang isang ito. Ang sabi niya ayaw niya akong malasing pero pagkatapos kong humagulgol sa harap niya, panay naman ang bigay niya sa akin ng alak. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng Monkey Forest. Ilang larawan na rin ang nakuha namin. May ilang litrato kaming magkasama at nagpapasuyo na lang sa mga turista. At bilang ganti, nagpre-presinta na lang kaming kukuhanan rin namin sila ng litrato. Nang matapos ang isa’t kalahating oras ay bumalik na kami sa service. Nakita naming naghihintay ang driver. Nilingon ko si Yvo. “What’s his name?” tanong ko dahil parang hindi magandang hindi ko alam ang pangalan ng driver namin. Kumunot ang noo niya. “Ismaya,” sagot niya. “Hindi mo ba nabasa sa ID niya sa loob kanina?” I shook my head. I was too fasciniated with the plains so I didn’t mind whatever was inside the van. Umiling si Yvo. Isa pa, mas inalala ko ang deal na sinasabi niya kaysa sa pangalan ng driver namin. Masayang ngumiti sa amin si Kuya Ismaya. “Where are we going next, Sir?” tanong niya kay Yvo. “Royal Palace?” tanong ni Yvo sa akin. Tumango ako. “Sounds fun,” sagot ko bago ako pumasok sa sasakyan. ///Habang nasa biyahe ay ang driver ang napagdiskitahan ko. Napag-alaman kong mayroon siyang tatlong anak na babae. Ang panganay niya ay gustong maging doktor kaya nag-aaral ito nang mabuti para sa scholarship na makukuha niya sa gobyerno ng Bali. Ang dalawa pa niyang anak ay nasa high school pa lamang pero mukhang matatalino rin dahil sa mga kwento niya. I could see how proud he is with his children. Kahit naman siguro ako ay ganoon rin ang mararamdaman kung makikitang maliwanag ang hinaharap ng mga anak ko. But it made me wonder if my parents are proud of what I’ve become. I am already twenty-four but I never asked them if they were proud of me. They were always supportive of me, yes, but were they proud of the path I chose? Hindi nila ako pinipilit na magtrabaho sa kompanya dahil alam nilang hindi iyon ang gusto ko. Si Kuya ang may hilig sa mga bagay patungkol sa negosyo kaya siya ang kasama ni daddy na namamahala roon. Matalino si Kuya. He graduated Summa c*m Laude in Business Administration. May MBA rin siyang nakuha niya pa sa Amerika. Meanwhile, I am the prodigal daughter. I always do what I want. I fell in love with traveling and now I’m earning a living doing the thing that I love the most. I wonder if that’s enough to make the people I love proud. I don’t have a master’s degree like my brother. I don’t understand anything about business. Am I making my parents proud? “Hey,” I stepped out of my thoughts when I heard Yvo call me. He looked at me with questioning eyes. “Are you okay?” I smiled weakly and nodded. “Yeah,” I looked away. “May naisip lang.” Hindi na nagsalita si Yvo hanggang sa nakarating kami sa Bali Ubud Royal Palace. “This is nice,” iyon lang ang nasabi ko pagkababa ko ng sasakyan. Agad akong kumuha ng mga litrato dahil ang sabi ni Yvo ay isang oras lang kami rito para makakain na rin kami. Medyo sumaya ako nang marinig na malapit na kaming kumain. Kaya naman halos hilain ko na si Yvo sa loob ng Royal Palace para makapagpicture na kami. “Surreal,” I uttered as I walked around the area. It feels like I am walking in the 1800s because of the ambience. The local guide told us the history of the place and I was in awe when I learned how the people actually preserved the authenticity of the place up to this day. It was as if I was walking through a memory lane as I stared at the infrastructures. Marami rito ang gawa sa bato. Ginto rin ang nakikita kong nakabalot sa mga rebulto. Ang sabi ng guide ay ito ang bahay ng mga raja sa Bali. Hindi naman daw talaga ito palasyo, ito ay isang Puri, bahay ng mga dugong bughaw sa lugar na ito. Tahimik si Yvo na nagmamasid sa disenyo ng lugar. Napangiti ako at naisipang kumuha ng selfie naming dalawa. “Right, I wasn’t even looking,” reklamo niya kaya umulit kami ng ilan pang beses hanggang sa nagustuhan na naming dalawa ang kuha. Habang naglalakad kami ay dinadama ko kung anong klaseng buhay ang mayroon ang mga taga-rito. Thinking about all the natural resources and the ambience of the place makes me extremely envious. Payak ang pamumuhay nila pero kita ko kung gaano sila kakuntento sa buhay na mayroon sila. It makes me think about the toxicity of living in a city where everyone always wanted to have more, and when they have more, they would want even more. It’s like a vicious cycle. It’s so twisted and out-of-hand. Kyuryoso ang titig ni Yvo sa akin dahil bigla akong huminto sa paglalakad. Binigyan ko lang siya ng ngiti bago sumunod sa kanya. Nang makaabot kami sa Art Market ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Dali-dali akong namili ng mga magagandang puwedeng ipampasalubong kina Mommy, Daddy at Kuya. Pasalubong at pampalubag-loob dahil umalis ako nang walang paalam. Hindi ko alam kung saan ako lilingon sa dami ng mga puwedeng pampasalubong sa harap ko. Nilingon ko si Yvo na nauna sa akin dahil mukhang wala siyang magustuhan sa mga ito. Sinimangutan ko siya noong napatingin rin siya sa akin. Itinuro ko ang mga bag sa harap kong parang gawa sa kahoy. Lumapit siya sa akin at nakitingin na rin sa mga bag na ito. “Are you going to buy?” tanong niya. Tumango ako. “I’ll buy one for myself,” wala sa sarili kong sagot dahil abala na ako sa pagpili ng magandang disenyo. Tumigil ako nang makita ang isang pulang bilog na sling bag na may bulaklak sa harap. Ilang minuto rin akong nakipagtawaran sa tindera. Nang pumayag ito sa presyong gusto ko ay kinuha ko na ito. Tamad kong tiningnan ni Yvo habang naghihintay siya sa labas. Malapad na ngiti ang iginawad ko para naman mabawasan ang pagkabagot niya. Naalala ko nang nasa airport kami at bumibili ng damit, halos pagalitan na niya ako sa tagal ng pamimili ko. Dapat kapag bumili ako ng iba pang pasalubong, hindi ko na siya kasama para hindi ako magmadali. “That’s nice.” Tumaas ang kilay niya nang makita ang nabili kong bag. Tumango ako ang isinabit ang bag sa aking balikat. Inilagay ko rin doon ang aking cellphone at wallet. “Are you going to buy more?” tanong niya habang magkatabi kaming naglalakad. My eyes roamed around and nodded. “I want to,” I replied. “You should, then.” Sumulyap ako sa kanya. “Are you not buying something for your friends or family?” I asked him curiously. He just shrugged. “We don’t really buy souvenirs for each other when we travel.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ang boring naman ng buhay niyo,” sabi ko. “Sabagay, mayaman kayo so you don’t really need souvenirs.” Rinig ko ang mahina niyang halakhak. “Can’t I just be more of a memories guy instead of souvenirs?” “You know, memories are fun. I like to collect memories that’s why I always take pictures of the places I’ve been to,” hinarap ko siya. “But it’s still different to have a memorabilia. And besides, the souvenirs actually give you a physical representation that you were in a place.” I shrugged. He nodded and then showed me his phone with my ugly selfie. “This is my memorabilia,” he grinned widely. I scowled at him and he just snickered. Natagalan kami—well, mostly me—sa pagtingin ng kung anong puwedeng mabili para kina Mommy, Daddy at Kuya pero wala naman akong narinig na reklamo kay Yvo. Himala nga, e, dahil ang alam ko’y pagagalitan niya ako. Contrary to what he said about my ugly selfie being his memorabilia of this trip, he bought a couple of Balinese shirts—the shiny ones. I wonder if he’ll wear them, though. But I think if he does, they’ll go well with him. Bagay naman ata sa kanya kahit anong isuot niya. Halos dalawang oras pa ata bago kami nagdesisyong kumain dahil naparami ako ng nabili. For lunch, we settled for a Balinese cuisine which was really good. It’s not that different from the Filipino dishes’ appearances but the taste is definitely different. “Timeout,” sabi bigla ni Yvo nang matapos kaming kumain. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Ha?” “I said, timeout,” ulit niya. “I just want to ask if you bought something for your ex.” I narrowed my eyes at him. “Kapag ba sinagot ko iyan, mapapakuha na naman ako ng pangit na selfie?” I asked him because I don’t trust him when it comes to the deal. He’s a schemer. Humalakhak siya at umiling. “Ano ka ba? Timeout nga, e. Kaya puwedeng pag-usapan.” Tumaas ang kilay ko. “Malay ko ba kung sasabihin mong walang timeout sa pinag-usapan natin. Tuso ka, e.” Tumawa lang siya sa sinabi ko at saka umiling. “Come on, Avery,” aniya. “I’m just curious. You bought a lot so it made me wonder if you bought one for your ex.” I sighed and shook my head. “Nope. Why would I buy something for him anyway?” He shrugged. “I bought something for Mau,” he confessed. Maloko ko siyang tiningnan. “Kasal na siya, Yvo,” I told him like I’m trying to remind him or warn him about the current situation of his love for Maureen. “I know. But it doesn’t mean I couldn’t buy her something,” depensa niya. “I bought a handmade bracelet for her because she’s the first person I thought of when I saw it.” I stared at him and saw that he’s somehow better now when talking about his ex. He doesn’t look sulking unlike last night. Siguro nga ay mas mabilis makamove on ang mga lalaki. “So what do you think will your brother think if he knew that you gave his wife a bracelet?” He met my eyes and grinned. “This is my goodbye gift, Avery. I’m in the process of accepting that it’s really over for us.” Goodbye gift? Sinong tanga ang magbibigay ng goodbye gift? Sinaktan siya ng babaeng iyon pero bibigyan pa niya ng regalo? Tanga rin ang isang ito talaga, e. “Did you cry last night?” I asked him suddenly out of the topic. He furrowed his brows at me. “Did you cry when you were alone in your room last night?” “Why?” tanong niya habang medyo lumalapit sa akin, para bang interesado siya sa tanong ko. Nagkibit ako. “I read from some books and articles that loneliness comes when you’re alone,” panimula ko. “You may not feel sad when you’re with someone but when you’re alone, the pain and sadness usually set in.” Mataman niya akong tinitigang para bang gusto niyang ipaliwanag ko pa ang sinasabi ko sa kanya. Bahagya akong ngumiti. “Like me, I’m not crying now because I am out and I am with you. But when I am alone,” I paused and sighed. “I usually talk to myself and ask where everything has gone wrong. I still long for him.” Tumikhim si Yvo at umayos ng upo. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. “I guess it’s why they say you need someone else in order to move on,” seryoso niyang sagot sa akin bago nag-iwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD