No Timeouts
Hindi ko alam kung paano pa ako nakaabot sa hotel room pagkatapos ng isang buong araw na pamamasyal sa Ubud. Halos itapon ko na ang sarili ko sa kama dahil sa sobrang pagod.
Pinauna na ako ni Yvo sa pag-akyat dahil kinausap pa niya si Kuya Ismaya. Sa tingin ko ay kinokontrata na niya ito para bukas. Balak kasi naming mag-elephant ride.
Pumikit ako at dinama ang lambot ng kama. Hindi ko kasi masyadong naramdaman ito kagabi dahil tulog na tulog na ako pagkahiga ko pa lang dahil sa kalasingan.
Hindi ko mapigilang hindi isipin ang sinabi ni Yvo pagkatapos naming mananghalian.
Do we really need to be with someone to move on? Wouldn’t that be called a rebound?
Pero kapag iniisip ko kung bakit ganoon ang nasabi niya ay halos gusto ko nang murahin ang sarili ko. He’s not thinking the same thing as me, right? That can’t happen.
Umupo ako sa gitna ng kama at kinuha ang phone ko sa bag. Agad kong binuksan ang cellular data at naghintay na matapos ang pagdating ng lahat ng mga notification bago nagsimulang magbasa ng mga mensahe.
Halos lahat ng notification ko ay galing sa i********:. Siguro ay dahil sa picture ni Yvo kasama ang unggoy. Marami sa mga mensahe ay nagtatanong kung sino iyon. May mga nagtatanong kung wala na ba kami ni Anton.
Well, wala na kami. Pero hindi ko sila sinagot sa mga tinatanong nila.
Nang makita kong may direct message ni Brenna ay iyon lang ang binuksan ko.
@brennaaguirre: Who’s that pokemon?!
Mabilis akong nagtipa ng reply pero bigla na lamang siyang tumawag sa akin sa i********:.
Sinagot ko iyon at itinapat ang cellphone ko sa mukha ko.
Bumungad sa akin ang ayos na ayos na mukha ng aking pinsan. Mukhang pupunta na naman ito sa isang party. Mahilig kasi itong mag-party-all-night.
“Oh, my gosh, Avery! Sino iyon?” kinikilig na tanong niya sa akin.
Tumikhim ako. “Yvo dela Costa,” sagot ko.
Nanlaki ang mga mata niya. “Are you serious?! The Yvo dela Costa? Ang COO ng DLC Industries?” hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
Kumunot ang noo ko. So, he’s a COO? I didn’t know that. Pero kaya pala medyo pamilyar ang pangalan niya noong una ko iyong marinig. COO pala siya ng isa sa mga pinakamalaking real estate at construction company.
Brenna looked at me in horror when she saw that I had no clue who Yvo dela Costa was. “Don’t tell me you didn’t know who he was?”
I rolled my eyes. I am not interested in business so I don’t really know the famous people in that field. And it’s not like it’s a sin that I didn’t know him.
“Goodness, Avery! Paano kayo nagkakilala? Saan ka niya nakita? Kasama mo ba siyang pumunta riyan sa Bali? Sa Bali na ba kayo nagkita? Ano?”
Halos sumakit ang ulo ko sa dami ng tanong ni Brenna sa akin pero wala rin akong nagawa dahil ikinuwento ko rin ang lahat sa kanya simula doon sa parteng wala na kami ni Anton.
“Ang gago ni Anton! Nanggigigil ako,” asik niya sa akin. “Naku, ‘pag nakita ko siya mamaya sa party ni Dionne, kukumprontahin ko talaga siya!”
Umirap ako sa kanya. “Hindi na kailangan, Brens,” sabi ko. “Nasaktan ko na silang dalawa ni Marcela.”
Matalim akong tiningnan ni Brenna. “Kulang pa iyon! Niloko ka nila, Avery! Physical pain is not enough,” pagalit na sabi niya sa akin.
I pursed my lips in a thin line. “Okay na. He said he doesn’t love me anymore. Wala nang magagawa ang kahit anong paliwanag doon.”
Right. Kapag sinabing hindi ka na niya mahal, wala nang tanong-tanong kasi kahit gaano kahaba ang paliwanag, iyon pa rin naman ang patutunguhan noon.
Hindi. Ka. Na. Niya. Mahal.
And that’s the bitter pill I have to swallow.
Nagdabog si Brenna sa kabilang linya. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya ako muling nilingon. “I hope you’re not using Yvo dela Costa as your rebound guy, cous.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?!” napalakas ang boses ko roon. “Hindi, ‘no!”
She looked at me meaningfully. Alam ko iyang titig niyang iyan. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin.
“Hindi nga! Totoo!” Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang kumbinsihin pero iyon nga ang ginagawa ko ngayon.
She sighed. “I’m just saying, Av. You’re vulnerable right now. That’s going to end up really messy.”
I smiled widely at her. “Hindi talaga.” I shook my head. “And I know that, Bren. I don’t need to be reminded by it.”
Her lips are in a grim line as she looked at me. “Kailan ang balik mo? Susunduin ka namin sa airport ni Kuya Mik.”
Sinabi ko ang flight details ko sa kanya at tumango lang siya. May biglang tumawag sa kanya kaya nagpaalam na rin siya sa akin. Nang matapos ang tawag ay agad na akong naligo para magbihis ng pantulog.
Nang matapos akong maligo ay narinig kong may kumatok sa pinto. Naglakad ako para buksan iyon at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang topless na Yvo dela Costa sa aking harapan.
Naka-boxers lang siya habang nakangisi sa akin.
I gaped at him. “Why are you not wearing your shirt?” I asked in a panic state.
Lito niya akong tiningnan. “I’m going to swim. I was going to ask you if you want to swim, too.”
I immediately shook my head. The idea of me and him in the pool makes me even more panic. “No,” I replied. “Pagod na ako. Matutulog na ako.”
I know he’s fond of going to the gym but I never thought he has the kind of body that male models root for. Ipapahiya niya ang lahat ng katawan ng mga modelo sa magazine kapag tinabihan siya nang mga ito.
Tinitigan niya ako ng medyo matagal bago tumango. “All right. Tomorrow, we’ll go after lunch.”
Tumango ako. “Yup, got it.”
Matipid siyang ngumiti bago tumalikod para pumunta sa swimming pool. I watched his back turned on me and always rolled my eyes as I saw how formed his muscles were.
I shut my door and lied on my bed.
I shut my eyes and tried to calm my bothered conscience.
My phone suddenly beeped.
Juan Antonio Dela Fuente:
Av, can we talk? When are you going back?
Biglang nanikip ang dibdib ko nang mabasa ko iyong iMessage ni Anton. Gusto niyang makipag-usap pagbalik ko sa Pilipinas. Pero para saan pa ba iyon?
Nasaktan na ako. Nasaktan ko na rin sila.
Hindi na niya ako mahal. Kahit anong paliwanag o rason niya ay iyon rin naman ang bagsak ng lahat ng ito.
Me:
No need. It’s crystal clear to me, Anton. Stop inflicting more pain, please. I deserve that at least.
Mabilis kong pinatay ang cellular data ko at umupo sa kama. Tears are already threatening to fall from my eyes as I reminisced what happened just about forty-eight hours ago.
Was there a better way to hurt someone other than cheating?
Did I even deserve this?
I wiped my tears and took a deep breath to collect my cool but I could not. My heart is aching so badly that I think I need to do something to numb it.
This pain is different. It is more excruciating.
This trip was supposed to make it all bearable. And it really does…when I’m with Yvo. Pero bakit kapag mag-isa na lang ako, doon bumubulusok ang lahat ng sakit?
I sobbed and buried my face in my hands. The same questions lingered in my head as I cried for my failed relationship with Anton.
Ganoon ba kaliit ang pagmamahal niya sa akin para saktan ako ng ganito?
Sa dinami-rami ng babae, iyon pang babaeng pinagkakatiwalaan ko?
I don’t think I could ever move on from these questions. Maybe I don’t need to. Maybe I have to remember all these so I wouldn’t make the same mistake again.
Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Paggising ko ay nakatayo na si Yvo sa pintuan at tinititigan ako. Malalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Umupo ako sa kama at kinusot ang mga mata.
“Tanghali na ba?” tanong ko.
“It’s just ten in the morning,” sagot niya.
Pinagmasdan ko siya. Bihis na siya at parang inip na inip na sa paghihintay sa akin.
Tumango ako at tumayo na. “Sorry, I overslept,” sabi ko sabay kuha ng damit sa bag para makaligo na rin.
Rinig ko ang tikhim niya. “Are you okay?” tanong niya.
Nilingon ko siya at ngumiti. “Yup.” Bumalik ako sa pagpili ng susuoting damit.
“Sorry, I heard you crying last night,” mahina niyang sambit.
Natigilan ako pero tumango na lang rin. I wouldn’t dare deny that. Ang hindi ko lang matanggap ay isang text lang ni Anton ay para akong batang iiyak na lang ng walang dahilan.
I need to change that.
“Did he talk to you?” tanong niya.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “If I answer that, do I need to take an ugly selfie again?”
Natawa lang siya at umiling. “Right, we shouldn’t talk about them.”
I smiled at him. I would be hurting pretty bad but Yvo makes it a little bearable. “Puwede bang walang timeout ngayon?”
Kumunot ang mata niya sa sinabi ko. Napatigil siya ng ilang segundo bago tumango. “Fair enough, wala rin namang timeout sa pag-ikot ng mundo.”
Natawa ako sa banat niya. “Good, ayaw ko na rin kasing mag-timeout sa pagmomove on sa kanya.”
Tumango siya. “Then, go ahead and take a bath before we eat our brunch,” utos niya bago umalis sa kwarto koat isinara ang pinto.
He’s right. Walang timeout sa pag-ikot ng mundo. The world goes on regardless of what I am feeling. The world doesn’t wait for me to be okay to be able to go on.
I should stop sulking and start making my life better.