Chapter 6

2723 Words
Elephants and Proximity     The Elephant Safari Park is definitely one of my favorite places among all that I have visited. And I’m not lying. Watching the elephants made my heart swell in amazement. Nakakatuwa silang panoorin dahil ang lalaki nila pero napaka-amo nilang tingnan. “The guide asked if we want to start with the trek now,” bulong ni Yvo nang bigla siyang tumabi sa akin. I looked at him and smiled. I handed him the camera and asked him to take a picture of me with the cute elephants as my background. Ilang shots rin ang kinuha niya para sa akin. I did the same to him because he seemed to be fond of the elephants, too. “Let’s go?” tanong niya sa akin pagkatapos naming magpicture. Tumango ako at sumunod na sa kanya. Several elephants are lined up and the tourists got on them one-by-one. Pumila kami ni Yvo sa mahabang pilang iyon. Nilingon niya ako. Tumaas ang kilay ko. “What?” He smiled and pointed at the couple who are kissing on top of the elephant. “You hate those kinds of PDA, right?” he chuckled. I narrowed my eyes at him. He really loves to make fun of me. I believe he remembered the couple in the bar who were literally dry-humping each other. “Nope. That’s not as disgusting as the couple in the bar,” sagot ko at ngumiwi sa kanya. He chuckled and just shook his head. He didn’t speak after. He just busied himself by looking at the place. I would snap photos of him from time to time and he seemed to like it. When it was already our turn, he helped me get up the elephant. He followed suit, settling beside me. Medyo masikip ang upuan at nagtatama ang aming mga braso kaya naman inilagay niya sa likod ko ang braso niya. May kung ano sa puso kong hindi ko maipaliwanag. “Baka mahulog ka,” bulong niya nang makitang medyo lumayo ako sa kanya. I bit my lip. He rested his right hand on my right upper arm as he pulled me closer to him. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig rin siya sa akin. I felt my world stop. I have only known him for a few days and I have never seen his face this close. Sure, I know he’s really handsome. I must admit that he is more handsome than Anton. Anton’s handsome because of his angelic features. He looks like the typical boy-next-door. Yvo, on the other hand, looks ruthless and brooding. He looks dominant, like he can make you do anything he wants you to do. His rugged look makes him a little wilder. I just noticed now how his eyes are in the darker shade of brown. Looking at him is seeing my reflection under his brooding stare. “Don’t fall,” he said before looking ahead. Kumunot ang noo ko. Parang may humawak sa puso ko nang marinig ko iyon sa kanya. I know what he is pertaining to. He doesn’t want me to fall from the elephant. I looked straight and calmed my heart while his hand stayed on my arm. The trek started and I took pictures of the places we’re passing through. I love these kinds of places—quiet and relaxing. Many people choose to go to the beach when they wanted to relax but I don’t. I would prefer going to a town where all I can see are plains and mountains. “Ang ganda…” I couldn’t hide the amusement in my voice. The whole place is so green. I wanted to go down and roll over the grass. This is definitely destressing! May sinasabi ang guide sa harap pero hindi ako nakikinig. Abala ako sa pagkamangha sa ganda ng kalikasan. Now, it just makes me want to come back here over and over again. Ilang minuto lamang ang trek at medyo nanlumo ako dahil doon. I want to ride once more and go through it again but Yvo said we could feed the elephants first. I agreed. That sounds like fun, too. Tawa kami nang tawa sa pagpapakain ng mga elepante. Minsan kasi ay kami na mismo ang dinidikitan ng nguso ng mga ito. “Masarap ka yata, e,” tukso ko kay Yvo dahil siya ang mas gusto ng elepante. Tumaas ang kilay niya at ngumisi. “Bakit hindi mo tikman para malaman mo?” maloko niyang sagot. Nalaglag ang panga ko at wala nang nagawa kung hindi ihampas sa kanya ang hawak kong dahon. Humalakhak lang siya habang sinasangga ang mga hampas ko. “Bakit? You asked!” depensa niya kahit tawang tawa pa rin siya. Inirapan ko lang siya. Didn’t he think I would be bothered by his words? He’s so dumb! Nakakainis! Ngumiti-ngiti lang siya habang patuloy kaming nagpakain ng mga elepante. Naka-ilang pictures at selfies rin kami. Marami ring mga turista ang nagpapapicture kay Yvo. Iba-iba ang lahi. Halos hindi magkamayaw ang medyo may edad nang guide nang magpapicture ito kay Yvo. Umiling-iling na lang ako dahil kitang kilig na kilig ang mga ito habang nakaakbay si Yvo sa kanila. “I’m happy you don’t have a jealous girlfriend,” ani ng isang Amerikana kay Yvo pagkatapos nitong magpapicture. Halatang interesado siya kay Yvo dahil sa lagkit ng tingin nito. Tumingin sa akin si Yvo at kumunot ang noo ko. Tumawa ako sa Amerikana at umiling. “I’m not his girlfriend,” paglilinaw ko. Lumaki ang mata ng babae at saka ngumisi kay Yvo. May ibinulong siya kay Yvo na siya namang nagpangisi rito. Napa-iling na lang ako dahil malamang may plano na si Yvo pagkatapos ng pamamasyal namin rito. Well, I can’t blame him. He’s single and he needs to mingle with other women. Nang matapos na silang magpicture taking ay nagpasya kami ni Yvo na maglakad-lakad muna sa safari. Sumama kami sa tour kung saan tinalakay ay kasaysayan ng safari. “Are you thirsty?” tanong ni Yvo nang mapansing nagpapawis na ako dahil sa kakalakad. Ngumisi ako at tumango. “Ang init,” sambit ko. “All right, I’ll get us water,” aniya bago tumakbo at bumili ng tubig. Umupo ako sa isang bench at nagmasid sa paligid. I love watching people. Something about watching them without them knowing makes me contented. Gusto kong pinapanood ang mga normal na kilos nila. Sometimes, I go to a crowded place just to watch and observe people. I’ve seen couples get together. I’ve also seen dramatic break ups. I’ve watched a huge fight between husband and wife. And a lot more. I don’t think it’s amusing, though. Most of the phenomena I watched are all tragic. I hated it. But I couldn’t unsee them all anymore. “Hey,” tawag ni Yvo sa akin at inabot ang isang bote ng malamig na tubig. Umupo siya sa tabi ko. “Thanks,” sabi ko bago uminom. Rinig ko ang kilig na untag ng ibang turista habang nakatingin kay Yvo. I can’t blame though. Yvo’s undeniably handsome. He has a very strong s*x appeal. Hindi ako magtataka kung itapon ng mga babae ang mga sarili nila sa kanya. Nakangisi akong tumingin kay Yvo. Kumunot ang noo niya. Inosente siya sa mga titig ng babae sa kanya. Pero inosente nga ba o sanay na siya kaya wala na lang iyon sa kanya? “What?” tanong niya. Umirap ako. “Those girls want to take a picture with you,” nguso ko sa mga kabataan sa gilid ng mga elepante. Nanliit lamang ang mga ni Yvo sa akin bago umiling. “Let them,” aniya. Natawa ako. Kita ko kasi na medyo namula siya roon. Hindi naman siya ganoon ka-mestizo pero halata kapag namumula siya. “Do you find it annoying?” I asked him. Tumaas ang kilay niya. “Sometimes…” Nagkibit-balikat ito. “Really?” hindi makapaniwala kong tanong. “Don’t men love attention from girls?” He smirked. “Are you generalizing the male population?” Sumimangot ako sa kanya. “That’s what I observed,” I defended. Tumango siya. “But not all men are like that,” he started. “Sometimes, I hate it twice as much as I appreciate it.” Tumaas ang kilay ko. “And I can see how annoying it must be for your girlfriend.” Kumunot ang noo niya sa akin. “Ang daming nakatingin sa’yong ibang babae. Kailangan sobrang ganda ng girlfriend mo para hindi ka makalingon sa iba.” Tumawa siya sa sinabi ko. “My, my, Avery…” kinagat niya ang labi niya para magpigil ng tawa. “Are you insinuating that I am easily tempted? Hindi ako ganoon.” “Talaga lang, ah?” He nodded. “I only loved one girl since I was twenty-one. Twenty-seven na ako ngayon. I don’t just fall in love,” he explained. I shrugged. “You don’t know that. At isa pa, hindi naman siya ang babaeng para sa’yo. That’s just infatuation overdue.” Natigilan siya. Hindi siya nagsalita roon. Nakatingin lamang siya sa harap. Oh, did I hit a nerve? I stayed quiet beside him. Halos ingay na lang ng mga turista at nga mga elepante ang naririnig ko. None of us talked and it was awkward. Hindi ko alam kung mag-aaway ba kami o ano? I heard him inhaling a sharp breath. “If this is just an infatuation, then why does it hurt this much?” he asked softly but I caught each of his word. I gasped at what he said. He sounded really broken that I want to get mad at myself for joking him about what he really feels. It was stupid. Hindi ko dapat pinapangunahan ang ibang tao sa nararamdaman nila. Feelings are subjective and personal. It was not for fun. “I’m sorry,” I uttered as I played with the water bottle in my hands. “That’s unfair of me to calculate your feelings for your ex.” He chuckled weakly, making me look at him. His eyes mirror sadness. Bakit hindi ko iyon napapansin ng mga unang araw na magkasama kami? We were both hurt. I should have been more sensitive. Umiling siya. “That’s fine,” aniya. Huminga ako ng malalim at kinuha ang kamay niya. That’s right. We should unwind and have fun. We should forget about the things that bring us pain. Iyon ang dahilan kung bakit kami narito—to move on. Lito niya akong tiningnan. Malapad akong ngumisi sa kanya. “Let’s go eat streetfoods?” Nanliit ang mga mata niya sa akin. Alam kong hindi pa rin niya naiintindihan ang sinasabi ko pero hinila ko na siya. He was retaliating and whining but I didn’t let go of his hand. May nakita akong hilera ng mga streetfoods rito sa kanto kanina. Iginala ko ang mga mata ko at bahagyang tumili sa kasiyahan nang makita ko ang mga streetfoods. “Avery, what are we doing?” mariing bulong niya sa akin nang nakatayo na ako sa harap ng nagtitinda. Binitawan ko na ang kamay niya at masama siyang tiningnan. “Do you not eat streetfoods?” He pursed his lips in a thin line and slightly rolled his eyes. “Is that even safe?” he asked with eyes full of terror. Para bang takot na takot siya sa pagkain! I looked at him in disbelief. “You’re too clean! Kaya madali kang nasasaktan,” sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at tinanong sa tindera kung ano ang laman ng mga fried foods sa harap namin. Ang bango ng amoy nila at halos maglaway na ako dahil doon. Nang sabihin ng nagtitindang fried tofu, fried banana, fried sweet potato at kung anu-ano pa ang mga iyon ay mas lalo akong natakam. I got one from each of the food they are selling. Tinusok ko iyon sa stick bago iginiya kay Yvo. He looked at me in horror like I am asking him to eat poison. Ngumiwi ako sa kanya. “Ang arte mo, Yvo.” Irap ko bago isinubo ang fried tofu. Tumango-tango ako at nag-thumbs up sa nagtitindi. “This is good,” kuntento kong sabi habang nginunguya pa ang pagkain. Muli kong nilingon si Yvo at halos manlaki ang mga mata nang makitang nakatapat na sa akin ang cellphone niya at kinukuhanan ng video. “Tang—” “You’re on my IG live,” aniyang parang tuwang-tuwa pa sa sinapit ko. Mabuti na lang at hindi ko naituloy ang mura ko pero hindi noon ibig sabihing sasakay ako sa trip ng isang ‘to. “What the hell, Yvo?” pagalit kong sigaw pero sige pa rin siya sa pagvivideo sa akin. Umirap ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Tawang-tawa naman siya kahit na sobrang badtrip na ako sa kanya. “Baliw,” bulong ko sa sarili ko habang kumukuha pa ng pagkain mula sa cart. “Masarap ba?” mapanuksong tanong niya. Alam ko ang ginagawa ng isang ‘to. Nilingon ko siya at ngumisi. Sasagutin ko na sana siya pero napansin kong kumukuha na siya ng video gamit ang front camera ng phone niya. Nalilito ko siyang tiningnan pero hinila lang niya ang kamay kong may hawak ng stick na may fried banana at kinain iyon. Kita ko ang mga comments sa IG live video niya at halos lahat ng iyon ay puro puso. “Masarap nga,” aniya habang nginunguya ang pagkain. Umirap ako at umiling. “Ang arte mo kasi,” bulung-bulong ko sa sarili ko pero narinig ko lamang siyang tumatawa. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain habang busy siyang kinakausap ang mga tao sa live video niya. Honestly, I never pegged him as a vlogger. Hindi niya kasi bagay. Sabi ni Brenna, COO raw siya ng DLC Industries. Who would have thought, right? Mukha siyang mayaman at sinabi niya sa aking businessman siya pero hindi ko naman inaakalang COO siya ng isang kompanya. But that made sense now, though, because he seems to just buy anything in a whim. He pays for everything without care on how much he’s already spent. Pagkatapos namin magfoodtrip, kahit ako lang naman ang nakarami, ay bumalik na kami sa loob ng safari dahil manood kami ng evening show. Busy ako sa pagtitingin sa mga pictures sa camera nang biglang umakbay si Yvo sa akin at nakitingin na rin sa mga pictures. Ngiting-ngiti ako dahil sa mga cute na elepante. This is probably my favorite destination so far. “You look cute here,” turo ni Yvo sa picture kong nakangisi habang binubugahan ng elepante. I rolled my eyes at him. “Salamat, ah?” I chimed sarcastically. Tumawa lang siya at kinurot ang pisngi ko. I glared at him. What’s wrong with him? Nang magsimula ang evening elephant show ay binitawan ko na ang camera at masayang nanood. Tuwang-tuwa ako sa mga elepante kaya inilabas ko ang phone ko at nagsimulang mag-live rin sa i********:. Si Yvo naman ang sinabihan kong kumuha ng litrato sa camera. Tumayo siya at medyo lumapit sa stage para makakuha ng magandang litrato. Ako naman ay halos tumayo na sa kinauupuan dahil sa mga nakakatuwang elepanteng nagpapasikat sa harap. Busy ako sa pagvivideo nang biglang tumigil sa Yvo sa harap ko. Halos manlaki ang mga mata ko dahil mukha na niya mismo ang nasa video. “Hey, I need the extra batteries,” inosente niyang sabi sa akin habang sinisimulang buksan ang battery port ng camera. Nanlalaki ang mga mata ko nang mabasa ang mga comments ng mga taong nanonood sa live video ko. Ang mga kaibigan ko ay panay na ang asar sa akin sa comments. Ang iba naman ay nagtatanong kung paano ko nakilala ang guwapong lalaking ito. Right. This is because his face now is not contorted unlike yesterday when I posted an ugly selfie he took for losing the bet. Ngayon ay kita na ang kagwapuhan niya. Inilayo ko na agad ang phone ko sa mukha niya at ibinaba sa tabi ko. Kinuha ko ang battery sa bag at inabot sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Umirap na lang ako at ipinagpatuloy ang live video ko malayo sa mukha niya. Noong mailagay niya ang battery ay akala ko aalis na siya at ipagpapatuloy ang pagpipicture. I was wrong. He stood up beside me and looked at my live video. “Shall we eat after this?” tanong niya habang nakatitig sa screen ko. “I think,” mahina kong sagot. Shit? I don’t want to be cornered when I get back with everyone asking about Yvo. Ni hindi ko nga alam kung magkikita pa kami pagkatapos nito. I don’t want others to get the wrong idea. “Saan? I can ask Ismaya to fetch us earlier so we could drive to wherever you want to eat,” aniya. I stopped the live video and placed my phone inside my bag. Medyo dumadarami na rin kasi ang mga comments doon tungkol kay Yvo. Nilingon ko si Yvo at nakitang nakangisi siya sa akin. I rolled my eyes and shook my head. “Ang baliw mo!” I knew what he did. Sinadya niya iyon. Nabasa niya ang mga comments at alam kong nadagdagan na naman ang ego ng lalaking ito. Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa pagpicture ng show. Nakakainis!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD