Chapter 7

1521 Words
Best Sunrise     Maiiyak na yata ako dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal ako habang tinatawanan ni Yvo na nasa mas mataas na bahagi na ng bulkang inaakyat. I never hated hiking. I never liked it either. But I hike at least twice a year. I believe that the scenery on top of the mountain will justify all the pain and struggle. So, when Yvo told me that he wants to hike Mt. Batur, one of the most visited volcanoes in Bali, I didn’t even hesitate. I already imagined the view from above would be breathtaking. That’s all that mattered to me. But to hike without any exercise is such a pain. Dalawang oras lang daw ang hike na ito at malapit na raw kami sa tuktok. Alas-cinco na rin at kailangan naming maakyat ang tuktok para mapanood ang pagsikat ng araw. Binalikan ako ni Yvo at naglahad ng kamay. Inabot ko iyon at hindi na umarte dahil pagod na pagod na ako. “Just a little bit more,” aniya habang inaalalayan ako paakyat. This seems too easy for him. Kung sabagay, lagi siyang nasa gym at nagwowork out. Kahit narito na kami sa ibang bansa ay wala siyang palya sa pagwowork out. “I don’t even know what I’m doing this for,” reklamo ko pero patuloy pa rin sa pag-akyat. Ayaw ko nang magpahinga. Ang mga kasabayan naming nagsimula ay malamang nasa tuktok na ngayon at naghihintay na ng sunrise. Yvo should have been there too if it wasn’t for me. Siguro ay kada-labinlimang minuto ay tumitigil ako para magpahinga. I was still tired from yesterday and we had to be ready at two in the freaking morning for this. Hindi ko nga alam kung nakatulog pa ako dahil ala-una pa lang ay dilat na ako. “The view is going to sweep you off your feet,” sagot ni Yvo na halos buhatin na ako para bumilis ang pag-akyat. Ilang minuto pa ng paghihirap at nakarating rin kami sa tuktok ng Mt. Batur. Nakita ko ang mga kasabayan naming umakyat na nakaupo na at nakatanaw sa napakagandang tanawin. We were above the clouds. I couldn’t help but smile as I witness how night and day meet. The sky is in a shade of dark orange while the clouds float near us. “Ang ganda…” I trailed as I stopped and let myself get amazed by the beauty of nature. “I told you it’s going to sweep you off your feet,” rinig kong bulong ni Yvo sa akin. Tumango at nilingon siya ngunit halos manginig ako nang makita ang mukha niyang sobrang lapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at halos mawala ako sa mga mata niya. Naririnig ko ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagod o kung sa anong klaseng pakiramdam. Hindi gumalaw si Yvo at hindi ko alam kung dapat ba akong lumayo ngayon din. Pero gustuhin ko ma’y hindi ko rin naman magagawa dahil para akong bilanggo sa mga titig niya. Biglang inangat ni Yvo ang kamay niya kaya napatingin ako roon. Hinawi niya ang mga takas na hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng aking tainga. Napalunok ako sa ginawa niya, tila ba may mali sa aking lalamunan. Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ko pa naramdaman ang ganito kabilis na pintig ng aking puso. Kahit kay Anton, hindi ko pa naranasan ito. O kung naranasan ko man ay iba ngayon. Parang nawawala ako sa ulirat. Parang nawawala ako sa tamang wisyo. “Sir, Ma’am! Come here!” Napatalon ako nang marinig ang tawag ng guide namin. Mabilis akong kumalas sa titig ni Yvo at naglakad na patungo sa guide, pilit na iwinawaksi ang hindi normal na pakiramdam. Mayroong isang maliit na mat ang guide at itinuro niya iyon sa amin ni Yvo. “You can stay here while waiting for the sunrise.” Malaki ang ngiti ng guide habang inaanyayahan kaming umupo roon. I sat down at the farthest end of the mat while Yvo sat on the other side making us about three feet apart. I can feel him staring at me. I can see from my periphery but I chose to stare ahead and appreciate the beauty of God’s gift. “Do you secretly wish when you’re on top of a mountain?” Yvo asked me suddenly. I smiled and nodded. I learned about that when I first hiked in Sagada. Ang sabi ng tour guide namin noon ay magandang humiling kapag nasa tuktok ka ng isang bundok. I remember that I wished for a successful career for Anton by then. Magte-take kasi siya ng Engineering board noon. True enough, he passed. He’s now a licensed Civil Engineer. So, I made it a habit to wish whenever we hike. “Me, too,” sagot ni Yvo. I looked at him and saw him smiling sadly as he looked at the scenery. “My first wish was for Maureen to be mine,” malungkot niyang sambit bago yumuko. “That was about six years ago.” Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko habang pinapanood ko siyang ganito. Is it because I can relate to him? “And it happened…” I tried to sound cheerful. Nag-angat siya ng tingin at lumingon sa akin. “Yeah, it did,” bahagya siyang natawa. “After somehow blackmailing her.” Sumimangot ako sa kanya. I had the urge to come closer to him and I did. I held his hand and rested my head on his shoulder. Ramdam kong medyo nanigas ang katawan niya sa gulat sa ginawa ko. “You’ll find someone better,” bulong ko sa kanya habang nakatingin sa tanawin. Somehow, it felt good to be close to him. I don’t even know why I find comfort when I’m near him. Maybe it is because he was there for me during my darkest night. It is maybe because he was nice enough to answer my drunken whim. Kung tutuusin ay hindi naman niya ako kailangang samahan rito. Hindi naman niya dapat ako pinansin sa bar. Puwede naman niya akong hayaan. But he did entertain me. He took care of me. I owe it to him. “I know,” napapaos niyang sagot sa akin. Pinanood kong pingasisiklop niya ang mga daliri namin. I suddenly felt a pang of pain in my heart. I have never touched another man’s hand like this other than Anton’s. He was the only man I have ever been in close proximity to and I don’t remember feeling this way. “How long has it been since you broke up with her?” mahina kong tanong kay Yvo habang nagdadasal na sana ay hindi niya naririnig ang malalakas na mga pintig ng puso ko. “Four years?” hindi niya siguradong sagot. Gusto kong matawa. Kung hindi lang ganito ang nararamdaman ko ay malamang tinawanan ko na siya. Apat na taon? Apat na taon na silang naghiwalay pero wala ni isang babaeng nakapagpatibok ng puso niya? Para sa kanya nga talaga siguro itong biyaheng ito. “I have tried to forget about her, you know,” nagsimula siya habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. “I tried dating other girls but everyone else paled when compared to her.” Tumango ako. Ganoon kasi sa pagmamahal, hindi ba? Kahit gaano ka kasipag maghanap ng papantay sa kanya, wala ka pa ring mahahanap kasi iba siya. “So, I stopped,” pagtutuloy ni Yvo. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at saka naman siya bumaling sa akin. “I stopped looking and stopped hoping that someone will come into my life that I’d cherish at least half of how much I cherished Maureen.” Ramdam ko ang sakit habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Maureen was his downfall. She was also his one and only shot on love but she left him for someone else—the person that she loves, his brother.  “Someone will come into your life that you will cherish more than you’ve ever cherished her, Yvo. And that woman will cherish you just as much.” Muli kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Mahina siyang natawa bago tumango. “I might just be seeing hope now,” bulong niya at naramdaman kong ipinatong niya ang ulo niya sa akin. I smiled as I snuggled closer to him. “Forget about him, Avery. He’s not worth it,” aniya habang hinihila ako palapit pa sa kanya. Ngumisi ako at tumango. It’s the reason why I am here. I wanted a breath of fresh air. I wanted a new scenery. I wanted to forget Anton. Unti-unting nagpapakita ang haring araw. Unti-unti nang nababalot ng sinag ng araw ang paligid. Unti-unti nang nagpasakop ang dilim sa liwanag. “I used to love sunsets more,” sabi ko habang dinadama ang tama ng sinag ng araw sa aking balat. “But now I think the sunrise is better.” Yvo chuckled. “You love how the light of the day has finally beaten out the darkness of the night?” I smiled sincerely and nodded. I love how the sunrise symbolizes a new day coming after a dark night. I love that it symbolizes a new beginning after a dark ending. “Yvo,” sambit ko. “Hmm?” I grinned widely. “You owe me an ugly selfie.” He groaned and I just laughed as he squeezed my hand before pulling me closer to him. This might just be the best sunrise of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD