Awa at galit ang nararamdaman ni Asher habang nakatitig siya sa wala pa rin malay na si Duday. Para sa binata, katangahan ang ginawa ng dalaga. Gayunpaman, hindi niya magawa ang magsalita laban dito. Nakaupo kasi si Don Hayco sa di kalayuan sa kaniya at kaunting pagkakamali niya ay tiyak na makakatikim na naman siya ng hampas ng tungkod nito.
“Asher, go home. Ako na ang bahalang magbantay kay Duday,” pagtataboy ni William sa kaniya.
Hindi kumibo ang binata. Napakuyom na lamang siya ng kaniyang kamao. Dahil sa ginawa ni William na pagligtas kay Duday ay mabango ito kay Don Hayco. Welcome na welcome na ulit ang pinsan niya sa mansion at sa buhay ng mga Vilgara.
Agad namang nagising si Duday mula sa mahimbing nitong tulog. Walang imik pa rin si Asher. Hindi rin siya kumilos mula sa kinauupuan niya.
Napahawak si Duday sa masakit niyang ulo. Pinilit niyang umupo pero naramdaman niya ang bigat ng kaniyang katawan. Agad namang lumapit si William para alalayan siya.
“Are you okay?” tanong ni William sa kaniya. “Are you hungry? Tell me, what do you want to eat?”
Duday smiled. She did not answer. Napako ang tingin niya sa nagliliyab na mga mata ni Asher. Nakaupo ito malapit sa pintuan at halos kalahating dipa lang ang layo nito mula kay Don Hayco.
“Lolo, I think Duday is fine now. Let me go home. I have a lot of things to do. Since I am not a doctor, staying here is just a waste of time.” Tumayo si Asher at hindi na hinintay na sumagot pa si Don Hayco.
Habang nasa ospital si Duday, hindi na ulit nagpakita sa kaniya si Asher. Tanging si William lamang ang nag-asikaso sa dalaga. It was okay with her. Mas nakakahinga kasi siya ng maluwag kapag si William ang kasama niya. Ngunit kahit anong gawin ni William, hindi magawang ibaling ni Duday ang pagtingin niya sa binata.
Palibhasa hindi naman malala ang tinamong pinsala ni Duday, agad siyang pinauwi ng doctor, tatlong araw lang siyang namalagi sa ospital. Sa mga panahon na iyon, ang kaniyang lola ang isa sa mga nakatulong ni William sa pagbantay sa kaniya.
Sa mansion ng mga Vilgara, pansamantalang naging buhay prinsesa si Duday nang umuwi siya. Maging ang ilan sa kaniyang mga professor ay sinadya pa siya para hindi siya mahuli sa lesson nila. Ngunit hindi iyon ikinatuwa ng mommy ni Asher na napasugod pa sa silid ng mga katulong.
“Wake up and do your job!” sigaw agad ni Helena nang nakapasok ito ng silid.
“Ma’am Helena, b-bakit po kayo nandito?” nauutal na tanong ni Manang Celia.
“Where is your apo?” Nanlilisik ang mata ni Helena kaya lalong natakot si Manang Celia.
“Naliligo po, ma’am,” sabad ni Franz na kasama rin ng mag-lola sa silid.
“Tell her to clean our room before six in the morning!” utos ng mataray na ina ni Asher. “Wala si papa kaya huwag siyang mag-inarte. Kakalbuhin ko pati bulbol niya kapag nakita ko siya.”
Hindi pa man nakakasagot sina Manang Celia at Franz, agad nang lumabas sa silid si Helena. Nagkatinginan na lang ang dalawa sabay napabuntong-hininga. Kahit kasi anong ganda ng bihis ni Helena, lulamabas pa rin sa pananalita nito ang squammy nitong pag-uugali.
It was only four-thirty in the morning. Kagigising pa lamang nina Manang Celia, Franz, at Duday. Hindi nila inaasahan na galit na Helena agad ang bubungad sa kanila kaya naman nawala ang antok nila at agad nang gumawa ng gawaing bahay. .
Bago mag-ala-sais, pumunta na agad si Duday sa silid ng mga magulang ni Asher. Nasa ika-apat na palapag iyon ng mansion kung saan kita ang malawak na taniman ng palay at bukirin ng mga Vilgara.
Dala ang vacuum at mga basahan, maingat na binuksan ni Duday ang pintuan ng silid ng mag-asawang John at Helena. Sanay na siyang pumasok doon kaya hindi na siya nag-alinlangan buksan ang naka-off na ilaw.
Ngunit napatulala siya nang sa biglang pagsilip ng liwanag, nakahubad na katawan ni Asher ang una niyang nakita. Tulog na tulog ang binata sa ibabaw ng kama ng kaniyang mga magulang.
Nataranta si Duday. Hindi niya alam kung lalabas ba s'ya ng silid o susundin ang utos ni Helena.
“D-Du-day,” tawag sa kaniya ni Asher. “Duday…”
“Hala! Nananaginip ba ito? Akala ko ba galit na galit siya sa akin. Bakit mukhang inlove yata siya sa kagandahan ko?” bulong ng isip ni Duday. Kinikilig na lumapit ang dalaga sa Alaskan king size bed ng mga magulang ni Asher.
“Senyorito…” tawag niya sa binata. “Bakit po? Gusto mo bang haplusin ko ang malapad mong dibdib?” Kinagat pa ni Duday ang kaniyang pang-ibabang labi sabay upo sa gilid ng kama.
“D*mn it! Turn off the light and leave the room!” sigaw ni Asher sabay kuha ng unan at tinakpan ang mukha niya.
Napahiya si Duday. Buong akala niya ay tulog ang amo niya. Hindi niya akalain na gising pala ito. Ngunit hindi siya ang tipo ng tao na pasisindak basta-basta kay Asher lalo pa at kilala na niya ito simula nang bata pa lang sila.
“Senyorito, ikaw ang umalis ng room na ito. Inutusan kasi ako ng mommy mo na linisin...”
“You know what…” putol ni Asher sa sasabihin ni Duday. “Hindi porket pumayag na akong pakasalan ka ay pwede mo na akong pagnasaan. But since we’re getting married sooner or later, let’s make love right now, right here. I want to f**k you, b***h!” Hinablot ni Asher si Duday at mahigpit siyang niyakap nito.
“Manyak ka talaga!” Naningkit ang mga mata ni Duday. Subalit saglit lang iyon.Biglang gumuhit sa manipis niyang labi ang isang nang-aakit na ngiti. “Huwag kang mag-alala, senyorito. Sa honeymoon pa lang natin, lulumpuhin na kita sa sarap.”
“Really? Bakit pa tayo maghihintay ng honeymoon kung pwede nating gawin ngayon?”
“Virgin pa kasi ako. Baka mag-bleeding ako, ppata ka sa mommy mo.”
Parang napapaso na bumitaw si Asher kay Duday.
“Get out!” Parang yelo sa lamig ang boses ng binata.
“Sure, senyorito.”
Pagkatapos sabihin iyon ay agad nang lumabas ng silid si Duday. Habang lumalakad siya sa corridor ay nakita niya ang manang niyang itsura sa malaking salamin. Parang baliw na kinausap niya ang sarili.
“Hmmm… saka ko na ipakikita ang taglay kong ganda, kapag isa na akong Mrs. Asher Vilgara,” nakangiti niyang turan. “Ngunit malabo pa iyon sa ngayon. Dapat makumbinsi ko si Asher na huwag ituloy ang kasal dahil kung ikakasal man ako sa kanya, dapat mahal na niya ako at hindi dahil kay Don Hayco.”
Sa kusina nagpalipas ng oras si Duday. Nalibang siya sa mga walang kwentang kwento ni Franz kaya ‘di niya namalayan na alas-siyete na. Kung hindi lang sana Sabado, dapat ay nasa school na siya. Kahit paano ay nakatakas sana siya sa paningin ni Asher na noon ay batid niyang galit na naman sa kaniya.
Sa opisina ni Don Hayco, tahimik na nakayuko lamang si Manang Celia. Kinakausap siya ng don at hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi kasi niya inaasahan na pagdating ng don mula sa kung saan ay agad siyang ipatatawag nito.
“Celia, we both knows na ako ang naging daan para mapunta sa iyo si Duday. Ito na ang panahon na sinabi ko sa iyo noon. Ipakakasal ko na sila ni Asher.” Walang kakurap-kurap na saad ng don.
“Alam na po ba ito ni Duday? Paano kung hindi siya pumayag?” tanong ni Manang Celia.
“I already told Asher and Duday to get married as soon as possible. My grandson just agreed to it. Kailangan kumbinsihin mo rin si Duday dahil kung hindi, ipapapatay ko ang anak mo. Siya ang puno't-dulo nito kaya inaayos ko lang!”
Tumango-tango si Manang Celia. Noon pa man ay wala siyang boses laban kay Don Hayco. Matagal na niyang gustong umalis ng mansion pero hindi niya magawa. Para kay Manang Celia, kung kinakailangan na si Duday ang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat, mas pipiliin na niyang ilagay sa alanganin ang dalaga.
Samantala, habang nagpupunas si Duday ng lamesa, isang matigas na kamay ang humablot sa kaniyang buhok at agad nitong inilampaso ang kaniyang mukha sa maruming glass dining table.
“I told you to clean our room! Why did you disobey me?” sigaw ni Helena.
Hindi kaagad nakapag-react ang dalaga lalo na nang narinig niya ang galit na boses ni Asher na parang kulog na dumagundong sa dining area.
“Mom, don’t hurt my fiancee!” sigaw ng binata.