CHAPTER 3

1794 Words
Habang tinatantiya ng magpinsan na Asher at William ang isa't-isa sa La Gerna, kausap naman ni Don Hayco ang mga magulang ni Asher sa mansion ng mga Vilgara sa Sta. Teresita. John— Asher's father and Helena— Asher’s mother, opposed Don Hayco’s plan. “My decision is final. Now, if you disagree, you are free to leave this mansion. Tandaan n'yo, wala kayong pwedeng dalhin kapag umalis kayo. I will also freeze your assets,” ma-awtoridad na sabi ng Don. “Papa, matagal nang nanliligaw kay Duday si William. Bakit hindi siya ang ipakasal mo sa alilang iyon?” tanong ni Helena. “Watch your words, Helena. Bago ka nakapasok sa pamilyang ito, mukha ka rin alila noon. No, you were alila, muchacha, utusan. Wala kang pakialam sa desisyon ko dahil sampid ka lang sa Vilgara.” Nanginig sa galit ang Don. “Papa, how could you let Asher marry the person who killed his sister? You know how much he loves Katrina, his sister. He almost lost his life after she died. If you force him to marry Duday, you are just pushing my son towards his own grave. I beg you, stop this nonsense before it's too late.” Desperado na ang Daddy ni Asher kaya napapalakas na ang boses nito. "John, don't shout at me! Whatever happened in the past has nothing to do with my decision. I have my own reason, and no one in this family can stop me; not you nor Helena." “I don't understand, why do you love Duday more than your grandchildren?” “John, what you are saying is bullshít. As long as I provide for the needs of the family, none of you could question me,” matatag na sabi ni Don Hayco. Napahagulgol si Helena. Gaya ni Asher, kinasusuklaman niya si Duday. Matagal na rin niyang gustong pagbayarin ang dalaga sa pagpatay nito sa bunso niya ngunit dahil pinoprotektahan ni Don Hayco ang apo ng katulong nila, hindi niya ito magawang saktan man lang. Napaupo sa malambot na couch si John. Namumula na ang kaniyang pisngi dahil sa galit pero hindi niya magawang lumaban sa kaniyang ama. Kung wala kasi ito, pupulutin silang mag-anak sa kangkungan. “I have a meeting at eleven in the morning. Do you have anything else to say?” Hindi lantaran na pagtaboy ni Don Hayco sa anak at manugang niya. “Wala na, Papa.” Tumayo si John at lumakad na papunta sa elevator. Sumunod naman sa kaniya si Helena. “What should we do to stop your father?” tanong ng forty-nine years old na ginang sa asawa niya. “Let me think first, Helena. For now, let's ride to Papa’s craziness.” Magkasabay na pumasok sa elevator ang mag-asawa habang tinatanaw sila ng Don. Tatayo na sana ito ng lumapit ang personal assistant niya. “Don Hayco, may tawag po mula sa mga lihim na nagmamanman kay Duday. Hindi raw po ito pumasok sa university,” report ng empleyado. Kumunot ang noo ng matanda. “Dial Asher's number,” utos ng Don. Agad namang sumunod ang nanginginig pang assistant niya. “Senyorito Asher, your lolo ordered me to call you. He wants to talk to you.” Pagkatapos sabihin iyon ay agad na binigay ng personal assistant ng Don ang telepono sa naghihintay na matanda. “Where is Duday?” kalmadong tanong ni Don Hayco sa apo niyang hindi na maipinta ang mukha ng mga oras na iyon. “Lolo!” sigaw ni William mula sa kabilang linya. “How are you?” Hindi kumibo si Don Hayco. “She's with me,” saad ni Asher. “Gusto ko lang na mas makilala pa ang babaeng gusto mong maging asawa ko.” Inusisa ng matanda ang kaniyang apo kung bakit hindi nito inihatid sa school ang dalagang batid niyang ayaw na ayaw makakuha ng zero sa exam at reporting. Todo explain naman si Asher ngunit hindi nakuntento ang don. Inutusan nito si Asher na ibigay kay Duday ang telepono. Ilang saglit pa, boses na ng dalaga ang maririnig mula sa cellphone. Hindi ito nagpahalata sa don na hindi nito gusto ang pagtangay sa kaniya ni Asher. Nagsinungaling din si Duday at sinabing pinag-uusapan nila ni Asher ang mga problema nila. Paraan niya iyon para pagtakpan ang binata nang hindi ito mapagalitan ni Don Hayco. Iyon din kasi ang sinabi niya kay William. “Okay, hija. I’ll call your professors to inform them that you could not make it in class today. Just enjoy the moment with Asher. You two are perfectly good for each other, believe me.” Pagkasabi noon ay naputol na ang tawag. Kung kalmado na ang Don sa Sta. Teresita, iba ang level ng emosyon sa La Gerna. “Wala ka bang gagawin ngayong araw, William?” iritado na tanong ni Asher sa kaniyang pinsan pagkatapos niyang kunin kay Duday ang cellphone niya. “Meron naman.” Ngumisi si William. “But I missed Duday. Ngayon ko na lang siya ulit nakita kaya I wanted to stay here until you both left the area.” “We are planning our wedding.” Hindi na nakapagpigil pa si Asher kaya pinukpok niya ang lamesa. “Leave us alone so we could talk privately.” “Why not hire a wedding coordinator instead?” Lalong nang-aasar na turan ni William. Hindi ito naniniwala sa sinasabi ni Asher. “Duday, are you sure you’re gonna marry this fücking asshole?” Dinuro ni William si Asher dahilan para lalong magdikit ang makapal na kilay ng huli. Nakagat ni Duday ang pang-ibabang labi niya. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng magpinsan. Noon pa man ay palagi nang mag-kaaway ang mga ito. They grew up together kaya kabisado na n'ya ang ugali ng dalawa. Mabuti na nga lang dahil umalis na ng mansion si William nang pinalayas ito ni Don Hayco. Pansamantala, nagkaroon ng katahimikan sa mansion. “Let's go, Duday. Uuwi na tayo sa mansion. Doon na lang tayo magplano. Oh, by the way, William, you are not invited to our wedding. Don’t waste your time preparing a gift.” Hindi nakahuma ang dalaga ng hawakan siya ni Asher sa braso. Gusto niyang sabihin sa dalawa na hindi siya pabor sa kasal na gusto ni Don Hayco pero masyado nang mainit ang sitwasyon kaya tumahimik na lang siya. Batid din kasi niyang hindi talaga papayag si Asher at gagawin nito ang lahat para tutulan ang gusto ng lolo nito. “Asher, alam kong sinasabi mo lang ang kunwaring kasal na iyan para inisin ako. Sorry, pinsan, you can't fool me. By the way, Duday, I’ll see you soon. Para sa iyo, I am willing to lower my pride,” pahabol ni William. Hindi nito alintana ang galit ni Asher. “Uuwi na ako ng mansion at makikipagbati na ako kay lolo. Baka sakali rin na payagan niyang sa akin ka maikasal kaysa sa sipsip na iyan.” “Iyon eh kung tatanggapin ka pa ni Lolo after you stole million of pesos from the company, William.” Hinawakan ni Asher ng ubod higpit ang kamay ni Duday para hindi ito makawala sa kaniya. “Because of your fücking vices, you shamed us. Tapos ngayon, ano, babalik ka na para bang walang nangyari? William, dahil sa matinding inggit mo sa akin, sinira mo ang pangalan ng buong pamilya. Sa totoo lang, dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin dahil nilinis ko ang kalat mo.” “Is that so? Well, thank you,” sarcastic na sabi ni William. Humalakhak ito ng ubod lakas para iparamdam kay Asher na hindi siya apektado sa mga sinasabi nito. Gusto ni Duday awatin ang dalawang amo niya pero natatakot siya. Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin lalo pa at talagang parang mga leon ang mga ito na handang sakmalin ang isa't-isa. Mabuti na lang at lumapit ang caretaker ng mansion. Nakiusap ito sa mga senyorito nila na kumalma muna. Parang hari, inutusan ni Asher si Duday na pumasok ng sasakyan. Parang mga robot din na nagmamadaling kinuha ng mga katulong ang mga gamit ng dalaga.. Tahimik lang si Duday na umupo sa passenger’s seat sa unahan na bahagi ng sasakyan. Ayaw niyang sa kaniya ibunton ni Asher ang galit nito kay William. Palagi kasing ganoon ang nangyayari kaya hanggang kaya niyang umiwas sa gulo, nananahimik siya. “Bastard! Akala siguro ng William na ito ay papayag akong agawin ka niya sa akin. No way! Kahit isinusuka kita, hindi ako papayag na mapunta ka sa kaniya, Duday!” Pinagsalikop ng dalaga ang mga kamay niya habang nakikinig siya sa mga sinasabi ni Asher. Batid niyang hindi siya dapat magdiwang dahil sadyang ayaw lang ni Asher na matalo kay William kaya sinasabi nito iyon. Sa inaasta ni Asher, alam ni Duday na ginagawa lang iyon ng binata para hindi magmukhang talunan sa pinsan nito. Ngunit ang hindi niya batid, nagsisikip ang dibdib ng binata sa tuwing lumalapit sa kaniya si William. Hanggang sa hindi inaasahan ni Duday ang sumunod na pangyayari. Asher picked-up his phone and dialed Don Hayco’s number. After a couple of minutes he told his grandfather that he and Duday are getting married as soon as possible. “Really? Asher, that's great news,” bulalas ni Don Hayco. Pagkatapos mag-usap ng mag-lolo, hinarap ni Asher si Duday. “Your wish has been granted. I changed my mind and will marry you no matter what it cost. Welcome to a life full of roses, but don't expect too much since they have thorns,” sarcastic na sabi ni Asher. “Ayaw kong magpakasal sa iyo, senyorito,” tanggi ni Duday. “Sinakyan lang kita kanina habang kausap mo si Senyorito William kasi ayaw kong mapahiya ka.” “Well then, now, you have no choice.” Nakangisi na sabi ni Asher. Biglang napababa ng sasakyan si Duday. Parang sasabog kasi ang dibdib niya. Awang-awa siya sa kaniyang sarili. Although mahal niya si Asher, pakiramdam niya ay isa lamang siyang pakawalang babae na walang boses at trophy sa isang competition. She burst into tears as she pushed the gate and ran away. Tumakbo siya ng walang direksyon. “God, bakit wala man lang may pakialam sa nararamdaman ko?” tanong ng isip ni Duday. “Hindi ito ang pangarap ko para sa aking sarili at kay lola. Mahal ko si Asher pero hindi ko pa po gustong matali sa kaniya dahil alam kong kinamumuhian niya ako. Alam kong gagamitin niya lang ako para manalo siya sa hidwaan nila ni Senyorito William.” Lalong lumakas ang iyak ni Duday kaya hindi niya na makita pa ang tinatahak niyang daan. Hanggang sa isang iglap, namalayan niya na lang na may sumalpok sa kan'yang isang bagay dahilan para mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD