CHAPTER 1

1790 Words
"Asher, you have to marry her!" Lihim na napangiti si Duday ngunit agad naman iyong napawi nang masulyapan niya ang madilim na mukha ng kaniyang senyorito. Simula mga bata pa lamang sila ay crush na crush na niya ito. Iyon nga lang, isa siyang hamak na katulong sa paningin ng lalaking abot-langit niyang sinasamba. "I'm so sorry, Lolo. I can't do it!" matigas na tanggi ni Asher. "That woman…" Idinuro ng binata si Duday sabay smirked. "Gusto mo bang pagtawanan ako ng circle of friends ko dahil ang asawa ko ay parang ipinanganak noong 1950? She's like a manang. I can't even display her." Tumaas ang kilay ng dalaga. Harap-harapan na siyang iniinsulto ni Asher pero hindi siya makapagreklamo. Mga amo niya kasi ang nasa kaniyang harapan. Kapag kumibo s'ya ng kahit katiting, baka mapalayas sila ng kaniyang lola sa mansion ng mga Vilgara. "My decision is final, Asher. You have to marry Duday whether you like it or not! Pagkasabi noon ay tumalikod na si Don Hayco. Napayuko si Duday. Batid niyang nagliliyab sa galit ang damdamin ni Asher. Hindi ito papayag sa gusto ng lolo nito dahil ayaw na ayaw ng binata na pinanghihimasukan ng iba ang personal nitong mga desisyon. "What did you say to my grandpa? Bakit siya nag-desisyon na ipakasal tayo?" Halos sakmalin ni Asher si Duday na noon ay napasunod na lang ang katawan nang iangat siya ng binata mula sa kaniyang pagkakaupo. Mahigpit ang hawak ni Asher sa maliit niyang braso. Halos bumaon ang mga daliri nito sa malambot niyang laman. Napangiwi siya at pilit na tinanggal ang malaking kamay ng binata na para bang nakadikit na sa balat niya. "Senyorito, nasasaktan ako," mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga. "Masasaktan ka talaga kapag 'di ka nagsabi sa akin ng totoo, Duday! How did you convince my lolo? Tinakot mo ba siya? Magkano ang ibinayad niya sa iyo at dodoblehin ko? Grabe na ba ang pagka-desperada mo kaya pati si lolo ay pinaikot mo na rin?" "Nagkakamali ka, senyorito." "Me? Nagkakamali? For all I know, you wanted me so badly. Alam kong gagawin mo ang lahat para maging malapit ulit tayo sa isa't-isa!" Dumadagundong ang boses ni Asher sa loob ng malaking opisina ng kaniyang lolo na nasa second floor ng mansion. "Wala po akong alam. Ipinatawag niya lang po ako rito sa office niya. Akala ko po ay may ipag-uutos lang siya," pangangatwiran ni Duday. "Liar!" Itinulak ni Asher si Duday dahilan para mapasalampak ito sa very fluffy na carpet ng opisina ni Don Hayco. "I am not gonna marry you! Never!" Walang pakialam na lumabas si Asher sa opisina ng kaniyang lolo. Si Duday naman ay naiwan na sisinghot-singhot. Mag-a-ala-singko pa lang ng hapon ngunit agad na dumilim ang paligid ni Duday. Daig pa niya ang nasa gitna ng isang karimlan at hindi alam kung hanggang kailan siya roon . Fourteen years ago, nang dumating siya sa bahay ng mga Vilgara, isang Asher na mabait at very friendly ang unang sumalubong sa kaniya. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang noon ay teenager ng si Asher. Kinasusuklaman na siya nito. Ngayon, kahit bente-uno na siya, sariwa pa rin sa alaala niya kung bakit lumayo sa kaniya ang dating kaibigan. Dahan-dahan na tumayo ang dalaga. Pumikit siya sandali at marahan na pinunas ang mumunting luha na lumalandas sa kaniyang makinis na pisngi. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang lahat, sana hindi siya kinasusuklaman ng lalaking pinakamamahal niya. Duday fixed her long and wavy hair. She tried to calm herself. Inayos niya rin ang kulay maroon niyang ternong pants at polo na uniform. She checked herself in the mirror na nasa may pintuan lang. Upon seeing her reflection, she smiled bitterly. “Duday, ang ganda-ganda mo. Magtiis ka lang, mapapaamo mo rin muli si Asher. Ang bilog mong mata at mahabang pilik-mata; ang manipis at mapula mong labi; ang pamatay mong ka-sexy-han; lahat ng iyan ay hindi matatanggihan ni Asher kapag hindi ka sumuko,” Duday reminded herself. Pagkatapos matiyak na okay na siya, marahan na lumakad si Duday palabas ng opisina ni Don Hayco habang hinihimas niya ang kaniyang braso. Ngunit natigilan siya nang marinig niya ang tili ng isang babae. "What was that?" tanong ni Don Hayco habang nagmamadali itong lumabas sa katabing silid ng office nito sa ikalawang palapag ng mansion ng mga Vilgara. Napadungaw si Duday sa abot dibdib na railings para makita niya ang sitwasyon sa first floor kung saan nagmula ang tinig. "Asher, my love, I have been looking for you since last week. Thank God you called me." Agad yumakap kay Asher ang isang pamilyar na babae. Ito ang anak ng kaibigan ng daddy ng binata. Bago pa man makaismid si Duday, mainit na hàlik sa labi ng kanilang bisita ang isinalubong ni Asher sa haliparot na babae. Agad namang gumanti ang babae sa mas mapusok pang paraan. "Stefany, you're so hot. Let's go to my room," yaya ni Asher sa babaeng parang sawang nakalingkis ang mga braso sa bewang ng binata. "Asher!" sigaw ni Don Hayco. "From now on, ban si Stefany sa pamamahay ko. Palayasin mo na siya." Dahil ayaw ni Duday makisali sa gulo at lalong ayaw niyang mapagalitan kaya pasimple siyang lumayo sa kinatatayuan niya. Yumuko rin siya ng bahagya bilang respeto kay Don Hayco. Dumiretso si Duday sa kusina na nasa halos likod na ng mansion. Doon ay naghihintay sa kaniya si Manang Celia. Ang matandang nasa 60's na ay agad na inusisa ang kaniyang apo. "Bakit ka ipinatawag ni Don Hayco? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo, Duday?" tanong ng matanda na abala sa paghiwa ng mga gulay na isasahog sa nilulutong ulam ng chef. Hindi kumibo si Duday. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang lola. Natatakot din siyang baka mabigla ang matanda kapag nalaman nitong gusto ni Don Hayco na magpakasal sila ni Asher. "Duday, tinatanong kita," untag ni Manang Celia sa dalagang nakatulala habang hawak sa isang kamay ang isang pirasong carrot. "Lola, may pinagagawa lang po si Don Hayco," mahinang sagot ni Duday. "Gawin mo agad para hindi ka mapagalitan," saad naman ni Manang Celia. "Opo," mahinang sagot ni Duday. Ngunit ng tumalikod siya sa kan'yang lola, hindi niya napigilan ang mapabuntung-hininga. Inaalala kasi niya kung ano ang mga posibleng mangyari. Asher hates her so much. Alam na agad niyang kapag pumayag siya sa kagustuhan ng Don ay tiyak na para na rin siyang uminom ng lason na unti-unting papatay sa kaniya. Kinagabihan, hindi makatulog si Duday kaya nagdesisyon siyang bumaba at tumungo sa malawak na garden ng mansion. Matatagpuan ito sa kanang bahagi ng harapan ng modernong bahay. Sa resthouse na nasa tabi ng malaking pool area pansamantalang umupo ang dalaga. Wala siyang kamalay-malay na nakaupo si Asher sa madilim na bahagi ng harden kung saan ito umiinom ng isa sa pinaka mamahalin na alak na pinadala ng kaibigan nito. "Hinding-hindi ka magiging Mrs. Asher Vilgara. Whatever your plan is, I will make sure na hindi ka magtatagumpay," mga katagang naglalaro sa isipan ni Asher habang nakatitig siya ng masama sa nakatalikod na si Duday. Samantala, biglang kinilabutan ang dalaga. Ramdam niyang may mga matang nakatingin sa kaniya kaya nagpalinga-linga siya. Niyakap niya rin ang kaniyang sarili dahil biglang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin. "Hoy, anong ginagawa mo rito?" Napatalon si Duday dahil sa panggugulat sa kaniya ni Franz, ang bestfriend niyang ubod ng kulit. "Gabi na, ah. May pasok ka pa bukas sa school." Napatingin si Duday sa mumurahin niyang relo. Alas-dyes na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. "May problema ako, Ganda," pag-amin ni Duday sa kaibigan niya. "Wow! Gaano kalaki ang problema na iyan para hindi makatulog ang bestfriend ko? Teka… Ganda, buntis ka ba? Sino ang ama?" Walang preno na tanong ni Franz kay Duday. "Sira. Hindi. Paano akong mabubuntis?" Wala sa sarili na tanong din ng huli sa bestfriend niya. "Aba! Ewan ko sa iyo. Ano ba kasi ang problema mo, Duday?" Pabulong na sinabi ni Duday sa kaibigan niya ang gustong mangyari ni Don Hayco. Ang kaninang maingay na si Franz ay biglang nanahimik. Wala itong masabi sa nalaman niya. "Fùck!" Asher punched his thigh. "I can't be a father to somebody else's child." Kapwa napalingon sina Duday at Franz sa pinanggalingan ng tinig. Nagkatinginan sila pero walang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Nanaig ang katahimikan sa buong harden. Hanggang sa pareho nakabawi ang magkaibigan. "Narinig mo ba iyon?" tanong ni Duday kay Franz. Tumango ang huli. "Si senyorito kaya iyon, Ganda?" tanong muli ni Duday sa kaibigan niya. "Hindi naman siya pumupunta rito, Duday. 'Di ba ayaw na ayaw niyang umapak sa lugar na ito simula nang…" Ang pag-aalala sa mukha ng dalaga ay napalitan ng lungkot. "Huwag mo nang ituloy," wika ni Duday. Muling nanaig ang katahimikan sa magkaibigan. Pinilit ni Franz na pasayahin ang bestfriend n'ya pero hindi siya nagtagumpay, hanggang sa nag-desisyon silang pumasok na lang ng mansion. "Diyos ko po!" sigaw ni Duday nang bigla na lang may humablot sa kaniya sa kusina. Pumasok siya roon para sana uminom ng tubig bago siya matulog. "Shut your fücking mouth," bulong ni Asher kay Duday sabay bukas nito ng ilaw gamit ang remote control. "S-senyorito? B-bitawan mo ako." Pilit ni Duday tinanggal ang braso ni Asher sa baywang n'ya. "Shít! Ang tigas ng ano niya," pilyang bulong ng isip ng dalaga. Ramdam niya kasi ang pagkalalakí ng binata na tumatama sa may pang-upo niya dahil nasa likuran niya ito. "Who is the father of your child?" bulong ni Asher sa punong-tainga ni Duday dahilan para tumindig ang mga balahibo sa batok ng huli. "Ho? Senyorito, 'di ko kayo maintindihan." "Answer me! Who is the father of your child? Si William ba? Tinakasan ka ba niya kaya pinilit mo si lolo na pakasalan kita?" "Anong child?" naguguluhan na tanong ng dalaga. "Lasing ka ba, senyorito? Bakit nadawit din si Senyorito William?" Ang tinutukoy ni Duday ay ang isa pang tagapagmana ng mga Vilgara. "Don't act innocent. Don't you dare lie to me as well because I heard you and Franz while you were having conversation about you being pregnant." "Teka, walang ganoon," sagot ng dalaga. Pinilit niyang humarap kay Asher kahit na nangangatog ang kaniyang tuhod. "Pero kung gusto mo akong magkaroon ng anak, pwede nating gawin ngayon." Nang-aakit ang tono ni Duday at sinabayan niya iyon ng haplos sa pisngi ng ubod sungit niyang senyorito. Walang pag-aalinlangan, unti-unti, hinaplos ng dalaga ang labi ng lalaking tila naghihintay na hálikan niya lamang. At once, the clock's hands stopped from moving. Duday closed her eyes. "Oh, Lord, I have been longing for his kiss since I was young," she whispered as she got closer and closer to Asher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD