Maingay na kampana ng simbahan ng Sta. Teresita ang umaalingawngaw sa buong San Jose Nueva Ecija. Tumigil lamang ito ng magsimula nang kumanta ang sikat na singer na binayaran para lamang sa special na okasyon ng isa sa mayayamang pamilya ng bansa.
All eyes lahat sa napakagandang bride na dahan-dahang lumalakad palapit sa altar. She's so gorgeous in her white lace wedding dress made by the international multi awarded fashion designer. She's shining like a star! She wears the most beautiful smile that captures the heart of the visitors. Everyone thinks she's on cloud nine, but her eyes say otherwise.
Sa kabilang banda, the groom is patiently waiting sa harap ng altar. He looks so excited, but his heart is overflowing with so much hatred.
Everything is just a deal.
Everything is just a perfect act of execution of a well-planned activity.
Everything is just a show. Isang palabas na dapat ay maging mukhang totoo.
The groom and bride wanted to run away. Ngunit wala silang ibang pwedeng gawin kung hindi bigkasin ang kani-kanilang nakakalasong sumpa sa isa't isa.
“Congratulation, Asher. I can't believe it. You, getting married? Come-on, bro!" Bahagyang siniko ang groom ng kaniyang bestman. "Buong akala talaga ng tropa ay wala kang plano na mag-asawa dahil masarap ang tumikim ng iba’t-ibang putahe,” patuloy pa ni Nico.
“Shut up, man,” saway dito ni Asher na nakaramdam ng pagkairita.
“Are you sure about it? Pwede ka pang umayaw,” saad ni Nico sa mahinang tinig.
Ngunit hindi na siya narinig pa ni Asher. Hindi na kasi mapuknat ang tingin ng binata sa kaniyang mapapangasawa. He was mesmerized by Duday’s amazing looks. Aminin man niya o hindi, nakuha ng kaniyang bride ang attention niya.
Nang abutin niya ang kamay nito, parang sasabog ang dibdib niya dahil sa sobrang kaba. Deep in his heart, marami siyang gustong sabihin sa babaeng minsan ay naging mundo niya ngunit ito rin ang nagwasak ng puso niya. A sharp pain struck Asher's heart as the memories of the past flashed in his mind.
Piniling niya ang kaniyang ulo at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Duday. Nahaplos din niya ang kaniyang baba. Batid niyang may pinaplano ito laban laban sa kaniya kaya naghahanda na siya para mapigilan ito na saktan siyang muli.
“You looks great,” kunwari papuri ni Asher sa katabi na niyang bride. Mas lumapad pa ang kaniyang ngiti para itago ang galit at panghihinayang na kan'yang nararamdaman. .
“Wala akong ibabayad sa peke mong papuri sa akin,” bara naman sa kaniya ni Duday. Ngunit behind her mind ay naglalaro ang mga katagang, “Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi niya ako kaya para hindi n'ya ako apihin.”
Pigil ang emosyon, ipinakita ni Duday sa lahat kung gaano niya kamahal ang lalaking batid niyang itinuturing siyang kaaway kaysa magiging asawa.
“Hindi oobra sa akin ang katarayan mo. I will destroy you and your fücking ambitions,” bulong ni Asher sa kaniya.
Hindi kumibo si Duday at sa halip ay humarap siya kay Asher dahilan para muntik nang lumapat ang mga labi nila.
“Not too soon, mga anak. Tapusin muna natin ang seremonya ng kasal bago ang kiss the bride,” pigil ng pari sa kanila.
Nakabibinging tawanan ang maririnig sa paligid kaya napayuko na lang sina Asher at Duday sabay pabulong silang humingi ng paumanhin sa pari.
Nagsimula ang seremonya ng kasal. Kapwa halos mabingi sina Asher at Duday sa lakas ng t***k ng mga puso nila.
Nang dumating ang oras para sabihin na ng dalawa ang pangako nila sa isa't-isa, pansamantalang nakalimutan ni Duday na isa lamang siyang character sa palabas na napagkasunduan nila ni Asher. Buong puso niyang hinintay ang unang salitang lumabas sa bibig ng napaka-guwapong lalaking nakasuot ng tuxedo na nasa harapan niya.
“Duday, I promise to protect you at all costs. I will never cheat on you. I will never hurt you physically, emotionally, and mentally,” saad ni Asher.
Physically…
Emotionally…
Mentally…
Parang nakarinig si Duday ng bombang sumabog. Ang wedding vows ni Asher ay isang pagbabanta! It sounded so pleasing sa pandinig ng iba pero batid niyang hindi iyon magandang pangako.
She composed herself. Ilang beses siyang lumunok ng laway. Hindi maaaring sa simula pa lang ng laban ay talo na siya.
“Asher, I have loved you since the day I came to the Vilgara mansion. Buong buhay ko ay umikot sa iyo. Alam kong since then ay minahal mo rin ako. A lot of things have changed pero alam kong hindi nawawala sa puso mo ang pagmamahal mo sa akin. I promise to be with you until we grow old. Bahala kang manawa sa mukha at ugali ko pero kahit anong gawin mo, para akong magnet na nakadikit na sa iyo hanggang kamatayan.” Idiniin ni Duday ang bawat salitang binigkas niya.
Marami ang napaiyak dahil sa sumpang binitawan ng mag-asawa. Halos lahat ay paniwalang-paniwala na totoo ang mga nakikita at naririnig nila, ngunit hindi si Don Hayco. Mahigpit ang kapit ng seventy-five taong gulang na lolo ni Asher sa hawak nitong baston at mataman itong nakatingin sa masayang mukha ng mga ikinakasal.
Habang nagpapatuloy ang pari sa pagmimisa, tahimik lang si Don Hayco Vilgara. Sa edad niya, hindi siya malilinlang ng kahit sino, kahit nina Asher at Duday pa. He knows what is happening around him kaya naman sa isip niya ay pinaplano na niya ang magiging kapalaran ng mga ikinakasal. Siya ang gagawa ng future ng mag-asawa. Siya ang magiging pader na titindig para ang poisonous vow na binigkas nina Asher at Duday ay maging kasing tamis ng ubas na mula pa Italya.
"You may now kiss the bride," saad ng pari.
Nagkatinginan ang mga bagong kasal. Ilang sandali pa, kapwa sila napatingin kay Don Hayco na noon ay malalim ang iniisip at inaalala ang nakaraan. Napatingin din si Don Hayco sa mga bagong kasal. Hindi siya nagsisisi na pinakasal niya sina Asher at Duday kahit labag iyon sa loob ng mag-asawa.
Ngunit ang hindi alam ng lahat, sa labas ng simbahan, may pares ng mga matang nakatingin kina Asher at Duday. Siya ang susi sa lihim ni Don Hayco. Lihim na babago sa kani-kanilang buhay.
“Bria San Sebastian alyas Duday, babalikan kita,” saad ng ng lalaki sabay lakad palayo sa simbahan.