Chapter 74

1065 Words

Matapos ang maagang exercise namin ni Seb, nagpaalam siya sa akin na aalis muna. Hindi ko na tinanong pa kung saan ang kaniyang punta at alam ko namang busy rin siya sa negosyo nila. Umingit ng iyak si Sab kaya bumaba ako sa kama upang lapitan ang aking mahal na prinsipe. "Hello, baby! Good morning!" malambing kong kausap kay Sab. Inayos ko pa muna ang suot kong roba saka yumukod upang buhatin si Sab na patuloy lamang sa pag-ingit ng iyak. "Why are you crying, baby? Nagugutom ka na ba?" Nilaro-laro ko ang gilid ng kaniyang bibig gamit ang dulong hintuturo ko. Hinabol naman ng bibig ni Sab ang hintuturo ko kaya nasiguro ko ngang gutom na siya. Naglakad ako pabalik sa kama upang umupo roon at padedehin si Sab. Breast milk ang gatas na ipinaiinom ko kina Sab at Neri dahil bukod sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD