Kasalukuyan kaming kumakain nang iabot sa akin ni Seb ang isang brown envelope. "Ano 'to?" tanong ko sa kaniya. "Open it, Baby!" nakangiting utos nito. Binuksan ko ang envelope at nang mabasa ko ang nakasulat sa lamang papel niyon, hindi ko na napigilan pang maluha. Tumayo si Seb at lumapit sa akin saka niyakap ako nito mula sa likurang bahagi ng aking katawan. "I want the best for you, Baby!" bulong pa sa akin nito. "Seb..." Nanginginig ang mga kamay kong humaplos sa kaniyang braso. Registration form na may kasamang resibo sa isang unibersidad ang laman ng brown envelope. Ayon sa nakatala sa dokumento, bayad na lahat ang tuition fee at anumang bayarin doon. Pagpasok na lang ang aking gagawin. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?" Mahigpit na yumakap sa akin si Seb. "Gustong-gusto

