Naabutan kong natutulog ang aking asawa habang nakapatong sa dibdib niya si Sab. Nasa tabi niya rin si Neri nakapwesto at tulog na tulog din ang aking prinsesa. Mukhang katatapos lang magdede ng mga anak ko sa kanilang ina at nakatutuwa talaga silang pagmasdan. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng pantalon ko at kinuhanan ko sila ng litrato. Napangiti ako nang mamasdan ang aking mag-ina sa loob ng gallery ng aking cellphone. Isinet ko ang larawan nila bilang wallpaper. "Kay gandang tanawin!" Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at saka yumukod upang dampian ko ng halik sa noo ang aking asawa. "Uuhmm!" paungol na usal nito. "I love you, Baby!" bulong ko sa kaniya. Idinilat ni Nena ang kaniyang mga mata at saka matamis na nginitian niya ako. "I love you!" "Kumain ka na ba?" M

