Ilang minuto matapos makapanganak ni Nena sa loob ng sasakyan, inayos ko na sila ng mga bata upang tuluyang dalhin sa ospital. Agad kaming sinalubong ng mga nurse at doktor upang asikasuhin ang aking mag-ina. Tinawagan ko si Mama upang ipaalam sa kaniya na nakapanganak na si Nena. Matapos kong makipag-usap sa ina, nilapitan ko ang asawang inilalabas mula sa loob ng emergency room. "Excuse me, Doc! Saan niyo po dadalhin ang asawa ko?" tanong ko sa doktor na isa sa mga nagtutulak sa higaang kinahihigaan ni Nena. Pinagmasdan ko ang mukha nang natutulog kong asawa. Payapa siyang nakapikit habang may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. "Ililipat na po namin siya sa room, Daddy. Natahi na namin ang sugat niya at nalapatan na rin namin ng gamot. She needs rest now!" tugon naman sa akin

