Ang init ng pakiramdam ko at mula pa kaninang paggising namin ay halos 'di na ako mapakali. Inaya ako ni Seb maligo sa dagat pero hindi ako sumama kung kaya mag-isa siyang umalis. Masakit ang ulo ko at gusto ko lang ay humiga maghapon. Mula sa pagkakahiga sa kama ay naramdaman ko ang pag-ikot ng sakit sa buo kong balakang. "Diyos ko, manganganak na po ba ako?" piping tanong ko sa hangin. Sinubukan kong bumangon mula sa kama upang kumuha nang maiinom na tubig sa kusina. Napangiwi ako ng muli kong maramdaman ang sakit na ngayon ay umaakyat na sa aking tiyan. "Seb!" naiiyak kong tawag sa asawa kahit pa nga alam kong malabo niya akong marinig. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa kusina nang humupa ang sakit mula sa aking tiyan. Dali akong uminom ng maraming tubig upang makara

