Chapter 35

1041 Words
"Talaga po?" bulalas kong tugon kay Mama LJ. Sunod-sunod na pagtango naman ang itinugon sa akin ni Mama LJ. Bigla akong kinabahan kung kaya napalunok ako ng laway. "Handa na nga ba ako?" Sumunod ako kay Mama LJ nang bumaba ito sa maliit na entablado. Tinumbok namin ang pinakadulong bahagi ng club kung saan hindi gaanong maliwanag ang ilaw kung kaya hindi rin madaling makita ang mga taong nakaupo roon. Ang lakas ng tambol ng dibdib ko nang maaninag ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng lalaki. "Seb..." sambit ko habang papalapit nang papalapit kami ni Mama LJ sa kaniya. "Ikaw na ang bahala sa customer natin, Nena. Ibibigay niya sa iyo ang kabayaran mamaya," nakangiting saad sa akin ni Mama LJ. Tila nalulon ko ang sariling dila kung kaya hindi ako nakasagot. Tinapik pa muna ako ni Mama LJ, bago tuluyang iniwan kay Seb. "Bayad ko ang serbisyo mo, Nena. Kaya wala kang choice kundi sumama sa akin." Matalim na irap ang itinapon ko sa kaniya. "Kaya ko rin bayaran ang serbisyo niya. Kaya huwag kang sumama sa kaniya." Nagulat ako nang kumapit sa braso ko ang kamay ni Kobie. Hinila naman ako ni Seb sa kabilang braso kung kaya napagitna na ako sa kanilang dalawa. Matalim na tingin ang ipinukol nila sa isa't isa at kung nakamamatay lang siguro ang tinginan nilang iyon malamang kanina pa ako bumulagta. "Sa akin ka sumama, Nena." May pagsusumamong pakiusap ni Kobie. "Kobie..." Gusto kong maawa sa kaniya dahil sa nakikita kong itsura nito. "Bayad ko ang serbisyo mo, Nena!" mariing anas ni Seb na inulit lamang ang kaniyang sinabi kanina. Malakas akong napatili nang dumapo ang kamao ni Kobie sa mukha ni Seb. Gumanti naman ng suntok ang huli kung kaya nalugmok sa sahig si Kobie. Bumangon si Kobie mula sa sahig saka sinugod si Seb upang muling suntukin sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin dahil sa pareho silang malalakas kung kaya tinawag ko si Dahlia upang pigilin nito si Kobie habang ako naman ang pumigil kay Seb. "Tama na 'yan!" malakas kong sigaw sa kanilang dalawa. Muli sanang magpapambuno ang dalawang lalaki nang pumagitna ako sa pagitan nila. "Hindi na magbabago pa ang desisyon ko, Kobie." Isinapo ko ang isang palad sa kaniyang pisngi saka masuyong hinaplos ko siya roon. "Pakiusap, Nena... Sa akin ka sumama! Handa akong gawin ang lahat para mapaligaya ka kagaya ng nais mo," naluluhang sambit nito. Malungkot na iniling-iling ko ang ulo bilang tugon sa binata. Gustuhin ko man sumama kay Kobie ay hindi ko maaaring gawin dahil alam kong mahihirapan siyang unawain ang tungkol sa aking sakit. Marahas kong hinila si Seb sa braso upang tuluyan na kaming umalis. Ngunit hindi pa kami nakakalabas ng pintuan nang pigilan ako sa kamay ni Kobie. "Nena, please... Sa akin ka sumama," may pagsusumamong pakiusap nito habang panay naman ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang pisngi. "Kobie..." Nahabag ako sa anyo ni Kobie. Akmang lalapitan ko na sana ang binata nang hilahin ako ni Seb sa kabilang kamay ko. "Umalis na tayo, Nena!" matigas na wika ni Seb saka hinila na ako nito palayo kay Kobie. "Nena!" malakas na sigaw ni Kobie at nakita ko mula sa papasarang pintuan ang paglapit ni Dahlia sa binata. Halos nakakaladkad na ako ni Seb sa marahas nitong paghila sa akin kung kaya buong pwersa kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakakapit nito. "Nena!" pagalit na saad niya sa akin saka muling kinapitan nito ang braso ko. "Nasasaktan ako, Seb!" Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Mas masasaktan ka sa akin kapag hindi ka sumakay sa loob ng sasakyan," mariing anas nito. "Sakay!" Galit na tiningnan ko siya sa mukha at nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito. Madilim ang bukas ng kaniyang anyo na tila anumang sandali ay tutumba ako mula sa pagkakatayo kung hindi ako susunod sa sinasabi niya. Nakabusangot na pumasok ako sa loob ng kaniyang sasakyan saka inismiran ko si Seb. "Akala mo gwapo, pangit naman!" bubulong-bulong kong anas. "May sinasabi ka?" Napaigtad ako sa pagkakaupo ng malakas niyang ibagsak ang pintuan ng sasakyan. "Wala! Pakibilisan mo nang umalis at baka sumunod pa sa atin si Kobie. Kapag nangyari iyon, sa kaniya na talaga ako sasama nang makabawi naman ako sa kaniya," litanya ko sa kaniya saka inismiran ko siya. "Subukan mo lang, Nena! Tandaan mo may atraso ka pa sa akin," pagalit naman nitong tugon. "Atraso?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya. "Ipapaalala ko sa iyo." Pinindot nito ang button sa kaniyang tabi at nagtaasan pasara ang mga bintana ng sasakyan. Malakas akong napatili nang buhatin nito saka ipinaupo sa ibabaw ng kaniyang mga hita. "Seb! Ano'ng ginagawa mo?!" Pinagbabayo ko siya sa dibdib saka pilit akong umalis sa ibabaw ng kaniyang kandungan. "Enough!" Natigil ako sa pagbayo sa kaniyang dibdib ng malakas na magsalita ito. Para akong batang napagalitan ng kaniyang ama kung kaya nanahimik ako. "Alam ko na ang totoo, Nena." Maang akong napatitig sa kaniyang mukha kasabay nang pagtatanong ng aking mga mata. "Meron kang 'Compulsive S*xual Disorder' at alam ko ang tungkol sa sakit mo." Napanganga ako sa sinabi ni Seb. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko pati na rin ang nagbabantang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata. "S-sinong nagsabi sa iyo niyan?" utal kong tanong kay Seb, kahit na alam ko namang iisang tao lang ang nakaaalam nang pinakatatago kong sikreto na walang iba kundi ang doktor na tumutulong gamutin ang aking sakit. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa ginawang panghahalay sa iyo ng tiyuhin mo?" Nahimigan ko ang galit sa tono ng boses nito. Tuluyang naglandas sa mga pisngi ko ang pinipigilang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Seb dahil tanging pag-iyak lamang ang alam kong gawin ng mga sandaling iyon. Kinabig ako ni Seb palapit sa kaniyang katawan saka mahigpit na niyakap ako nito kasabay ng masuyong paghagod niya sa aking likuran. "Sshh... I'm here to protect you!" Lalo akong napaluha nang marinig ang mga binigkas nito. Sa muling pagkakataon ay nadama ko ulit ang kapanatagan sa aking dibdib kagaya na lamang nang pagligtas niya sa akin noon mula sa kamay ni Rodel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD