"O, Kobie! Napasugod ka yata?" gulat kong tanong sa binata nang mapagbuksan ko ito ng pintuan.
Nagitla ako ng bigla niya na lamang akong kabigin saka siniil ng halik sa aking labi.
Tinugon ko ang kaniyang halik dahil sa unti-unti na rin akong nadadarang niyon. May kung anong kakulangan akong naramdaman sa halik na iyon.
"Nena..." usal nito nang bitiwan ang aking labi.
"Kobie..." hinihingal kong tugon naman sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang kaniyang gwapong mukha at kakaibang kislap ang nasilayan ko sa kaniyang mga mata.
Pakiramdam ko'y may kakaiba akong nararamdaman para kay Kobie. Pero hindi pwedeng puso ko lang ang gagamitin ko.
May sakit ako at kailangan kong ma-satisfied ang pangangailangan ng katawan ko upang malunasan iyon.
Nagpakawala ako ng matunog na buntonghininga at saka humugot ng lakas ng loob para magtanong sa binata.
"Kobie, magaling ka ba?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Nakitaan ko siya ng gulat sa kaniyang mukha pero ganoon pa man ay hindi pa rin nawala ang kaniyang dating. At inaamin kong napakagwapo niyang talaga.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagugulumihanan nitong tanong sa akin.
"Kaya mo ba akong paligayahin?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kaniya.
"Bakit mo naman naitanong iyan?" Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha pero nagawa pa rin niyang tumugon.
"Dahil kailangan ko 'yon Kobie!" bulalas ko sa binata.
Alam kong naguguluhan na si Kobie pero hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Nahihiya ako sa sakit ko at pakiwari ko'y hindi siya ang taong makakatulong sa akin.
"Hindi kita maintindihan, Nena?" naguguluhang anas ni Kobie.
"Alam mo ang tinutukoy ko, Kobie! Hindi na ako virgin at wala rin akong maipagmamalaki sa iyo. Mabuti pang humanap ka na lang ng ibang babaeng nararapat para dahil hindi tayo nababagay sa isa't isa," malungkot kong saad sa binata saka umatras ako palayo sa kaniya.
"Wala akong pakialam kahit sino ka pa, Nena. Handa akong tanggapin ang buo mong pagkatao," madamdaming wika nito na nagpaantig sa aking puso.
Humakbang ito palapit sa akin ngunit ikinumpas ko ang kamay sa kaniya upang pahintuin siya. Mas nananaig ang isipan ko kaysa sa idinidikta ng damdamin.
"Kung kaya mo akong paligayahin sa kama ng higit pa sa ginagawang pagpapaligaya sa akin ng kaibigan mong si Seb..." Huminto ako sa pagsasalita saka mataman ko siyang tinitigan sa mga malamlam niyang mga mata. "Iyong-iyo ako, Kobie!"
Nakita ko ang pagkatigagal ng binata at 'di ko maunawaan kung bakit tila natigilan siya sa aking sinabi.
Humakbang ako palapit sa kaniya at hinubad ko ang pang-itaas na damit. Humantad sa kaniyang mga paningin ang malulusog kong dibdib.
Kitang-kita ko ang sunod-sunod na paglunok nito ng laway kasabay ng tila panginginig ng kaniyang katawan.
Kinuha ko ang kamay niya at naramdaman ko ang panlalamig ng mga iyon. Ipinalapat ko ang kaniyang mga kamay sa aking dibdib saka sinabayan ko ang mga iyon na pumisil doon.
"Kaya mo ba akong paligayahin, Kobie?" pausal kong tanong sa kaniya.
"Nena..." paos niyang sambit sa aking pangalan.
"Kung kaya mong higitan ang sarap na ipinalasap nila sa akin, go Kobie! Iparamdam mo sa akin ngayon." Muli kong ipinapisil ang kamay niya sa aking dibdib na pareho naming ikinasinghap.
Napaigtad kami pareho ng malakas na tumunog ang cellphone nito. Napailing-iling si Kobie ng kaniyang ulo saka dinampot nito ang blouse ko sa sahig.
"Iginagalang kita bilang babae Nena at 'di ko gustong samantalahin ang pagkakataon upang gamitin iyon sa pansarili kong pangangailangan." Ipinasapo nito ang palad niya sa aking pisngi saka marahang humimas doon.
"Aaminin kong wala pa rin akong experience sa kama kung kaya hindi ko kayang tapatan ang galing ni Seb. Pero handa akong matuto mula sa iyo." Paulit-ulit nitong hinimas ang aking pisngi.
Nabigla ako sa kaniyang sinabi kasabay nang pag-awang ng aking mga labi. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang ipinagtapat ngunit hindi rin ako handang maging tutor niya pagdating sa kama.
Alam kong nag-level up na ang sakit ko dahil sa madalas ko nang hinahanap ang bawat sandaling nagsasanib ang aming mga katawan ni Seb.
"Nena..." muling natuon ang mga mata ko sa mukha ni Kobie saka iniling-iling ang aking ulo.
"Makakaalis ka na Kobie..." mahinang anas ko sa binata.
Sinubukan akong yakapin nito ngunit itinulak ko lamang siya.
"Umalis ka na!" mariing utos ko sa kaniya saka lumapit ako sa may pinto upang buksan iyon ng malaki.
Malungkot na tumingin pa muna sa akin ito saka tuluyan siyang umalis. Ipininid ko ang pinto saka nanghihinang napaupo ako sa may likod ng pinto.
Kaysarap isiping tanggap ako ni Kobie. Pero matatanggap pa rin kaya niya ako oras na malaman nito ang tungkol sa sakit ko?
Napayukyok na lamang ako sa sahig saka niyakap ang aking mga tuhod kasabay nang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay inayos ko na ang sarili upang maghanda sa pagpasok sa Seductress Club.
"Kalilimutan ko na lang si Kobie!" bulong ko sa isipan.
Pagdating ko sa Seductress Club ay naabutan ko si Dahlia sa dressing room na naglalagay na ng make-up sa kaniyang mukha.
"Hay salamat at dumating ka na. Ba't ba late ka?" tanong sa akin nito habang patuloy sa paglalagay ng lipstick sa kaniyang bibig.
"Pasensiya na, matrapik kasi!" pagdadahilan ko naman kay Dahlia.
"O siya, bilisan mo na at nang maisalang ka na. May customer nang naghihintay sa atin," ani nito sa akin.
Mabilis kong inayos ang sarili at nang matapos ay agad na akong lumabas ng dressing room upang magtungo sa may maliit na entablado kung saan nakaupo ang mga escort na tulad ko.
Nakita ko ang pagpasok ni Kobie sa may pintuan ng club at tila lasing na ang binata sa paraan nang paglalakad nito. Umupo ito sa mesang nakatapat sa akin saka um-order ito ng inuming alak.
Ilang oras na akong tinititigan ni Kobie at alam kong lasing na lasing na rin siya dahil sa namumungay nitong mga mata.
Ngunit hinayaan ko na lamang siya at kunwa'y hindi ko nakikita ang kaniyang ginagawa.
"Nena..." Nilingon ko si Mama LJ nang tawagin ako nito.
"Yes, Mama LJ?" nakangiting sagot ko naman.
"May bumili ng serbisyo mo. Handa ka na ba?" nakangiting tanong pa sa akin ni Mama LJ.