Chapter 33

1051 Words
"Seb, Anak, hindi ka ba pupunta ng opisina?" tanong sa akin ni Papa. "Hindi po. Pupuntahan ko po si Kobie sa opisina niya," sagot ko sa ama. "May lakad kayo?" tanong naman ni Mama. "Wala po, Ma! Pero may pag-uusapan po kaming mahalaga," tugon ko naman sa ina. "Gano'n ba? O siya, pakisabi na lang na tawagan naman ako ng Mommy niya," habilin naman sa akin nito. "Sige po, Ma! Tuloy na po ako," paalam ko sa kanila. Humalik pa muna ako sa kanilang dalawa ni Papa bago tuluyang umalis. Pagdating ko sa building kung saan naroon ang opisina ni Kobie ay agad akong pinapasok ng sekretarya nito. "Kobie, mag-usap tayo!" saad ko sa kaibigan. Naabutan ko ito sa loob ng kaniyang opisina na abala sa pagpirma sa mga dokumentong nakaharap sa kaniya. "What about?" tanong nito na 'di man lang nag-abalang itaas ang kaniyang paningin sa akin. "Nasaan si Nena?" diretsong tanong ko sa kaibigan. Huminto ito sa kaniyang ginagawa saka inangat ang kaniyang ulo sa aking gawi. "Bakit mo sa akin hinahanap si Nena?" balik tanong naman nito. "Don't get me fool, Dude! Alam kong alam mo kung nasaan si Nena," nanggigigil kong saad sa kaniya. "Wait..." Kuyom ang mga kamaong tumayo ito mula sa pagkakaupo saka hinarap ako. "May gusto ka ba kay Nena?" tanong pa niya sa akin. "She's my student from the past," malumanay kong tugon sa kaniya. "Then, tapos na ang relasyon ninyo bilang isang guro at mag-aaral sa loob ng classroom, Dude." Pabalagbag na umupo ito sa kaniyang swivel chair. "You don't understand, Kob! Nena, needs me," muling ani ko sa kaibigan. "No, she's not! I'm here to protect her. Besides, ako naman talaga ang pinili niya noon sa club. Nagpumilit ka lang mauna kaya ikaw ang nauna sa kaniya," pasarkastikong saad niya sa akin. Pakiramdam ko'y biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo kung kaya nilapitan ko ang kaibigan saka binigyan ko siya ng suntok sa panga. Napaatras si Kobie kasama ng swivel chair nito sa lakas ng pwersa nang pagkakasuntok ko sa kaniya. "You're so unbelievable, Kob! Pa'no mo nagagawang magsalita sa akin ng ganiyan. Ikaw na mula pagkabata ay kasama ko na sa lahat," tiim bagang kong tanong sa kaniya. Nag-iigtingan ang mga panga ko sa sobrang galit at parang gusto kong dagdagan ang suntok na ibinigay ko sa kaniya. "I like her and I don't care kung ano pa man ang background niya. Handa akong pakasalan si Nena." Natigilan ako sa sinabi nito. Tinitigan ko si Kobie at kitang-kita ko ang kaseryosohan ng kaniyang mga sinabi sa bukas ng kaniyang mukha. Alam ko kung kailan ito nagbibiro at kung kailan din seryoso sa kaniyang mga sinasabi. Ngunit hindi rin ako makapapayag na mapunta sa kaniya si Nena dahil ako ang nauna sa dalaga at ako lang din ang makakatulong na gamutin ang sakit nito. Marahas na napabuntonghininga ako saka nilisan ko ang loob ng opisina ni Kobie. Dumiretso ako sa Seductress Club at nagbakasakali akong makita roon si Nena ngunit wala pa rin ang dalaga. "Aagghh!" malakas kong hiyaw saka pinagsisipa ko ang gulong ng aking sasakyan. "Saan ko naman hahanapin si Nena?" tanong ko pa sa sarili. May nakita akong magandang babae na nakatayo sa may pintuan ng club na tila may hinihintay siyang kakilala. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang mga paa kong humakbang palapit sa babae. "Miss!" tawag ko sa babae. "Yes?" malambing nitong sagot sa akin. "May itatanong lang sana ako," turan ko sa kaniya. Lumakad palapit sa akin ang babae at ipinakendeng-kendeng ang kaniyang balakang na tila inaakit niya ako. "Bibilhin mo ba serbisyo ko?" tanong sa akin nito saka inihaplos ang daliri niya sa aking pisngi. "Mali ka ng sapantaha, Miss," tugon ko sa babae saka umatras ako sa kaniya palayo. Ngumiti sa akin ang babae saka pinapungay nito ang kaniyang mga mata. "Akala ko pa naman bibilhin mo na ang serbisyo ko," dismayadong sabi nito. "Pasensiya na, Miss!" hinging paumanhin ko sa kaniya. "Mas mura ang halaga kung dito natin sa labas pag-uusapan 'yan kaysa sa loob," nang-aakit pa niyang wika sa akin. "Itatanong ko lang sana sa iyo kung may Nena ba ritong nagtatrabaho." Unti-unting nawala ang ngiti nito sa labi saka seryosong tumingin sa aking mukha. "Nena? Si Nena na nanggaling din sa ibang club?" mulagat nitong tanong sa akin. "Oo, Miss! Siya nga!" bulalas ko naman sa babae. "Naku, siya nga inaabangan ko rito. Anong oras na wala pa rin, baka mam'ya sinundo na naman iyon ng boyfriend niyang si Kobie." Pakiramdam ko'y bigla akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig na sinabi nito. "Boyfriend?" paulit-ulit kong sambit. "Paulit-ulit lang, Sir?" nakakalokong tanong sa akin nito. "Alam mo ba kung saan nakatira si Nena?" patuloy kong tanong sa babae. "Hindi rin! Pero kung gusto mo siyang makausap, hintayin mong dumating si Nena at saka mo bilhin ang serbisyo nito bilang escort," saad pa niya sa akin. "Escort?" tanong ko pa sa babae. "Escort kami rito, Sir. Malaya kaming i-table ng mga customer dito basta nasa tamang halaga lang ang lahat. Pero bawal mo kaming iuwi, maliban na lang kung handa kang maglabas ng milyon sa mga tulad namin ni Nena," paliwanag pa nito. Lihim akong napangiti sa sinabi nito dahil may naisip akong magandang ideya upang mailayo si Nena kay Kobie. Bibilhin ko ang serbisyo ng dalaga! "Hoy, Sir! Naririnig mo pa ba ako?" Ipinitik-pitik pa ng babae ang daliri niya sa harapan ng aking mukha. "Ha? Ahm, yes!" tugon ko naman sa kaniya. "Ako nga pala si Dahlia, ang magandang dilag ng Seductress Club!" pabirong saad naman nito. "Dahlia, maaari mo ba akong samahan sa manager mo? Kakausapin ko lang siya. "Sure! Halika at sasamahan pa kita," aya pa sa akin nito. Naunang humakbang si Dahlia papasok sa loob ng club na sinundan ko naman. Dinala niya ako sa loob mismo ng opisina saka tinawag nito ang manager na agad namang lumapit sa amin. Nagpaalam na si Dahlia at bago pa ito tuluyang makatalikod palayo ay inabutan ko pa muna siya ng limang libo bilang pasasalamat sa kaniyang kabutihan. Masinsinan kong kinausap ang manager saka binayaran ko ang kabuuang halagang kinakailangan para lamang mabili ang serbisyo ni Nena bilang isang escort. "Humanda ka sa akin Nena, oras na magkita na tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD