"Where's Kobie?" tanong ko sa kambal na sina CJ at JC pagkaupo ko pa lamang sa upuan
"I don't know!" kibit balikat na sagot ni JC.
"Baka magkasama sila ni Jerome. Alam mo naman ang dalawang iyon laging may transaction," ani naman ni CJ.
"Napapansin kong madalas na wala si Kobie sa night gig natin," muling saad ko sa dalawa.
Dati-rati kasi ay ang kaibigan ang unang nagtatawag sa amin para magkita kami sa club.
"Bagong buhay na raw siya!" sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalitang si Jerome.
"Huh?" kunot noong tanong ko sa kaniya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mag-aasawa na yata si Kobie. Seryosong-seryoso sa pagbabakod sa chika babes niya," nakangising anas pa nito.
"What do you mean?" muling tanong ko kay Jerome.
Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib ko na 'di ko mawari kung para saan. Sumagi sa isipan ko si Nena at ang posibilidad na magkasama silang dalawa ni Kobie.
Ilang araw ko nang hinahanap si Nena dahil para na akong mamatay sa pag-aalala sa kaniya.
Ang sabi ni Gardo ay hindi na bumalik ang dalaga roon matapos ng huling araw na nagpakita sa kaniya.
Pabalik-balik ako sa bahay nila ngunit wala rin siya roon.
Nalaman ko pa buhat sa OB Gyne ni Mama na siyang doktor din ni Nena na may sakit ang dalaga.
Matapos kong maiuwi si Mama sa bahay ay binalikan ko ang doktor upang alamin ang sakit ng dalaga.
Ipinaliwanag sa akin ng doktor ang sakit ni Nena, kung kaya lalong nadagdagan ang pag-aalala ko sa kaniya.
Tunay ngang nag-aalala ako kay Nena dahil baka kung sino-sinong lalaki na ang nakakasama nito sa kama na mas makakadagdag pa ng sakit sa kaniya.
Gusto kong tulungang gumaling ang dalaga sa sakit nito ngunit saan ko pa siya hahanapin gayong napuntahan ko na yata ang lahat ng club maliban sa Seductress Club.
Dali-dali akong tumayo nang maisip ang club na iyon.
"Where are you going, Dude?" tanong sa akin ni JC.
"May hahanapin lang ako," tugon ko naman sa kaibigan.
"Dude, matanda na si Kobie para hanapin mo. Hayaan mo na siya," natatawang turan ni CJ.
"Hindi si Kobie ang hahanapin ko," sagot ko naman sa kaniya.
Humakbang na ako palabas ng club at dire-diretsong tinungo ang sasakyan kong naka-park sa may bandang dulo ng parking lot.
Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa Seductress Club at agad kong hinanap doon si Nena, ngunit nabigo akong makita roon ang dalaga.
Bagsak ang mga balikat na lumabas ako ng club at walang ganang tinawagan ko ang kaibigang si Jerome. Inaya ko itong lumipat sila rito sa Seductress Club upang dito kami uminom.
Maya-maya'y dumating si Jerome mag-isa. Hindi na nito kasama sina CJ at JC dahil umuwi na rin ang dalawa.
Habang nasa kalagitnaan kami nang pag-iinuman ay nabanggit ni Jerome si Kobie.
Nasabi ni Jerome na rito nagkita si Kobie at ang babaeng binabakuran nito.
Nakadama ako ng inggit sa kaibigan kung kaya pinatawagan ko siya kay Jerome na agad naman nitong ginawa.
Dinig na dinig ko ang palitan nila ng sagutan na dalawa dahil ni-loud speaker ni Jerome ang kaniyang cellphone.
Iba ang saya sa tinig ni Kobie pero iba rin ang dating ng paraan nang pagsagot niya kay Jerome sa tuwing binabanggit ang tungkol sa babaeng binabakuran nito.
"Maswerte naman ang babaeng iyan," ani ko kay Jerome nang patayin na nito ang tawag kay Kobie.
"Sinabi mo pa!" naiiling na sagot naman ni Jerome sa akin. "Kunsabagay sino ba naman kasi ang hindi mabibighani sa ganda ng babaeng iyon. Kung ikaw nga, hindi mo na siya pinakawalan ng unang beses nating makilala, si Kobie pa kaya na halatang patay na patay sa dalagang iyon. Masarap sigurong gumiling sa kama siya, no?"
Naibuga ko ang iniinom na alak at padaskol na hinatak ko sa kaniyang polo si Jerome.
"Anong sinabi mo?" nagtatagis ang mga bagang kong tanong sa kaibigan.
"Dude! Relax! Lasing ka na ba?" balik tanong naman sa akin nito.
"Si Nena ba ang babaeng tinutukoy mo?" muling tanong ko sa kaibigan saka mas hinigpitan ko ang pagkapit sa kaniyang kwelyo.
"Nena ba ang pangalan ng dalagang dapat ay pagpapasa-pasahan natin noon sa kama?" painosenteng tanong pa niya sa akin.
Binigyan ko ng suntok sa panga si Jerome dahil sa mga pinagsasasabi nito. Pakiramdam ko'y binabastos niya si Nena sa aking harapan.
Iniwanan ko si Jerome sa Seductress Club para umuwi ng bahay. Bukas ko na haharapin si Kobie dahil tiyak na hindi ko rin naman ito makakausap ng matino sa telepono.
Sinalubong ako nang nakabusangot na mukha ni Mama pagpasok ko pa lamang sa may pinto.
Humalik ako sa pisngi ng ina at nagmano sa kaniya. Hindi ko pinansin ang pagsimangot nito sa akin, bagkus ay nginitian ko pa nga ng matamis si Mama.
"Saan ka na naman galing Seb? Alam mo mas matutuwa pa ako kung mag-asawa ka na lang. Nag-away ba kayo ni Nena, kaya ginagabi ka na naman ng uwi?" litanya sa akin ni Mama.
"Hindi po, Ma!" tugon ko naman sa ina.
"Ba't hindi mo na siya dinadala rito kung gano'n?" tanong pa sa akin ni Mama.
"Busy rin po kasi siya, Ma," pagdadahilan ko naman sa ina.
"Tigil-tigilan mo nga ako Seb sa mga kalokohan mo. Hindi ako fan ng mga lalaking anak na nag-uuwi ng iba't ibang girlfriend sa kanilang bahay baka akala mo. Naku, subukan mo lang talaga mag-uwi ng ibang babae rito maliban kay Nena, malilintikan ka sa akin!" nagbabantang wika ni Mama.
"Ma, naman!" kakamot-kamot sa ulong turan ko sa ina.
"Seryoso at alam mong hindi ako nagbibiro sa iyo, Seb," seryosong saad na ni Mama.
"Don't worry, Ma! Walang naman pong ibang babae akong iuuwi rito maliban kay Nena." Pagbibigay assurance ko sa ina.
"Bakit Kuya, pakakasalan mo na ba si Ate Nena?" sabat naman ni Sandra na biglang sumulpot sa likuran ni Mama.
Napangiwi naman ako sa sinabi nito. "Kasal agad?"
"Umayos ka Seb at talagang malilintikan ka sa akin oras na malaman kong nagpapaiyak ka ng babae. Kahit ikaw, Sandro!" Nahinto sa ginagawang paghakbang si Sandro nang banggitin ito ni Mama.
"Hala! Anong kinalaman ko riyan. Si Kuya lang naman itong babaero, hindi ako," nakalabing anas ni Sandro.
Mabilis kong nilapitan si Sandro saka binatukan ng malakas.