Chapter 67

1096 Words

"Sorry..." kagat labi kong sambit sa asawa nang umupo siya sa aking tabi. Nakaharap kami ngayon kay Perla na katatapos lang linisin nina Seb at Sonny. Tinabihan ni Sonny ang batang baka saka hinaplos-haplos nito iyon. "Bakit ka nagso-sorry?" Nilingon niya ako saka iniakbay ang kaniyang isang braso sa aking balikat. "S-sa pagkakatulak ko sa iyo kanina," pautal kong turan sa kaniya. "Bakit mo nga ba ako tinulak kanina?" nangingiti niyang tanong sa akin. "Kasi..." Nilaro-laro ko ang mga daliri ko sa kamay. "Kasi?" Nakita ko ang pagkaaliw sa kaniyang mga mata nang titigan ko siya roon. "Akala ko kasi panibagong babae mo na naman si Perla," nakalabing anas ko sa kaniya. Iniyuko ko ang ulo ko upang itago ang nararamdamang hiya sa aking mukha. Malakas na humalakhak si Seb dahilan pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD